Share

His Deadly Love
His Deadly Love
Author: MadamWriting_28

His Deadly Sta

Abala ako sa pagbibigay nang alak at ilang pulutan ng kinalabit ako ni Roxanne. Napalingon ako dito. Kailangan talaga isingit ang chismis niya sa akin.

"Sissy, alam mo ba, may lalaki dito na halos hindi ka hinihiwalayan ng titig! Hindi malagkit parang deads ka pag tumingin ka pabalik."

"Rox, wag mo nga ako takutin."

"Hindi kita tinatakot. His handsome naman sissy."

Bigla namang sumingit sa amin si Lily. Ang nagbigay ng trabaho sa akin.

"Rox, ano namang kabaliwan ang sinabi mo sa bestie ko?"

"Sissy lily, sabi ko sa kanya may lover siya doon sa dulo ng table. Kung makatitig sa kaibigan natin parang kakatayin siya."

"Girls, focus sa customers." Biglang singit ni Madam Amelia. Napayuko tuloy si Roxanne. Chismosa kasi.

"Yan napala mo sa pagiging chismosa at pakialamera." Sabay tawa ni Lily sa kanya. Napailing nalang ako.

Natapos ang shift ko at nauna akong umuwi kay Lily dahil may date pa daw sila ng boylet niya. Naglakad ako ng mga isang metro para makakita ng taxi pero wala akong mahagilap. Ang malas ko siguro sa araw na ito.

"Miss Gwen, ako na po maghahatid sa inyo." Si Julian. Isa sa mga bartender namin. Mahirap siyang tanggihan dahil mabait ito.

Sumakay agad ako. Sa motor niya lang naman. Wala akong choice dahil gusto ko maging safe ang pag-uwi ko

Narating namin ang inuupahan kong boarding house. Nagpaalaman na kami sa isa't-isa. Kumaway pa ito bago pinatakbo ang motor niya. Bago ako pumasok pakiramdam ko may nakamasid na mata sa akin at di nga ako nagkamali. Isang pares ng kulay brown na mata na nagliwanag dahil sa ilaw ng poste. Nakadungaw lang ito sa bintana ng kotse. Bumilis ang tibok ng puso ko at binilisan ko ang pagpasok sa tinitirhan ko.

Ano ba ang dahilan bakit siya nakamasid? Nakakamatay ang tingin niya. Siya kaya yung tinutukoy ni Roxanne?

"Ano oras ba uuwi si Lily?"

"Hindi po sinabi Manang Susan."

"O sige magpahinga ka na iha."

Naglakad na ako malapit sa kwarto namin ni Lily at binuksan ito. Pagkabukas nito ay binagsak ko ang sarili sa kama at napatitig sa kisame. Sana wag na maulit ang nangyari kanina. Binuksan ko ang cellphone at isang mensahe ang lumabas. Binuksan ko agad ito nagbabakasakaling si Lily pero hindi. Isang unsaved contact ito. Pagkabukas ng inbox ko ay tila nawalan ako ng hininga.

"Stay away from him or else hell is coming."

Naisarado ko agad ang cellphone ko at napahawak sa dibdib. Tahimik akong nagdasal at hinayaang tangayin ng antok ang pag-iisip ko. Ngunit ayaw makisama ng mata ko at dilat na dilat ito. Irereport ko ba to sa pulis? Napaupo ako ulit sa kama. Tumunog naman ang cellphone pero tawag na ito dahil sa ringtone.

Tiningnan ko ito at nakahinga ako ng maluwag dahil si Lily pala ito.

"Lily,ano oras ka uuwi?"

Sa halip na ito ang sumagot boses ng lalaki ang nagsalita.

"Lily will stay in my condo."

"Ah okay."

"Hey, Gwen, she'll be fine."

"Whatever Jake. Wag mo lang buntisin yan dahil may pamilya pa yan sa Davao na umaasa."

"I will ma'am."

