Nag-uuyam na ngumisi lamang si Sandra sabay balik sa posisyon niya kanina. Samantala si Theodore ay di na matiis ang panghihiya nito. Nasa publiko sila at malaking kasirain ito ng reputasyon ng pamilya at negosyo niya. Matalim niyang pinasadahan ng tingin ang asawa saka nilipat kay Raffaello. "Mr. Conti, I don’t care what your relationship is now. Aella is still my wife. You’d better know your place and act accordingly." Pilyong tumawa si Raffaelo na tila isang biro ang narinig. "You're so kind to remind others that they should have a sense of moderation? Bilang kasadong lalaki, bakit hindi mo alamin kung paano pigilan ang sarili kapag gumagawa ka ng kabalastugan sa iba? Pinapalabas mo na si Aella lang ang may kabit dito." Sumalpok ang kilay ni Aella at matapang itong hinarap ang asawa. "I won't be your wife soon, Mr. Larson, so don't talk about this," nagyeyelo n'yang bwelta. "Pagkatapos nito, pirmahan mo agad ang agreement. Ayoko ng magkaroon ng kahit anong kaugnayan sa pamilya n
Hindi inaasahan ng lahat na may matapang na tatayo sa harap at pagalitan ang pamilya Larson. Malaking kahihiyan iyon. May iilan na ngumiwi sa inis, may iba rin tumango bilang pagsang-ayon sa sinabi ni Sandra. Maliban sa myembro ng pamilya ni Theodore. Nagmumura sa isip si Gisella at gustong ipakaladkad ang babae palabas. Lalapitan sana nito pero biglang may umugong na baritonong boses. "Perfetto!" Sabi nito sa Italian na ibig sabihin ay perpekto. Awtomatikong kinilig ng lahat ang ulo sa entrada ng banquet hall. Tumunghay sa mga ito ang makisig, matangkad, may malapad na dibdib at gwapong lalaki. Nakasuot ng tailored black suit, itim din ang makintab na shirt at may burguny tie. Mukha itong dugong-bughaw at elegante at nakapakaskil ang tipid pero mapanganib na ngiti sa mukha nito. Nanliit ang kumikinang na mga mata nito. "Is that... Raffaello Conti, the CEO of Conti Group?" "Nakakamangha naman, imbitado pala siya rito. Sa pagkakaalam ko madalang siya dumalo sa ganitong okasyon."
Bago tuluyang umalis ni Aella ay bigla silang hinarangan ng biyenan niyang babae. Nakataas ang isang kilay nito pero nasa kay Theodore ang mga mata. "Theo, minsan lang tayo magkakasama ng ganito, bakit hindi mo i-adopt at gawing inaanak si Jaspher? Maybe it will bring good luck, and Angelica's illness will be totally cured. What do you say?" Matunog na tumawa ang byenan niyang lalaki. "I think this is a good idea. Baka ganito lang si Angelica dahil wala s'yang kapatid." Namilog ang mata at bumuka ang bibig ni Jaspher at tiningala ang dalawa. "Talaga po? Pwede ko maging daddy si Tito Theo?" Tumindi ang kasiyahan ni Scarlet. Inipit niya ang ilang hibla ng buhok at nagpanggap na nahihiya. "Tito, Tito... hindi naman siguro masama ito, 'di ba?" Ngumuso siya. Kumunot ang noo ni Gisella. "What's wrong with that? Our families are old friends, and you have a mutual relationship with my son! Saka ayoko sanang sabihin ito, pero matagal na namin gusto magkaroon ng apong lalaki. Gusto namin
Humakbang paabante si Sandra habang hawak ang kamay ni Aella. Napuno s'ya ng galit at nahihirapan ng kontrolin ang sarili. Kanina pa n'yang gustong saklolohan ang kaibagan mula sa biyenan nito pero iniisip niya ang inaanak. Hindi n'ya in-expect na maging agresibo at bastos ang pamilya Larson, lalong-lalo na si Theodore.Ang kapal ng mukha para balewalain ng ganyan ang kaibigan niya. Hindi lang dinala ang kabit nito, binigyan pa ng chance na agawin ang bagay na para kay Angelica lang dapat.Naghihimutok s'y sa galit na parang puputok ang kanyang butse, at kumikirot ang kanyang dibdib para kay Aella at sa anak Dapat n'yang lumaban dahil inanunsyo na ng kaibigan ang pakikipaghiwalay nito. Matagal silang nagkatitigan ni Aella hanggang sa nilipat n'ya ang tingin sa gawi ni Scarlet. Kumulo ang dugo n'y nang matanaw ang maliit nitong ngiti—nagpapakita na masaya ito sa nangyayari. Mariin n'yang nilapat ang mga ngipin, matalas na pinagkatitigan ito at bumulong, "at saang upalop pinulot ng ba
Inaakala siguro ni Theodore na walang masama sa ginawa nito? Nilunok lang panghihiya ni Aella kanina at pinatuloy pa rin nito ang normal na ginagawa. Ginagap ni Sandra ang kamay n'ya pakalmahin s'y ang kaunti. Tinignan niya ito sa mga mata at tila may pinapahatid na mensahe.Naalala n'ya ang totoong pakay n'ya rito—kailangan niyang makakuha ng matibat na ebidensiya. Bahala na ang detective ang gagawin ang ibang bagay. Dapat niya munang palakasin ang loob at magpanggap na matapang. Hindi ito ang oras para magpadala sa kanyang emosyon. Tutal matagal na niyang binigyan ng malaking ekes si Theodore sa kanyang puso.Ang dating umaalab niyang pagmamahal dito ay naging galit, hinanakit at pagkasuklam. Wala ng bawian iyon. Ang ninais niya ngayon ay makalaya sa kadenang nilagay nito sa kamay at paa niya. Malaki ang pagsisisi niya na minahal ang tanga at bulak na lalaking ito.Lumapit ang staff at tinulungan hiwain ang cake. Binigay ni Theo ang unang piraso sa salbahing bata. "Thank you for hel
Matalim na ginawatan ng tingin ni Aella si Scarlet. Ang lakas ng loob ng dalawa pumunta sa gathering ng pamilya. Iniisip siguro ng dalawa na masaya niya. Magara at eleganteng nakasuot ng damit ang dalawa. Sinundan n'ya ng tingin hanggang sa huminto ang mga ito sa tabi ng kanyang asawa, pinapakitang smart ang tindig. Bago s'ya makahirit ay malapad itong ngumisi. "We came here specially to celebrate Angelica's birthday. Hindi mo sana pasasamain. Saka para kanya, isang simpleng regalo lang na maingat naming pinili ni Jaspher," anito.Hindi s'ya na sorpresa na magpapakita ang dalawa sa ganitong okasyon. Hangang-hanga siya sa audicity ni Theodore na dalhin ang kabit niya rito. At talagang sinadya ng mga ito. Ito na ang tamang pagkakataon para makakuha s'ya ng ebidensiya. Hindi epektibo sa kanya ang pagpapanggap nito. "Hindi kami tumatanggap ng regalo sa di kilalang tao, pasensiya na," pranka niyang tugon. "Hindi pa kita kilala kaya wala kang karapatan magkipag-usap ng kaswal sa akin."