Malalim na paghinga ang aking pinakawalan bago taas ang noong tumungo sa malawak na garden ng mental hospital. Noong una'y hindi ako makapaniwalang dito dinala si Lucinda. Ang pagkakaalam ko'y sa kulungan. Ang sabi sa akin ni Rios ay nag-iba raw ang ugali ni Lucinda nang maikulong ito ng isang buwan. Kaya walang nagawa ang mga pulis kundi ang ilipat sa mental hospital si Lucinda. Kinasusuklaman ko siya sa mga ginawa niya sa pamilya ko. Pero tao pa rin ako't nakakaramdam ng awa. Lalo na ngayong pinagmamasdan ko si Lucinda habang nakaupo ito sa silyang may gulong. She was staring on an imaginary wall. Malayo ang takbo ng isip.Marahan akong napatikhim saka nilingon ang nurse na siyang kasama ko para ihatid ako kay Lucinda. "Pwede kitang samahan dito..." mahina nitong sabi. "Ayos lang ako, hindi na rin naman ako masasaktan ni Lucinda." Tipid ang ngiting sabi ko.Ilang sandali lamang ay nagpaalam na ang nurse. Kaya marahan akong naglakad palapit kay Lucinda. Kumunot ang aking noo nan
PABAGSAK kong inilagay ang cellphone sa aking lamesa. Kumukulo ang dugong tiningnan ko nang matalim ang aking sekretarya. "You are fired," malamig kong sabi na ikinanganga niya. Batid kong nabigla siya sa narinig. Pero pinal na ang desisyon kong alisin siya sa trabaho, pati na rin sa buhay ko."But, Rio—.""Get out. Walang kalalagyan ang tulad mong traydor sa kumpanya ko." Seryoso kong sabi bago itinutok ang mga mata sa monitor."Rios, let me explain." Sabi ni Diana bago lumuhod sa harap ko. "Hindi ko naman—.""Get the hell out of my office, bago tuluyang magbago ang isip ko." Mariin kong sabi bago tumayo para lisanin ang opisina. "Umalis ka na, bago pa dumating ang mga pulis."Malalaki ang hakbang na tumungo ako sa elevator. Tahimik ang lahat nang dumaan ako. Hindi ko sila masisisi kung katakutan man nila ako, iyon naman dapat ang mangyari. But Diane? Fuck her! Siya ang rason kung bakit nawala ang ilang files sa office ko.I shouldn't have trusted her! Sana hindi ako nagtiwala kaag
"Lintik naman talaga! Ngayon pa ba uulan?" May inis sa boses na sabi ko habang naghahanap nang masisilungan. Halos maglilimang oras na akong naghahanap ng pwedeng maupahan pero hanggang ngayon wala pa rin akong mahanap. Walang magkasya sa perang hawak ko. Kaya ito ako ngayon, parang basang sisiw na naghahanap ng masisilungan. Nakakainis."Kasalanan ito ni Tatay eh!" Nababagot kong sabi, sabay ng pagpadyak ng paa. Mas lalo akong nainis nang mabasa ang sapatos na itinakas ko mula sa aking kapatid."Ineng walang mangyayari kung ganiyan ka nang ganiyan." Napapitlag ako nang marinig ko ang isang matandang babae na nasa waiting shed na kinaroroonan ko.Halos maiyak na ako nang mapansing kalahati ng aking katawa'y basang-basa na ng ulan. "Eh paano naman ho kasi'y naghahanap ako ng mauupahan. Mas maigi nga ho sana kung makapagtrabaho ako bilang katulong para may matuluyan ako." "Naku, doon ka dapat—." Hindi naituloy ng matanda ang kaniyang sinasabi nang bigla akong tumakbo sa ulanan. Sinal
After 4 years......"Ma'am Rhyna!" tawag sa akin ni Kuya Lito. Driver siya ni Lola Clara, na sa malamang ay inutusang sunduin ako. Naku talaga si Lola! Hindi naman kalayuan itong shop sa bahay."Kaya ko naman hong bumiyahe mag-isa. Hindi na sana ho kayo nag-abalang sunduin ako." sabi ko nang makalapit sa kaniya. Mula sa loob ng kotse ay dalawang maliliit na kamay ang lumabas kasabay nang isang hagikhik. "Mommy!"Isang malaking ngiti ang pumunit sa nakatikom kong bibig. "Renzo baby!" sabi ko bago nagmamadaling sumakay sa kotse. Hindi ko na lamang binigyang pansin ang pag-iling ni Kuya Lito."How's my handsome little Renzo?" tanong ko habang walang sawang hinahalikan ang kaniyang buong mukha."I'm doing great Mommy. Lola bought a new toy car for me. Look Mom!" tuwang-tuwang ipinakita sa akin ni Renzo ang isang malaking remote control car. Napapangiting hinalikan ko na lamang ang kaniyang sentido.Si Renzo ang anak ni Diana at ng Apo ni Lola Clara na si Rios. Lumipas ang apat na taong n
