His Contracted Obsession

His Contracted Obsession

last updateHuling Na-update : 2026-09-12
By:  Lessly Wince In-update ngayon lang
Language: Filipino
goodnovel16goodnovel
Hindi Sapat ang Ratings
12Mga Kabanata
9views
Basahin
Idagdag sa library

Share:  

Iulat
Buod
katalogo
I-scan ang code para mabasa sa App

Ryn Valencia has never known what it feels like to be loved by her own mother. After her father's death, her already miserable life takes an unexpected turn when a man and a young woman suddenly become part of her family. With nowhere else to turn, Ryn is forced to work just to survive—and to carry the burden of a family that has never truly considered her their own. She thought she had already learned to expect nothing from life. Until she meets Lucien Ashford. Young, powerful, and feared throughout the business world, Lucien is a man Ryn knows she should stay away from. Yet fate—or something far more deliberate—keeps bringing them together. The more their lives become entangled, the more Ryn begins to realize that nothing around her may be as simple as it seems. Some secrets are buried for a reason. And some encounters are never accidents.

view more

Kabanata 1

Chapter 1

Hindi ko pa naisasarado ang p***o sa likod ko nang may malakas na puwersang sumalubong sa pisngi ko.

Napapikit ako habang kusang napaling ang ulo ko sa lakas ng sampal. Umalingawngaw ang matinis na ugong sa loob ng tainga ko, kasabay ng mainit na hapdi na mabilis na kumalat mula sa pisngi ko hanggang sa panga. Parang may apoy na dahan-dahang sinusunog ang balat ko.

Napahawak ako roon bago dahan-dahang tumingala. Galit na galit ang mukha ni Mama. Hindi na bago ang ekspresyong iyon. Sa loob ng isang taon, halos iyon na lang ang mukha niyang nakikita ko tuwing umuuwi ako. Galit. Pandidiri. Pagkamuhi. Parang bawat segundo ng paghinga ko ay isang personal na insulto sa kaniya.

"Wala ka nang ginawang maganda sa buhay ko!" sigaw niya, nanginginig pa ang boses sa sobrang galit.

Hindi ko pa man nabubuksan ang bibig ko ay sinabunutan na niya ako. Napapikit ako habang mariing hinahatak pababa ang buhok ko. Sumunod ang katawan ko sa puwersa hanggang sa bumagsak ako sa malamig na tiles. Kumalat ang matalim na sakit sa likod ko.

Hindi na ako nagtangkang tumayo. Instinct na lang ang gumalaw sa katawan ko. I curled into myself, wrapping my arms around my head and ribs, protecting the parts of me that usually suffered the worst. Natutunan ko na iyon. Kapag hindi ako lumaban, mas mabilis silang mapapagod. Kapag tinakpan ko ang ulo ko, mas maliit ang posibilidad na mawalan ako ng malay. Kapag naingatan ko ang tagiliran ko, baka makapasok pa ako sa trabaho bukas.

Nakakatawa. Hindi ko na iniisip kung paano iiwas sa pananakit. Ang iniisip ko na lang ay kung paano mababawasan ang magiging pinsala.

"'Pati asawa ni Imelda nagawa mong landiin!" sigaw niya bago muling dumapo ang paa niya sa tagiliran ko.

Napapikit ako nang kumirot ang bawat laman-loob ko.

"Puro kahihiyan ang dala mo sa buhay ko! Malandi kang katulad ng ama mo!"

Hindi ako sumagot. Ano pa bang silbi? Hindi naman siya naghihintay ng paliwanag. Naghahanap lang siya ng taong pagbubuhusan ng galit.

"Tsk, tsk." Napalingon ako sa lalaking nakaupo sa sofa. Nobyo ni Mama. Nakahilig lang siya habang umiinom ng alak diretso sa bote, waring nanonood lang ng isang palabas na paulit-ulit na niyang napanood. Nang magtagpo ang mga mata namin, ngumisi siya. Hindi ngiting may awa. Kundi ngiting kuntento. Parang natutuwa siyang makita akong nasa ganoong kalagayan.

May kung anong malamig na gumapang sa sikmura ko. Hindi dahil natatakot ako sa kaniya. Kundi dahil kahit matapos ang lahat ng panahong ito, hindi ko pa rin maintindihan kung paano nagiging napakadali para sa ibang tao ang panoorin ang kapwa nila na masaktan.

Dahil sa sinabi ni Mama, pilit akong umupo kahit nanginginig ang mga braso ko. Masakit ang bawat galaw. Pakiramdam ko ay may mabibigat na bato sa buong katawan ko. Pero kailangan kong magsalita. Kailangan kong ipaliwanag.

"Ma—"

"Enough." Bago pa man ako makadagdag ng isang salita, bumaba si Sofia mula sa ikalawang palapag. Bitbit niya ang laptop niya. Isang click lang. Lumabas sa screen ang litrato.

