Share

THE UNIQUE CONTRACT

"Anong contract?"

Nakangising tumingin ito sa akin. Sinakop naman ng kaba ang dibdib ko. Tinanggal nito ang posas sa kamay ko. Namumula ito.

May iniabot itong envelope sa akin. Kulay pula. "The contract I'm talking is inside." Binuksan ko ang envelope at tumambad ang dalawang pirasong papel.

"You read it darling and you will know."

Sinimulan kong basahin mula sa unang pahina. Bawat nakasulat dito ramdam ko wala akong choice. Masyadong demanding hanggang sa huling pahina.

"So, what do you think?"

"Nakatali na ako sayo? Hangga't buhay ka. Mapapawalang bisa lang pag namatay ako o ikaw."

"Exactly."

Wala na talaga akong kawala sa tulad niya. May positibong nakasaad din doon na magkakaroon ako ng access sa bawat properties niya at VIP cards. Ewan ko ba kung para saan yung VIP.

"So, here's the pen darling."

"Pag di ako pumirma, ano mangyayari sa akin?"

"Well, you'll be imprisoned here until you agree to sign. But if you sign now, you will be married to me and you have every right on my properties. Plus, you can enjoy going outside but with bodyguards,"mahabang paliwanag nito sa akin. Kapag pumirma ako, makakausap ko na yung mga kapatid at ang Nanay ko. Ang nakakapanghinayang magiging asawa ako ng lalaking ito.

"Uhm, pwede ko pag-isipan."

"I am not patient darling but you only have tomorrow."

"Bukas na agad."

"This is the first time I have patience."

"Okay sige."

Nakangiti ito sa akin pero kakaiba. Napatingin ako sa mukha niya. Gwapo naman sana siya kaso may saltik yata.

"Your staring,"sabay lapit sa mukha ko. Naduduling na yata ako. Amoy na amoy ko ang hininga niya. Bakit napakaperpekto ng pisikal niyang anyo? Unfair ni Lord ha.

Hindi ako makagalaw sa sobrang lapit niya. Napapikit na lang ako.

"To disappoint you, I will not kiss you now but if we will be married, damn! You can taste my lips whenever you want."

Namula ako sinabi niya. Bakit napakaatat ko na halikan siya? Shit! Wala talaga ako sa sarili.

Humiwalay na ito sa akin na may nakakalokong ngiti. Pakiramdam ko pag ginagawa niya yun, kumakabog ang dibdib ko ng wala sa oras.

"I have to go darling."

"Saglit,"tawag ko sa kanya. Lumingon ito sa akin. Nakataas ang kilay nito na naghihintay sa sasabihin ko. Wala pala itong pasensya.

"Ahm, ano kasi, pwede ko bang malaman ang pangalan mo?"

"Now, your interested,"umupo ito sa kama. "My darling, I'm Gregory Merrick."

"Okay Gregory."

"Don't call me that."

Naiinis na sabi nito sa akin. Eh ano ba gusto itawag sa kanya?

"Just call me Red."

"Bakit red?"

"Why my darling suddenly curious?" Umupo ako sa kama. Magkatabi na kami.

"Sorry. Hindi na ako magtatanong."

"Soon you will know."

Wala na akong masabi sa kanya. Napansin nitong tahimik na ako. Nauubusan na ako ng itatanong.

"We will talk later. Okay?"

Napatango nalang ako sinabi nito. Lumabas na nga ito ng tuluyan sa kwarto. Naiwan pa din ang amoy niya. Bakit napakabango niya? Ano bang kabaliwan ang iniisip ko?

Pilit kong ipinipikit ang mga mata ko pero hindi ako dinadalaw ng antok. Kumusta na kaya ang pamilya ko? Malamang mag-alala na ang mga yun.

Halos mga dalawang oras na din ang lumipas hindi pa din ako nakatulog. Tumihaya na nga ako at tumagilid. Kulang nalang tumambling ako. Pumunta ako sa pintuan. Bubuksan ko sana pero lock pala. Bumalik nalang ako sa kama. Hindi pa pala ako nakapagpalit. Dumapa ako sa kama at nag-iisip ng pampaantok.

Bumukas ang pintuan. Yung tumulong sa akin kanina.

"Ma'am, sabi ni Master dalhin namin kayo sa kwarto niya."

Nagulat ako sa sinabi nito pero sumama nalang ako. Ayoko na magkaroon ng problema. Dumiretso kami sa isang kwarto. Kumatok ang katulong dito. Ilang saglit pa bumukas ito. Tumambad sa akin ang nakaboxer na lalaki. Walang iba kundi siya. Iniwan na ako ng katulong kaya pumasok na lang ako. Nakaupo na ito ulit sa kama. May pulang bedsheets din dito. Baka favorite niya. Medyo madilim sa loob pero may ilaw na kulay pula din. Hindi ba siya nagsasawa sa kulay na 'to.

