Share

Chapter 10 Bad, bad luck

"Hoy ateng, magpahinga ka naman," parang wala lang ang naging pagtapik ni Clifford sa kinakapatid dahil nagpatuloy pa rin ito sa ginagawa.

Isang matamis na ngiti lang ang ibinaling niya rito. "Ayos lang ako," turan niya na lang nang manatili pa rin ito sa kanyang tabi.

Nakaguhit pa rin ang pag-aalala sa mga mata nito. "Ate, naglalaba ka sa gabi tapos nagtitinda ka sa umaga, ano iyan, ligaya lang ang peg." Pamamaywang naman ni Porsya sa kanyang harapan.

Napapigil na lang siya ng tawa sa hitsura nito bago magpatuloy sa pagbobomba sa kalawangin nilang poso.

"Ateng, alalahanin mo, kailangan mo rin alagaan ang sarili mo," sita nito.

Tumakip ang anino ni Clifford sa kanya dahil humarang na ito sa tanging ilaw niya ng gabing iyon kaya nag-angat na siya ng kamay sa pagkakataong iyon para hawiin ito.

"Ayos nga lang ako." Namaywang na rin siya sa dalawa. "Wag niyo ako alalahanin, kayang-kaya ko ito!" Ipinakita niya pa ang braso sa dalawa.

Dama niya naman ang pag-aalala ng mga kaibigan ngunit sa
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status