Share

Kabanata 5

Penulis: Yenoh Smile
last update Terakhir Diperbarui: 2023-11-24 01:43:31

Literal na hindi na siya humihinga noong tumaas pa lalo ang palad nito. Damang-dama niya ang init at gaspang niyon sa kanyang balat. Wala ring tigil sa kabog ang d*bdib niya. Sa sobrang kaba ay hindi niya ito kayang titigan.

"You think you can fool me?" mababang tanong nito kung kaya't gulat siyang tumingin dito.

Ang kabog ng d*bdib niya ay dumoble. Huwag mong sabihing alam na nito? Saka pa lang nag-sink in sa kanya na wala na ang mga contact lenses niya!

Bigla, gusto niyang maiyak. Paano kung ipapatay siya nito dahil nabuko na siya? Paano na lang ang tatay at kapatid niya?

"Wala lang akong choice—"

"I know you don't want to get pregnant. Ayaw mong magbuntis dahil ayaw mong magbago ang katawan mo. You can't fool me, Francheska. If I need to have s*x with you just to get you pregnant, then I will," madiing banta nito kaya't natikom niya ang bibig.

Akala pa naman niya ay nabuko na siya nito! Kaya lang, mas napahamak pa siya lalo sa gusto nitong mangyari. Hindi pwedeng matuloy iyon!

"M-asyado ka namang nagmamadali, Sebastian," may halong kabang pigil niya rito lalo na't ramdam niya ang palad nitong paakyat sa hiyas na nagtatago sa pagitan ng mga hita niya.

"Five years isn't long enough for you? For F*ck sake! Kung alam ko lang na papalpak lahat ng doktor, una pa lang sana ay ganito na ang ginawa ko," frustrated na bulong nito.

Gusto niyang umirap. Base kasi sa kwento ni Francheska ay malamig itong asawa kaya't naghanap iyon ng kalinga sa iba.

"Sana kasi tinatrato mo ng tama ang asawa mo—"

Mabilis niyang natakpan ang bibig noong matantong nasabi niya ang nasa isip. Nanlalaki ang mga mata niya lalo pa't nanliit ang mga mata ni Sebastian sa kanya.

"What did you say?" walang ngiting tanong nito.

Napalunok siya. Nataranta at hindi malaman ang gagawin. Diniin niya ang kamay na nakatakip sa kanyang bibig at umaktong nasusuka. Sinipa niya ang binti nito dahilan upang lumayo ito at mapamura. Kinuha niya iyong pagkakataon upnag tumakbo sa isang pintong tingin niya ay banyo. Mabilis niya iyong ni-lock at napapaypay sa sarili.

"Muntik ka na, Averie. Kalmahan mo. Dapat pang best actress," pagkausap pa niya sa sarili.

Ilang hingang malalim pa bago siya nagtungo sa sink. Binuksan niya ang tubig para lang hindi mahalatang hindi siya nagsusuka. Nangiwi pa siya matapos makita ang sarili sa salamin. Para siyang nasabunutan! Bumagsak din ang balikat niya matapos matantong wala na talaga ang mga contact lense niya. Wala siyang pambili no'n! Paano pa niya itatago ang kayumangging mga mata? O baka hindi naman alam ni Sebastian na hindi itim ang mga mata niya? Wala naman itong reaksyon kanina. Wala siguro itong masyadong alam tungkol kay Francheska.

Naestatwa siya noong marinig ang katok sa labas. Nanigas ang mga tuhod niya. Kung lalabas siya ay tiyak na matutuloy ang balak nito.

"Open this f*cking door, Francheska."

"M-aliligo ako!" mabilis niyang sagot.

Agad niyang nilublob ang sarili sa bathtub na nakita. Tumigil din naman ang katok kaya't nakahinga siya nang maluwag pero nasabunot ang sarili matapos maalalang wala siyang dalang damit sa loob ng banyo!

Pinalipas niya lang ang oras sa loob bago binalot ang sarili sa tuwalyang naroon. Bumalik ang kaba niya noong lumabas ng banyo ngunit nagkagulatan pa sila ng katulong doon.

"Nasa study room po si Sebastian, Madame. Doon daw po matutulog. Kumain daw po kayo ng soup pampaalis ng kalasingan."

Tipid siyang ngumiti, at leaat safe siya ngayong gabi.

"Salamat, Inday—"

"Emelda po, Ma'am. Lagi niyo na lang nakakalimutan," reklamo pa nito bago lumabas.

