Chapter: Kabanata 171Natasha"Is it Archangel?" tanong niya nang diretso, wala man lang preno ang kanyang bibig. "Tell me, siya ba ang gusto mo?" Nakahinga ako nang maluwag nang magbigay siya ng pangalang hindi kanya. Tumawa ako. "Hindi 'no, malabong type ko siya dahil alam ko naman na hindi niya ako gusto." Kaswal kong sinabi, tapos ay tumayo, saka siya itinulak palabas ng kuwarto ko. "Umalis ka na kasi." I pushed him harder; this time, I made sure that he would go away from my room.Nang makaalis siya, doon lang ako tuluyang nakahinga nang maluwag.Akala ko talaga ay matatagalan pa bago ko siya makumbinsi na umalis na lang sa buhay ko. Umayos ako nang tayo. Hindi ko alam kung anong gusto niyang patunayan, but he won't hear any words from me as of now. Wala akong sasabihin. Mabilis akong lumundag sa aking kama at nagpasyang magtalukbong na ng kumot. Wala na akong i-entertain sa gabi na ito dahil nakakabwisit ang lahat ng tao na nakikita ko. Lalong-lalo na si Tyler. And because I was preoccupi
Last Updated: 2026-09-20
Chapter: Kabanata 170Natasha Hindi ako makapaniwala na nagawa akong lokohin ng mayordoma. Ano kayang thought process niya nang ginawa niya iyon? Jusq naman. Paano ko tatanggalin sa utak ko iyong bukol na nakita ko? Pinaypayan ko ang aking sarili gamit ang aking kamay habang naglalakad sa aking kuwarto. Kinagat ko ang aking labi. Ang laking bukol naman ata no'n. Parang hindi kapani-paniwala. Hindi ata Pinoy size iyon, pero hindi naman siya Pinoy. Napalunok ako nang dalawang beses. I tried to erase it from my mind, but I couldn't help but imagine it whenever I closed my eyes. I bit my lower lip hard until I could taste my own blood dahil kahit anong gawin ko ay bumabalik sa aking iyo nakita. Ipinilig ko ang aking ulo. Sinampal-sampal ang aking mukha. "Ano ba, Natasha? Kalimutan mo na kasi 'yon!" Pero hindi eh. Mas lalong kumakapit sa akin ang mga katagang iyon. At hindi ako makapaniwala doon dahil bakit ko nga ba iniisip iyon kahit hanggang sa paghiga ko. Nag
Last Updated: 2026-09-19
Chapter: Kabanata 169Natasha Kung dati ay halos hindi na magtagpo ang landas namin. Ngayon naman ay laging nakabantay sa akin si Tyler na tila ba wala siyang ibang gagawin kundi bantayan lang ako. Nahihibang na ata ang isang 'to. "Ano? Pati dito sa trabaho ko ay titingnan mo pa rin ako, ha?" Kumuha siya ng silya at doon ay umupo na para bang siya ang hari ng mundo habang pinagmamasdan niya ako. "Baka kasi bigla mo na lang maisip na magbigti, kaya mabuti nang alerto ako dahil pamamahay ko 'to. Ayokong may multo." Pagrarason niya. Sumasakit ang batok ko sa isa 'to. Kapag ako ay hindi nakapagtimpi, babanatan ko siya nang buo. "Sabi ko na, di ba? Dapat ay si Thomas ang bant
Last Updated: 2026-09-18
Chapter: Kabanata 168Natasha "I'm not here as a boss; I'm here as a friend." Iyon ang kanyang sinabi, saka tumabi sa akin. Nanlaki ang aking mga mata. Jusko! Aatakehin yata ako sa puso. Bakit bigla-bigla na lang siyang tumatabi sa akin? Hindi ba niya alam na halos mababaliw na ako kapag nasa tabi ko siya? Na kapag magkatabi kami ay sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko? Ha? Kainis! "Hindi ko kailangan ng kaibigan." Matamlay kong sinabi, saka tumayo. Para smooth iyong pag-alis ko sa tabi niya. Bakit? Ano, mananatili ako sa tabi niya? Para ano? Para magkasama kaming dalawa tapos… kusa nang lalabas itong puso ko sa aking dibdib sa sobrang lakas ng tibok nito? Huwag na 'no! Baka mabaliw pa ako nang tuluyan. Huminga ako nang malalim. Kailangan ko na talagang magseryoso. "Hindi ko naman sinabi sa'yo na need mo ng kaibigan. Ang sabi ko lang, I'm here as a friend. It means I offered myself to you." Napasinghap ako. Paano niya nasasabi ang ganyang mga salit
