LOGINAlas singko y medya pa lang, bihis na ako. Maayos kong itinali ang buhok ko at tuwid na tumayo sa labas ng pinto ni Marc.
Tahimik ang buong mansyon, ‘yong uri ng katahimikan na nagpapabilis ng tibok ng puso, nagpapapintig ng ugat sa sintido.Eksaktong alas sais, bumukas ang pinto.
Hindi siya nagulat nang makita ako.
“You’re early,” sabi niya.
“Utos mo po, sir.”
Tumalikod siya. “Coffee,” sabi niya, saka pumasok sa kwarto.
Sumunod ako nang walang alinlangan.
Maluwang ang kwarto niya, minimalist. Walang kalat. Pati ang kama, parang hindi pa natulugan. Dumiretso ako sa coffee machine, pinilit kong maging matatag ang mga kamay.
Pero kita ko sa gilid ng paningin ko, pinagmasdan niya ako mula sa salamin habang inaayos ang cufflinks niya.
“You learn fast,” sabi niya.
“Kailangan po.”
Humarap ako. Iniabot ko ang tasa.
Tinanggap niya, humigop ng kaunti, at muling inabot sa akin. “Hold it.”
Hinawakan ko. Hindi rin ako umalis sa tabi niya habang inaayos niya ang tie.
Lumipas ang mga minuto. Nagsimulang mangalay ang mga braso ko. Pero pinilit kong ’wag manginig. Sinigurado kong hindi magbago ang ekspresyon ko.
Kinuha niya ang tasa ng kape. “You don’t complain. You don’t react.”
Nasa kamay niya lang ang tingin ko. “Wala po akong karapatan.”
Bahagyang humigpit ang hawak niya sa tasa.
“Look at me.”
Inangat ko ang ulo ko, tumingin sa kanya.
Kita ko, may nabago sa ekspresyon niya, ngunit hindi ko mabasa. Dumaan lang, at bigla ring nawala.
“You’ll accompany me to the office today.”
Hindi sadyang kumunot ang noo ko. Hindi ko napigilan.
“You’ll sit. You’ll observe. You’ll speak only when spoken to.”
“Yes, sir.”
“You’re not an employee there,” dagdag niya. “You’re a reminder.”
"Reminder?" Hindi ko man naunawaan, tumango pa rin ako.
Rinig ko sa ilan, makapasok lang sa gusali ng Belmonte Holdings, parang ang taas mo na.
Pero bakit ako, nanliit? Bakit pakiramdam ko nasa pinakababa ako?Habang naglalakad kami sa lobby, may naririnig akong mahinang usapan. May mga matang sumunod.
Alam nila ang pangalan ko. Alam nilang Zerdan ako.
Iniwan ako ni Marc sa labas ng executive conference room. Hindi pwedeng gumalaw, lalo na ang umalis.
Yuko ang ulo kong umupo, hinahaplos ang sarili kong kamay.Maya’t maya, may mga taong dumaraan na imposibleng hindi mapapatingin sa akin. May naririnig pa akong mga bulong.
“Is that—”
“She looks like—”
“Zerdan.”
Hindi ko sila pinansin. Nagbingi-bingihan ako.
Lumabas si Marc makalipas ang isang oras, seryoso ang ekspresyon.
“Come,” sabi niya. Para akong asong tinawag niya, at agad sumunod.
Pumasok kami sa pribadong opisina niya. Isinara niya ang pinto.
“You didn’t tell me,” malamig niyang sabi.
Litong napatitig ako sa kanya. “Tell you what?”
Sumandal siya sa desk, sinuksok ang isang kamay sa bulsa. “That you were top of your class.” Matalas ang mga mata niyang tumutok sa akin. “That you were projected for honors.”
Sandali kong napigil ang hininga ko.
“You dropped out halfway through your third year,” patuloy niya.
Nanatili akong tahimik. Alam niya lahat. Hindi na dapat ako sumagot.
“ Alam mo ba kung ano ang dahilan?”
Mahigpit kong kinuyom ang mga kamay ko. “Hindi na po mahalaga ’yon.”
Tumawa siya. Mapait. “Everything matters.”
Lumapit siya. Sobrang lapit na halos dumikit na ang mukha ko sa dibdib niya.
Naangat ko ang ulo. Tumingala at diretsong tumitig sa mga mata niya. Pero nanatili akong tahimik. Hindi ko magawang sabihin na siya ang dahilan kung bakit nag-drop out ako, kasi may ginawa siya.
Kusa siyang lumayo. Saktong distansya para makahinga ako.
“So tell me, Miss Zerdan,” mahina niyang sabi. “How does it feel to serve the man who ruined your future?”
