Share

Chapter 31

Chapter 31

Pinanood ko na lamang ang lumalayong pigura ni Calix dahil hinila na ako ni Attorney Shelby palabas. Sinabi rin nitong pinauwi na niya si Mama Elle, kaya hindi ko na kailangan pang magalala.

Pagbukas niya ng sasakyang sedan ay bumungad ang natutulog na si Aki. Tumabi ako rito at iniunan ang ulo niya sa mga hita ko.

“Nakita ko ang batang ‘yan sa mansyon, akala ko ba nasa tour ang klase nila?” nagtatakang tanong ni Attorney Shelby habang patuloy sa pagmamaneho.

Kinurot kurot ko ang pisngi ni Aki. “Ano pa nga ba?”

Sinabi na kasi sa ‘kin ni Aki na ayaw niyang sumama, pinilit ko lang dahil nga required din iyon at dagdag grade. Hindi ko naman alam na tatakas pala ang batang ito.

“Attorney, ano raw paguusapan namin?” pagbubukas ko ng usapan.

Attorney Shelby looked at me using the rear view mirror, then rolled his eyes. “Just ask that jerk when you get there,” tipid niyang sagot.

Napangiwi ako at saka binuksan na lamang ang bintana para pumasok
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status