Silvestre was left speechless. Hindi na ito nakapagsalita. Tumalikod siya at hindi na siya nito napigilan nang maglakad siya palayo. Mabigat ang kaniyang dibdib at sumasakit ang kaniyang ulo. Ang pakay nila sa Regional Court ay makausap si Atty. Revarez para tulungan silang humarap sa Korte at nang ma-i-proseso na ang kanilang dibursyo. Kailangan na nila ng legal na kasulatan na magpapatunay na wala nang ugnayan si Avi at Silvestre sa isa't isa para matahimik na si David. Pero sa unang hakbang pa lang ng kanilang legal na paghihiwalay ay pumalpak na agad si Silvestre. Pagpirma na lang sa form ay hindi pa nito magawa! Malalaki ang kaniyang hakbang nang lumapit siya sa Rolls-Royce na nakaparada. Nakasunod na sa kaniya si Blue, tumakbo ito para mahabol siya. Nahuli si Blue dahil kinausap pa nito ang abogado at ibinigay ang form na pinirmahan niya kanina. Mabilis na lumapit ang assistant at hinawakan ang doorhandle para buksan ang pinto ng sasakyan. Malalim ang paghinga nito at medyo
Nanatiling nakatayo si Silvestre, ang mga mata ay nakapako sa papel at mahigpit pa rin ang hawak sa ballpen. "If you're still not ready, Mr. Galwynn... Then we can make another schedule for this. Pag-usapan niyo muna kung handa na talaga kayo." Maagap na saad ng abogado nang makitang hindi pa rin pumipirma si Silvestre. Tumayo si Aeverie at halos malukot na ang mukha sa biglang pagkapikon. Bakit ba nag-aalinlangan si Silvestre? Ano bang problema nito? It's not like he will sign a transfer of wealth to my name! Ano bang problema niya? Galit na sigaw ng isip ni Aeverie. "No, attorney. Matagal na kaming nag-usap ni Mr. Galwynn tungkol sa bagay na ito. He even made a divorce agreement before and he willingly signed it!" Umahon ang galit sa puso ni Aeverie. Naalala niyang pumirma si Silvestre sa divorce agreement na inihanda nito noon. Minamadali pa siya ng lalaki na pirmahan ang agreement dahil babalik na si Arsen at ayaw nitong makagulo siya. Hindi siya nagalit nang gawin iyo
Agad na napabaling ng tingin si Silvestre kay Aeverie. Hindi niya inaasahan na ganoon kadaling aminin ng babae ang ginawa nito. Ramdam niyang wala ng pag-aalinlangan si Aeverie, basta't maitawid lamang ang kanilang dibursyo. "Using a different name was definitely wrong, but apparently, it's not enough to just approve a divorce or even a legal separation right away. We need solid proof that the name you used was fake and that you intentionally lied to make your relationship with Silvestre legal." Naging seryoso ang mukha ni Atty. Revarez at matuwid itong tumayo. "Ang paggamit ng pekeng pangalan ay maaaring maging basehan para sa annulment ng kasal. Pero kailangan na patunayan sa Korte na ang paggamit ng pekeng pangalan ay may intensyong manlinlang at itago ang tunay na pagkatao ng gumamit nito." Hindi man lang natinag si Aeverie sa sinabi ng abogado. Naging matigas lamang ang ekspresyon ng kaniyang mukha. Iyon naman talaga ang intensyon niyaa noon, ang linlangin ang lahat ng ta
"No, it's okay." Malamig na tugon ni Aeverie. Parang may kumurot sa dibdib ni Silvestre nang mapansin na hindi na nag-atubiling tumingin pa sa kaniya sa ang dating asawa. Nang talikuran siya nito ay tuluyan nang may nagbara sa kaniyang lalamunan. Nang sabihin sa kaniya ni Gino na gustong makipagkita sa kaniya ni Aeverie ngayong umaga sa Regional Court para ma-i-proseso ang kanilang legal na paghihiwalay, pinakansela niya agad ang lahat ng nakaschedule na meeting ngayong araw at pinaayos ang bagong schedule sa sekretaryo. Maaga siyang umalis sa kompanya para maaga rin makarating sa Regional Court, ngunit may naganap na aksidente sa daan dahilan para maipit siya ng halos kalahating minuto sa traffic. He doesn't want to be late, dahil naalala niyang pinaghintay niya rin noon si Avi sa city hall nang kukunin na nila ang marriage contract sa opisina ni Judge Ignacio. Naalala niyang mas inuna niya ang kaniyang tungkulin sa kompanya ng araw na iyon. Akala niya ay maaga siyang makakaa
Bumaba siya ng sasakyan at naglakad papunta sa malaking establismento. She was greeted by so many people. Maraming empleyado ang paroo't parito. Then suddenly, a painful memory flashed at the back of her mind. Tatlong taon na ang lumipas nang pumunta sila ni Silvestre sa city hall para kunin ang marriage contract nilang dalawa sa opisina ng hukom na nagkasal sa kanila. Ganito rin karami ang mga empleyado sa city hall ng araw na 'yon, halos abalang-abala ang mga tao sa bawat pasilyo. Mag-isa siya noon sa lounge area habang naghihintay kay Silvestre na dumating. Maaga siyang pumunta sa City Hall dahil sinabi ng hukom na makukuha nila ng maaga ang marriage contract sa opisina nito. Nagkasundo sila ni Silvestre na sabay nilang kukunin iyon para dalhin kay Abuelo. Ngunit tanghali na ay wala pa rin si Silvestre. Kumakalam na ang kaniyang sikmura at namamalat na ang kaniyang lalamunan dahil sa uhaw, ngunit hindi pa rin ito dumadating. Natatakot siyang umalis dahil baka hindi na sila tul
Kahit na nag-aalinlangan si Blue sa gustong mangyari ni Aeverie, sinunod niya pa rin ang gusto nito. Nagpadala siya ng mensahe sa personal assistant ni Silvestre dahil ito lamang ang may direkta siyang contact. Umakyat pansamantala si Aeverie para mag-ayos ng sarili. Maaga sila ngayon sa meeting dahil ngayong umaga lang din free si Atty. Revarez. Ito ang Civil Lawyver na kinuha niya para kay Aeverie. Pagkatapos niyang tawagan ang abogado at sabihin ang pakay niya, nagpadala naman siya ng mensahe kay Rafael para malaman nito na aalis sila ngayong umaga. Ngunit hindi niya sinabi kung ano ang gagawin nila, gusto niyang manggaling kay Aeverie ang pagpapaliwanag sa kanilang mga kapatid. Inihahanda na ng mga katulong ang pagkain sa hapag nang bumaba si Aeverie. Nakasuot ng eleganteng pulang dress ang babae. High neck, knee-length, and fitted. Nadidipena ang hugis ng katawan nito dahil nakakapit ang tela sa makurba nitong katawan. Ang manggas ng damit ay puyo at gawa sa manipis na klase n