Share

Chapter 35

Auteur: zeharilim
last update Dernière mise à jour: 2025-06-18 19:33:31

Samantha's POV

"We're already here," ani Theo matapos niyang iparada ang sasakyan sa garahe. "Pwede na ba nating pag-usapan ang tungkol sa date mo? I hope na wala ka ng ibang dahilan pa para magpalusot."

Sinamaan ko siya ng tingin. "Pwede ba, Theo? Anong sinasabi mong palusot? Ginawa ko lang naman 'yon para hindi tayo mahalata ni Ms. Bella."

He paused for a moment. "She's busy with her phone. Kung gugustuhin mo ay magagawan mo ng paraan para ipaliwanag sa 'kin ang lahat. Pwera nga lang kung talagang ayaw mong ipaalam sa akin ang tungkol doon."

Tinitigan ko siya.

Well, may point naman siya pero mahirap pa rin ang mag-take risk. Ano na lang ang mangyayari sa oras na narinig pala niya ang usapan namin?

Mabuti sana kung mapakiusapan siya katulad ni Neo na isang sulsol lang ni Theo ay susunod na kaagad.

"Fine! Kung gusto mong malaman, sasabihin ko sa 'yo." Bumaba kami sa kotse at tinungo ang trunk upang kunin ang mga ipinamiling gamit ni Ms. Bella para sa akin. "Pero sana pagkatapos kong s
Continuez à lire ce livre gratuitement
Scanner le code pour télécharger l'application
Chapitre verrouillé

Latest chapter

  • His Dangerous Desire   Chapter 38

    Theo's POVNapahalukipkip akong napasandal sa door frame ng opisina ko nang makita kong nakahiga si Neo sa couch. Nanood ng kung ano sa kanyang cellphone habang nakasalpak sa magkabila niyang tainga ang headphone.Sa kabilang banda naman ay nagkalat ang mga plastic ng pinagkainan niyang junk foods sa coffee table ganoon din ang ilang bote ng alak. He's been like this since he broke up with his girlfriend. And for two weeks, he hasn't shown himself up. Ngayon lang ulit siya nagpakita at walang nakakaalam kung saang lupalop siya nagpunta.Napailing ako.Ngayon alam ko na kung bakit inis na inis sa akin noon si kuya Irigo ganoon din ang mga pamangkin ko. I looked like a mess.Hindi kalaunan ay nagpasya na akong magpatuloy papasok sa loob. Sa pagsara ko ng pinto ay nag-angat siya ng tingin kasabay ng pagtanggal niya ng kanyang headphone. Isang matamis na ngiti ang ibinungad niya sa akin."Here's Mr. CEO," aniya at pupungas-pungas pang bumangon. "Kamusta na? Kamusta na ang buhay may as

  • His Dangerous Desire   Chapter 37

    Samantha's POV'Kahit katiting ba, wala ka pa ring nararamdaman para sa 'kin?'Nahinto ako sa tanong na iyon ni Theo. Agad akong nagbaba ng tingin dahil hindi ko alam kung paano ko siya sasagutin. Nitong mga nakaraang linggo ay lagi na lang akong tulala habang iniisip ang mga sandaling magkasama kami. I can't stop thinking how happy I felt when I was with him. Bukod pa roon ay hindi kumpleto ang araw ko kapag hindi kami nakakapagkita at nagkakasama. He's been busy over the past few weeks due to his various schedules.He's the CEO, of course, magiging busy siya palagi. Pero kahit ganoon pa man ay bilib ako sa kanya dahil nagagawan niya ng paraan na bigyan ng time ang relasyon namin. Hindi katulad kung paano ako tratuhin ni Vince noon.Tinupad niya ang pangako niya na ipapasok niya ang sarili niya sa standards ko.Simula niyon ay hindi na ako matigil kakaisip sa kanya ganoon din sa kung ano man ang nararamdaman ko. Kung tutuusin ay ayaw kong pahalagahan iyon gayong alam ko kung ano a

  • His Dangerous Desire   Chapter 36

    Theo's POVIsang matamis na ngiti ang pinawalan ko habang inuulit-ulit ko ang narinig kong desisyon ni Samantha tungkol sa date niya. She's not going at ang ibig sabihin lang niyon ay hindi na rin matutuloy ang date na iyon. Oras na rin para ipaalam ko kay Bella na kailangan niya ng i-cancel ang date ko sa kaibigan niya. Kung tutuusin ay wala naman talaga akong balak na pumayag sa date na iyon at wala rin akong balak na sumipot kung sakaling matuloy iyon.I don't want to date anyone unless it is my girlfriend.Matapos kong mag-shower ay agad akong nagtapis ng twalya at lumabas ng banyo. Sa paglabas ko roon ay nakita ko si Samantha na nakatayo habang nakaharap sa salamin. She's wearing the nightdress I bought her a day ago. "It looks good on you," anas ko na agad niyang ikinahinto. "Sakto lang din."Nginitian niya ako at muli ay humarap sa salamin. Hindi kalaunan ay nabali ang ngiti niyang iyon. "Kailangan ko ba talagang um-attend ng anniversary ng kompanya niyo?" aniya habang tit

