Share

Chapter 5

Author: Deigratiamimi
last update Huling Na-update: 2025-02-10 14:28:01

Cassandra Dela Vega's POV

Tahimik ang buong biyahe papunta sa reception. Halos hindi kami nag-usap ni Sebastian. Hindi ko alam kung mas mabuti bang ganito, pero ang isang bagay na sigurado ako—wala akong ideya kung ano ang tumatakbo sa isip niya.

Bakit siya ang pumalit kay Daniel?

Ano ang tunay niyang dahilan?

At paano ko haharapin ang lalaking minsan kong minahal—at minsan akong iniwan?

Mas lalo akong kinabahan nang marating namin ang hotel kung saan gaganapin ang wedding reception. Isang five-star luxury hotel na pagmamay-ari ng pamilya Alcantara, kaya hindi na ako nagulat na sa kanila rin ito gaganapin.

Pagkababa namin ng sasakyan, sinalubong agad kami ng malalakas na palakpak mula sa mga bisita. May mga nag-cheer, may mga mukhang nagtataka pa rin sa nangyari, pero wala nang nagtangkang magtanong.

Kailangan naming magpanggap.

Kahit ang totoo… wala akong ideya kung paano ko makakayanan ito.

“Smile, Cassandra,” mahinang bulong ni Sebastian habang hawak niya ang kamay ko. “We have an audience.”

Napatingin ako sa kanya, pero hindi ako sumagot. Imbes, nilunok ko na lang ang lahat ng emosyon at pilit na ngumiti.

Dahil iyon lang ang magagawa ko ngayon. Dahil ito na ang buhay ko ngayon.

At walang atrasan.

***

Napakagara ng set-up ng reception. Mamahaling bulaklak, krystal na chandeliers, at eleganteng decorations ang bumabalot sa buong lugar. Lahat ng bisita ay mukhang masaya, pero hindi ko maiwasang maramdaman ang bigat ng sitwasyon.

Pinilit kong ngumiti habang isa-isang bumati sa mga bisita. Si Sebastian? Palaging kalmado. Palaging composed. Pero alam kong hindi siya sanay sa ganitong klase ng okasyon.

Lalo na’t kami ang sentro ng atensyon.

“Congratulations, Cassandra,” bati ni Tita Mildred, isa sa matalik na kaibigan ng Mommy ko. “You two make a beautiful couple.”

Napangiti ako. “Salamat po, Tita.”

Napalingon naman ako kay Sebastian.

“I must admit, I was surprised that you took Daniel’s place,” dugtong ni Tita Mildred. “But I suppose it makes sense. Kayo ni Cassandra ang may chemistry, hindi si Daniel.”

Parang biglang nanikip ang dibdib ko sa sinabi niya.

Dahil kung alam lang niya ang totoo…

Kung alam lang niyang hindi ito dahil sa chemistry.

Hindi ito isang love story. Isa itong laro.

At kahit anong pilit kong huwag maramdaman ito, hindi ko maiwasang isipin…

Ako ang talo rito.

***

“Ladies and gentlemen, it’s time for the first dance of the newlyweds!” anunsyo ng host.

Napakurap ako. Wait, what?

Bago pa ako makatanggi, mahigpit na hinawakan ni Sebastian ang kamay ko.

“Let’s get this over with,” malamig niyang bulong.

At bago ko pa namalayan, nasa gitna na kami ng dance floor.

Habang tumutugtog ang isang romantic melody, dahan-dahan niyang ipinatong ang kamay niya sa bewang ko.

Para akong natuklaw ng kuryente. Napakapit ako sa balikat niya, pero hindi dahil sa comfort—dahil sa kaba. Dahil kahit anong pilit kong iwasan, hindi ko maitatanggi…

Ramdam ko pa rin siya. Ramdam ko pa rin ang presensya niya. Kahit anong pilit kong burahin ang nakaraan, hindi ko kayang kalimutan kung paano niya ako tinuruan magmahal. At kung paano rin niya ako iniwang wasak.

“Cassandra,” bulong niya.

Napalunok ako.

“What?”

Matalim ang tingin niya sa akin, pero sa ilalim ng titig na iyon, may isang bagay akong hindi mabasa.

Isang bagay na mas lalong nagpalito sa akin.

“Mahal mo pa ba ako?”

Nanlaki ang mga mata ko.

Napatigil ako.

What the hell?

Ano ang iniisip niya?

Bakit niya biglang tinanong iyon?

Bago pa ako makasagot, dumaan ang isang flash ng camera mula sa isang photographer. Napatingin ako sa paligid, napansin ang mga matang nakatingin sa amin.

Muli akong ngumiti—dahil alam kong kailangan. Pero sa loob-loob ko, isang bagay lang ang sigurado ako... hindi ko alam ang sagot sa tanong niya.

***

Matapos ang mahaba at nakakapagod na reception, sa wakas ay natapos din ang gabi.

