Share

Chapter 27

Penulis: zeharilim
last update Terakhir Diperbarui: 2025-06-15 14:36:42

Samantha's POV

Matapos ang naganap na tagpo sa pagitan namin ni Theo ay agad na kaming lumabas sa comfort room at nilisan ang restaurant.

Ilang minuto ang nagdaan ay tuluyan na rin kaming nakarating sa Montero Incorporation. As we entered the premises, dali-dali kaming dumiretso sa conference room as Mr. Montero's secretary instructed.

Halos wala pang katao-tao at kami pa lang ang nandoon.

Hindi kalaunan ay nagpaalam sa amin ang kanyang secretary.

Naiwan kaming dalawa roon ni Theo.

"We're twenty minutes early," tiim-bagang niyang anas. Humarap siya sa akin. "We should have finished.

Kung bakit ba naman kasi aligaga 'yong lintik niyang secretary?"

Siniko ko siya. "Would you stop? Mas maganda na' yong maaga tayo kaysa hindi. Mr. Montero hates tardiness."

Pagak siyang natawa. "Hates tardiness? That's just an excuse. Kilala ko si Mr. Montero. He has a lot of monkey business."

Natigil ako sa sinabing iyon ni Theo.

Gaano karami ang kilala ng lalaking ito pagdating sa business industry?

Una,
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci

Bab terbaru

  • His Dangerous Desire   Chapter 30

    Theo's POVTulala akong nakaupo sa pwesto ko habang inuulit-ulit ko ang mga impormasyong narinig ko. 'Hindi kita anak, Theo. You're my brother.'Umiling ako at tumayo mula sa couch. Kunot-noo ko siyang pinukulan ng tingin na sa mga sandaling iyon ay tahimik lamang akong pinagmamasdan. "Is this a joke? Or is this one of your games?" ngisi kong tanong sa kanya."Hindi ako nakikipagbiruan, Theo, at mas lalong hindi ako nakikipaglaro," sinsero niyang anas. "Totoo ang sinasabi ko. Kapatid kita, kapatid mo kami ni Bino."Mapakla akong natawa. Pumikit ako sabay pisil sa nose bridge ko. Sa muli kong pagmulat ng mga mata ko ay pinukulan ko siya ng tingin. "At ano? Ikaw lang ang nakakaalam nito?"Tumango siya. "Walang ibang nakakaalam tungkol dito kundi ako lang at ang asawa ko."Bumalik ako sa pagkakaupo sabay laklak ng wine na natira sa baso ko. "Sige," pagsisimula ko, "kung totoo nga 'yang sinasabi mo, bakit pinatagal mo pa ng ilang taon? Bakit noong una pa lang ay hindi mo na sinabi sa

  • His Dangerous Desire   Chapter 29

    Theo's POVAgad akong napamura nang muling naudlot ang dapat sana ay pinagsasaluhan na namin ni Samantha. Kanina pa ako kating-kati na maangkin siya pero panay naman ang tutol ng tadhana na mangyari iyon. Isang malalim na buntung-hininga ang pinawalan ko nang tuluyan na kaming makapag-ayos ng mga sarili namin. Binalingan ko siya ng tingin at masasabi kong hindi lamang ako kundi maging siya ay inis sa mga sandaling iyon. Akmang bubuksan niya na ang pinto ay agad kong hinawakan ang braso niya na ikinatigil niya.As she turned to me, I kissed her on her lips. "Let's continue this at home. Promise. Hindi na mauudlot at wala ng mang-iistorbo sa 'tin."Natawa siya sabay hampas sa braso ko. "Siguraduhin mo."Muli ay mariin ko siyang hinalikan sa labi.Hindi kalaunan ay tuluyan na rin niyang binuksan ang pinto. Agad siyang dumiretso sa kanyang pwesto at binuksan ang kanyang computer. Sa kabilang banda naman ay tinungo ko ang desk ko at naupo roon habang hinihintay ang pagdating ng magaling

