Share

Kabanata 4

Author: Yenoh Smile
last update Last Updated: 2023-11-23 01:43:37

Napalunok siya't hindi nakakilos sa binulong nito. Nanlamig ang buong katawan niya. Nakaalis na nga ito sa harap niya pero tingin niya ay nakatitig pa rin ito sa kanya.

"Hurry up!"

"Jusmiyo!" sigaw niya kasabay ng pagtaas ng kanyang mga balikat dahil sa malakas na sigaw nito.

Taranta siyang humarap ngunit kunot noong mukha nito ang bumungad sa kanya.

"What's happening to you? Kailan ka pa naging mabagal?" magaspang na tanong nito bago tumalikod.

Napatigil siya muli. Malay ba niyang mabilis kumilos si Francheska! Sa sobrang inis niya ay pumorma siyang susuntukin ito sa likod ngunit mabilis niyang naibaba ang kamao at kunwaring nagpaypay ng sarili matapos matanaw si Bruno na nakatingin.

Tumikhim siya at taas noong lumabas ng mansyon. Nakabukas na ang pinto sa backseat at mukhang naroon na ang demonyo—este si Sebastian. Pagpasok niya ay agad ding sinara iyon ni Bruno.

Nahigit niya nga lang ang hininga matapos dumukwang si Sebastian. Nanlaki ang ulo niya noong maramdaman ang mga kamay nitong tila papaikot sa kanyang bewang. Heto na ba ang sinasabi ni Francheska na manggagapang ito?

Abo't abot ang kabog ng d*bdib niya. Hindi alam kung itutulak ito ngunit umawang ang mga labi niya matapos marinig ang pag-click ng seatbelt.

"Don't be stupid, and don't you dare flirt with other men there," mababa at madiing bulong nito bago ito lumayo at bitiwan ang seatbelt na inayos nito.

"Uh, s-ure. N-oted," kabadong sagot niya.

Sa buong biyahe ay hindi na siya nito muling kinausap. Mas abala pa ito sa hawak na cellphone habang siya ay namamawis na kahit naka-aircon. Paanong hindi kung alam niyang katabi niya si Lucifer? Napaisip tuloy siya kung paanong natiis ito ni Francheska.

Pagdating sa event ay hindi man lang siya nito pinagbuksan ng pinto. Para pa siyang tangang hinabol ito para makasabay papasok. Nahila niya pa ang palapulsuhan nito para lang mapatigil ito.

"Ang bilis mo naman!" hinihingal pa niyang reklamo dito sabay punas ng pawis sa kanyang noo.

"Bakit ba kasi tayo nandito?" dagdag pa niyang tanong ngunit napakurap siya at parang napapasong binitiwan ang palapulsuhan nito matapos matantong matalim ang titig nito.

"S-orry," kinakabahang sambit niya.

Para na rin niyang nilagay ang sarili sa kamatayan!

Umigting ang panga nito. Wala itong sinabi. Namulsa lang ito at tumalikod pero bumagal na ang lakad.

Nakahinga siya nang maluwag dahil doon. Tahimik na lang siyang sumunod. Hindi na siya umasang paghihila pa siya nito ng upuan, kusa na siyang umupo sa katabing upuan noong umupo ito. Bilang ang paghinga niya lalo na noong suyurin ng tingin ang mga taong nasa mesa. Naitikom niya ang bibig matapos mapansing mga bigating tao iyon sa bayan nila, pati mayor ay naroon.

"Akala ko ay hindi ka dadalo, Sebastian," ani ng matandang naka-tuxedo dahilan upang mapasulyap siya kay Sebastian.

"I won't miss this event knowing that this is about my properties," makahulugang sagot nito na kinalukot ng mukha ng matanda.

Kita niyang umangat ang gilid ng labi ni Sebastian at agad kumuha ng wine glass sa waiter na lumapit. Napagaya tuloy siya rito at napakuha rin ng alak. Saktong iinom siya roon noong mahuli ang titig nito na tila may masama na naman siyang ginawa.

Hindi ba umiinom si Francheska?!

"You just got artificial insemination a month ago, and you're drinking alcohol now? Are you killing my child?" madiing bulong nito dahilan upang mabitiwan niya ang baso ng alak na lumikha ng ingay sa mesang iyon. Agad siyang napatayo matapos mabasa.

"F*ck!"

Dinig niyang malutong itong napamura matapos nilang umani ng atensyon. Nanginig ang tuhod niya sa kaba. Kabilin-bilinan ni Francheska na maging behave siya pero heto't gumawa pa siya ng eskandalo! Gusto rin tuloy niyang pagalitan ang sarili!

"Are you out of your mind?!" mahinang sigaw nito na nagpangilid sa mga luha niya.

