MasukThird Person's POVNang marinig ni Irigo ang sinabing iyon ni Ms. L ay hindi kaagad siya nakaimik. Kung tutuusin ay hinihintay niya ang mga susunod pa nitong sasabihin at kung ano ang magiging reaksiyon nito.Will she react the same way as he did?Magagalit din ba ito tulad ng kung paano siya nagalit nang malaman niya ang relasyon ng dalawa?Or is it going to be the other way around?Lihim siyang umiling habang nakatuon ang tingin kay Ms. L. Sa puntong iyon ay hindi niya makita sa mukha nito ang reaksiyon na hinihintay niya.She's calm.But somehow, he's curious about something.Tumikhim siya. "Paano niyo nalaman ang tungkol doon? Hindi naman sa nangingialam ako. But who told you about his relationship with the CEO's secretary?"She smiled at him. "I have someone I trust. Ang totoo niyan ay matagal ko na kayong pinasusubaybayan sa taong 'yon. Lahat ng kilos niyo, lalong-lalo na ni Theo, ay ipinapaalam niya sa akin.""You do?" kunot-noo niyang tanong."Yes," mabilis nitong tugon. "Pero
Third Person's POVNatigil sa pagkain ng kanyang tanghalian si Irigo nang marinig niya ang sinabi ng kanilang katulong. Agad niyang nabitawan ang hawak niyang kubyertos at tumayo mula sa kanyang kinauupuan."Let her in," mahina niyang tugon. "Sabihin mo sa kanya na hintayin niya 'ko sa living room. May aasikasuhin lang ako saglit.""Sige ho, sir."Matapos ang maiksing usapan nilang iyon ng kanilang katulong ay agad na rin nitong nilisan ang lugar. Dali-dali itong bumalik sa labas habang si Irigo naman ay tulalang nakatanaw mula sa di kalayuan.Napalunok siya at hindi nagtagal ay napasapo sa kanyang noo.Hindi niya akalain na matapos ang ilang taong hindi nila pagkikita ay darating ang araw na ito. He took Theo away from his own mother and hide him from the Buendias.Ngayon ay nandito na ito sa loob ng kanyang pamamahay kung saan ay labis-labis ang kabang kanyang nararamdaman.Bagamat hindi niya tiyak kung ano ang susunod na mangyayari sa mga sandaling iyon, mayroon na siyang ideya kun
Theo's POVSa ilang minutong pagkukwentuhan ng magkapatid ay tuluyan na ring nakatulog si Samantha.Hindi na rin nakakapagtaka dahil alas-onse y medya na rin ng gabi. Bukod pa roon ay ilang oras kaming nagbiyahe papunta rito sa kanilang probinsya.Kung tutuusin ay labis ang kaba ko bago pa man kami makarating dito. Iniisip ko kasi ang posibilidad na baka magkataon na matulad ako sa kung paano tinrato ng pamilya ko si Samantha.Inaasahan ko na makakarinig ako ng hindi magagandang mga salita mula sa kanyang pamilya. Tulad na lamang kung paano itinuring ni kuya Irigo at ng kanyang mga anak si Samantha ganoon din ang relasyon namin.Ngunit sa hindi ko inaasahan ay tanging si Elias lang pala ang tutol sa akin.It's a good thing, actually. Kahit paano kasi ay nag-iisa lang siya at maaari pa akong makahingi ng tulong mula sa iba pang miyembro ng pamilya nila.But at the same time, ayaw kong mapanatag sa ideya na iyon.He might be the only person I need to put my attention to, but I don't thi
Theo's POVNatigil ako sa pagpupunas ng buhok ko nang maabutan ko si Samantha na nakahiga sa kama habang abala sa kanyang cellphone.Pangiti-ngiti pa siya habang may kung anong pinanonood doon.Sa puntong iyon ay napapangiti na lamang din ako habang pinagmamasdan siya. Hindi ko alam kung ano ang kanyang pinagkakaabalahan pero sa tuwing nakikita ko siya sa ganitong estado ay kumakalma ang sistema ko.Lalo na sa mga sandaling ito kung saan ay aware ako sa kung paano ako tratuhin ng kapatid niyang si Elias.Hindi kalaunan ay naupo ako sa gilid ng kama kung saan ay tila ba wala pa rin siyang pakialam sa paligid niya."Galit pa rin ba sa 'kin ang kapatid mo?" basag ko ng katahimikan na ikinatigil niya. "Narinig ko ang usapan niyo kanina. It seems like he's too numb to accept our relationship."She turned off her phone and then put it down on the bed.Humarap siya sa akin. "Hayaan lang muna natin siya. Sa tingin ko naman ay maliliwanagan din ang lalaking 'yon. Gustuhin man niya o hindi ay w
Third Person's POV"Kailan ka umuwi?" tanong ni Ms. L sa asawa nito. "Bakit hindi mo man lang sinabi sa 'kin at nang nasundo kita? Wala naman akong ginagawa at saka isa pa tapos na ang mga inaasikaso kong papeles sa kompanya."Umiling si Santisimo at napangiti. "Alam ko kasing masyado kang busy sa pinagkakaabalahan mo. Ayaw kong maistorbo ka dahil baka mamaya ay sisihin mo na naman ako na hindi mo natapos ang mga dapat mong gawin.""You know me so well." Tawa ni Ms. L. "Anyway, kumain ka na ba? Sakto at nagluto ako ng makakain. Wala kasi ang cook natin dahil mayroon daw siyang personal na aasikasuhin sa kanyang pamilya sa probinsya. Aside from that, matagal-tagal na rin simula nang huli akong magluto.""Bakit ako lang? Ikaw? Kumain ka na ba?" kunot-noo nitong sambit.Humugot siya ng isang malalim na buntung-hininga."I have some errands I need to attend to," mabilis niyang tugon. "Ang totoo nga ay matagal ko nang gustong-"Naputol ang kanyang sasabihin nang marinig niya ang mga sumuno
Samantha's POV"Mukha yatang nagkakalapit na ang loob nina Theo at Roman," nakangiting anas ni tita Ellaine. "Aba't kanina pa sila hagalpakan ng hagalpakan dyan sa labas. Baka mamaya niyan ay pareho na pala silang nakainom."Natawa ako sa pahayag na iyon ng tiyahin ko. Hindi na nakakapagtaka kung magkataon man na mangyari nga iyon. Kilala ko si Theo at panigurado na kung gusto niyang kunin ang loob ni papa ay hindi siya magdadalawang-isip na makipag-inuman at makipagkwentuhan kahit na gaano pa iyon katagal. Noon pa man ay gawain niya na iyon lalo na sa mga kliyente ng kanilang kompanya. Hindi ko nga alam kung paano niya nagagawang kunin ang loob ng mga taong halos kulang nalang ay isumpa siya. Maybe it's just the way he does things.Maybe it's his strategy that even his family couldn't understand. "Ikaw ba, ate," maya-maya'y anas ni Victorino na ikinatigil ko. "Kailan mo ba balak kausapin si Papa? Hanggang ngayon ba ay galit ka pa rin sa kanya? Naunahan ka pa ni kuya Theo na makip