  • His Dangerous Desire   Chapter 28

    Samantha's POV'Born and raised in Makati City, Engr. Theo Vasquez Buendia graduated Suma Cum Laude with a Bachelor's Degree in Mechanical Engineering from the University of the Philippines Diliman. He earned his master's degree in Computational Engineering at Technical University of Munich.''Engr. Theo is the co-founder of Alloy Arc Corporation, which developed and integrated smart technologies for schools and universities. He had received several awards, including the Manfred Hirschvogel Prize, Ludwig Mond Prize, and Charles Stark Draper Prize for Engineering in Germany. He also received an award from Australia, the Peter Nicol Russell Memorial Medal.'Tila ba ubos na ang laway ko kakalunok habang binabasa ko ang article tungkol kay Theo. Ang totoo nga niyan ay nakailang ulit na ako pero hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala sa mga nalaman kong impormasyon tungkol sa kanya. Sino ba naman kasi ang maniniwala na ang isang Theo Buendia ay isa sa mga maimpluwensyang tao sa

  • His Dangerous Desire   Chapter 27

    Samantha's POVMatapos ang naganap na tagpo sa pagitan namin ni Theo ay agad na kaming lumabas sa comfort room at nilisan ang restaurant.Ilang minuto ang nagdaan ay tuluyan na rin kaming nakarating sa Montero Incorporation. As we entered the premises, dali-dali kaming dumiretso sa conference room as Mr. Montero's secretary instructed.Halos wala pang katao-tao at kami pa lang ang nandoon.Hindi kalaunan ay nagpaalam sa amin ang kanyang secretary.Naiwan kaming dalawa roon ni Theo."We're twenty minutes early," tiim-bagang niyang anas. Humarap siya sa akin. "We should have finished.Kung bakit ba naman kasi aligaga 'yong lintik niyang secretary?"Siniko ko siya. "Would you stop? Mas maganda na' yong maaga tayo kaysa hindi. Mr. Montero hates tardiness."Pagak siyang natawa. "Hates tardiness? That's just an excuse. Kilala ko si Mr. Montero. He has a lot of monkey business."Natigil ako sa sinabing iyon ni Theo.Gaano karami ang kilala ng lalaking ito pagdating sa business industry?Una,

  • His Dangerous Desire   Chapter 26

    Theo's POVAgad na nagtangis ang mga bagang ko nang mabasa ko ang card na hinablot ko mula kay Samantha. Ganoon din nang mabaling ang tingin ko sa mga pagkaing ibinigay ng lalaki sa kanya na ngayon ay nakahain sa lamesa namin.Blanko ang reaksiyon kong umupo sa tabi niya. Tinitigan ko siya habang siya naman ay tila ba naghihintay ng sasabihin ko."You've got an admirer. How cute!" Ngumisi ako sabay lamukos sa hawak kong card at inihagis iyon sa kung saan. "Akalain mo, saglit lang akong lumabas, meron na kaagad pumuporma sa girlfriend ko. Where is this guy? Saang table siya?"Napatutop si Samantha sa kanyang bibig at maya-maya ay mahinang napahagikhik.I frowned. "May nakakatawa? Did he make you laugh? O natutuwa ka dahil nakalibre ka ng pagkain? I can do that, you know – and I can do more than that."Imbes na sagutin ang mga tanong ko ay wala siyang ibang ginawa kundi ang humagikhik sa mga sandaling iyon.I stares at her.Bagamat inis ako ay hindi ko maiwasan ang hindi mapangiti haban

  • His Dangerous Desire   Chapter 25

    Samantha's POVHanggang sa mga sandaling iyon ay hindi pa rin ako makapaniwala na talaga ngang malapit si Theo sa mga Hamson. From the way he talks to them and from the way he jokes around them. Daig pa nito ang kanyang pamilya na tila ba kilalang-kilala siya at alam na alam bawat kilos at pag-uugali niya.Sa katunayan ay ngayon ko lang siya nakitang ganito kasaya. Halos hindi mapatid-patid ang ngiti sa mga labi niya kung saan maging ako ay nahahawa na rin sa kanya."So, pwede bang matanong kung ano ang dahilan at pumayag ka na rin na umupo bilang CEO?" maya-maya'y tanong ni Mr. Victor.Tumikhim siya at bahagyang nagbaling ng tingin sa akin. "I have some personal reasons." Muli ay hinarap niya sila. "Saka hindi naman siguro masamang subukan kung ano nga ba ang buhay ng isang CEO, hindi ba? You know how curious I can get."Natawa si Mr. Victor ganoon si Oliver, ang anak niya."I just hope that you're not just Taylor's substitute," pagseseryoso ni Mr. Victor. "Sana pagkatapos ng limang

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status