Nagbara ang lalamunan niya at hindi maatim ang titig nitong matalim at mas lalo na ang titig ng mga naroon. Nakakahiya!

"I'm s-orry—"

"Sorry, gentlemen. The glass slipped from my wife's hand. If you'll excuse us," mabilis din nitong salo bago siya hinila palayo doon.

Nakagat niya ang hinlalaking daliri at napatitig sa palapulsuhan niyang hawak nito habang tinatangay siya palayo roon.

Bakit ba naman kasi niya nakalimutang iniisip nitong buntis si Francheska dahil sa artificial insemination! Ang utak niya talaga hindi pwedeng pangmayaman!

Agad siyang nagyuko noong tumigil sila sa may bandang banyo yata. Ramdam niyang mariin ang titig nito na tila ginigisa na ang kaluluwa niya. Pagkaraan ay narinig niya itong bumuntong hininga at napansing kinuha ang cellphone mula sa pants nito.

"I need a dress," tanging dinig niyang utos nito.

Kinagat niya ang ibabang labi. Unang araw pa lang niya pero pakiramdam niya ay hindi siya tatagal na kasama ito. Bukod sa magaspang nitong ugali ay hindi rin siya fit sa mayamang lugar hindi kagaya ni Francheska.

"Hintayin mo dito si Bruno. Magpalit ka pero huwag ka na ulit lumapit sa mesa. Stay out of my way. Roam around, eat if you want, just don't go near me for awhile. You call yourself a trophy wife, but you don't even act like one. You failed this part, Francheska. You're so disappointing," insultong bulong pa nito sa dulo bago umalis sa harap niya.

Alam niyang hindi para sa kanya ang sinabi nito sa dulo pero hindi niya mapigilan ang paninikip ng d*bdib niya. Kusa ring bumagsak ang luha sa kanyang pisngi. Napahiya na nga siya at ganoon pa ito sa kanya! Bigla gusto na niyang umuwi at bawiin na ang misyon ngunit alam niya ring hindi nagbibiro si Francheska sa pagbabanta nito sa kanyang pamilya.

"Pwede ka sa loob ng sasakyan, Madame."

Mabilis niyang pinunasan ang kanyang pisngi matapos marinig si Bruno. Nasa harap na niya ito at may hawak na paperbag.

"Uh, hindi. Salamat. Bawal pa akong umalis sa event," mabilis niyang sagot.

Hindi na niya ito hinintay na magsalita. Agad niyang kinuha ang paperbag at pumasok sa banyo. Pagtingin niya pa lang sa dress ay alam niyang lalo siyang manginginig lalo pa't spaghetti strap iyon. Pikit mata niya na lang na sinuot at bahagyang inayos ang buhok niya.

Pagbalik niya sa event ay tinanaw niya si Sebastian. May iilan na itong kausap. Noong magtama nga ang paningin nila ay agad siyang umiwas ng tingin at tinungo ang buffet ng pagkain. Hindi na siya lalapit dito! Baka mamaya ay awayin pa siya nito lalo sa maraming tao!

Kimkim niya ang sama ng loob habang kumakain ng kung ano mang iyong napili niya sa mamahalang buffet. Hindi rin niya pinalagpas ang juice na lasang alak. Huli na noong marealize niyang alak nga iyon! Kung hindi pa siya tinamaan ng hilo ay hindi siya titigil.

"Isha pa nga," hiling niya sa waiter na nagbaba muli ng alak sa kanya.

First time niyang makarami sa alak at parang ayaw na niyang tumigil. Noong humapdi pa nga ang mga mata niya ay basta niya na lang inalis ang mga contact lense niya at tumawag muli ng waiter.

"Kuya, isha pa. Dali! Isha na lang tapos uuwi na kami ng fake husband ko! Ayiee!"

Nilapagan siya nito muli ng alak sa mesa. Napahagikhik siya at nag-heart sign pa dito.

"Ampogi mo, Kuya! Hart hart!"

Kita niyang napakamot ito sa batok at mabilis na lumayo. Balak niyang tawagin na si Sebastian. Mabilis niyang tinungga ang alak at tumayo ngunit muntik pa siyang matumba kung wala lang matitipunong braso na sumalo sa bewang niya.

"What are you doing?" malamig at madiing tanong nito sa kanya.

Imbis na kabahan ay napahagikhik pa siya matapos matantong si Sebastian iyon. Wala sa loob siyang nangunyapit sa balikat nito at kahit panga lang nito ang nakikita niya ay alam niyang ito nga si Sebastian. Napangisi siya at sinubukang ilapit ang bibig sa tainga nito. Dumiin ang hawak nito sa kanyang bewang noong tumingkayad siya ngunit hindi niya iyon alintana.

"Nakaka-intindi ako ng ingles, hubby. Taposh may chismiss ako. Hindi ako buntis no! Iba 'yon!" lasing at hagikhik niyang bulong dito.