Napailing na lang siya. Malay ba niyang hindi Inday ang pangalan! Mukhang hindi nga friendly si Francheska!

Nakampante siyang hindi na babalik si Sebastian sa kwarto kaya't kumportable siyang natulog suot ang nightie ni Francheska kagaya ng utos nito sa kung paano ito matulog sa gabi.

Hinihila na siya ng antok matapos maramdaman ang paglundo ng kama. Binalewala niya 'yon at hinayaan ang sariling makatulog ngunit paggising niya sa umaga ay napatitig pa siya sa anghel na natutulog sa tabi niya—mukha pa lang anghel si Sebastian kapag tulog?

Natutop niya ang bibig matapos magsink-in sa kanya na tabi silang natulog! Napalunok siya at agad na niyakap ang mga d*bdib na paniguradong halata sa suot niyang nightie.

Bumalik tuloy sa kanya ang paalala ni Francheska na huwag sisigaw. Kinalma niya ang sarili. Gusto na sana niyang bumaba ng kama ngunit hindi niya mapigilang titigan si Sebastian. Doon niya lang din napansin ang kanang braso nitong nababalutan ng tattoo hanggang sa balikat nito. Ni hindi niya malaman kung ano'ng tattoo 'yon, parang dragon na hindi.

"Cute ka sana kaso sama ng ugali mo," hindi niya mapigilang komento dito.

Tumagilid siya ng higa upang matitigan ito lalo. Ibibigay naman niya ang perfect score dito kung kagwapuhan lang ang usapan. Sa panga pa nga lang nitong tigasin ay tataob ang mga modelo.

"Cute siguro ng mga magiging anak mo no? Kaya lang baka magmana sa'yo," dagdag pa niya ngunit naiwang nakabuka ang mga labi niya matapos matantong mulat na ang mga mata nito.

Para siyang tinuklaw ng ahas matapos matitigan ang namumungay nitong mga mata. Napakurap siya at hindi malaman kung magtatago sa kumot noong umangat ang gilid ng labi nito.

"I know right. I have good genes."

Napalunok siya at hindi makahanap ng salita. Dapat pala ay kanina pa siya bumaba!

"Uh, g-ood morning," kabadong bigkas niya.

Muntik na siyang mapasigaw noong itukod nito ang siko sa kama at isandal ang ulo nito sa sariling palad. Ang siste ay nakababa ang tingin nito sa kanya. Lalo niya tuloy napansin ang matipuno nitong d*bdib, tiyan na tila hinulma ng magaling na panadero at higit sa lahat ay ang ibaba nitong tila kumaway sa kanya.

Namilog ang mga mata niya matapos matantong wala itong saplot. Sinuntok siya ng kaba matapos matantong may kalakihan 'yon. Tiyak na madudurog siya! Susmiyo!

Agad niyang binalik ang tingin sa mga mata nito pero mukhang huli na dahil nahuli na siya nito.

"It's not your first time seeing that," paalala nito.

Nakagat niya ang ibabang labi. Kung alam lang nito ay first time niya iyon! Ngayon yata susubukan ng tadhana ang katatagan niya. Dapat pa niyang itatak sa isip na hindi pwedeng may mangyari sa kanila!

"Bababa na ako—"

Nanigas siya noong pigilan nito ang bewang niya sa akma niyang pagbaba sa kama. Tanging kabog ng d*bdib niya ang naririnig niya noong lumihis paitaas ang suot niyang damit dahil sa ginawa nito.

"Aren't you suppose to give me a kiss?" panunudyo nito habang unti-unti siyang hinihila pabalik pahiga.

"Huh? Di pa ako nag-toothbrush."

Tumikwas ang kilay nito, "Ikaw lagi ang unang humah*lik. What's the difference now?"

Gusto niyang umirap. Aba malay ba niyang wild si Francheska!

Kaysa makipagtalo pa ay maliit na lang siyang ngumiti. Humawak siya sa balikat nito at pilit inabot ang panga nito ngunit nanlaki ang mga mata niya noong ibagsak siya nito muli sa kama at bigyan ng malalim na h*lik ang kanyang mga labi.

Para siyang naestatwa sa ginawa nito. Halos hindi mag-function ang utak niya kahit pa alam niyang dapat itong itulak. Lagot siya kay Francheska kapag nalaman nito!

"Answer me, I wanna feel your kisses," paos na utos nito sa pagitan ng h*lik nito.

Mas lalong hindi nag-function ang utak niya! Ante, hindi siya marunong hum*lik!

