Share

With Him in Davao

Busy ako ngayon sa pag-aayos ng gamit namin. Bigla nalang umalis si Red pero nagpaalam naman sa akin. May mahalaga daw siyang gagawin bago kami pumunta sa Davao. Habang nag-iimpake, walang katapusan ang pagngiti ko. Sobrang happy ko lang na uuwi ako kasama siya.

Nag-impake din ako ng gamit niya. Hindi ko sinasadyang may nalaglag na sobre. Pinulot ko ito. Ang pagiging curious ko ang dahilan bakit binuksan ko ito. Naupo ako sa kama at kinuha ang laman nito. Bakit puro pictures ko ito? Kinabahan ako bigla. May nakatuping papel din. Hindi ko nabuksan dahil may kumatok sa pinto.

"Madam, kumain muna kayo." Hindi pa pala ako nakakain ng agahan. Sobrang excited ko kase.

"Mamaya nalang."

Inilagay ko ulit sa cabinet ang sobreng yun. Ayoko pangunahan si Red. Balang-araw malalaman ko din naman ang totoo. Nagdesisyon akong bumaba para makakain. Nagwawala na kasi ang mga bulate ko sa tiyan.

Masaya kong tinungo ang kusina. As usual parang fiesta dahil sa dami ng nakahain. Sobrang bigat ng tiyan
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status