"What are you talking about?" may talim na tanong nito ngunit tawa ang sagot niya.

Wala na yata siya sa huwisyo. Ni hindi niya alam ang sunod niyang sinabi o ginawa. Basta ang alam niya ay umuwi sila at binagsak siya nito sa kama. Doon lang siya natauhan at tila nilipad pansamantala ang alak paalis sa katawan niya noong makitang tinatanggal nito sa pagkakabutones ang suot na polo.

"What were you saying earlier? That you are not pregnant, right?" sarkastikong tanong nito.

Napalunok siya at napahawak sa bedsheet. Pinanlalamigan siya sa hindi malamang dahilan—mali! Alam niya ang dahilan! Lagot siya dito at kay Francheska sa kapalpakan niyang ito!

"P-alpak iyong doktor," kabadong sagot niya, "Pero pwede naman subukan next year—"

"I won't waste money again just to get you pregnant in that way—"

"Edi mabuti! Ayaw ko rin magbuntis—"

"—I would rather do it in a traditional way now."

"Ano?!" lutang niyang tanong sa dinugtong nito.

Umangat ang gilid ng labi nito at lumapit. Nahigit pa niya ang hininga noong bigla na lang itong pumatong sa kanya ngunit nakatungkod naman ang palad sa kama upang pigilan ang bigat nito.

"A-nong gagawin mo?" mas kabadong tanong niya.

Ang puso niya ay tila kakawala na sa d*bdib niya sa sobrang kaba. Pati alak ay nawalan ng epekto sa balak nito!

"Since the artificial insemination failed, let me get you pregnant in a more natural but satisfying way, my wife," paos na bulong nito habang ang kamay ay naglandas sa pagitan ng kanyang mga hita upang paghiwalayin ang mga iyon.
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (6)
goodnovel comment avatar
aphroditecuevas
10-12-2025/21:40
goodnovel comment avatar
Irene Dafun Bernardino
wala ka ng lusot jay Averie hahaha
goodnovel comment avatar
Jocelyn Pioquinto Armario
naku averie lagot ka talaga kay franceska nyan oras nalaman nya
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Hiram na Asawa   Kabanata 698

    "Hindi na po, Papa. Kababalik lang ng asawa ko rin, dito muna ako sa tabi niya," paliwanag niya."Are you sure? Ayaw mong makita ang mapapangasawa ng kapatid mo?" usisa ng Mama niya."Uhm, kapag dinala na lang siya sa bahay ni Lucas. May project pa kami ni Orion bukas na gagawin, Mama."Ramdam niyan

  • Hiram na Asawa   Kabanata 697

    Kahit gustong puriin ni Luna ang nakikitang glow sa mga magulang noong abangan nila sa labas ay hindi niya magawa. Binabagabag kasi siya ng kaalamang kilala ni Leona si Diobert."Oh, ang init-init nasa labas pa kayo," puna ng Mama Meara niya na marahang bumababa mula sa likod ng Papa Damon niya."In

  • Hiram na Asawa   Kabanata 696

    Eksperto nitong nahila pah*bad ang sundress niya at sinunod ang panty niya. Tinaas nito ang mga paa niya sa gilid ng kama dahilan upang maghiwalay ang mga hita niya.Mula sa mga labi niya ay bumaba ang bibig nito sa malulusog niyang d*bdib. Habang nagpipiyesta roon ang bibig at dila nito ay dumausdo

  • Hiram na Asawa   Kabanata 695

    Hindi na bumalik sa opisina si Orion. Pinahiram na rin muna ito ng damit ng Mama Meara niya mula sa mga damit ni Lucho."Nakakainis si Papa!" protesta ni Luna noong pumasok sa kusina.Bahagya siyang tinawanan ni Meara sa aburidong mukha niya."Bakit naman? Nag-uusap sila tungkol sa kaso. Ayaw mo ba

  • Hiram na Asawa   Kabanata 694

    Noong makuntento ay marahan itong humiwalay. Hawak nito ang kanyang pisngi at tinitigan siya na tila ba ayaw siyang mawala sa paningin nito."Luna, pumasok na kayo dito sa loob at baka maging dragon na itong Papa mo. Mabugahan pa kayo nang apoy diyan," tawag sa kanila ng Mama Meara niya."Sa loob ka

  • Hiram na Asawa   Kabanata 693

    "Sir, hindi gulo ang habol ko–" "T*ngna mo! Gigiyerahin pa rin kita!" sigaw muli sa kanya ni Damon Romanov.Namumula ito sa galit, litaw na rin ang litid sa leeg sa kasisigaw. At kung nakamamatay lang ang titig ay kanina pa sana siya bumulagta sa lupa."Umalis ka na habang may pagtitimpi pa akong n

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status