Theo's POVIlang minuto ang nagdaan ay tuluyan na rin kaming nakapasok sa loob ng mall. Dumaan kami sa likod na siyang dinaanan din ng grupo ni Vince. Mula sa di kalayuan ay tanaw ko ang mga taong nakasubsob sa sa sahig habang rinig ang kanilang paghagulhol. Ngunit bukod pa sa mga taong iyon ay may nakita rin akong nakahandusay sa sahig habang naliligo sa sarili nilang dugo. Ikinuyom ko ang kamao nang makita ko ang walang malay na katawan ng mga biktimang iyon. Nanlaban ba sila o sinadyang gawin iyon sa kanila upang wala ni isa man ang magreklamo?Hindi nagtagal ay natigil ako nang makita ko si Karlo na natigil sa pagbaba at nakatayo sa gitna ng hagdanan. May hawak itong baril sa kaliwang kamay nito habang ang kanang kamay naman nito ay abala sa hawak nitong cellphone. Mula roon ay kita sa mukha nito ang inis ganoon din ang pagkairita. Hanggang sa maya-maya ay gigil niyang itinapon iyon na ikinakislot ng mga biktimang nasa ibaba ng hagdang iyon. Probably, he's texting Samantha. Ba
Theo's POVLabis pa sa labis ang kaba ko sa mga sandaling iyon nang marinig ko ang sinabing iyon ni Alya. Totoo nga ang sinabi ng isa sa mga kasamahan nina Evan at Vince na bumalik na ng bansa si Carlo at ang grupo nito. Aaminin ko. Noong una ay wala akong ibang maramdaman kundi takot at kaba lalo na't wala akong ideya kung ano ang nangyari at kung saan dinala si Neo. Pero sa ngayon na alam ko ng ligtas siya ay hindi na ako aatras pa sa oras na magkaharap kami ni Carlo o ng kahit na sino. Buong tapang ko siyang haharapin at wala akong pakialam kung ano pang gawin niya sa akin. Sa puntong ito ay wala akong ibang gusto at dapat na isipin kundi ang mga taong malapit sa akin. Ayaw kong makaramdam ng takot ang mga mahal ko sa buhay habang kapiling ko sila. This is enough.Nang makarating kami sa TL Megamall ay naabutan namin ang grupo ng kapulisan na nakapaligid sa labas ng mall. Halos lahat sila ay nakahanda na sa maaaring mangyari sa mga sandaling iyon. Ngunit hindi nagtagal pagdatin
Samantha's POV After fifteen hours of long flight, nakarating na rin kami sa Pilipinas. Matapos naming makalabas ng airport ay agad kaming nagtungo sa parking area kung saan naghihintay si Mr. Irigo ganoon din ang anak nitong si Taylor. Nang tuluyan na kaming makarating doon ay agad na kinatok ni Theo ang pinto sa driver's seat. Mula roon ay lumabas si Mr. Irigo na mabilis pa sa alas-kuatrong niyakap ang kapatid nito. Ngunit sa kalagitnaan naman ng kamustahan nilang iyon ay natigil ako nang maramdaman kong may tumapik sa balikat ko. It was Taylor. Nakangiti ito sa mga sandaling iyon. Ginantihan ko rin siya ng ngiti ngunit hindi kalaunan ay nabali ang ngiting iyon nang agad ako nitong niyakap. I was surprised seeing her showing me that kind of affection. Bagamat malapit kaming dalawa at kulang na lang ay ituring namin ang isa't-isa na pamilya ay mayroon pa ring limitasyon iyon. For all I know, ang ayaw na ayaw niya sa lahat ay ang makipagyakapan sa kahit na sino. But this
Neo's POV"Carlo planned to take everything away from Theo.""He wants to destroy all of it and everything in it."Hanggang sa mga sandaling iyon ay inuulit-ulit ko pa rin ang sinabing iyon ni papa. Buong akala ko ay naghihiganti lamang si Carlo para sa kapatid nitong si Eleanor. Ang buong akala ko ay gusto lamang nitong pahirapan si tito Theo sa kadahilanang gusto niyang maramdaman nito ang naramdaman ng kanyang kapatid. Iyon pala ay lubos pa sa lubos ang gusto nito. It wasn't just about the revenge, but it's about his greediness over those things that he never had. Ano ang motibo niya sa lahat ng ito? Hindi kalaunan ay naputol ang pagmumuni-muni kong iyon nang marinig ko ang muling sinabi ni papa. "I always hate Theo," aniya at bahagyang umiling. "Wala akong ibang napansin sa kanya kundi ang mga kamalian niya. Galit na galit ako kay kuya Irigo dahil masyado siyang nagpapasensya sa lalaking 'yon. Binabastos na siya pero wala pa rin siyang ibang ginawa kundi ang maging kalmado."P
Neo's POVNaniningkit ang mga mata ko habang nakatitig kay papa sa mga sandaling iyon. Matapos niya akong igapos at iwanan sa loob ng isang kwarto ay kinuha niya ang cellphone ko at may kung sinong itini-text doon. Sa kabilang banda naman ay binalingan ko ng tingin si Alya na tulog pa rin hanggang sa mga oras na iyon. Sa lakas ba naman ng pagkakahampas sa kanya ng magaling kong ama ay walang palya na talagang para itong lantang gulay. On the other hand, hindi ganoon ang ginawa sa akin. Bagkus ay tinakpan lamang niya ang ilong ko ng panyong hawak niya at matapos niyon ay nawalan na ako ng malay. Paggising ko ay nandito na ako sa lugar na ito at nakikipagtalo sa kanya. Nagtataka nga rin ako kung bakit at paano siya nakapasok sa loob ng safehouse samantalang nagsigurado pa kami bago kami tuluyang manatili roon. No one was there at sinigurado rin iyon ng mga bantay doon. Hindi kalaunan ay natigil na siya sa kanyang ginagawa at muli ay pumasok sa loob ng kwarto. Matapos niyang isara iy
Theo's POVMatapos ang ilang ulit na pakikipag-usap at pagsisigurado ni Evan sa desisyon kong muling umuwi ng Pilipinas ay humantong din sa punto na kailangan nilang sumama sa amin. Mayroon kasing isa sa mga kasamahan nila ang nakapagsabi na nakita nila si Carlo at ang pamangkin nito na nasa airport. Noong una ay ayaw maniwala ni Evan maging ni Vince sa kadahilanan na baka iniisahan lamang sila ng dalawang iyon. Ngunit nang masigurado nila na bumili ng ticket ang mga ito ay hindi na sila nagdalawang-isip pa. Bukod kasi sa pagbili ng mga ito ng ticket ay nakita rin nila mismo sa CCTV footage ang pagpasok ng mga ito sa airplane. Sa puntong iyon ay agad na nakahinga ng maluwag sina Vince at Evan. Kung tutuusin kasi ay ayaw nilang umuwi kami dahil baka raw kung anong mangyari sa amin. Sigurado sila, at sang-ayon din ako, na nakasunod ang kanilang mga mata sa aming dalawa ni Samantha. Someone they trust might be around us or maybe among the crowd.Wala kaming dapat na pagkatiwalaan sa m