LOGINAurora's Point of View
MATAGUMPAY na ngiti ang agad na kumawala sa labi ko nang matapos kong isampay ang huling kurtina. Makakapal pa naman iyon kaya mahirap labahan, hindi gaanong madumi pero masyadong madami para tapusin agad. Ang bilin ni Alted— si Alted ang masungit na lalaking iyon— tapusin ko raw ito bago magtanghali. Ngayon alam ko na ang pangalan niya dahil nang isang beses naglilinis ako ng salas narinig kong sinabi niya, "Yes, this is Alted Dela Fuente. What do you want?" Doon ko lang nalaman ang pangalan niya. Alted, parang kahit ang pangalan niya'y nagsusumigaw ng kapangyarihan at karangyaan. O sadyang ako lang ang nag-iisip no'n? Mabait naman siya sa akin kahit papaano dahil hindi niya ako sinasaktan sa pisikil na aspeto. Maliban sa araw-araw na pagsunod sa mga utos niya wala nang bago roon. Hindi niya rin ako hinahayaang makaalis ng mansyon, pero ayos na iyon sa akin, sa sobrang lawak ng sakop ng buong mansyon sapat na iyon sa akin sa buong araw para hindi mabagot. Hindi rin ako kinakausap ng mga katulong maliban lang kapag may importanteng sasabihin kaya sa huli ang mga bagay-bagay sa paligid ang kinakausap ko. "Nakakapagod ka." Sabi ko sa kurtina na ngayon ay nakabilad na sa sinag ng araw. Mayaman si Alted, nakita kong may washing-machine sila sa laundry area pero gusto niyang ako mismo ang maglaba ng mga kurtina. Syempre, parte iyon ng pagpapahirap niya sa akin, pero hindi na ako nagreklamo. Paniguradong marami na naman ang ipapakain niya sa akin mamaya dahil alam kong ipapatawag niya ako para kumain. At tama nga ako dahil natanaw ko na ang isang katulong na papunta sa akin. "Kakain na po." Aniya nang makalapit. Ngumiti naman ako sa kaniya at naglakad papunta sa dining area. Higit isang linggo na akong nananatili rito kaya kahit papaano pamilyar na ako sa mga lugar dito sa loob ng mansyon. Tatlong palapag iyon at mayroon pang rooftop. Maliban sa swimming pool na narito, harden, at may playground din. May tree house sa pinakadulong bahagi ng harden. Kinumpleto na yata ni Alted ang lahat dito sa mansyon niya. Nang marating ko ang dining area wala roon ang masungit na lalaking iyon pero puno ng pagkain ang mahabang mesa. Gusto ko sanang magtanong kung nasaan ang señorito nila pero hindi ko na binalak. Tahimik akong kumain, nagugutom din ako kaya hindi ko na pinansin ang ibang bagay. "Don't come near, Snow!" Natigil ang pagsubo ko nang marinig ang impit na sigaw ng isang maliit na boses. Nilingon ko kung saan nanggaling iyon at nagulat din ako nang makita ang dalawang magkamukhang batang babae sa isang sulok. Ang isa ay nakasilip sa gilid at ang isa ay naroon at nakatingin sa akin. Nang makita nilang nakatingin ako sa kanila kumaripas sila ng takbo papunta sa kung saan. Nangunot ang noo ko. May mga bata pala sa mansyon na ito? Ba't ngayon ko lang sila nakita? Madali kong tinapos ang pagkain at hindi na nawala sa isip ko ang mukha ng dalawang bata. They look so cute and beautiful. Ngayon lang ako nakakita ng ganoon kagandang mga batang babae. Kung hindi lang sana sila tumakbo kanina baka nakausap ko sila. Magaan ang loob ko sa mga bata, hindi ko alam kung bakit parang may kung anong mahika silang dala at nagpapagaan ng kalooban ko. Siguro dahil sa nakikita kong kainosintehan sa mga mata nila, dahil sa malaya nilang mga pangarap at mga ngiting walang pagkukunwari. •♦•♦•♦•♦•♦•♦•♦•♦•♦•♦•♦•♦ Alted's Point of View Tumiim ang titig ko sa babaeng nasa harden at nagdidilig ng mga halaman. Hapon na ngayon at papalubog na ang araw. Bawat hapon ginagawa niya iyon kahit hindi ko na iutos. Salubong ang kilay na tiningnan ko ang bawat galaw niya, walang kaartehan, walang pag-aalinlangan at hindi man lang takot sa duming kakapit sa kaniya hindi kagaya noon na kahit kaonting alikabok lang ang madapo sa katawan ay halos sigawan ang mga katulong. Ilang beses ko nang sinubok ang pasensya niya, pinaglinis ko na siya ng buong mansyon pero hindi pa rin siya nagrereklamo. Wala akong naririnig na kahit na ano galing sa kaniya, hinahayaan