Chapter 48 Hindi ako mapakaling pabalik balik sa loob ng kwartong tinutuluyan ko. Hanggang ngayon ay hindi pa rin nagsi-sink in sa akin iyong sinabi ni Annika. Napakaraming tanong ang bumabagabag sa utak ko. Paanong hindi naging sila, gayong kitang kita mismo ng dalawang mata ko? Pinaglololoko ba nila ’ko? Prank lang ba ’to? O ’di kaya naman ay ganti niya iyon sa ’kin. Napalingon ako sa malaking orasan nang tumunog iyon hudyat na alas dose na ng gabi at hindi pa rin ako makatulog. Masiyadong okupado ang utak ko ngayon kaya naman kahit anong pilit ko ay hindi ako makatulog. Alam ko naman kung saan ko mahahanap ang sagot sa nga tanong kong ito, pero natatakot akong magtanong dahil alam kong hindi ko kakayanin kung sakaling hindi ang inaasahan ko ang magiging sagot niya. Natigil ang paglipad ng utak ko nang tumunog ang seradura ng pinto senyales na may nagbukas noon. Mabilis akong sumampa sa kama at isinaklob ang makapal na kumot hanggang sa ulo ko. A familiar scent filled my nost
Chapter 49Mabagal lang ang ginawa kong paghakbang habang ninanamnam ang tamis ng manggang hawak ko. Hindi ko pa pala ito naubos, paano ko naman mauubos kung isang sako? Balak niya yata akong patayin sa dami ng binili niya. Dala ang isang plastic ng mangga ay tinungo ko ang daan papunta sa kwarto ni Annika, siya na ang huling hindi ko pa nabibigyan e’. Tapos ko ng dalhan iyong mga chef sa kusina, mga tagalinis na nakasalubong ko, maging iyong tagabantay ng gate ay nabigyan ko na rin. “Si Shelby pa nga pala. . .” pagkausap ko sa sarili at akmang babalik na paakyat pero sa huli ay napagdesisyunan ko ring mamaya nalang siya hanapin. Saan na naman kaya nagsusuot ang lalaki na ’yon? Sabi niya after this week ay kailangan na niyang bumalik sa manila dahil may kaso siyang dapat na asikasuhin. “Argh, fuck!” Mabilis na kumunot ang noo ko ng may marinig akong malakas na hiyaw na nanggagaling sa loob ng kwarto ni Annika, base sa tono ay boses niya ’yon, kailan pa siya nagmura ng gano’n? N
Chapter 50 Sa bawat parte ng silid ay maririnig ang mga putok ng baril. Sa magkabilang gilid ko ay palitang nagpapaputok si Annika at Shelby sa mga nakaitim na iyon, nakapasok na sila dito sa loob ng living room at mukhang doon sila dumaan sa veranda. Wala akong magawa kung hindi ang yumuko lang dahil kahit pa gusto kong tumulong, I can’t risk baby River. “Alisin mo na siya rito!” Napalingon ako kay Annika nang sabihin niya iyon. Mula sa kung saan ay sumulpot si Shelby, hinila niya ako patayo kasabay noon ay siya ding pagbangon ni Annika habang patuloy pa rin sa pagpapaputok. She was shooting aimlessly as if to caught them off guard. Dahil sa ginawa niya ay mabilis kaming nakarating sa pinto. Inangat ko ang kamay para sana hilahin siya pero kaagad niyang iwinaksi iyon.Nanlalaki ang mga matang pinukulan ko siya ng tingin. “H’wag mong sabihing ’di ka sasama?” “If ever I didn't make it back. . .” Ang tingin niya mula sa ’kin ay nalipat kay Shelby. “Annika, h’wag mo ’kong takutin. H
Chapter 51Nagsimulang tumunog ang isang ponograpo malumanay at masamyo ang tunog noon kasalungat ng mararahas na putukang nagaganap sa bawat sulok ng malaking kastilyo, sa t’wing tatama ang karayom na dahilan ng pagtugtog noon ay siya namang indayog ng isang babae. Kumikislap ang mga mata nitong pinapanood na magkagulo ang mga taong nasa baba ng kinalalagyan niyang opisina. Ipinikit niya ang singkit na mga mata at saka muling nagtatalon. “This is amazing!” tumatawa nitong wika habang isinasayaw ang laylayan ng suot na bistida. Ang tawa nito ay napalitan ng tili matapos tumilamsik ang pulang likido sa puti nitong bistida. Nagmumula ang likidong iyon sa braso niyang may tama ng bala. “The fuck!” daing niya habang nakahawak sa braso. Dali-dali siyang lumingon sa lalaking sanhi noon. Umuusok ang hawak nitong baril na sa pagkakataong iyon ay nakatutok pa sa kaniya. Mabilis naglaho ang inis sa mukha ng babae at nauwi sa mapangasar na mga ngisi. “Uno! Ikaw pala, still as handsome as e