Last Updated: 2026-09-17
Chapter: Kabanata 167Natasha "Anong sinabi mo? Ulitin mo nga ang sinabi mo, Natasha?" tanong ni Thomas habang panay ang paglalakbay ng kanyang kamay sa kanyang buhok. I looked away. It was not a good thing to tell him at this point. I know. But I don't want things to be complicated. Mas lalo lang kasing lalala kapag ganoon. Mali itong ginagawa ko, pero mas malaki kung ipagpapatuloy ko pa ang kahibang ko. Iyon ang punto ko. Kinagat ko ang aking ibabang labi, sabay tingin kay Thomas na ngayon ay hindi na maipinta ang mukha. "Why are you doing this to me?" "Thomas, you're a great man." Panimula ko, "You're fu
Last Updated: 2026-09-16
Chapter: Kabanata 166Natasha Wala pa ring Tyler na umuwi sa bahay niya kahit dalawang linggo na ang nakalipas simula noong umalis siya para sa business trip niya. Si Thomas naman ay panay ang pagdalaw niya sa akin kahit wala naman akong sakit. Hindi ko maintindihan ang aking sarili dahil nandiyan naman si Thomas, pero may iba pa rin akong hinahanap. May ibang tao pa rin ang nagpapatibok ng aking puso. Huminga ako nang malalim. Mali itong iniisip ko. I held my breath for as long as I could. Ilang beses kong iniisip kung paano ko ba tatapusin ang mayroon sa amin ni Thomas habang maaga pa. Kasi kahit anong pilit ko, kahit anong gawin. Hindi eh. Hindi ko talaga siya kayang mahalin. Hindi ko kayang ibigay nang buo ang sarili ko. Ang puso ko. Alam kong may iba. Alam ko sa sarili ko na may ibang tinitibok ang puso kong ito. At kahit anong pilit ko na siya ang ibigin ko, hindi iyon mangyayari. Because my heart would always belong to others no matter what. At alam ko sa s
Last Updated: 2026-09-15

His Fake Wife, His Real Regret
Si Katherine ay kasal kay Leon nang tatlong taon.
Sa loob ng tatlong taon na iyon, hindi kailanman naisip ni Katherine na guguho ang perpekto nilang pag-iibigan.
Pinagkatiwalaan niya ang lalaki. Inialay niya ang kanyang buhay sa kanya. At nang madiskubre niyang buntis siya, inakala ni Katherine na sa wakas ay mabubuo na ang pamilyang matagal na niyang pinangarap.
Until she discovered something that made her question everything.
Dahil natuklasan niyang ang kanyang loyal na asawa ay may itinatago pala sa kanya, doon nagsimulang magbago ang lahat.
And then one day…
Katherine heard a child’s voice on Leon’s phone.
“Papa.”
Isang salita lang iyon, ngunit sapat na para gumuho ang lahat ng pinaniniwalaan niya tungkol sa kanilang pagsasama.
Nang tuluyan niyang matuklasan ang katotohanan tungkol sa kanilang kasal, nagpasya si Katherine na talikuran si Leon at magsimulang muli.
Years passed, and their paths crossed once again.
But this time, Katherine was no longer alone.
She was already in another man’s arms—a man who loved her even at her worst.
Ngunit paano kung dumating ang araw na malaman ni Katherine ang buong katotohanan?
Handa ba siyang iwan ang lalaking natutunang magmahal sa kanya para sa lalaking minsang minahal niya?
O tuluyan na niyang kakalimutan si Leon kahit malaman niya ang katotohanan?