MAAGA akong pumunta sa shop kinabukasan. Nais kong libangin ang sarili upang hindi kabahan sa pagdating ni Rios."Ate Rhyna, may tumawag po, nagpapatanong kung kaya raw pong magdeliver sa Odiongan?" sabi nang staff kong nakapwesto sa counter. "Five boxes of matcha cupcakes.""Kaya naman, nariyan ba si Mark? Siya na lang ang magdeliver." sagot ko habang nagsusuot ng apron. Personal kong ginagawa ang mga order ng mga costumers. Nagpapatulong naman ako minsan, iyon ay kapag masama ang pakiramdam ko o di kaya'y kapag marami talaga ang dapat gawin.Napansin ko ang pagkamot sa batok ni Celine. "Eh Ate, absent po si Mark. Libing raw no'ng pinsan niyang nakatira sa Mindoro."Napabuntong-hininga na lamang ako. Iilan lamang ang trabahador ko. Dalawang babae at tatlong lalaki. Si Celine at Apple sa counter, si Leo at Mark ang kasama ko sa kusina habang si Kevin naman ang nagdedeliver kapag may umu-order mula sa malayo. Pero dahil nag-leave si Kevin ng isang linggo'y si Mark ang siyang naaasahan
MALAKAS na hangin ang tumatama sa aking mukha. Inililipad rin niyon ang aking mahabang buhok pati na rin ang kulay lilang bestida na umabot hanggang sa bukong-bukong ko.Sa nakalipas na dalawang araw ay hindi pa rin tumitigil ang pag-ulan. Kaya hanggang ngayo'y nasa isang resort pa rin ako kasama ang lalaking ni sa hinagap ay hindi ko naisip na makakasama. "Masyado pa raw madulas ang kalsada pabalik sa Bachawan. Kailangan pa nating magstay rito." Natatandaan kong sabi sa akin ni Rios bago niya ako iniwan sa cottage. Hindi kami natuloy sa hospital noong sunduin niya ako. Napakalakas ng ulan at hindi na masyadong maaninag ang daan. Kaya nagpasya na lang si Rios na umupa ng cottage sa malapit na resort.Hanggang ngayo'y hindi ko pa rin alam kung bakit siya ang sumundo sa akin. Malimit lang kasi kaming mag-usap sa loob ng dalawang araw. Tamang pagsagot lang sa ilan niyang tanong ang nagagawa ko. Kung minsan nga'y napapatango na lang ako. Kaya hindi na ako magtataka kung umabot man ang is
"HEY!" tarantang sabi ni Rios nang magtuloy-tuloy ang pag-ubo ko.Naramdaman ko ang paghaplos niya sa aking likod. Baba-taas ang kanang niyang kamay roon na ikinabawas ng pag-ubo ko."Ayos na ako." marahang kong sabi na ikinahinga niya nang marahas. Saglit akong natigilan nang mabungaran ang mukha ni Rios na halos ilang dangkal na lamang ang layo sa akin."Huwag kasing padalos-dalos sa pag-inom." pangaral niyang ikinatango ko na lamang. Ilang minuto lang ay kaagad nang bumalik si Rios sa kaniyang puwesto kanina. Magkatapat na naman kami't hindi nag-iimikan. Hindi na ako magtatataka kung matatapos ang gabing ito na panis na kaagad ang mga laway namin. God! Hindi ko alam kung sadyang tahimik siya o talagang hindi niya lang gusto ang magsalita kapag kasama ako.Gaya nga ng sabi ko, nagkakausap naman kami. Ngunit pawang maiiksing usapan lang at kung kinakailangan. At kung hindi ako magsasalita ngayon, magmumukha kaming estatwang pwedeng i-display sa labas nitong villa."Renzo asked me t
"INUTUSAN ko na si kuya Lito na kunin ang sasakyan mo. Para wala ka nang alalahanin kapag pauwi na tayo." seryosong sabi ni Rios habang inilalagay ang mga kaniyang nga damit sa isang travelling bag. Samantalang ako'y tinutulungan siya sa kama niyang parang hindi yata hinigaan. "I told you, hindi mo na ako kailangang tulungan, marunong akong magligpit ng hinigaan ko.""Are you sure na pwede na tayong umuwi? Hindi ba delikado sa daan?" tanong ko sa kaniyang hindi binigyang pansin ang huli niyang sinabi. Kaagad na napaiwas ang aking mga mata nang biglang lumingon si Rios. "I mean, tuyo na ba ang daan? Lalo na sa Looc, hindi ba't maputik doon? Pataas rin ang kalsada't paikot-ikot. Hindi naman—""Alam ko ang ibig mong sabihin. You don't need to defend yourself. Mas lalo lang nahahalatang gusto mo pa akong makasama." sabi niya sabay kindat sa akin. Kaagad na umarko ang kilay ko. Isang nakamamatay na irap ang ibinigay ko kay Rios bago ipinagpatuloy ang ginagawa. "Gusto ko lang makasiguro, a