Share

Ang anak ko

Author: Moonlitwrites
last update publish date: 2026-09-14 11:40:17

Katherine

Nagising akong wala sa tabi ko ang aking anak, kaya hinanap ko siya.

"Where's my daughter?" tanong ko kay Alexander na nasa tabi ko.

"She's..." Nag-iwas siya ng tingin.

Sabi niya ay ayos lang ang baby ko, kaya bakit ngayon parang may tinatago siya sa akin?

"Alexander..." My voice was trembling.

I shook my head and tried to get up. "Kailangan kong makita si—"

"Nasa ICU siya." Gumuho ang mundo ko sa sinabing iyon ni Alexander.

Pakiramdam ko ay nawalan ako ng lakas
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • His Fake Wife, His Real Regret   Nagdadalawang-isip

    Katherine Mali ito. Mabilis ko siyang itinulak at umalis na doon. Nakasunod naman ang anak ko sa akin. Pinigilan ko ang aking sarili sa kung anumang nararamdaman ko. Ano bang iniisip mo, Katherine? Are you insane? "Mama," tawag ni Cathy. Huminga ako nang malalim bago ko siya hinarap nang may ngiti sa aking labi. "Yes, baby?" tanong ko sa kanya nang nakangiti. "Are you okay po?" nag-aalalang tanong niya. Hinawakan ko ang kamay niya. "Of course I'm okay, baby. I was just afraid my face would hit the ground." She sobbed. "I'm sorry, Mama, hindi na po tayo maglalaro." "Shh," yumuko ako. I wiped her tears using my thumb. "It's not your fault, baby," bulong ko. Mas lalo lamang siyang umiyak, kaya agad ko siyang niyakap. At habang nagyayakapan kaming mag-ina, nasa pinakadulo si Leon na pinagmamasdan kaming dalawa. Nag-iwas ako ng tingin. Hindi, Katherine. Manindigan ka sa sinabi mong hinding-hindi mo silang paglalapitin dalawa. Mas lalo kong h

  • His Fake Wife, His Real Regret   Children's Party

    Katherine "Leon," mahina kong bulong sa aking sarili habang nakatingin sa kanya na nakahawak sa kanya ang kamay ng anak ko. Gusto kong takbuhin ang distansya namin upang pigilan ang lalaki sa kanyang ginagawa, pero paano ko iyon magagawa kung malaki ang ngiti ni Cathy habang kasama si Julius at ang lalaki? Mahigpit akong napahawak sa aking dalang shoulder bag. Habang rinig na rinig ko ang hiyawan at impit na ingay ng mga babae sa may bench. "Ang guwapo talaga niya." "At ang hot pa." "Hay, kung wala lang sana akong asawa, baka bumukaka na ako sa harapan niya." Bulgar na sinabi ng isang nanay. Napatingin sa kanya ang lahat; tinakpan nila ang tainga ng kanilang mga anak at masamang tumingin sa babaeng nagsalita. Pero nakatingin lang siya kay Leon, tila walang pakialam kung magalit man ang ibang mga nanay sa kanyang sinabi. "Nagsasabi lang ng totoo," bulong niya na halos hindi na marinig. Napailing na lamang ako. Kung alam lang nila ang tunay na pagkatao ng lalak

  • His Fake Wife, His Real Regret   Tito of Julius

    Katherine I know my daughter will question me, but I need to drive past them. I saw how her hands went down, then the smile in his eyes vanished. 'I'm sorry, baby.' Mabilis kong tinawagan si Alexander. Mabuti na lang at sinagot niya agad. "Alexander, pasundo naman ng mga bata, please." That's what I told him, and he didn't question me; he only obeyed. Napansin kong hindi na rin nakasunod si Leon sa akin. Mukhang nahihinuha niyang wala siyang mahihita sa akin. Kaya dumiretso na ako sa bahay. Pagkarating ko doon, hindi muna ako pumasok sa loob at dumiretso ako sa may tabing-dagat. Nakasuot ako ng skirt na puti at sleeves na maroon, at pinatungan ko ng cardigan na silver na kumikinang-kinang.Tapos ang suot ko namang high heels ay hinubad ko na dahil baka lumubog sa buhangin. Umupo ako sa may buhangin, pinagmamasdan ang magandang karagatan na humahalik sa buhangin. Walang sunset ngayon. Mukhang uulan ata, pero kahit ganoon ay may kaunting liwanag naman sa kala

