Home / Romance / His Fake Wife / Kabanata 14.2: Distracted

Share

Kabanata 14.2: Distracted

Author: Purplexxen
last update Last Updated: 2025-06-06 23:12:11

Elizabeth's Point of View

Sumunod siya sa akin habang naglalakad pabalik sa loob ng villa.

“Magagabihan ba tayo sa Lanayan, Liza?”

I stopped on my track. Nilingon ko siya.

“Oh.”

Hindi ko naisip na posibleng magabihan nga kami sa Lanayan. Sa akin, wala iyong problema kung sa bahay na kami nila Kuya Alted matutulog kung sakaling magabihan nga kami. Pero nakalimutan kong hindi nga pala kami pareho ni Cassiopeia.

Kailangan niya ng pahintulot mula kay Zychi kung hindi siya uuwi ngayong gabi.

“Baka magabihan nga tayo.” Amin ko.

Nakita kong dumaan ang pag-aalala sa mga mata niya, pero marahan pa rin siyang tumango para paluguran ako.

“Okay, if that’s the case, then… then I could just call Zychi. O baka itext ko na lang.” Alanganin niyang turan.

May kaunting pag-aalala na umahon sa dibdib ko nang makita na nag-aalangan siya sa kaniyang sinabi. Nakalimutan kong sabihin sa kaniya sa telepono na maaaring magabihan nga kami ng husto sa Lanayan kaya magpaalam na lang siya kay Zychi.

H*
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Claudia Rico
salamat sa update
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • His Fake Wife   Kabanata 22.3

    Jehan’s Point of View Para akong binuhusan ng malamig na tubig dahil sa sinabi niya. Nexon is to be engaged with my sister… alam ni Nicole ang bagay na iyon. Hindi ko alam kung saan niya iyon nalaman pero mukhang may alam nga siya. Hindi ako nakapagsalita. Hindi ko alam ang sasabihin. Kaya’t nag-iwas na lamang ko ng tingin. “You know that Tita Lian and Tito Aiden are entitled to have an opinion on their son’s marriage, right? Bilang mga magulang may karapatan sila na magbigay ng opinyon o maghanap ng babaeng karapat-dapat sa anak nila…” Lumiko ang sasakyan kaya napatigil siya saglit. Nasa bayan na kami mismo kaya't may ilan kaming nakakasabay na mga sasakyan, pero karamihan doon ay mga tricycle at pickup. “Pero na kay Kuya Nexon naman kung sino ang pipiliin niya. Well, unlike in our family na parang kailangan sumunod sa tradition ng arranged marriage, sa mga Dela Fuente naman ay may kalayaan pa rin sila na humanap ng taong gusto nilang pakasalan kahit na may napili na para

  • His Fake Wife   Kabanata 22.2

    Jehan’s Point of View “Jehan?” Agad akong napalingon sa direksyon ng boses at nakita si Nicole. Palapit na siya sa amin, dala-dala na niya ang kahon ng cookies na i-binake ni Tita Lian para sa pamilya ni Clad. “Ang layo naman ng pagpark mo?” Nagtataka niyang tanong. Kinabahan ako, lalo’t narito pa si Nexon. Nasa loob pa rin siya ng sasakyan. Umatras ako at nilingon ang lalaki. Pababa na siya ngayon sa sasakyan. Tumayo siya ng matuwid at nilingon ang direksyon ni Nicole. “Kuya Nex?” Napakunot ang noo ni Nicole nang makita si Nexon. Tumikhim ako, inaayos ang boses, dahil parang manginginig iyon sa oras na magsalita ako. “Uh… tinulungan ako ni Nexon na iikot ang sasakyan sa rotunda. I don’t really know how to drive.” Nakalapit sa amin si Nicole. Nanatili ang nakakunot niyang noo at ang pagtataka sa mga mata. Umayos ako ng tayo at pilit na hindi pinahalatang kinakabahan, pero hindi ko maitago. Si Nexon naman, namulsa at parang relax na relax pa siya. “Akala ko nasa

