Share

Chapter Thirty-five

Author: Margaux Wilde
last update publish date: 2026-09-25 16:54:12

MASAKIT sa mata ang sikat ng araw na nagmumula sa siwang ng kurtina. Kumunot ang noo si Savannah, sabay talikod sa kabilang bahagi ng kama, pero napaingit siya nang malakas nang maramdaman ang sakit ng ulo.

“Ouch, bakit ang sakit ng ulo ko?” bulong niya habang mariing nakapikit dahil nalalasahan pa rin niya ang Tequila na ininom niya noong nakaraang gabi. Pero bago pa man niya maproseso ang matinding hangover, may kakaiba siyang napansin. Bakit parang…may katabi siya sa kama? Dahan-dahan, muli
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • Hired to Seduce, Paid to Destroy   Chapter Thirty-six

    KAHIT anong pilit, hindi maalala ni Savannah kung paano siya nakarating sa hotel na ‘yon mula sa pinuntahang event. Kung may naaalala man siya ay pili lang - champagne, ‘yung mga labi ni Zach na humalik sa kanya pagdating nito, tawanan…’yung kamay ko sa hita niya no’ng nasa loob na sila ng kotse…at ang mahina niyang pag-ungol nang halikan nito ang kanyang balikat. Iyon lang. Dahil ang iba? Blurry. Dahil sa marami-rami niyang nainom na alak. She’s Mayor Savannah Castello, for Christ’s sake. Public servant, symbol of power, diplomacy, poise. Kaya hindi niya alam kung ano ang ginagawa niya sa labas ng pinto ng banyo na para bang isang baliw na fan na nag-aabang sa idol niyang artista.Oh, dahil kay Zach.Medyo nakaawang ang pinto ng banyo at lumalabas mula roon ang usok mula sa mainit na shower. Amoy na amoy niya ang body wash na ginagamit nito, na pakiramdam niya ay yumayakap sa kanyang pagkatao. Sa loob, dinig na dinig ang malakas na lagaslas ng tubig. Naaaninang niya ang anino ng kat

  • Hired to Seduce, Paid to Destroy   Chapter Thirty-five

    MASAKIT sa mata ang sikat ng araw na nagmumula sa siwang ng kurtina. Kumunot ang noo si Savannah, sabay talikod sa kabilang bahagi ng kama, pero napaingit siya nang malakas nang maramdaman ang sakit ng ulo.“Ouch, bakit ang sakit ng ulo ko?” bulong niya habang mariing nakapikit dahil nalalasahan pa rin niya ang Tequila na ininom niya noong nakaraang gabi. Pero bago pa man niya maproseso ang matinding hangover, may kakaiba siyang napansin. Bakit parang…may katabi siya sa kama? Dahan-dahan, muli niyang idinilat ang isang mata - na agad niyang pinagsisihan.Isang malapad at hubad na dibdib ang bumungad sa kanya - na napakasarap pagmasdan. Napakurap si Savannah nang paulit-ulit habang unti-unting iniisip ang nangyari, at habang pinagmamasdan ang perfect abs at maskuladong braso ng kaharap. Napailing siyang muli nang makita ang pamilyar na disenyo ng tattoo sa may leeg nito at ibaba ng baywang, na ilang beses na niyang nahawakan.“Oh my God. Zach…”At ang mas malaki niyang problema? Ang sa

  • Hired to Seduce, Paid to Destroy   Chapter Thirty-four

    SI Savannah ang unang bumitaw, habol ang hininga. Medyo nag-smudge na rin ang lipstick niya pero parang wala siyang pakialam. She’s just a little too high on gin and a lot too drunk on Zach, who just stood there, his chest rising and falling na tila kagagaling lang sa marathon. “Okay,” she gasped. “That was-”“A mistake?”“Breathtaking,” pagtatama niya. “Pero yes, it’s very stupid as well.”Mula sa di kalayuan, nakita ni Savannah ang ilang mga alkalde ng ibang lungkod. “Oh. God. Come on, do’n tayo,” bulong niya, sabay hila ng kamay nito hanggang sa makarating sila sa likod ng naglalakihang halaman. Mula roon ay naglakad sila hanggang sa greenhouse na tanging tunog lamang ng kanyang heels ang maririnig.“Nagtatago ba tayo?”“Hindi. Umiiwas lang tayo sa...legal consequences,” bulong niya.Halos sabay sila ni Zach na sumandal sa salaming dingding ng greenhouse, magkatabi. “Did you mean it?”She turned to him. “Ang alin?”“’Yung tawag. Na kailangan mo ‘ko.” Mababa na ang boses nito, na

