Share

Chapter 7

A month later....

"ACKKK!" Ilang minuto na siyang sukang suka, halos laway na lang ang lumalabas sa bibig niya.

Agad siyang nag mumog at nag-punas ng bibig, masama niyang tiningnan ang kaibigan sukang suka na nga siya ang saya saya pa nito. 

"Confirm Buntis ka nga!" Ngiting tagumpay na sabi nuto. Nasa labas ito ng cr at nakadungaw sa kanya. 

Alam niyang buntis siya dahil narin ilang linggo na'rin siyang delayed at fertile siya that time ng may nangyari sa kanila ni Cevon. 

"Ano? Sa sabihin mo ba sa kanya na nag bunga ang kapusukan niyo?" Sunod-sunod na tanong nito. Sasabihin niya nga ba, Alam niyang may karapatan ito sa magiging anak nila, pero takot naman siyang katulad niya ay makatanggap din ang anak ng Denial ng binata, yon ang inaayawan niyang mangyari.

Ayaw niyang maranasan ng anak na edenied ng sariling ama, hindi pa man nakikita ng anak niya ang mundo ay itatanggi na ito. 

"Wala! Wala akong balak naipakilala ang magiging anak ko sa kanya." Pinal na sabi niya at lumabas ng Cr. 

Nahiga siya sa kama binabagabag pa rin siya, kung sasabihin niya ba ang tungkol sa anak sa ama nito. 

Even her parents had no idea she was pregnant she had no intention of telling them, not now maybe soon. Baka hanapan lang siya ng mga magulang niya ng ama na hindi niya kayang sabihin kong sino.

Tiyak niyang kapag nalaman ng kuya niya na kaibigan nito na isa sa kaibigan nito ang naka buntis sa kanya ay bubugbugin nito si Cevon at piliting panagutan siya, lalo pa't over protective ng kuya niya sa kanya.

Na ayaw niyang mangyare ayaw na ayaw niyang pilitin at sakalin ito sa isang relasyon na hindi nito gusto, tiyak na hindi rin magiging maganda ang pag sasama nila dahil sa siya lang naman ang nagmamahal sa kanilang dalawa. 

"Stop crying na, makakasama sa baby mo yan!" Wika ni jess. She felt jess wipe her tears away and embrace her.

Mas humagulgol pa siya sa dibdib nito at nagpasalamat siyang never siya nitong jinuged nga kaibigan kahit pa, ang dami na niyang kabaliwang ginawa sa buhay niya supportado parin siya ng kaibigan. 

"DITO ka lang ha wag kang papasok sa loob at bawal sayo ang usok." Paalala sa kanya ni jess, dahil dakilang baliw siya ay mas kumapit pa siya rito para lang makasama siya sa loob ng bar.

Ayaw niya naman maiwan sa gitna ng kalsada at baka ma-rape pa siya no. 

"Ayoko saka may Mask naman ako oh!" Ani niya. Ipinakita niya rito ang disposable mask na hawak niya. 

Napa buntung-hinga na lang ito sa kakulitan niya at mahigpit siyang hinawakan, enough lang para wag siyang malayo rito.

Kong hindi lang sana kailangan ni jess na mag punta sa bar ay tiyak na nakahilata pa sila ngayon at nagdadamayan ng problema, but a call from a bartender of this bar called and said that, her manager cristina is drunk and she can't even stand on her own. Ano naman kaya ang problema ng manager niya na kailangan pang idaan sa inuman.

Ng makarating sa bar counter ay nahagip ng mata nila ang lalaking, buhat buhat ang manager niya at mabilis itong naglakad kung saan. 

Akmang hahabulin na niya ng pigilan siya ni Jess, nakatingin rin ito sa lalaking buhat buhat ang manager niya. 

"It's Cristina, she need our help!" Sabi niya pa rito. 

Jess sigh "No! It's better na wag nalang natin silang pakialaman pa. Mas mapapabuti siya sa asawa niya, tama na ang habulan she must stop being a run away wife." Seryosong turan nito at hinatak na siya papalabas. 

Malapit na sila sa in trance ng bar ng may mahagip ang peripheral vision niya. 

Masyado mang madilim sa pwesto ng dalawa ay kitang kita niya parin ang hulma ng katawan nito, at alam niyang ang taong iyon ay ang lalaking mahal niya na, may kasama na namang itong iba sa mismong bar kung na saan rin sila ngayon. 

Hindi na talaga sasapat ang isang babae lang rito at halos paibaiba ito ng kasama. 

Pasalamat na lang ito at hindi pa ito nagkakasakit sa ginagawang pagpapalit palit ng babaeng na sinisiping nito. 

Hindi niya man tingnan ang mukha ay alam niyang, tuloy tuloy ang pagbuhos ng luha niya at nakakaawa na siyang tingnan.