Pinaakyat na kami sa bridal suite sa taas ng hotel.

Isang malawak, eleganteng kwarto na may king-sized bed, balcony na may overlooking city view, at isang ambiance na sumisigaw ng romance.

Pero ang totoo?

Wala akong nararamdamang kahit anong romance.

Pagkapasok ko pa lang, agad akong dumiretso sa walk-in closet. Gusto ko lang magbihis, gusto ko lang makalaya sa wedding gown na ito.

Pero bago pa ako makapasok, biglang nagsalita si Sebastian.

“This marriage… is nothing but a contract, Cassandra.”

Napahinto ako. Dahan-dahan akong lumingon sa kanya.

Nakatayo siya malapit sa bintana, nakaharap sa city lights, pero hindi ko maiwasang maramdaman ang bigat ng sinabi niya.

Contract.

Right.

Dapat alam ko iyon. Dapat hindi ako umaasa ng kung ano pa man. Pero bakit parang may kung anong tumusok sa dibdib ko sa sinabi niya?

Hindi ako nagsalita.

Hindi rin siya lumingon sa akin.

Tahimik lang kami pareho, hanggang sa muli siyang magsalita.

“Huwag mong iisipin na may ibig sabihin ang lahat ng nangyari ngayon.”

Napakuyom ako ng kamao. Hindi ko alam kung bakit, pero gusto kong tumawa nang mapait.

“Hindi ko iniisip iyon, Sebastian,” sagot ko, kahit alam kong parang kasinungalingan iyon.

Bigla siyang lumapit sa akin.Masyadong mabilis. Masyadong malapit. Nagtagpo ang tingin namin.

“Good,” bulong niya. “Dahil hindi ako natutuwa sa ideya ng isang babaeng umaasa sa wala.”

Doon na ako tuluyang napikon.

“Huwag mong ipagpalagay na umaasa ako, Sebastian,” madiin kong sagot. “Dahil matagal ko nang itinapon ang pag-asang ‘yon.”

Nagtagal ang tingin niya sa akin.

Pero sa huli, siya ang unang umiwas.

“Mabuti kung gano’n,” sagot niya bago tuluyang lumayo.

Nang lumabas siya ng kwarto, hindi ko napigilan ang sarili kong bumuntong-hininga.

Pero kahit anong gawin ko…

Naiwan pa rin sa isip ko ang tanong niya kanina.

"Mahal mo pa ba ako?"

Hindi ko kayang sagutin ang tanong na iyon.

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

  • His Brother's Bride   Chapter 61

    Cassandra Dela Vega's POV Lumakad ako nang dahan-dahan papasok sa maliit na apartment na kinaayunan namin bilang safehouse. Mainit ang ilaw sa loob, tahimik ang paligid. Nandoon na sina Sebastian at Atty. Morales; nakaayos ang table namin na may mga folder, laptop, at mga tila hindi mapigilang takot sa mga mata nila. Nakita ko rin si Jenny—nakaupo sa couch na may hawak na warm cup; mukhang hindi pa rin makapaniwala sa ginagawa niya.“Vivian’s here,” sabi ni Sebastian sa papasok ko. Naglakad kami papunta sa sala. Nang buksan ng receptionist ang pinto, nakita ko si Vivian na nakatayo sa threshold. Nakasuot siya ng simpleng blouse at trousers; mukha niya ay maputla, at nanginginig ang mga kamay. Pero lumalakad siya nang diretso, hindi tumitingin sa amin nang hindi niya kinakailangan.Huminto siya at tumingin sa akin. “Cassandra,” mahina ang boses niya. “Thank you for meeting me.”Hindi ko agad sinagot. Inayos ko muna ang sarili ko. “You came,” sabi ko. “You said you wanted to testify. I

  • His Brother's Bride   Chapter 60

    Cassandra Dela Vega's POV Narinig ko ang mahinang pag-ring ng cellphone ko habang abala ako sa pagsusuri ng reports sa marketing department. Naka-focus na sana ako, pero napakunot ang noo ko nang makita ko ang pangalan sa screen. Hindi ko inasahan na tatawag siya—si Vivian Laurel.Nagdalawang-isip pa ako bago ko sinagot, pero sa huli, pinindot ko ang green button. “Hello?” mahina kong sagot.“Cassandra…” Mahina at garalgal ang boses niya. “It’s me, Vivian. Please, huwag mo muna akong ibaba. I know you hate me, and maybe you have every reason to. Pero… kailangan kong makipag-usap sa’yo. May gusto akong sabihin tungkol kay Daniel.”Nanahimik ako saglit. Hindi ko alam kung dapat ko ba siyang pakinggan. Pero hindi ko rin kayang balewalain dahil malinaw na nanginginig ang boses niya.“Ano bang kailangan mo?” tanong ko, pilit pinapanatili ang kalmado kong tono.“Cassandra… I want to be a witness,” diretso niyang sagot. “Gusto kong sabihin ang totoo. Tungkol sa pagkamatay ni Daniel.”Napaay