_"Ryn, sabihan mo lang ako kung may problema ka, ah? Nandito lang ako lagi."_

Nakuhanan ang eksaktong sandaling ipinatong ni Mang Dado ang kamay niya sa likod ko. Hindi nakunan ang paglayo ko. Hindi nakunan ang pangingilabot na gumapang sa balat ko. Hindi nakunan ang pagbilis ng tibok ng puso ko. Hindi rin nakunan ang sandaling halos tumakbo na ako pauwi para lang makalayo sa kaniya.

Isang litrato lang. At sapat na iyon para hatulan ako.

"Tingin mo, naniniwala pa kami sa'yo?" sigaw ni Mama habang nanlilisik ang mga mata niya. "Save it, Ryn. Sa dami ng lalaking na-involve sa'yo? Baka ikaw pa ang lumalapit sa kanila! Mana ka talaga sa ama mong walang hiya!"

Yumuko ako at mahina akong natawa. A dry, broken sound escaped my lips, so quiet it was almost swallowed by the silence. Hindi iyon tawa ng taong natatawa. Tawa iyon ng taong pagod nang umasa na may makikinig pa sa kaniya.

The sting on my cheek throbbed beneath my skin, warm and relentless, while the sharp pull on my scalp still burned from where my mother had dragged me across the floor. Every bruise beneath my clothes screamed every time I breathed, every kick leaving behind a dull ache that pulsed with my heartbeat. My body hurt. But not nearly as much as my chest.

God... Why did it still hurt? After a year of this... bakit hindi pa rin ako nasasanay?

I already knew how this would end the second she looked at me. I knew my side would never matter. I knew Sofia only had to cry, only had to point a finger, and I would become the villain before I could even open my mouth.

So why... Why does my heart still break every single time?

My throat tightened painfully.

I wanted to tell her. I wanted to tell her that Mang Dado was the one who made my skin crawl. That every time his hand brushed against my back, I wanted to disappear. That I ran because I was scared—not because I was guilty.

But what was the point? She wasn't looking at me. She was looking at someone she had already decided to hate.

The tears blurred my vision until the cold floor beneath me became nothing more than shifting shadows. I stared at them anyway, afraid that if I looked up and met my mother's eyes again, I would see the same thing I had been seeing for the past year.

Disgust. Disappointment. Hatred.

Not once... Not even once... Did she look at me like I was her daughter.

That realization settled inside me like broken glass, sinking deeper every time I inhaled. It never healed. Every accusation only pushed the shards further into my heart until loving my own mother became something that hurt more than all the bruises blooming across my body.

I swallowed hard.

_Don't cry. Please... Don't let them see you cry. They'll only think you're pretending again._

Iniwan nila akong may panibagong mga sugat at pasa sa sala. Tahimik akong bumangon kahit tila bawat galaw ay may kapalit na kirot. Naninigas ang likod ko, kumikirot ang tagiliran ko, at bawat hakbang ay parang may humihila sa mga pasa kong hindi pa tuluyang naghihilom.

Hindi ko na maalala kung pang-ilang beses na itong nangyari.

Tumayo ako nang dahan-dahan at pilit na itinuwid ang katawan ko, kahit parang nagpoprotesta ang bawat kalamnan ko. Walang saysay ang manatili pa roon. Wala namang lalapit para tulungan ako. Wala ring magtatanong kung kaya ko pa ba.

Pagpasok ko sa maliit kong kwarto, agad kong ini-lock ang p***o bago tuluyang sumalampak sa sahig. Niyakap ko ang mga tuhod ko at isinandal ang ulo ko rito, pilit pinapakalma ang paghinga kong nanginginig pa rin.

Ito na ang naging mundo ko. Apat na dingding. Isang kandadong ako lang ang nakakakita ng silbi. At isang katahimikang mas ligtas kaysa sa mga taong nasa labas ng pintong iyon.

Mahigit isang taon na. Halos araw-araw. Kapag hindi nila ako sinasaktan, ikinukulong nila ako sa kwartong ito. Kapag hindi naman nila ako ikinukulong, hahanap sila ng panibagong dahilan para iparamdam na wala akong karapatang tawaging tahanan ang bahay na ito.

Unti-unti kong ipinikit ang mga mata.

Minsan naiisip ko kung may bahagi pa ba ng sarili kong hindi pa nila nasisira. Pero sa tuwing sisilip ang tanong na iyon sa isip ko, agad ko rin itong itinutulak palayo.

Dahil alam kong bukas... Pagbukas ko ulit ng pintong ito... Magsisimula na naman ang panibagong araw na kailangan ko lang tiisin.

Palawakin
Susunod na Kabanata
I-download

Pinakabagong kabanata

Higit pang Kabanata

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.


Walang Komento
12 Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status