Kong makikita lang siya ng iba ay tatawagin siyang baliw, dahil sa umiiyak siya ng walang dahilan. 

Ng dahil rin sa paghinto niya ay nakuha niya ang atensyon ng kaibigan, nakatingin narin pala ito ngayon sa lalaking mahal niya na may kahalikang iba.

MUGTO ang mga matang tinanaw niya ang lalaking matagal niya ring minahal. Ang nag-iisang lalaking nagpatibok at nagpabaliw ng puso niyang pihikan. 

Mula sa pwesto niya ay tanaw na tanaw niya ito na may naka-kandong na isang babae sa hita nito at magkalapat ang mga labi nila.

Sabik na sabik ang paraan ng paghahalikan ng dalawa, mistulang may matagal ng relasyon ang mga ito sa paraan ng paghahalikan ng mga ito. 

"I'm so tired of being rejected and denied many times. Ang sakit sakit na!" Wika niya at malayang nagsilag-lagan ang mga luha sa mga mata niya. 

Parang sinasaksak ng paulit-ulit ang puso niya, ng masaksihan itong may kasamang iba.

Matapos niyang ibigay rito ang lahat, hindi pa rin pala sapat na ibinigay niya rito lahat na halos wala ng matira sa kanya. 

"Kung hindi mu'na talaga kaya mabuti pa't, umalis na tayo rito. Saka bawal sayo ang usok." Wika ng kaibigan bago siya nito hinawakan sa braso hinila palabas ng bar. Si jess naging sandigan niya sa ganitong pagluluksa ito din ang siyang naging saksi kong paano siya nagpakatanga sa pagmamahal kay Cevon.

Ito rin ang naging saksi kong paano siya umiyak, habang tinatanaw ang lalaking mahal niya na nakikipagmake-out na ngayong sa isang sikat na bar. 

Akay siya ng kaibigan hanggang sa makalabas sila sa bar de caballeros, na ang ibig sabihin ay gentleman's bar. Pinaupo pa siya muna nito sa bench sa labas at inabutan ng panyo. 

"Oh! Punas mo dyan sa mukha mo." Anito at Iniabot sa kanya ang sariling panyo. Agad niya din naman itong tinanggap at ipinunas sa mukha niya. 

Punas lang siya ng punas sa tuloy tuloy paring pag-agos ng luha. Para itong tangke na punong puno at hindi mauubos ang luha niya.

"Alalahanin mo rachel, bawal sayo ang stress makakasama sa kondisyon mo. Saka makakahanap ka pa naman ng iba, andito pa naman ako ang pamilya mo at si baby." Ani ng kaibigan. Napahawak siya sa tiyan niyang may maliit naring umbok. 

She caress her womb and try her best to be calmed. Tama naman ang kaibigan niya, masama sa kanya ang ma-stress lalo na't hindi lang siya ang may hawak ng katawan niya ngayon may bata ng kadugtong nito. 

Ang baby niyang maiiwan sa kanya ang tanging alaala sa kanya na nagmahal siya. 

She will never denied her baby like what the baby's father did to her. She will surely give her full attention to her baby and give her or him the best, kahit pa hindi niya maibigay rito ang kompletong pamilya na mayroon siya. 

"I may not give you a complete family, but I promise to make you happy. I will try my best to be a better and best mommy to you." She murmured to her womb. 

"Tama na nga yang drama na yan. Ba'ka pumangit na ang inaanak ko." Ani nito at binuntunan ng tawa, natawa na lang din siya at itinigil ang pag iyak, ayaw niya namang lumabas ang baby niya na stress ang mukha. 

"Ano na nga ba ang plano mo ngayon?" Tanong nito. Ano na nga ba ang plano niya? Hindi niya alam kong paano uli magsimula, ang alam niya lang ay kailangan niyang magpakalayo-layo at hanapin ang sarili, buuin itong muli at ang gusto niya sa pagbalik niya ay kompleto na siyang muli. 

"Gusto kong magpakalayo-layo muna." Wika niya. Habang nakatingin sa kalangitan, nagkikislapan ang mga bituin at mas nakakarelaxed itong tingnan ngayon. Nakakawala ng problema.

"Ay bet! parang novela ata ang peg, lalayo tapos hahabulin ng prince Charming I like that!" Jess screamed. Hahabulin nga ba siya nito pag umalis siya? Sa tingin niya ay hindi may ka halikan nga ito kanina at para pa itong sabik na sabik sa babaeng naka-kandong rito. 

"Lalayo lang ako, pero hindi niya ako hahabulin." Wika niya.

"Ay bitter!" 

"I'm not. I'm just stating the fact that novel are fictional but my life isn't. My life is a non fic and will remain as that."

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status