  • His Dangerous Desire   Chapter 35

    Samantha's POV"We're already here," ani Theo matapos niyang iparada ang sasakyan sa garahe. "Pwede na ba nating pag-usapan ang tungkol sa date mo? I hope na wala ka ng ibang dahilan pa para magpalusot."Sinamaan ko siya ng tingin. "Pwede ba, Theo? Anong sinasabi mong palusot? Ginawa ko lang naman 'yon para hindi tayo mahalata ni Ms. Bella."He paused for a moment. "She's busy with her phone. Kung gugustuhin mo ay magagawan mo ng paraan para ipaliwanag sa 'kin ang lahat. Pwera nga lang kung talagang ayaw mong ipaalam sa akin ang tungkol doon."Tinitigan ko siya.Well, may point naman siya pero mahirap pa rin ang mag-take risk. Ano na lang ang mangyayari sa oras na narinig pala niya ang usapan namin?Mabuti sana kung mapakiusapan siya katulad ni Neo na isang sulsol lang ni Theo ay susunod na kaagad."Fine! Kung gusto mong malaman, sasabihin ko sa 'yo." Bumaba kami sa kotse at tinungo ang trunk upang kunin ang mga ipinamiling gamit ni Ms. Bella para sa akin. "Pero sana pagkatapos kong s

  • His Dangerous Desire   Chapter 34

    Theo's POVMatapos ang meeting ko sa mga Montero ay agad akong dumiretso sa SM Megamall upang sunduin sina Bella at Samantha. Kung tutuusin ay dapat kaninang ala-una pa sila nakabalik sa opisina pero ang magaling kong pamangkin ay humingi pa ng dagdag na oras para sa kanilang paglilibot-libot.Right after I parked my car in the parking area, I texted Bella. Paalam niya na maghintay lang daw ako ng ilang minuto dahil mayroon pa silang dadaanan.Sa puntong iyon ay napagdesisyunan kong lumabas ng kotse at pumasok sa loob. Sa paglilibot-libot ko roon ay natigil ako nang mahagip ng atensyon ko ang isang jewelry store.Nakapamulsa akong nakatayo sa labas habang pinagmamasdan ko sa loob ang dalawang magkasintahan na tumitingin ng singsing. Muli ay naalala ko ang sinabi ni Bella.Habang inuulit-ulit ko ang mga katagang iyon ay tila ba nag-iinit ang magkabilang pisngi ko. I can't wait for that moment to happen. I can't wait to see Samantha walking down the aisle with her wedding dress. And I

  • His Dangerous Desire   Chapter 33

    Samantha's POV"Pwede ba kitang ayain mag-shopping?" tanong ni Bella na ikinatigil ko sa ginagawa ko. "Meron lang kasi akong gustong damit. Noong isang araw ko pa gustong bilhin 'yon kaya lang hindi naman ako makaalis dahil wala akong kasama."Bahagya akong napangiti sa kanya at binalingan ng tingin si Theo.Bago pa man ako makasagot ay muling nagsalita si Bella."Wag kang mag-alala, ipinaalam na kita kay CEO," ngiti nitong sambit. "Malapit naman na ang lunch break at saka isa pa, hindi naman tayo magtatagal. After shopping, kakain tayo ng lunch and then, let's go back here."Sumabat si Theo. "It’s okay, Samantha. Walang problema sa 'kin. Basta ba siguraduhin niyo na babalik kayo kaagad after lunch. Maraming kailangang asikasuhin dito sa opisina.""Wag kang mag-alala, Mr. CEO. Hindi kami magtatagal." Binalingan ako nito ng tingin. "Let's go?"Tumango ako.Matapos ang usapang iyon ay agad niya na akong hinila paalis doon. Kita ko sa mukha niya ang excitement sa mga sandaling iyon kung

Plus de chapitres
Découvrez et lisez de bons romans gratuitement
Accédez gratuitement à un grand nombre de bons romans sur GoodNovel. Téléchargez les livres que vous aimez et lisez où et quand vous voulez.
Lisez des livres gratuitement sur l'APP
Scanner le code pour lire sur l'application
DMCA.com Protection Status