Mag-log inSa mga naghihintay ng update nito, kung mayro'n pa... Pasensya, talagang hindi kayang pagsabay-sabayin. Priority ko ngayon ang bagong story ko. 'Yon kasi ang may monthly attendance. Salamat
MARC“Calessia…”Hindi siya gumalaw. Nanatili lang siyang nakatingin sa akin na parang hindi niya naiintindihan ang sinabi ko.Maya-maya, unti-unting kumunot ang noo niya.“What did you just say?”Halos hindi ko marinig ang boses niya.Saglit akong napapikit bago humakbang palapit.“She’s gone, Calessia... And it’s all because of me.”Pero mas lalo pang dumami ang kunot sa noo niya.“Tama na, Marc—”“No, Calessia... Hayaan mo lang akong magsalita.”“Para saan pa, Marc? Tapos na, nangyari na ang lahat at hindi na mababago ’yon.”Mapait akong napangiti at napahagod sa buhok ko.“Alam ko! Pero gusto kong aminin kung gaano ako kagago.”Unti-unting nawala ang kunot sa noo niya at napalitan iyon ng ekspresyong hindi ko maipaliwanag.“I liked the fact that she kept chasing me... until I suddenly pushed her away.”Bumigat lalo ang paghinga ko. Hindi dahil nalulungkot ako sa pagkawala ni Cara Rose, kundi dahil gusto kong sumigaw siya, magwala, at sisihin ako sa mga nangyari.Pero hindi na siya
MARC“Marc?”Napatingala ako.Na-miss ko iyon.Ang boses niya...'Yong paraan kung paano niya bigkasin ang pangalan ko.Pero wala na ang lambing do'n.Parang bumalik kami sa unang araw na nagkita kami.“We need to talk.”Kumislap ang mga mata ko at ilang beses akong tumango.Agad akong sumenyas sa mga tauhan ko na umalis muna.Humawak naman si Mama sa kamay ni Calessia bago tumingin sa nurse.“Gusto kong lumanghap ng sariwang hangin.”Napatingin sa akin ang nurse, hinihingi ang permiso ko.Bahagya lang akong tumango at agad niyang itinulak palabas ng cabin ang wheelchair ni Mama.Kami na lang ni Calessia ang naiwan.Kaya lang, hindi ko alam kung sisimulan ko na bang magsalita. Kaya lang hindi ko naman alam kung saan ako magsisimula.Hindi ko alam kung paano ipapaliwanag ang lahat.Muli siyang umupo.Humakbang naman ako palapit, pero nanatili akong nakatayo.Hinintay ko na lang na siya ang unang magsalita.Para kahit paano, magkaroon ako ng lakas ng loob.Lumipas ang ilang minuto.Tahim
MarcDumating ako sa Chile na isang bagay lang ang nasa isip ko.Si Calessia.Gusto ko na siyang lapitan agad.Gusto ko siyang makausap.Pero hindi pa puwede.Hindi ako maaaring magpadalos-dalos. Kaya nagtiis ako.Dalawang araw, wala akong ibang ginawa kundi ang pagmasdan siya. Siya at si Mama.Kinabisado ko ang bawat galaw ni Armando at kung ano ang ginagawa niya.Kung anong oras siya umaalis at umuuwi.Pati ang mga bantay sa bahay niya ay pinaimbestigahan ko.Ayokong mag-isip ng masama, pero kinakabahan ako sa mga bantay na kinuha niya.Hindi sila ordinaryong security personnel.Hindi rin sila galing sa anumang lehitimong agency.May mga pugante at mga dating pulis na suspendido.Puro malalaking kaso ang kinasasangkutan nila.Nalukot ko ang binabasang report.Hindi ko maintindihan kung paano naaatim ni Armando na iwan si Calessia at si Mama sa piling ng ganoong klaseng tao.Gusto ko na siyang sugurin.Kumprontahin siya kung bakit niya ipinagkakatiwala sina Mama at Calessia sa mga kr
CALESSIAIpinikit ko ang mga mata ko hanggang sa tuluyang lumapag ang eroplano."Ladies and gentlemen, we have now landed. Please remain seated with your seatbelts securely fastened until the aircraft has come to a complete stop and the seatbelt sign has been switched off. Thank you."Kasabay ng boses ng flight attendant, marahang bumagal ang eroplano habang gumugulong sa runway.Dahan-dahan akong dumilat.Humugot ako ng malalim na hininga.Gusto kong ihanda ang sarili ko sa anumang sasalubong sa akin.Pero paano ako magiging handa?Hindi ko alam kung sino at ano ang kakaharapin ko mamaya.Naitakip ko ang mga palad ko sa mukha ko. Nakakapanghina.Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. Parang kinakapos ako sa hininga at parang may yelo sa batok ko.Malayo na ako sa Chile.Malayo na rin ako sa bahay na ilang buwan na naging kulungan namin.Noon, may dahilan ako para lumaban araw-araw. Nagiging matapang ako dahil kasama ko si Mama. Pero ngayon, wala siya.Hindi ko pa alam kung ligtas
CALESSIA"Let go of me!"Bigla akong nagising na parang kinakapos sa hininga.Nanginginig din ang buong katawan ko.Pakiramdam ko, nakahawak pa rin sa akin ang maruruming kamay ng hayop na bantay na iyon.Ngunit naalala ko ang suntok sa tiyan ko.Napahawak ako roon at napangiwi.Saka lang bumalik sa isip ko ang eksaktong nangyari bago ako nawalan ng malay.Iginala ko ang tingin sa paligid.Wala ako sa kuwarto.At hindi rin ito bahay ni Armando.Nakaupo ako sa malapad na leather seat at may mahinang ugong akong naririnig.Napahawak ako sa dibdib ko.Parang nasa loob ako ng…Napalingon ako sa bintanang nasa gilid ko.At mas nagtambol pa ang dibdib ko.Napahawak pa ako sa armrest nang wala akong makita sa labas kundi mga ulap.Tama ako.Nasa eroplano ako.Nakapa ko ang katawan ko.May nakakabit na seatbelt sa baywang ko.Hindi na ako mapakali.Si Mama…Nasaan si Mama?"Mama?"Tumingin ako sa buong paligid.Ngunit lahat ng upuan ay bakante."Mama! Where are you?"Napahikbi akong kinalas a
CALESSIABumukas ang pinto at agad ding nagsara.May tumawag kay Armando sa labas. May naghahanap daw sa kanya.Hindi siya sumagot, pero narinig ko ang papalayong yabag.Nagpakawala ako ng buntong-hininga.Narinig ko rin ang mahinang pagbuga ng hangin ni Mama.Tumingin ako sa kanya. Pero hindi kami nagsalita. Parang pareho kaming kinakapos sa hininga.Makalipas ang ilang segundo, sabay kaming napabangon.May mga boses kasi kaming naririnig sa ibaba. Parang mga kapitbahay.Umupo si Mama sa gilid ng kama habang ako ay tumayo at dahan-dahang lumapit sa bintana."Calessia, careful," agad niyang sabi. "Baka makita ka ni Armando."Tumango ako at bahagyang ibinuka ang kurtina.Mula rito, nakita ko si Armando sa may gate. May kausap siyang dalawang lalaki sa labas.Mukha silang mga Chilean.Itinuro ng isa sa kanila ang bahay na may party.Parang iniimbitahan nila si Armando.Nag-abot pa sila ng isang kahon ng alak.Pagkatapos ay lumingon si Armando rito sa taas.Mabilis akong umurong at nagtag