Tumigil ito at halos mapatitig siya sa basang labi nito. Akala niya ay magsasalita ito o magagalit ngunit nanlamig siya noong hawiin nito ang kumot at gumapang sa itaas niya. Gusto niyang magpanic sa oras na iyon lalo na noong ikulong siya nito sa malaking katawan nito.

"I told you, I will get you pregnant whether you like it or not," may diin at paos na sambit nito.

Bumigat ang paghinga niya. Kailangan niyang makatakas! Ngunit ang pagbabalak niyang sigaw ay natabunan noong muling sakupin ng mga labi nito ang mga labi niya.

Mabilis niyang pinangharang ang mga kamay sa d*bdib nito ngunit halos mapapikit siya sa mabining h*lik nito na tila inuudyok siyang sumagot. Para siyang tinakasan ng katinuhan, imbis na gumawa ng paraan para hindi matuloy iyon ay kusa pa niyang pinaikot ang mga braso sa batok nito at sinubukang sumagot sa h*lik kahit hindi niya alam. Ginaya niya lang ang galaw ng mga labi nito.

Dumiin ang hawak niya sa batok nito matapos maramdaman ang tuhod nitong pilit pinaghihiwalay ang mga hita niya. Kumakabog ang d*bdib niya ngunit hindi rin nagpatalo ang kakaibang pakiramdam na ngayon niya lang naramdaman lalo na noong sumuot ang mainit nitong palad sa loob ng suot niyang nightie.
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Komen (8)
goodnovel comment avatar
aphroditecuevas
11-12-2025/08:32
goodnovel comment avatar
Irene Dafun Bernardino
wala ng urungan yan Averie hahaha
goodnovel comment avatar
Jocelyn Pioquinto Armario
espege na lagot ka kay franceska averie
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terbaru

  • Hiram na Asawa   Kabanata 698

    "Hindi na po, Papa. Kababalik lang ng asawa ko rin, dito muna ako sa tabi niya," paliwanag niya."Are you sure? Ayaw mong makita ang mapapangasawa ng kapatid mo?" usisa ng Mama niya."Uhm, kapag dinala na lang siya sa bahay ni Lucas. May project pa kami ni Orion bukas na gagawin, Mama."Ramdam niyan

  • Hiram na Asawa   Kabanata 697

    Kahit gustong puriin ni Luna ang nakikitang glow sa mga magulang noong abangan nila sa labas ay hindi niya magawa. Binabagabag kasi siya ng kaalamang kilala ni Leona si Diobert."Oh, ang init-init nasa labas pa kayo," puna ng Mama Meara niya na marahang bumababa mula sa likod ng Papa Damon niya."In

  • Hiram na Asawa   Kabanata 696

    Eksperto nitong nahila pah*bad ang sundress niya at sinunod ang panty niya. Tinaas nito ang mga paa niya sa gilid ng kama dahilan upang maghiwalay ang mga hita niya.Mula sa mga labi niya ay bumaba ang bibig nito sa malulusog niyang d*bdib. Habang nagpipiyesta roon ang bibig at dila nito ay dumausdo

  • Hiram na Asawa   Kabanata 695

    Hindi na bumalik sa opisina si Orion. Pinahiram na rin muna ito ng damit ng Mama Meara niya mula sa mga damit ni Lucho."Nakakainis si Papa!" protesta ni Luna noong pumasok sa kusina.Bahagya siyang tinawanan ni Meara sa aburidong mukha niya."Bakit naman? Nag-uusap sila tungkol sa kaso. Ayaw mo ba

  • Hiram na Asawa   Kabanata 694

    Noong makuntento ay marahan itong humiwalay. Hawak nito ang kanyang pisngi at tinitigan siya na tila ba ayaw siyang mawala sa paningin nito."Luna, pumasok na kayo dito sa loob at baka maging dragon na itong Papa mo. Mabugahan pa kayo nang apoy diyan," tawag sa kanila ng Mama Meara niya."Sa loob ka

  • Hiram na Asawa   Kabanata 693

    "Sir, hindi gulo ang habol ko–" "T*ngna mo! Gigiyerahin pa rin kita!" sigaw muli sa kanya ni Damon Romanov.Namumula ito sa galit, litaw na rin ang litid sa leeg sa kasisigaw. At kung nakamamatay lang ang titig ay kanina pa sana siya bumulagta sa lupa."Umalis ka na habang may pagtitimpi pa akong n

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status