Hello po, nakakatuwa po na nagustuhan niyo po ito. Ang kwento pong ito ay kathang-isip ho lamang. Sana po ay samahan niyo pa rin po ako hanggang sa dulo. Maraming salamat po sa inyong lahat. Ingat po kayo palagi ❤️❤️❤️
LIYANNA’S POV “Carlos,” sambit ko sa pangalan niya. Hindi ako makapaniwala na siya ang kasama at nandito ako sa place niya. Sh*t Liya! Siya kaya ang kahalikan ko kagabi? Bigla akong nainis sa sarili ko. Hindi ko matanggap, kasalanan talaga ng espiritu ng alak ang lahat.Ngayon ko lang rin naalala ang mga ginawa ko kagabi. Sh*t talaga! Nagpanggap pa rin ako na parang wala lang. “Good morning Liya, kumusta ang pakiramdam mo?” Nakangiting tanong niya sa akin. “Uuwi na ako,” walang emosyon na sabi ko sa kanya at naglakad papunta sa pintuan niya. “Kumain ka muna bago umalis.” pigil niya sa akin. “Hindi na may pasok pa ako sa opisina.” Sagot ko sa kanya. “Kahit kaunti lang,” malumanay na sabi niya sa akin. “Ano bang dapat kong sabihin para lubayan mo na ako? Ginagawa mo ba 'to para kunin ulit ang loob ko? O baka naguilty ka lang dahil sa ginawa mo sa akin noon?” Sunod-sunod na tanong ko sa kanya. “Liya, gusto ko lang naman malaman ang lahat. Alam ko na nasaktan kita. I'm sorry kung h
LIYANNA’S POV “Wow! Thank you po mommy.” Masayang sabi ng anak ko. Sobrang natuwa ito sa mga gamit niya sa school. Pagkarating kasi namin ay kaagad niya itong binuksan. Ngayon ko naisip, ganito rin kaya ako noong bata pa ako. Napangiti na lang ako dahil halatang excited na pumasok ang anak ko sa paaralan. Napapangiti na lang ako dahil ngayon ko lang siya nakitang na masaya. “She look so happy,” turan ni Charles sa tabi ko. “Yeah, ngayon ko lang siya nakita na ganyan kasaya.” Sagot ko naman sa kanya. “Wala ka bang balak na ipakilala siya kay Carlos?” Bigla niyang tanong sa akin. “Charles, mas okay na hindi niya ito makilala pa. Masasaktan lang ang anak ko,” malungkot na sagot ko sa kanya. “But he–” “Please Charles, ‘wag na natin siyang pag-usapan.” Putol ko sa anumang sasabihin niya. Sa tingin ko ay hindi dapat namin ito pinag-uusapan. Ayaw ko na baka marinig siya ni Mireya. Very observant ang anak ko na kahit akala mo hindi niya alam pero ang totoo nasa isipan na niya
LIYANNA’S POV Hindi ako makapaniwala na nandito siya. Ang ganda pa ng ngiti ng babaero. Binati niya ang kasamahan namin. Halatang kilala niya ang mga ito. Siguro nga dahil sikat siya sa lahat ng bagay pati na sa pagiging babaero niya. Hindi ko siya tinapunan ng tingin. Masisira lang ang mood ko kapag nakikita ko siya. “Good afternoon, Miss Torres.” Nakangiting bati niya sa akin. Gusto ko siyang irapan pero pinigilan ko ang sarili. Pinilit ko ang sarili ko na bigyan siya ng isang pilit na ngiti. “Good afternoon, Mr. Ballarta.” Bati ko sa kanya pabalik kaya ang lawak ng ngiti niya ngayon. Akala niya yata ay gusto ko siyang batiin. Napilitan lang talaga ako, professional ako kaya kailangan kong isantabi ang galit ko sa kanya. Bagay sa kanya ang suot niya. Infairness gwapo siya ngayon. Tumigil ka Liya, bakit mo ba siya pinupuri? Sabihin na natin na gwapo siya pero ubod naman siya ng pagkababaero. Kaya ka nga nasaktan dati dahil sa pagiging gahaman niya sa babae. Kaya kailangan mo ng
LIYANNA’S POVNanlaki ang mga mata ko sa ginawa niya. Pilit ko siyang tinutulak pero malakas siya at mas lalo lang niyang dinidiin ang sarili niya sa akin. Hindi naman ako tumigil sa pag-pumiglas hanggang sa binitawan niya ako.Pak!Pak!Pak!Sunod-sunod ang sampal na binigay ko sa kanya. Binalaan ko na siya pero ginawa niya pa rin. Napahawak ito sa pisngi niya pero nakangiti pa rin sa akin. Nagulat na lang ako dahil hinapit niya ulit ang baywang ko.“A–Anong ginagawa mo?!” Pasigaw na tanong ko sa kanya.“Gaganti lang ako babe, isang sampal mo pa at hindi lang halik ang gagawin ko sa ‘yo.” Nakangisi na bulalas niya sa akin. Ang lakas talaga ng loob niyang pagbantaan ako.“You’re crazy!” Galit na anas ko sa kanya.“Yeah, baliw na nga ako. Kasi binaliw mo ako simula noong iniwan mo ako. At hindi na ako papayag na iwan mo pa ako ulit. Akin ka lang Liya, akin lang. ” Sabi niya sa akin bago lumabas sa elevator.Napakuyom ako ng kamao ko sa inis. Gusto niya yata na makipaglaro sa akin. Okay