Read
Chapter: AidenAlexander Ano? What happened to you? Akala ko ba matapang ka, ha? Bakit feeling virgin ka diyan kung makaarte ka, ha, Alexander? Pinadaan ko ang aking dila sa aking ngipin saka isinuklay ko ang aking daliri sa aking buhok habang iniisip ko si Katherine. Damn it! What is happening to me? Hindi ko maintindihan ang aking sarili dahil kapag si Katherine na nga ang pinag-uusapan ay hindi na ako makipagsalita nang maayos. My mind will always go blank. Hindi ko alam kung bakit. Pero siguro dahil iba siya sa mga babaeng nakilala ko. I wasn't like this with my past lovers. I always think carefully beforehand. Hindi ko hahayaan na guluhin ng isang babae lang ang isipan ko. Pero kapag siya—kapag si Katherine ang pinag-uusapan. Nakakalimutan ko ang lahat. Her eyes. Her face. Her presence. Everything. Hinahanap ko siya palagi at kapag nasa harapan ko naman siya...I will lose my mind. Hindi pa ba ako baliw sa lagay na ito? Kinagat ko ang
Last Updated: 2026-09-20
Chapter: I wanna be with youKatherine Umuwi na lang ako sa bahay dahil sinunod ko pa si Cathy, pero wala pa ring Alexander na nagpapakita sa akin. Gusto ko sanang tanungin siya kung ano ang mayroon sa kanyang pinsan. Kung bakit masama ang tingin niya sa lalaki kahit wala naman itong ginagawa sa kanya. Pero baka mas lalo lamang siyang magalit kapag nagtanong ako. He'll only accuse me of cheating because Alexander was too fvcking overdramatic. Napailing na lamang ako. Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko sa lalaking iyon, pero kahit ganoon ay hindi ko mapigilang mapangiti habang iniisip na iyon ang nagustuhan ko sa kanya. He was bubbly. If he could ever show the world how much he wants me, I know for sure he would do it. Sa ngayon kasi, gusto ko munang ganito lang kami. Sigurado naman ako sa desisyon ko. Hindi dahil nandito si Leon kundi dahil ito naman talaga ang nararamdaman ko kay Alexander. Isa pa, ginawa niya ang lahat para sa akin. Minahal niya ako nang tapat at puno
Last Updated: 2026-09-20
Chapter: CousinKatherine Kahit hanggang sa pagpasok namin sa kanyang kumpanya ay magkasabay kami. Pero dahil abala ang lahat sa kanilang mga ginagawa, wala silang napapansin sa amin ni Alexander. Kahit pa nasa may VIP elevator niya ako sinama. "Alexander!" Singhal ko sa kaniya. Hinawakan niya nang mahigpit ang kamay ko. "They won't notice anything because you're my assistant now." He assured me. Pinanliliitan ko siya ng mata, pero nagkibit-balikat lang ang lalaki.Mas lalo niyang hinigpitan ang pagkakahawak sa akin nang umabot na kami sa floor namin. Saka niya binitawan nang unti-unti nang bumukas. Akala ko ay magtatanong ang mga kasamahan ko kung bakit kami ni Alexander ang magkasama, pero mukhang wala sa kanila iyon. Hay naku, mabuti naman. Akala ko ay katapusan ko na talaga. "Miss Katherine," tawag sa akin ng lalaki nang nakatayo ako sa aking desk sa gilid ng kanyang pinto."Yes po, Mr. Beaumont?" "I need you to come to my office and clean it; my cousin will arrive at 3pm." Seryoso n
Last Updated: 2026-09-20
Chapter: JealousyKatherine "Dada, you made breakfast for us?" gulat na tanong ni Cathy nang magising siyang nasa kusina namin at ang Dada niya. "Yes, baby," malambing na sinabi ni Alexander at hinalikan sa pisngi ang anak ko, saka pinatungtong ito sa upuan. Inilapag ni Alexander ang paboritong mga steamed na gulay ni Cathy. "This is for my baby." Inilagay niya iyon sa plato ng anak ko. "And this," the beef steak that he was grilling—he put it on my plate. "For my big baby," bulong niya upang hindi marinig ni Cathy. Napailing na lamang ako at umupo sa tabi ni Cathy. "Kumain ka na rin," alok ko sa kanya. "Wala bang kiss diyan?" nakapout niyang bulong nang magtapat kaming dalawa. Mabuti na lamang at abala si Cathy sa kanyang pagkain, kaya hindi niya narinig ang sinabi ng lalaki. Nilakihan ko siya ng mata, pero mas lalo lamang humaba ang nguso niya. "Mamaya na kapag wala ang bata!" asik ko. Lumapad ang ngisi niya, tapos bumaling kay Cathy. "Cathy, tapos ka na? Hatid na k
Last Updated: 2026-09-19
Chapter: The confessionKatherine May nakakahawang sakit ba ako? Bakit kung tratuhin ako ni Alexander ay para akong may sakit? Well, ganoon din naman ang ginawa ko sa kanya. Pero bakit nakakainis kapag siya na ang umiiwas sa akin? Kahit gusto kong prangkahin siya ay hindi ko ginawa, lalo na at hawak-hawak niya ang anak ko. "Cathy, sino ang paborito mo?" tanong niya sa anak ko na halata namang sinasadya niyang iparinig sa akin. Alam niya kasi kung sino ang sagot. "Si Dada?" turo niya sa kanyang sarili. "O, si Mama mo na masungit, parang may dalaw lagi?" turo niya sa akin. Tumingin si Cathy sa akin. Nakahalukipkip ako at masama ang tingin ko kay Alexander. Si Alexander naman ay mas lalo pang hinawakan nang mahigpit ang anak ko. "Tago mo ako, baby. May dragon sa bahay niyo." Bulong niya pero naririnig ko naman. Kaya kumikislot-kislot ang labi ko habang masama ang tingin ko kay Alexander. Humarap si Cathy kay Alexander. "Si Dada po!" malakas niyang sigaw, sabay yakap sa lalaki
