Neo's POV"Ano bang problema ng kapatid ng Eleanor na 'yan at ayaw niyang tantanan si Theo?" iritableng anas ni Alya. "Hindi ba't hindi naman na siya ang CEO ng kompanyang iniwan ng tatay nila? Ano pa bang pinuputok ng butchi ng lalaking 'yon?"Tumango ako. "Oo, ang totoo nga niyan ay mismong si tito Theo na nga ang umatras tungkol sa usaping kompanya na 'yan. Ayaw niya na ng gulo at ayaw niya nang madamay pa ang kahit na sino.""Pero...?" kunot-noong sambit ni Alya at pinukulan ako ng tingin. "Ang problema ay nakapangalan kay tito Theo ang titulo ng kompanya at lahat-lahat ng ari-arian ng mga Buendia," agad kong tugon na ikinabilog ng mga mata niya. "Isa pa, malaki rin ang galit ng Carlo na 'yon dahil sobrang minahal ni Eleanor si Lolo. Pero ang tanging mahal lang ni Lolo ay ang asawa niya at syempre ang nag-iisang anak niya na si tito Theo."Napabuga ng hangin si Alya. "Aba! Legal na asawa niya 'yon kaya malamang sa malamang ay 'yon ang mamahalin niya at pagtutuunan niya ng pansin.
Neo's POVIsang oras. Isang oras na akong naghihintay dito sa restaurant pero hanggang ngayon ay hindi pa rin dumarating si Alya. Panay ang text at tawag ko sa kanya pero hindi niya ako sinasagot. Bagamat inis ako ay hindi ko naman mapigilan ang hindi kabahan sa mga sandaling iyon. Baka kasi matulad siya sa kaibigan niyang si Samantha. Panay din ang text at tawag ni tito Theo pero hindi na siya nito nagawang sagutin. Iyon pala ay dinukot na ito ng manliligaw nitong si Karlo at dinala papunta sa ibang lugar. Isang malalim na hininga ang pinawalan ko kasunod niyon ay ang pagtungga ko ng iniinom kong tubig. Nakailang baso na ako ng tubig at pakiramdam ko ay busog na yata ako. Baka magkataon nito na kapag dumating si Alya ay siya na lang ang kumain. Sayang! Siya pa naman din ang libre sa lunch namin!Hindi kalaunan ay natigil ako nang makita kong bumukas ang front door ng restaurant. Agad na bumungad doon si Alya na sa mga sandaling iyon ay maraming bitbit na shopping bags."Aba't ta
Theo's POVHindi ko na napigilan pa ang bibig ko sa mga sandaling iyon. Wala akong pakialam at mas lalong wala akong pakialam kung magalit man siya o kamuhian niya ako. Masisisi ba niya ako? Mapipigilan ba niya na ang isang babaerong lalaking katulad ko ay nagmahal ng lubos sa babaeng nakilala ko lamang sa isang bar? Mapipigilan ba niya ang puso ko na tumibok sa babaeng naka-one night stand ko lamang? Ni maski ang sarili ko ay hindi ko lubos maisip kung bakit sa dinami-rami ng babae ay siya ang minahal ko? She's not my type. She could be, but she's way out of my league. Gustuhin ko mang kalimutan siya pero hindi iyon ang gusto ng puso ko. Kahit anong gawin ko ay siya at siya pa rin ang hinahanap-hanap ng isip at puso ko. "Sinusubaybayan mo 'ko?" aniya na ikinatitig ko lamang sa kanya. "All this time? Alam mo na nandito 'ko sa California? Alam mo kung anong nangyayari sa-""Lahat-lahat ng nangyayari sa 'yo, alam ko," tiim-bagang kong sambit. "Kung paano ka tratuhin ni Karlo at k
Samantha's POVIsang matamis na ngiti ang pinawalan ko habang mataman kong pinagmamasdan si Theo na mahimbing na natutulog. Matapos ko kasi siyang pilitin na magtungo sa kanyang kwarto upang kumain ng iniluto ko ay agad ko na rin siyang pinagpahinga.Sa katunayan nga, bago ko pa siya napapayag ay napakarami niyang tanong. Anong dahilan kung bakit hanggang ngayon ay nandito pa rin ako? Bakit imbes na umuwi na ako at nang makapagpahinga ako ay iniintindi ko pa rin siya? Bakit ko siya nilutuan? Bakit imbes na ang asawa ko ay siya ang inaalagaan ko?Lihim na lamang akong natawa sa mga katanungan niyang iyon. Bakit nga ba? Maging ang sarili ko ay tinatanong ko kung bakit ganito ko siya kung tratuhin. He's right. Kung tutuusin ay nilamon ko rin iyong sinabi ko sa kanya na magkalimutan na kami. Paulit-ulit kong ipinapaalala sa kanya na kailangan niya na akong kalimutan at isipin na lamang niya na pawang panaginip lamang ang nangyari sa nakaraan namin. Pero matigas siya! Wala siyang iban
Theo's POVAbala akong nagbabasa ng mga ipinasang files ni Ericka nang marinig ko ang sunod-sunod na katok mula sa labas ng pinto ng office ko. "Come in," wika ko habang pikit pa rin ang mga mata ko sa mga sandaling iyon. Mag-iisang linggo na simula nang magbukas ang branch ng DigiComics. Pero ngayon ko lamang napagtanto na mas mahirap pa pala ang maging isang Editor in chief ng isang comics publishing company kaysa ang maupo bilang isang CEO.Lintik kasi itong Aljulmi na ito! Ang usapan namin ay Vice President lang ang magiging papel ko sa kompanya niya. Panay nga ang reklamo ko sa kanya nang araw na malaman kong dalawa pala ang dapat kong gampanan. Wala siyang ibang ginawa kundi ang tawanan lang ako. At wala rin akong ibang gustong gawin kundi ang sapakin ang pagmumukha niya. Ang sabi niya sa akin ay naghahanap pa siya ng magiging Editor in Chief. Marami-rami na rin daw ang nag-apply at umabot na ng halos limang katao. Ang problema ay hindi pa siya makapagpili dahil nga may mas
Third Person's POVHindi magawang makapagsalita ni Evan nang makita niya ang kanyang tiyuhin sa enhanced picture ng CCTV footage na mismong ipinasa niya kay Vince. Ang pagkakaalam niya at sinabi rin ng kanyang ama ay nasa Laguna ito. Nagpasya itong magpakalayo-layo simula nang mangyari ang pagsabog sa anniversary ng kanilang kompanya. Simula niyon ay wala na siyang narinig na kahit na katiting na balita tungkol sa kanyang tiyuhin. Maging ang kanyang ama ay nanatiling tikom ang bibig tungkol sa naging hidwaan nilang magkapatid. Mismong si Irigo din kasi ang nagsabi sa kanila na hindi nito tanggap ang katotohanan na si Theo ang legal na anak ng kanilang ama. Hindi nito tanggap na sila ni Irigo ang anak sa labas. Muli ay tinitigan ni Evan ang larawan ng kanyang tiyuhin na naka-flash sa screen ng kanyang laptop. "May posibilidad kaya na alam ni Neo kung nasaan ang kanyang ama?" tanong niya sa kanyang sarili. "Imposible 'yon. Dahil noong nakaraang buwan ay nabanggit niya sa akin na si