niya na lang ako. Hindi ko iyon ikinatutuwa. What she's up to? May mas malaki ba siyang pinaplano? Knowing Candice, she has a hidden agenda for everything. That's why I should put my guards up and and watch every step she's making. "Señorito." Mula sa pagkakatingin kay Candice ibinaling ko iyon kay manang Osmet na kadarating lang. "What's new?" "Wala señorito." Bumuntong-hininga pa ang ginang. "Ganoon pa rin, wala siyang kinakausap na mga katulong maliban na lang kung may itatanong siya. Hindi rin namin siya nakikitang may ginagawang kakaiba, sa katunayan kung ano ang iniuutos niyo sa kaniya lahat niya iyon sinusunod ng walang reklamo. Binabantayan din namin kung may kinakausap siya sa cellphone, pero wala, hindi pa namin siya nahuhuli. Walang pagbabago señorito, ganoon pa rin siya kagaya ng unang araw niya rito simula nang bumalik siya." Mariin kong itinikom ang bibig at tinanaw muli si Candice. Ginagalingan niya talaga ang pagpapanggap. "Baka nagbago na talaga siya, señorito." Muling dagdag ni manang Osmet. Nang hindi ko na siya kinibo naglakad siya paalis at iniwan ako. Dalawang buwan lang siyang nawala. Saan siya nagpunta? Anong meron at nagbabago siya? Akala niya ba mauuto niya ako sa mga ginagawa niya ngayon? There's no f*cking way that I'll forgive her. After what she had done to me? After she cheated with different guys behind my back when I was gone? After she slapped and harmed my twins? After she ran away with the jewelries of my mother and my money? I won't forgive her, not this time. She'll pay for everything. "Daddy?" Agad akong lumingon sa pinanggalingan ng boses at nakita si Snow at Winter. They are my twins. Unang lumapit si Snow at idinipa ang kamay para buhatin ko siya. Tiningnan naman kami ni Winter at tipid lang na ngumiti. Hinawakan ko ang kamay niya at nginitian siya. "What are you doing here, didn't I tell you that you should stay on your room?" Malambing ang pagkakasabi ko noon sa kanila. Buhat-buhat ko si Snow sa isang kamay at hawak ko naman si Winter sa isa habang naglalakad papunta sa kwarto nila. They're already five years old; smart and beautiful. Sa pagkakataong ito inilalayo ko muna sila kay Candice para sa kanilang ikakabuti. "We saw mommy." Galing iyon kay Winter. Minsan lang siya magsalita at mahiyain hindi kagaya ni Snow na laging may sinasabi at energetic. Magkamukhang-magkamukha sila pero nagkakaiba sa ugali. Kaya siguro madali ko lang din silang nakikilala. "Pero hindi po kami lumapit sa kaniya." Dugtong ni Snow sa mababang boses. "Baka saktan na naman niya po kami. Do you think Daddy, Mommy will hurt us again when she saw us?" Tila nagdilim agad ang paningin ko nang marinig iyon kay Snow. They are scared of her by now. "Daddy won't let you get hurt, okay? Basta sumunod lang kayo sa akin na huwag muna kayong lalapit sa mommy niyo." "Snow misses her." Binuksan ko ang kwarto nila at pumasok doon. Inilapag ko si Snow sa kama at binuhat din si Winter para ilapag doon. Tiningnan ko sila ng mataman at tipid na ngumiti. I love my princesses, they are my greatest treasure. Kaya hindi ko na hahayaan na saktan ulit sila ni Candice. "Stay here, okay? Be a good girl and I will buy you dolls tomorrow." Tiningnan nila ako at ngumiti lalo na si Snow. Even though Candice hurt them, they still love their Mom. Lalo na si Snow, gustong-gusto niyang makita si Candice pero natatakot na lumapit. "We love you, Dad." As expected, they hugged me tight. "I love you both.”Jehan’s Point of View Para akong binuhusan ng malamig na tubig dahil sa sinabi niya. Nexon is to be engaged with my sister… alam ni Nicole ang bagay na iyon. Hindi ko alam kung saan niya iyon nalaman pero mukhang may alam nga siya. Hindi ako nakapagsalita. Hindi ko alam ang sasabihin. Kaya’t nag-iwas na lamang ko ng tingin. “You know that Tita Lian and Tito Aiden are entitled to have an opinion on their son’s marriage, right? Bilang mga magulang may karapatan sila na magbigay ng opinyon o maghanap ng babaeng karapat-dapat sa anak nila…” Lumiko ang sasakyan kaya napatigil siya saglit. Nasa bayan na kami mismo kaya't may ilan kaming nakakasabay na mga sasakyan, pero karamihan doon ay mga tricycle at pickup. “Pero na kay Kuya Nexon naman kung sino ang pipiliin niya. Well, unlike in our family na parang kailangan sumunod sa tradition ng arranged marriage, sa mga Dela Fuente naman ay may kalayaan pa rin sila na humanap ng taong gusto nilang pakasalan kahit na may napili na para