Ayon, inamin niya.
Nanginig ang mga tuhod ko, pero hindi ako umiwas ng tingin.
“Hindi niyo sinira ang kinabukasan ko,” diin ko. “Binago niyo.”
Mas dumilim ang mga mata niya.
“You could have fought,” sabi niya. “Filed appeals. Made noise.”
“Ginawa ko,” sagot ko. “Hindi kayang kalabanin ng ingay ko ang yaman mo.”
Humaba ang katahimikan sa pagitan namin.
Pagkatapos, tumalikod siya. Niluwagan ang necktie niya.
“Mananatili ka rito tuwing weekday,” pag-iba niya sa usapan. “Uupo ka sa labas ng opisina ko. Panoorin mo kung paano gumagana ang yaman na sinasabi mo.”
Parang may pumitik na ugat sa ulo ko, pero tumango pa rin ako. “Yes, sir.”
Papalabas na ako nang magsalita siyang muli.
“And Calessia?”
Huminto ako. Lumingon sa kanya.
“You endure too well,” sabi niya. “People who endure like that eventually break.”
Kumuyom ang mga daliri ko sa tagiliran.
“Hindi ako nababasag,” mahina kong sabi pero madiin. “I adapt, sir.”
Sandali akong tumitig sa kanya bago isinara ang pinto.
Kumawala ang lahat ng hangin na naipon sa baga ko. Pati ang init na naiipon sa dibdib ko, sumingaw sa mata ko.
Mababasag man ako, sisiguraduhin kong hindi niya makikita.
Tahimik ako habang kumakain. Si Mama gano’n din. Pero si Ate, panay salita pa rin. Parang normal lang sa kanya na magkita-kita kami matapos niyang iwan kami noon.“Marc, tell me… paano kayo nagkakilala?” Napaangat ako ng tingin. Napahigpit din ang hawak ko sa tinidor.Pero si Ate, ngiting-ngiti pa rin. Excited sa kuwentong gusto niyang marinig.Nagpalipat-lipat ang tingin niya sa amin ni Marc na hindi agad sumagot. Ilang beses pa siyang napalunok at napahaplos sa batok na parang nag-iisip ng tamang isasagot.Inilapag ko ang tinidor at pinunasan ko ang labi ko. “Imposibleng hindi mo alam, Ate… imposibleng hindi kinuwento ni Papa sa’yo.” Sinadya kong diinan ang boses ko.Awtomatikong nawala ang ngiti niya. “I’m sorry, Calessia. Hindi ko alam na sensitive pala sa’yo ang topic na ’to…” Pumiyok ang boses niya. Napayuko rin siya.“Calessia…” Hinawakan ni Marc ang kamay ko. “I don’t think your sister meant any harm. I think she’s just curious.”Napatingin ako kay Marc. Mapang-unawa ang tingin
Calessia“Ma, ito po… bagay sa’yo,” sabi ko kay Mama habang pinapakita ko sa kanya ang bag na napili ko para sa kanya.Nandito kami sa mall ngayon. Namili ng mga supplies at mga outfit na rin para sa school. Next week na kasi ang pasukan, at lahat ng damit ko ay puro pang-corporate at mga designer gowns.Kahit alam ng marami ang status ko, mas gusto ko pa ring manatiling low profile. Para iwas na rin sa mga mata ng mga tao.“Anak, hindi na kailangan. Ang dami ko nang bag. Hindi ko na nga nagagamit lahat.” Kinuha niya ang hawak ko, pero ibinalik din sa istante.“Why don’t you buy something for your husband instead?” suhistiyon ni Mama.Napaisip naman ako. Ano nga ba ang puwedeng ibigay sa taong parang nasa kanya na ang lahat?Humawak si Mama sa kamay ko. Hinila niya ako papunta sa luxury boutique. “Nalilito ka kung ano ang ibibigay mo, ‘di ba?” natatawang tanong ni Mama.Tumango ako habang nakanguso. “Marami kang puwedeng ibigay. Belt, necktie, cufflinks, o kaya brooch.” Tumingin-tingin