"Why don't you sit down darling?"

Sinunod ko ang sinabi nito at umupo sa kama. Medyo nagbigay ako ng distance sa kanya. Kinakabahan kasi ako pag sobrang lapit.

"I have something for you."

May nakahilerang paper bags sa harapan ko. Hindi ko ito napansin kanina dahil sa pagtitig ko sa kwarto niya. Mga branded pa ang mga ito base sa bag na kinalalagyan.

"You can open it." Kinuha ko ang isang paper bag. Dahan-dahan kong kinuha ang laman nun. Isang kulay black na dress na close neck pero walang manggas. Sa tingin ko lagpas tuhod ko ito. Tiningnan ko ang tag. Hala! Napakamahal naman. 2,000 lang naman.

"You can open the others. If you don't like it, I will buy what you like."

Binuksan ko pa ang isang paper bag. May kabigatan ito. Kinuha ko ang laman nito. Nakalagay ito sa isang rectangular box. Isa pala itong sapatos. Kulay silver ito at 3 inches. Ayoko na tingnan ang presyo baka malula lang ako.

"The other bags are clothes."

"Wala bang pantulog?"

"My bad. I forgot."

Diyos ko naman! Mangangamoy na ako sa damit ko at underwear.

"I can call someone to buy for you."

"Huwag na. Malalim na din ang gabi. Titiisin ko nalang ang amoy ko."

"I have a shirt but no underwear."

"Okay na ako sa damit ko."

Baka lamigin pa ako pag nagkataon.

"No. You should change. I'll ask Donna, to let you borrow her clothes."

Tumawag ito sa intercom ng kwarto niya. Tinatawag nito ang may pangalang Donna. Mga ilang segundo lang may kumatok sa pinto. Nagpresenta akong buksan ito. Nakatayo doon ang halos kaedad ko lang na babae base sa itsura nito.

"Master, magandang gabi,"nakayokong sabi nito.

"Donna, please let my darling borrow your clothes. And tomorrow contact Niña to buy for her."

"Ma'am, sumunod po kayo sa akin."

"And Donna, dalhin mo siya sa sarili niyang kwarto."

"Darling, you can go with her.

Nakasunod lang ako kay Donna. Bumaba na ako kami mula sa ikalawang palapag. Diretso kami sa kanang bahagi. Napakalawak pala ng bahay niya. Mukha na itong palasyo sa laki. Mawawala siguro ako pag naglibot.

Nagpunta kami sa area ng bahay na may nakasulat. "MAIDS QUARTER"

"Ma'am, dito po tayo," nasa dulo pala ang kwarto niya. May nakasulat ding pangalan niya. Sosyal ah. May personal space sila. Binuksan niya ang kwarto. Napakasimple nito pero kapansin-pansin ang linis din. Hindi tulad sa boarding house namin Lily napakakalat.

Walang bakas ng pula dito."ma'am, may ilang piraso ako ng damit."

Iniabot niya ang ilang damit niya at mga pajamas. Pinili ko ang kulay pink na t-shirt at floral na pajamas.

"Ma'am,pasensya na po dyan."

"Ayos lang Donna."

"Hatid ko na po kayo sa kwarto niyo para makapagpalit kayo at makatulog na rin."

Nagsimula na kaming maglakad pabalik sa itaas. Medyo nangalay din ako dahil sa taas ng daghan. Kapansin-pansin sa dulo nitong ikalawang palapag ang isang staircase.

"Ma'am,may problema ba?"

"Wala. Ano ba meron sa taas,"hindi ko maiwasang itanong.

"Ma'am, bawal pong sabihin."

"Okay."

Narating namin ang kwarto na hindi pa rin mawala sa isip ko ang isa pang hagdanan patungo sa isang palapag.

Iniwan na ako ni Donna. Pumasok na ako sa banyo. Mukhang matutulog ako na walang panty o bra. Iniisip ko pa lang hindi na ako komportable pero no choice.

Hinubad ko ang lahat ng damit ko at binuksan ang shower. Pagbagsak ng tubig sa balat ko, napakasarap sa feeling. Mamahalin din ang mga sabon at sobrang bango. Pati na rin ang shampoo. Pagkatapos maligo ay nagbihis na ako. Pakiramdam ko h***d pa rin ako.

Hinayaan ko nalang at tinuyo ang buhok bago mahiga ulit. Sana makatulog na talaga ako.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status