Last Updated: 2026-09-19
Chapter: IwasKatherine Hindi ko alam kung bakit ko nasabi ang mga salitang iyon sa harapan niya. What am I even thinking? Katherine, hindi ka talaga nag-iisip! Singhal ko sa aking sarili. I closed my eyes and decided to just go with the flow the next day. Leon waited in the parking lot. Wala ako sa mood na makipag-usap sa kanya, kaya nilampasan ko siya. Nararamdaman kong nakasunod siya sa akin, pero wala akong pakialam. Ang importante sa akin ay maunahan siya, ngunit nang makarating kami sa may elevator. Sa VIP siya pumasok. Oo nga pala, kalaban siya ni Alexander. Pero bakit naman siya nandito?Pumasok na ako sa elevator at nakisiksikan sa mga taong nandoon na matalim ang tingin sa akin kahit wala naman akong ginagawang masama. Nauna siyang nakarating ng ilang segundo sa akin. Dahil sa pagbukas niya ng pinto, siya namang pagdating ko. And Alexander? His hawkeye was on me, but it immediately focused on the man beside him.Leon. Napalunok ako nang ilang beses nang isara na nila ang
Last Updated: 2026-09-19
Chapter: Kabanata 126 YEARS “Mommy!” Sigaw ng isang maliit na boses habang tumatakbo patungo kay Celine. Limang taong gulang na si Celeste. Malusog at masigla ang bata. Mabuti na lang at lumalaban ito para sa kanya, kaya sobrang saya niya. Ganoon din sina Sophia at Stefano na kasama ni Celine sa araw-araw. Kung tutuusin, si Stefano na nga ang tumatayong ama ni Celeste. Stefano was trying to pursue Celine, everyone knew it but not her. Inosente siya sa ganyang bagay, at para sa kanya si Celeste lang ang gusto niyang pagtuunan ng pansin dahil minsan na siyang naging tanga sa pag-ibig at hindi naging maganda ang kinalabasan. Kaya ngayon ay pinipilit niya ang sarili niya na lagyan ng kandado ang kanyang puso upang hindi masaktan. Para kay Celine, ang mga lalaki ay sakit lang sa ulo. Though, she could see how Stefano tried to improve himself for her, it wasn’t enough. Baka kagaya lang rin siya ni Timothy, sa una lang magaling. Sa una lang siya pinapahalagahan at pagkatapos niyang makuha
Last Updated: 2026-07-09
Chapter: Kabanata 11“ERE pa,” utos ng komadrona kay Celine. She was holding her breath and let out forcefully. “Misis, breech itong baby niyo kaya kailangan niyo pong kumuha ng lakas para umire.” “Ano pong breech? At hindi po ako misis.” Namimilipit ang kanyang sagot dahil sa sobrang sakit ng kanyang nararamdaman. “Puwet po ng anak ninyo ang nauna,” sagot ng komadrona, Her stomach was so much in pain that she couldn't catch her breath not to make a sound dahil baka mapagalitan na naman siya ng komadrona. “Isang malakas na ire pa po,” utos ng babae at ginawa niya iyon. “Kailangan mo nakakita lang ilabas ang ulo niya.” Everyone was so thrilled especially that she was primi gravida yet they don’t have enough time because they were in the hospital. Mabuti na lang at may mga gamit naman sila for suction, kaya kampante sila na magiging maayos din ang lahat basta marunong lang umiire ang pinapaanak nila. A one long push makes everything worth it. Nakatulog si Celine habang ang kanyang ana
Last Updated: 2026-07-09
Chapter: Kabanata 10“THANK you ha,” Stefano told Celine when he and his daughter had a deep conversation together. Masaya si Celine dahil napagbati niya ang mag-ama. Naging magaan na rin ang pakiramdam ni Sophia sa kanya. Kinakausap na siya ng bata at tinutulungan niya ang bata sa kanyang ibang mga assignment. It was a good start for her life. She became a lifetime nanny of Sophia. Mabuti na lang at mabait iyong si Stefano, kaya kahit buntis siya ay hinayaan na lang dahil alam niya ang buhay na wala. “You can stay here and have a maternity leave pag di mo na kaya.” Bilin ni Stefano sa kanya, “And I’ll pay for everything sa bills mo at doon ka na sa ospital ko manganak.” “Sige po sir, salamat po.” Ngumiti lang si Stefano. Pinagmasdan niyang mabuti si Celine. Katulad na katulad siya ng yumao niyang asawa. Mula sa mukha, sa hinhin ng pagsasalita at kung paano makipagkapwa-tao. Sobrang gaan din niyang kausap. Stefano held her hand, he pressed it and stared at him for the longest time.