Marc Dahan-dahan kong isinara ang pinto. Ingat na ingat akong hindi makagawa ng ingay at magising si Calessia. Kakabalik lang namin sa bansa. Ako, dumiretso agad sa headquarters para tingnan ang mga trabahong naghihintay sa akin. Si Calessia naman, pinauwi ko agad para makapagpahinga. Heto nga, at himbing na himbing ang tulog niya. Sabi niya kanina, hihintayin niya ako, pero natagalan ako sa pag-uwi dahil sa nagkapatong-patong na trabahong kailangan ng approval ko. Napangiti ako habang nakatingin sa kanya. Tahimik kong hinubad ang mga suot ko bago dumiretso sa banyo. Mabilis lang akong naligo. Pagkatapos, pinunasan ko ang buhok ko saka bumalik sa kama. Suot ang bathrobe, humiga ako sa tabi ni Calessia. Maingat kong inangat ang ulo niya at ipinatong sa braso ko. “Asawa ko…” mahinang sabi niya sa antok na boses. Hinalikan ko siya sa noo. “Go back to sleep…” Niyakap ko siya. Mas lalo naman niyang idiniin ang pisngi niya sa dibdib ko habang nakayakap din sa akin. Kahihiga ko pa l
“Asawa ko…” lambing kong sabi kay Marc na abala sa laptop niya.Nandito kami ngayon sa isang luxury cliffside terrace sa Positano. Ang ganda rito. Overlooking ang dagat. Malamig ang hangin at tahimik.“Yes, my wife…” sagot niya nang hindi man lang tumitingin sa akin. Tuloy-tuloy pa rin ang pagtipa niya sa keyboard.Napangiti na lang akong kinunan siya ng litrato. Nasa gilid niya ako, kaya kitang-kita ang tangos ng ilong niya.Diniin ko ang siko ko sa mesa at ipinatong ang pisngi ko sa palad habang nakangiting nakatingin sa kanya.Na-miss ko rin ang side niyang ’to. Seryoso, tahimik, at sobrang focused sa trabaho.Puro kasi sa akin umiikot ang atensyon niya nitong mga nakaraang araw. Totoong wala siyang kapaguran. Kahit saan kami abutan, hala tira. Nakatayo man o nakaupo, hala bira.Ikalawang linggo na namin rito. Ang akala ko talaga, isang linggo lang kami. Halos lahat ng magagandang pasyalan dito ay napuntahan na namin.At sapat na ’yon sa akin.Kasi sa loob ng dalawang linggo na ’yon
Calessia“Good morning, my wife…” nakangiting bati ni Marc pagdilat pa lang ng mata ko. Sinabayan niya pa iyon ng mabagal at matamis na halik.“Good morning, asawa ko…” sagot ko, pero sumuklob naman sa kumot.Kasi naman… naalala ko ’yong ginawa ko kagabi. Ni minsan hindi ko naisip na kaya ko pa lang gawin ‘yon… kaya ko pa lang magpaungol ng gwapong CEO.Kagat-kagat ko ang daliri ko sa ilalim ng kumot, pero sumiksik din siya sa loob.Hinila niya ako palapit sa kanya. Tawang-tawa ang loko. “Ngayon ka pa nahiya matapos ang ginawa mo sa akin kagabi?” Hinalikan na naman niya ako. Malalim. Parang may balak na naman.Bago pa siya tuluyang pumatong, inalis ko ang kumot na nakatabon sa amin.“Behave ka nga. Ang aga-aga pa…” Sinimangotan ko siya. “At saka… ang sakit pa ng balakang ko…”Agad naman siyang umatras. “Sorry…” sabi niya at hinalikan ako sa noo. Hinaplos niya rin ang pisngi ko.Pero maya maya, pinadapa niya ako sa kama.“Marc, ano naman ang—”“Massage lang kita,” sabi niya na parang in
Namula ang mukha ni Calessia. “I-I’m…”Hindi na niya natuloy ang sasabihin nang isuksok ko ang kamay ko sa likod ng baywang niya at dahan-dahan ko siyang pinadapa sa kama.Hinawi ko ang buhok niya sa isang tabi bago ko siya hinalikan sa batok.Napasinghap siya nang marahan kong sinipsip ang balat niya habang idinidiin ko ang sarili ko sa likod niya. Kaunting diin lang, saktong maramdaman niya ang init ko. Ang pananabik ko.“Marc…” hingal niyang sambit habang pilit akong nililingon.“Yes, my wife…” paos kong bulong bago ko inangkin ang labi niya.Habang magkahinang ang mga labi namin, kinapa ko ang zipper ng suot niya at dahan-dahang ibinaba iyon. Isa-isa kong inalis ang damit niya bago ko siya muling hinarap sa akin.Napakagat-labi ako habang tinititigan siya… pababa… hanggang sa dibdib niyang ngayon ay hawak ko na.Magaan kong hinulma iyon sa palad ko, minasahe, at paminsan-minsang nilalaro ang tuktok niyon.Napaawang ang labi niya. Napapikit siyang kumapit sa batok ko. “Marc…” mahi