"Crazy. Sige mag-ingat ka dyan gago." Ganito kami ni Jake mag-usap. Sinusungitan ko siya talaga dahil ang kaibigan ko lagi nalang silang naglalandian sa harapan ko.

Natapos ang walang kwentang usapan ni Jake at tumagilid na ako ngayon baka makatulog ako. Nahila na nga ako ng antok.

Nagising ako kinabukasan na may naamoy akong lutong pagkain.

"Bestie, pinagluto kita, I mean nagluto ako."

"Thanks. Ano oras ka nakauwi?"

"It's 3 am. Ayaw pa sana ako pakawalan ni Jake pero sinermunan ko ayun pumayag."

"Nag-iingat ba ang lalaking yun?"

"Ibig mong sabihin bestie?"

Minsan ang clueless ng babaeng ito.

"Ewan ko sayo. Ano ba ginawa niyo ni Jake?"

"Eh di ano pa, naglaplapan at alam mo na ang kasunod," natatawang sabi nito. Natawa nalang din ako. Naupo na kami sa maliit na mesa. Inihanda na nito ang niluluto niya. Mukhang masarap. Nadiligan kaya hindi tinamad.

"May sinabi pa yang si Jake na nagpawindang sa akin, alam mo ba?"

"Ano naman?"

"Magsama na daw kami. Eh di syempre umayaw ako. Marami pa akong pangarap sa tatlo kong kapatid. At saka alam mo, masyado siyang mataas para sa akin."

"Paano kung seryoso nga?"

"Nasanay lang siya sa akin. Huwag na natin siya pag-usapan at kumain na lang tayo."

Hindi ko na ito tinanong pa at kumain nalang kami. Ang tipo ni Lily ay ang nais lamang makatulong sa pamilya. Ganun din ako pero dumagdag sa suliranin ko ang nakita kong pares ng mata kagabi. Nakakamatay ang titig nito. Napalalim yata iniisip dahil siniko ako ni Lily.

"Ayos ka lang?"

"Oo naman."

"Parang hindi eh. Lutang ka bigla. Ano ba iniisip mo dyan?"

"Ang tagal ko ng hindi nakakauwi sa Davao. Miss ko na si Nanay at ang dalawa kong kapatid," paliwanag ko dito pero bukod doon may bumabagabag talaga sa utak ko.

Hindi na siya nagtanong pa at kumain ulit. Nagpresenta akong maghugas dahil siya naman ang nagluto. Nahiga ito ulit sa kama at binuksan ang cellphone niya.

Buong magdamag lang ako sa kwarto. Nagpaalam sa akin si Lily na may bibilhin siya. Gusto sana ako nito isama pero wala yata sa katinuan ang katawan ko. Kinuha ko ang larawan ni Nanay at ng mga kapatid. Tinitigan ko ito na sobrang nakakasabik silang makasama.

Humiga ako ulit sa kama at binuksan ko ang cellphone. Binasa ko ulit ang mensahe sa akin. Ano kaya pakay niya sa akin? Hindi kaya baliw yun at mahilig magbigay ng prank.

Dahil sadyang curious ako tinawagan ko ito. Tumunog naman ito. At ilang saglit pa sinagot agad. Naghintay akong magsalita ito.

"Are you that curious about me darling?"

Parang tumigil ang oras pagkarinig ko ng boses nito. Malalim at sobrang cold. Hindi ako makapagsalita dahil nakakatakot siya pala kahit boses lang maririnig ko.

Pinatay ko agad ito at pinagalitan ang sarili dahil sa katangahan ko. Tumunog ang cellphone ko at dahan-dahan ko itong binuksan at ito nga ang nagtext.

"Darling, I hate rejections but I exempt you for now."

Magpapalit na ako ng sim. Hindi ko na kaya talaga baka sa susunod masaktan na ako nito ng pisikal. Nakakatakot ang tulad niya.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status