  • His Brother's Bride   Chapter 59

    Cassandra Dela Vega's POVNakatayo kami sa lobby ng law firm nang tumigil ako para huminga. Hindi ko talaga alam kung paano sisimulan ang proseso ng pag-file ng kaso. Alam ko lang na hindi ako titigil hangga’t hindi namin nahuhuli ang may sala.“Ready ka na, Cassandra?” tanong ni Sebastian, mababa lang ang boses niya. Nakita ko ang titig niya sa akin, parang naghihintay ng kumpirmasyon.“Oo,” sagot ko. “Kahit ano ang kailangan, gagawin natin.” Hindi ko inalintana ang panginginig ng mga kamay ko. Kailangan kong kumilos.Pumasok kami sa conference room at sinalubong kami ng abogado namin, si Atty. Morales. Nakaupo si Jenny sa isang sulok ng silid, nanginginig pa rin ang boses. Si Jenny ang tumawag sa amin, at ngayon siya ang magbibigay ng kanyang salaysay sa pormal na pamamaraan.“Thank you for coming,” sabi ni Atty. Morales habang inaabot ang mga dokumento. “Bago tayo magsimula, kailangan nating kunin nang maayos ang statement ni Jenny. Cassandra, Sebastian, this is a civil-criminal hy

  • His Brother's Bride   Chapter 58

    Cassandra Dela Vega's POV Hindi ko maipaliwanag ang tibok ng puso ko habang binabaybay namin ni Sebastian ang kahabaan ng Ortigas Avenue. Nasa passenger seat ako, nakatitig sa basang salamin ng kotse habang dinadaanan namin ang mga gusaling tila walang pakialam sa mundo—samantalang ako, pakiramdam ko ay parang bumabaliktad ang lahat sa paligid ko.Kanina lang, habang nasa boardroom kami para sa quarterly financial review ng Alcantara Hotels, tumunog ang isa sa mga phone lines ni Sebastian—isang secure line na ginagamit lamang kapag may sensitibong transaksyon o impormasyon."Unknown number," he murmured, habang sinusulyapan ito."Answer it," I said almost instinctively, not knowing it would be the start of something terrifying.Sinagot niya ang tawag at agad itong pinunta sa speaker. Isang malamig at pormal na boses ng babae ang narinig namin."Mr. Alcantara. Miss Dela Vega. I have information you might want to hear. It’s about your father… and Daniel’s death."Napatingin ako agad ka

  • His Brother's Bride   Chapter 57

    Cassandra Dela Vega's POV Walang kapantay ang kaba na nararamdaman ko habang binubuklat ko ang mga lumang records ng kompanya. Nasa archive room ako ng Alcantara Group of Companies habang si Sebastian ay nasa isang closed-door meeting kasama ang legal team. Pareho kaming walang tigil sa paghahanap ng katotohanan. Hindi kami naniniwalang nag-suicide si Daniel. He wouldn’t just end his life like that. Not after everything we discovered, not after everything he finally fought to face.Matagal kaming hindi nagkita ni Sebastian dahil sa sunod-sunod na meetings at usaping legal tungkol sa posisyon ng CEO. Pero matapos ang pagkamatay ni Daniel, tila mas lalong naging personal ang laban para sa amin. This wasn’t just about corporate power anymore. It was about justice.And justice, for me, means peeling every layer of lie that surrounded this family.“Ate Cass,” tawag ni Alyssa, isa sa mga interns na in-assign ko para tumulong sa paghalukay ng dating mga project files. “May nakita po akong n

  • His Brother's Bride   Chapter 56

    Cassandra Dela Vega's POV Abala ako sa pagta-type ng monthly performance report ng marketing department nang biglang nag-vibrate ang cellphone ko sa gilid ng desk. Mabilis kong kinuha iyon, at agad kong kinilala ang pangalan sa screen—Sebastian. Napangiti ako. Ilang araw na rin kaming hindi nagkikita. Pareho kaming abala. Siya sa board meetings at sa pressure ng leadership, ako naman sa deadlines at brand proposals. Pero sa kabila ng lahat, mahalaga pa rin sa akin ang kahit sandaling tawag mula sa kanya. Pakiramdam ko, sa gitna ng kaguluhan sa mundo, siya lang ang katahimikan kong puwedeng uwian. Kaya't hindi na ako nagdalawang-isip. “Hey,” bungad ko, pilit tinatago ang pananabik sa boses ko. Pero agad ding napawi ang ngiti ko nang marinig ko ang tonong bumungad mula sa kabilang linya. “Cassandra…” basag at mabigat ang boses niya. Iba sa karaniwang kalmadong Sebastian na alam ko. Iba ito—parang may kinikimkim, parang punô ng pangamba. Napakunot ang noo ko. “Sebastian, what’s w

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status