  • His Fake Wife, His Real Regret   Si Leon

    Katherine Parang tumigil ang mundo ko kasabay ng pagsara ng bintana ng aking sasakyan. Tama ba ang narinig ko? I blinked twice. Impossible. Imposibleng mangyari ang bagay na iyon. Paano iyon nangyari? I shook my head violently and started the engine frantically. My body was shaking; halos hindi ko magalaw nang maayos ang kamay ko. Hindi pa umandar ang sasakyan sa unang pagpapaandar ko, pero sa pangalawa ay agad na itong tumunog. Nakita ko sa aking peripheral vision ang pag-atras niya. "No, Kat. He was just making excuses." Bulong ko sa aking sarili, o mas tamang sabihin na kinukumbinsi ko lang ang aking sarili. Tama. Dahil kung talagang hindi totoo na nagpakasal sila. Bakit hindi niya ako inilaban noon? Bakit hinayaan niya akong umalis nang ganoon-ganoon lang, gayong alam niya namang dala ko ang anak namin sa aking sinapupunan? So, no. He just wants to manipulate me again, thinking I would be a fool twice. Thinking that he could make me believe him

  • His Fake Wife, His Real Regret   I never married her

    Katherine Kahit na makarating na ako sa bahay ay parang umiikot pa rin ang mundo ko sa nangyari kanina. Hindi ako makapaniwala sa nangyari. Mabuti na lang at naiwala ko siya. I reported it immediately to the nearest police station after I recovered. Si Cathy naman ay kanina pa niya ako kinakausap, pero dahil sobrang na-praning nga ako sa nangyari kanina ay hindi ako makausap nang matino. "Sige na, anak, half bath ka na." Mahina kong bulong sa anak ko, tapos ay dumiretso na ako sa kusina upang maghanda ng pagkain para sa amin. Hanggang ngayon ay nasa isipan ko pa rin iyong nangyari kanina. Hindi ako makapaniwala na natakasan ko ang kamatayan na iyon. Hanggang ngayon rin ay hindi ko pa kilala kung sino iyon. Ni wala na akong balak ipaalam pa kay Alexander iyon nang dumating siya. Tahimik lang kaming kumain nang tatlo. He looked so tired. "Si Leon," iyon ang unang salitang binitawan niya nang kami na lang sa balcony kung saan ay natatanaw namin ang kumik

  • His Fake Wife, His Real Regret   Muntik na

    Katherine Mabilis akong lumabas sa kumpanya. Hindi nga ako nagkamali ng maisip kung nandoon si Leon sa parking lot, naghihintay sa akin dahil kahapon pa siyang nagte-text nang nagte-text sa akin pero inignore ko lang. Pagkarating ko doon ay agad ko na siyang tinanong. "Ano? Ano na naman ang ginawa mo at bakit na naman nasali ka sa mga usap-usapan, ha?" mabagsik kong tanong sa kanya. Yumuko siya. Kinagat ang kanyang ibabang labi; hindi siya makatingin sa akin nang diretso. "Leon!" I called him without mercy. "Sinabi ko naman sa'yo, di ba? Kahit anong gawin mo ay hindi mo na makikita ang anak mo." His eyes were bloodshot when he turned his gaze towards me. Nagtaas ako ng kilay. "Wala kang mahihita sa akin dahil hindi ako titigil hangga't hindi ko mahahanap ang anak ko at hindi kita makuha ulit." He said firmly, full of determination. Kumibot ang aking bibig. Nagtiim ang aking bagang at hindi makapaniwalang tumingin sa kanya. "Did you hear yourself, L

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status