  • Hired to Seduce, Paid to Destroy   Chapter Thirty-three

    “OKAY ka lang, Sav?” bulong ni Mikee habang tinitingnan ang namumula niyang mukha hanggang sa mga labi, na ramdam pa rin ang mainit na halik ni Zach.“Okay lang,” sagot niya, at mabilis na inubos ang natitira niyang wine. From the corner of her eye, she could see Zach weaving through the crowd, now effortlessly charming everyone from the bartender hanggang sa councilors of the nearby town.Hindi niya dapat pinapanood ang bawat nitong galaw pero paano niya iyon pipigilan kung ganoon ito ka-guwapo?“Hinalikan mo siya,” bulong ni Mikee, bilog na bilog ang mga mata. “Sav, hindi ka man lang nagkunwari na ayaw mo, girl!”“Nagulat ako, okay?”“Nagulat? Kaya ka ba napa-ungol?”“A-ano?”Tumangu-tango si Mikee na parang pari sa confessional. Napailing na lamang siya at tumalikod – only to crush into a firm chest.“Hi,” bati ni Zach. “Ikinuha kita ng tubig.”Napatingin siya sa hawak na baso ng binata. “Wow, you really know how to seduce women, huh.”Lumapit ito sa kanya at bumulong. “Pampawala

  • Hired to Seduce, Paid to Destroy   Chapter Thirty-two

    SAVANNAH should be enjoying this. Suot niya ang paborito niyang formal black dress, but the one that hugs in all the right places and whispers dangerously unattainable. May hawak siyang baso ng champagne sa isang kamay habang tinitingnan ang perfect view ng Manila skyline. Dinig niya ang mga nagtatawanan sa paligid, maging ang masayang usapan. Wala ring tigil ang flashes ng mga camera. Savannah looked the part. The honorable mayor. But inside, she’s dying. Masyadong malakas ang musika nang gabing iyon na halos hindi niya marinig ang sariling isipan. “Sav!” sigaw ni Mikee habang palapit, dala ang isang baso ng wine. “Smile girl! Obvious masyado na kabi-break mo lang, ah!”Sinubukan naman niyang ngumiti. Pero sadyang kita pa rin sa mga mata niya ang lungkot. “Okay lang ako, Mikee.”Mikee gave her a look. ‘Yung tinging hindi naniniwala. Pero hindi na ito kumontra. Sa halip ay pumunta na ito sa dance floor at nagsimulang sumayaw, umaasang susunod siya. Pero hindi. Nanatili lang siyang

  • Hired to Seduce, Paid to Destroy   Chapter Thirty-one

    HINDI nagsalita si Savannah hangga’t wala sila sa parking area. Hindi dahil sa hindi niya gusto kundi dahil sa sandaling nakalabas sila ng café at nakalayo kay Kristoff ay agad niyang naramdaman ang hindi dapat – her body remembered things she’s trying to forget – his scent, his touch, the way his voice used to sound when he whispered things she pretended she didn’t miss.Naupo siya sa driver’s seat, humalukipkip at pilit itinago ang nararamdaman samantalang nanatili lang si Zach na nakatayo sa harap ng passenger window, naghihintay kung paaalisin niya ito o hindi.“Get in,” she said flatly. “Bago magbago ang isip ko.”At sumunod naman ito, binuksan ang kotse at tahimik na naupo.“Five minutes. Sabihin mo na ang lahat ng gusto mong sabihin.”Dahan-dahan siya nitong tiningnan. “You look good.”Naningkit ang mga mata niya. “Ano’ng ginagawa mo rito, Zach? Kung hindi ako nagkakamali, nasa Cebu ka na dapat ngayon, having the time of your life, hindi ba?"“Nagsinungaling ako.”“Wow, consis

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status