Last Updated: 2026-07-08
Chapter: Kabanata 9“AHH!” Malakas na sigaw ni Celine ang nagpabulabog sa buong bahay alas singko ng umaga. Pagising na siya dahil maghahanda na sana siya para sa pangligo, baon at juice ng kanyang alaga. Pinag-aralan kasi niya lahat ng nakalista sa papel na ibinigay ng kasama niya para hindi na siya maligo. Ngunit nang pailawin niya ang ilaw ng kanyang kuwarto, nagulantang na lang siya nang makita ang maraming ipis na nagkalat sa kanyang higaan at sa sahig, kaya siya napasigaw. Samantala, habang nagising ang lahat sa sigaw na iyon ni Celine, may isang bata na naman ang nagwagi habang nakangisi. “Hey, are you okay?” Stefano asked, "Hindi makapagsalita si Celine habang tinatakpan ang kanyang bibig at itinuro ang kanyang higaan. Napailing na lang si Stefano at pinulot ang isa sa mga iyon. “It's just plastic,” he sighed and picked all the ipis in her bed and floor. Ibinigay niya iyon sa katulong na nasa likod ni Stefano, “Burn them all.” Utos niya, saka bumaling kay Çeline na nakahinga
Last Updated: 2026-07-07
Chapter: Kabanata 8MAHIRAP ang naging buhay ni Celine, lalo na at hindi pa siya kailanman nakarating sa Manila. Naghanap siya ng trabaho dahil hindi sapat ang kanyang pera para sa kanila ng batang nasa sinapupunan niya. At kapag nagpatuloy ito, baka tuluyan silang dalawa na magpaalam na sa mundo, kaya ginawa ni Celine ang lahat upang makahanap ng mapapasukan kahit pa sobrang hirap ng gagawin. Mabuti na lamang at may kumukuha sa kanya pansamantala sa paglalabada, kaya kahit papaano ay nakakaraos siya sa araw-araw na buhay niya, pero hindi iyon sapat. May bata siyang inaalagaan, kaya dapat lang na mas magpursige pa siya sa buhay niya ngayon. Namasukan siya bilang full-time na katulong sa isang doktor na naghahanap ng nanny ng anak nito. Sakto at maalaga naman siya sa bata, kaya tinawagan niya ang numero na nakalagay sa tarpaulin. Nakailang ring siya bago sinagot ang kanyang tawag. “Hello po?” “Hello, who is this?” Tanong ng lalaki sa baritonong boses. Tumikhim si Celine. Mukhang ito ang
Last Updated: 2026-07-07
Chapter: Kabanata 7MATAGAL na nag-isip si Timothy. Pero sa huli, naisip niyang panagutan niya ang babae; hindi niya ito tatakasan dahil, una sa lahat, they did it...they both agreed to do it, and taking accountability for what he did was the right thing to do. Hindi naman siya matatali agad; he'll go to take responsibility for the baby. Tungkol kay Celine, hindi pa siya sigurado. Pero pagbalik niya sa kuwarto kung saan naka-confine ang babae, wala na ito sa higaan. Timothy searched Celine in the bathroom and the hallway, but he saw none. Tanging amoy ng medisina at tunog ng mga machine ang kanyang naririnig sa loob ng kuwarto. He even looked under the bed, desperately thinking na baka nagtago ang babae doon pero wala. Walang Celine ang nagpakita sa kanya. Nagtungo siya sa billing information and asked the staff, "Do you know where the patient named Celine Madrigal is?" The nurse checked her status, then suddenly another staff member intervened. "Hindi mo na makikita diyan." Binalingan niya
Last Updated: 2026-07-02