Chapter 52 “You’re finally awake.” Kaagad na pumihit ang ulo ko para lingunin ang nagsalita. Isang lalaking palapit sa akin ang sumalubong sa mga mata ko. Nakasuot ito ng fitted at itim na sleeveless turtle neck. Malaki ang katawan at sa buong kaliwang kamay ay puno ng mga tattoo. Tumama ang paningin ko sa suot nitong maskara, sa puting kulay noon ay may nakasulat na number ten gamit ang pulang tinta. Namuo ang takot sa sistema ko, ilang beses akong napaatras hanggang sa umabot na lamang ang laylayan ng damit ko sa tubig dagat. “Anong kailangan mo sa ’kin? Bakit niyo ako dinala rito?” Laking pasalamat ko nang hindi na ito lumapit pa at nanatili na lamang sa kinatatayuan niya. “We’re going to kill you that’s for sure,” walang preno nitong wika, malalim ang boses niya kagaya noong sa mga voice changer na nasubukan ko sa isang variety show noon. Hindi ko alam kung anong klaseng reaksyon ang ginagawa niya dahil sa maskarang nakatabing. “Ano bang kasalanan ko sa inyo?” halos pabulo
Chapter 53 Itinakip ko ang dalawang kamay sa mukha. Hindi ko na napigilan pa at napaupo sa gilid ng isang cabinet. Bakit ngayon ko lang nalalaman ito? At ang masaklap pa ay sa hindi ko kakilala matutuklasan. To be honest, puwedeng puwede akong hindi maniwala sa sinasabi niya. Kung pipiliin ko ay maaring maging sarado ang isip ko at hindi siya pakinggan. Isa pa, anong malay ko kung gawa-gawa lang nila ang mga bagay na ’to. “Ha ha ha. . .” Mabilis na gumalaw ang kamay ko muli sa pagkakatakip sa mukha ko. Mas lumakas pa ang tawa niya, pagkatapos ay inilabas ang nakasuksok niyang baril. “Did you hear it?” “S-Sino?” Sandali siyang tumigil sa pagtawa. Napatakip ako sa tainga nang barilin niya ang bakal na nagsisilbing dugtong sa dalawang container. “Five, nandito na sila para patayin ka,” aniya habang itinutulak ang isang container maging ang cabinet ay inusod niya rin para matakpan ang pintuan. Kaagad akong bumangon. Magkasalubong ang mga kilay ko habang mataman siyang pinanood na iu
Chapter 54 Nagbaba ako nang tingin. Puno na ng galos at paltos ang paa ko, wala akong suot na tsinelas at kanina pa rin ako nilalamig. Hindi ko na alam kung nasaan ako. Tanging mga puno lamang at ang maputik na daang tinatahak ko ang kasama ko rito ngayon. Mga huni ng ibong lumilipad sa madilim na langit, malapit ng mag gabi at paniguradong mas mahihirapan na akong maglakad pag nangyari ’yon. Laking pasalamat ko sa mineral water na nakalagay sa speed boat kahit papaano ay naibsan ang uhaw ko. Napukaw ang atensyon ko nang sa gitna ng paglalakad ay may narinig akong tunog ng makina, sigurado akong tunog iyon ng umaandar na sasakyan. Ang kaninang paglalakad ko ay nauwi sa takbo, halos madapa dapa na ako dahil sa madulas na daan. Nakahawak lamang ang isang kamay ko sa tiyan bilang suporta kay Baby River. “Sandali!” hiyaw ko nang matanaw ko ang kalsada, isang rumaragasang truck ang sinubukan ko pang sigawan ngunit masiyado itong mabilis para marinig ako. Dali-dali akong nagalakad pa
Chapter 55 “What’s that? A locket? Can I see it? Please?” Nabaling ang atensyon ko mula sa tv patungo sa batang lalaki na katabi ko rito sa couch. Satingin ko ang pangalan niya ay Zyler, palagi kong naririnig na tinatawag siya nilang Z. “Ito?” Tumango siya nang itinuro ko ang kwintas na suot ko. Nakakatuwa lang dahil kumikinang iyong mata niya, punong puno ng kainosentehan. “Hindi, simpleng kwintas lang ’to. Bigay ni Rivaill. . .” “Who’s that? Boyfriend mo?” aniya sa kuryosong tono. Bahaw ang naging tawa ko, gusto ko sanang sabihin na asawa ko kaso hindi ko alam kung kaya ko pa ba siyang tawaging asawa. “No answer or can’t answer?” tanong niya habang nakakiling ang ulo. Hindi ako nakasagot, tumatango tango siya ani mo’y nakuha niya ako. “Okay, but you must have been super dear to him. For him to give a rose necklace.” Hagikhik ang sumunod sa sinabi niya. Umurong siya hanggang sa dulo ng couch at gamit ang maliliit na mga kamay ay kinalabit ang kakambal niya. “Hey, Y!” Mapupung