Jehan’s Point of View “Jehan?” Agad akong napalingon sa direksyon ng boses at nakita si Nicole. Palapit na siya sa amin, dala-dala na niya ang kahon ng cookies na i-binake ni Tita Lian para sa pamilya ni Clad. “Ang layo naman ng pagpark mo?” Nagtataka niyang tanong. Kinabahan ako, lalo’t narito pa si Nexon. Nasa loob pa rin siya ng sasakyan. Umatras ako at nilingon ang lalaki. Pababa na siya ngayon sa sasakyan. Tumayo siya ng matuwid at nilingon ang direksyon ni Nicole. “Kuya Nex?” Napakunot ang noo ni Nicole nang makita si Nexon. Tumikhim ako, inaayos ang boses, dahil parang manginginig iyon sa oras na magsalita ako. “Uh… tinulungan ako ni Nexon na iikot ang sasakyan sa rotunda. I don’t really know how to drive.” Nakalapit sa amin si Nicole. Nanatili ang nakakunot niyang noo at ang pagtataka sa mga mata. Umayos ako ng tayo at pilit na hindi pinahalatang kinakabahan, pero hindi ko maitago. Si Nexon naman, namulsa at parang relax na relax pa siya. “Akala ko nasa
Jehan's Point of View Bumundol ang kaba sa dibdib ko. Nalilito kong tiningnan ang susi ng sasakyan na ngayon ay nasa kamay ko na. Nakakahiya kung wala akong gagawin, lalo’t iniasa sa akin ni Nicole ang sasakyan, pero ano’ng gagawin ko kung hindi rin naman ako marunong magmaneho? Wala ako sa sarili nang maglakad palabas ng bahay para magtungo sa sasakyan na nakaparada sa may rotunda. Mamamatay ako kung susubukan kong pakialaman ang sasakyan niya, kaya maghihintay na lang siguro ako rito hanggang sa makabalik siya. At least I’ll be honest with her. Tumabi ako sa sasakyan at tumayo ng matuwid. Ngayon ko naisip kung gaano kahalaga na matuto ako na magmaneho kahit na iyong pagpapaandar lang ng sasakyan hanggang sa makaikot. Pero paano ako matututo? Natatakot akong magdrive. “What are you doing here?” Halos mapatalon ako nang marinig ang boses galing sa likod ko. Mabilis ko iyong nilingon at nakita si Nexon. Nakapamulsa ang isang kamay habang hawak ang cellphone sa isa. Ibin
Jehan's Point of View Natapos kaming kumain ni Nicole pero hindi pa rin bumalik si Tita Lian. Iginiya niya ako papunta sa sala habang nagliligpit ang mga katulong. We talked about random things and I realized she’s a very random person. Minsan, kahit hindi naman kasali sa usapan namin ay bigla na lamang siyang magtatanong ng ibang bagay. Noong una, nagugulat ako, pero kalaunan hindi na ako nagtataka kung bigla-bigla na lamang siyang nagtatanong. Maybe she wasn't that organized even in a conversation. And maybe that's her way to continue the conversation between us. Lumipas pa ang isang oras bago bumalik si Tita Lian. Hindi niya kasama si Nexon. “I’m sorry ladies.” Aniya. “Kamusta? Nahanap niyo ba, Tita?” “Yes, yes, nasa ilalim pala ng drawer kaya hindi namin mahanap.” Naupo sa tapat namin si Tita Lian. Bumuntong-hininga siya at napailing, para bang napagod sa paghahanap. “Aalis din ba agad si Kuya Nexon?” Si Nicole ulit sa mababang tono. “Hindi ko alam, may tinitin
Jehan’s Point of View There’s something wrong with me again. Alam ko naman na narito siya, dahil narinig ko ang sinabi ng kasambahay kanina, pero bakit nagugulat pa rin ako sa presensya niya? Unti-unti akong nag-angat ng tingin sa direksyon niya at nakitang palapit na siya sa amin— sa mesa. “Kuya Nex.” Bati ni Nicole. Tumango si Nexon, ngunit saglit lamang ang naging sulyap kay Nicole dahil napatingin siya agad sa akin. Nagtama ang tingin namin at para akong sinipa sa dibdib nang makitang madilim na naman ang anyo niya. Galit na naman ba siya? O default expression niya ang pagiging malagim at malupit? “Kumain ka na ba, hijo? Join us. