FAZER LOGINIsang gabi ang tuluyang nagbago sa buhay ni Alia Montenor nang mawala ang kanyang kambal na kapatid—ang babaeng minsang naging asawa ng pinakamakapangyarihang bilyonaryo sa bansa. Desperadong iligtas ang kanyang pamilya, hanggang sa nakilala niya ang lalaking kinatatakutan maging ng pinakamalalaking negosyante sa mundo. Si Lucas Santiago, isang lalaking kayang magpatumba ng mga imperyo sa isang utos at baguhin ang kapalaran ng sinuman sa isang desisyon. Sa mundong kanyang pinaghaharian, ang alok nito ay kasing simple ng isang kasunduan. "Take her place. I'll give you everything you've never had—wealth, power, money, and a future." Sa pagitan ng kanyang konsensya at ng pamilyang desperado niyang iligtas, unti-unti siyang nalulunod sa marangyang mundong pag-aari ni Lucas, may mas malalim na dahilan kung bakit siya ang pinili—isang lihim na matagal nang itinago ng lalaking tila kayang kontrolin ang lahat. Sa mundong pinaghaharian ng kapangyarihan, kasinungalingan, at mapanganib na pagnanasa, hanggang saan ang kaya niyang isuko para sa kanyang pamilya—o tuluyan na ba siyang mabibitag sa lalaking hindi niya kailanman pinili.
Ver maisMabagal na dumilat si Alia nang maramdaman ang sinag ng umaga na tumatama sa kanyang mukha. Ilang segundo siyang nanatiling nakatitig sa mataas na kisame, pilit inaalala kung nasaan siya. Ngunit kasabay ng pagmulat ng kanyang mga mata ay ang pagbuhos ng mga alaala mula sa nagdaang gabi. "I'll accept this." Mariin siyang napapikit. Hindi pala iyon panaginip. Unti-unti siyang napabangon at napatingin sa paligid. Muli niyang nasilayan ang napakalawak na silid na tila isang hotel suite kaysa isang ordinaryong kwarto. Ang puting Italian marble na sahig ay kumikinang sa sinag ng araw, habang ang mamahaling kasangkapan ay tila maingat na inilagay sa bawat sulok. Tahimik siyang bumangon. Bawat hakbang niya ay mabagal, tila natatakot na baka biglang maglaho ang lahat kapag masyado siyang mabilis kumilos. Lumapit siya sa napakalawak na bintana. Mula roon ay tanaw ang buong siyudad. Napakataas. Napakalayo. Pakiramdam niya ay lalo lamang lumayo ang dating buhay niya. Napabuntong-hininga s
Mabagal na dumilat si Alia nang maramdaman ang sinag ng umaga na tumatama sa kanyang mukha. Ilang segundo siyang nanatiling nakatitig sa mataas na kisame, pilit inaalala kung nasaan siya. Ngunit kasabay ng pagmulat ng kanyang mga mata ay ang pagbuhos ng mga alaala mula sa nagdaang gabi. "I'll accept this." Mariin siyang napapikit. Hindi pala iyon panaginip. Unti-unti siyang napabangon at napatingin sa paligid. Muli niyang nasilayan ang napakalawak na silid na tila isang hotel suite kaysa isang ordinaryong kwarto. Ang puting Italian marble na sahig ay kumikinang sa sinag ng araw, habang ang mamahaling kasangkapan ay tila maingat na inilagay sa bawat sulok. Tahimik siyang bumangon. Bawat hakbang niya ay mabagal, tila natatakot na baka biglang maglaho ang lahat kapag masyado siyang mabilis kumilos. Lumapit siya sa napakalawak na bintana. Mula roon ay tanaw ang buong siyudad. Napakataas. Napakalayo. Pakiramdam niya ay lalo lamang lumayo ang dating buhay niya. Napabuntong-hininga siya
Kasabay ng pagkawala ni Lucas Santiago ay tila mas lalong bumigat ang hangin sa loob ng napakalawak na silid. Hindi niya namalayang nanginginig pa rin ang kanyang mga kamay. Mariin niya iyong ikinuyom, ngunit hindi pa rin mapigilan ang bahagyang panginginig ng kanyang mga daliri."Take her place. I'll give you everything you've never had—wealth, power, money, and a future."Unti-unti siyang napaupo sa gilid ng kama. Pakiramdam niya ay nawalan ng lakas ang buo niyang katawan, na para bang isang iglap lang ay nawala ang lahat ng natitira niyang paninindigan."Just be my wife, and your future will be secure, Alia." bahagya lamang umangat ang sulok ng kanyang labi.Hindi niya inakalang darating ang araw na pipili siya sa pagitan ng kanyang konsensya at ng buhay ng kanyang pamilya. Ngunit nang ilatag ni Lucas Santiago ang alok, wala siyang nakita kundi ang mukha ng kanyang ina, ang lumang bahay na halos bumigay na sa paglipas ng panahon, at ang mga gabing paulit-ulit siyang nag-iisip kung
Lucas’s POVTahimik ang gabi.Nakatayo si Lucas Santiago sa harap ng maliit na siyudad, pinagmamasdan ang mga ilaw ng lungsod na unti-unting nilalamon ng dilim. Walang bakas ng emosyon sa kanyang mukha. Ang mga nangyari sa nakaraan ay matagal na niyang ibinaon. Makalipas ang ilang sandali, marahang bumukas ang pintuan ng silid. Pumasok ang isang dalagang matagal na niyang pinagmasdan mula sa malayo.Alia Montenor.Tahimik niyang minasdan ang reaksyon nito. Ang pagkalito sa mga mata, ang bahagyang panginginig ng katawan, at ang paraan ng paglinga nito sa bawat sulok ng silid. Eksakto ang lahat sa inaasahan niya. "There you are, Alia." mababa at kalmado ang kanyang boses.Nanatili siyang nakatingin sa dalaga habang unti-unti nitong nakikilala ang mukha niya. Walang gulat sa kanyang panig. Matagal na niyang alam na darating ang sandaling ito. Tahimik niya itong pinagmasdan mula ulo hanggang paa. Hindi dahil may hinahanap siyang mali, kundi dahil kinukumpirma lamang niya ang isang bagay.


















Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.