  • His Fake Wife   Kabanata 22

    Jehan's Point of View Bumundol ang kaba sa dibdib ko. Nalilito kong tiningnan ang susi ng sasakyan na ngayon ay nasa kamay ko na. Nakakahiya kung wala akong gagawin, lalo’t iniasa sa akin ni Nicole ang sasakyan, pero ano’ng gagawin ko kung hindi rin naman ako marunong magmaneho? Wala ako sa sarili nang maglakad palabas ng bahay para magtungo sa sasakyan na nakaparada sa may rotunda. Mamamatay ako kung susubukan kong pakialaman ang sasakyan niya, kaya maghihintay na lang siguro ako rito hanggang sa makabalik siya. At least I’ll be honest with her. Tumabi ako sa sasakyan at tumayo ng matuwid. Ngayon ko naisip kung gaano kahalaga na matuto ako na magmaneho kahit na iyong pagpapaandar lang ng sasakyan hanggang sa makaikot. Pero paano ako matututo? Natatakot akong magdrive. “What are you doing here?” Halos mapatalon ako nang marinig ang boses galing sa likod ko. Mabilis ko iyong nilingon at nakita si Nexon. Nakapamulsa ang isang kamay habang hawak ang cellphone sa isa. Ibin

  • His Fake Wife   Kabanata 21.3

    Jehan's Point of View Natapos kaming kumain ni Nicole pero hindi pa rin bumalik si Tita Lian. Iginiya niya ako papunta sa sala habang nagliligpit ang mga katulong. We talked about random things and I realized she’s a very random person. Minsan, kahit hindi naman kasali sa usapan namin ay bigla na lamang siyang magtatanong ng ibang bagay. Noong una, nagugulat ako, pero kalaunan hindi na ako nagtataka kung bigla-bigla na lamang siyang nagtatanong. Maybe she wasn't that organized even in a conversation. And maybe that's her way to continue the conversation between us. Lumipas pa ang isang oras bago bumalik si Tita Lian. Hindi niya kasama si Nexon. “I’m sorry ladies.” Aniya. “Kamusta? Nahanap niyo ba, Tita?” “Yes, yes, nasa ilalim pala ng drawer kaya hindi namin mahanap.” Naupo sa tapat namin si Tita Lian. Bumuntong-hininga siya at napailing, para bang napagod sa paghahanap. “Aalis din ba agad si Kuya Nexon?” Si Nicole ulit sa mababang tono. “Hindi ko alam, may tinitin

  • His Fake Wife   Kabanata 21.2

    Jehan’s Point of View There’s something wrong with me again. Alam ko naman na narito siya, dahil narinig ko ang sinabi ng kasambahay kanina, pero bakit nagugulat pa rin ako sa presensya niya? Unti-unti akong nag-angat ng tingin sa direksyon niya at nakitang palapit na siya sa amin— sa mesa. “Kuya Nex.” Bati ni Nicole. Tumango si Nexon, ngunit saglit lamang ang naging sulyap kay Nicole dahil napatingin siya agad sa akin. Nagtama ang tingin namin at para akong sinipa sa dibdib nang makitang madilim na naman ang anyo niya. Galit na naman ba siya? O default expression niya ang pagiging malagim at malupit? “Kumain ka na ba, hijo? Join us. Nag-uusap pa kami ni Nicole at ni Jehan.” Tumigil sa dulo ng mahabang lamesa si Nexon. Ang tingin niya ay sa akin pa rin kahit na nagsasalita na si Tita Lian. Ako ang unang nagbawi ng tingin, parang hindi ko kayang tagalan ang madilim niyang mga mata. “Nasabi ng kasambahay na dumating ka nga, pero hindi ko maiwan ang mga bisita.” Napa

  • His Fake Wife   Kabanata 21

    Sobrang hiya ko na ganoon ang nangyari sa akin sa harap nila, kaya naghinay-hinay na ako para hindi na mabulunan kung sakaling may sabihin na naman si Tita Lian na nakakabigla. “How about your eldest sister, Jehan, is she already married?” Magaan na tanong ni Tita Lian. Sabi ko, maghihinay-hinay na ako para hindi na ako mabulunan, pero inabot ko pa rin ang tubig dahil parang may nagbabara na naman sa lalamunan ko. Napabaling ng tingin sa akin si Nicole at kuryusong tumingin. Pinilit kong ngumiti. “Am… Ate Lisanda’s not married yet.” Mahina kong sagot. Kumunot ang noo ni Nicole. “Wala pang nagpapakasal sa inyo?” Marahan akong umiling, mas lalong kinakabahan na sa akin na ngayon ibinabato ang mga tanong. “Wala pa.” Paos kong bulong. Tumango si Nicole, ganoon din si Tita Lian, at mukhang naniwala naman sila kaya ibinalik ko ang tingin sa pagkain. Nga lang, parang nawalan na ako ng gana. Pero hindi ko iyon pwedeng ipahalata. Mula sa bulwagan ng dining table, pumasok ang isang

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status