LIYANNA’S POV Nagising ako dahil may nag-doorbell. Ayoko sanang pansinin pero paulit-ulit na kaya kahit na nakapikit pa ang mga mata ko ay naglakad ako papunta sa pintuan. Wala sa sariling binuksan ko ang pintuan. “Good morning babe.” Kaagad naman akong napadilat nang marinig ko ang boses ni Carlos. Kaagad ko rin tinakpan ng kamay ko ang buo kong mukha. Dahil sa ginawa ko ay pumasok na lang siya bigla sa loob ng room ko. Nahihiya kasi ako dahil sabog pa ang buhok ko at wala pang hilamos. “Bakit ka pumasok? Pinapasok ba kita?” mataray na tanong ko sa kanya. “Ang taray mo naman babe, tulo laway ka pa nga eh.” Nakangising sabi niya sa akin. “Anong sabi mo–” Pasimple kong kinapa ang gilid ng labi ko. Narinig ko naman na tumawa siya kaya sinamaan ko siya ng tingin. Bwisit siya ang aga niyang nambulabog sa akin. Tapos ngayon naman ay inaasar niya ako. Puyat ako at gusto ko pa matulog. “Lumayas ka nga dito! Inaantok pa ako, gusto ko pang matulog pero isturbo ka.” Pagtataboy ko sa
LIYANNA’S POV“Alam mo sabihin mo na ang gusto mo sabihin!” Naiinis na sabi ko sa kanya, nakita ko namang parang kinakabahan ito.“We're still friends right?” Patanong na sagot niya sa akin na ikinakunot ng noo ko. May kakaiba sa kanya na alam kung hindi totoo ang sinabi niya. “Ako ba pinagloloko mo? Alam mo sa sarili mo na kailan man hindi tayo magiging magkaibigan.” ” Naiinis na saad ko sa kanya. Alam ko na iba ang ibig niyang sabihin sa akin. “Kasi Liya…. We're still…” Hindi niya matuloy-tuloy ang dapat niyang sabihin sa akin. Ramdam ko na kabado talaga siya. Kahit ako nakakaramdam na rin ng kaba sa totoo lang.“Still what?” Galit na tanong ko sa kanya. Nauubos ang pasensya ko sa kanya.“Still married.” Sagot niya sa akin.“Still married.”“Still married.”“Still married.”Paulit-ulit na nagpiplay sa utak ko ang sinabi niya. Hindi ko alam kung tama ba ang narinig ko pero…"A—Anong sinabi mo? Kasal? Kasal pa tayo?!” Hindi makapaniwala na tanong ko sa kanya.“I didn't file the annul
LIYANNA’S POVNag check-out na ako at hinintay ko na lang si Charles sa lobby ng hotel. “Any update?” Tanong ko sa kausap ko sa phone.“Pagkatapos po nilang umalis ay lumipat lang sila sa ibang unit.” Sagot niya sa akin.“Okay, bantayan mo lang sila. At i-update mo ako kaagad.” sabi ko sa kanya.“Noted Ma’am.” Sagot niya sa akin. “Thank you.” Ibinaba ko na ang tawag akala yata ni Pia ay maiisahan na niya ako. Aasikasuhin ko rin siya kapag maayos ko na ang iba ko pang problema.Ilang sandali pa ay dumating na kaagad si Charles. Kaagad niya akong niyakap, nang tumingin ako sa harapan ko ay nakatayo si Carlos na masama ang tingin sa amin. Sinalubong ko ang tingin niya at hindi ko siya pinakitaan ng kahit na anong emosyon.“Are you okay? What happened?” Sunod-sunod na tanong ni Charles sa ‘kin.“Umuwi na tayo,” sagot ko lang sa kanya.“Bakit hindi mo sabihin sa kabit mo na kasal ka pa? At asawa mo pa rin ako.” Biglang nagsalita si Carlos.“What are you talking about?” Nagtatakang tanong
LIYANNA’S POV “Mom….” “Kasi anak….” Umiiyak na ngayon si Mommy. Alam ko na may nililihim talaga sila sa akin. “Ano ba talaga ang totoo mom? May tinatago ba kayo sa akin?” Umiiyak na rin na tanong ko sa kanya. “Ang totoo anak….. hindi na tayo ang tunay na may-ari ng kumpanya.” umiiyak na sagot sa akin ni mommy. “M–Mom, a–anong ibig niyong sabihin?” Hindi makapaniwala na tanong ko kay mommy. “Anak, twenty percent na lang ang shares na meron tayo sa company. Naalala mo ba noong umuwi kami dahil aayusin namin ang problema sa kumpanya. Ang totoo anak hindi kaya ng daddy mong ayusin ang problema at kinailangan namin na lumapit sa iba para manatili ang negosyo natin.” “Bakit hindi niyo sinabi sa akin?” Umiiyak na tanong ko sa kannya. “Dahil alam namin na nahihirapan ka at maselan ang pagbubuntis mo noon. At hindi namin nais na makakadagdag sa stress mo. Kaya mas pinili namin na ilihim sa ‘yo ang lahat. Dahil umaasa kami na mababawi pa namin pero nagkasakit naman ang daddy mo.” “Pero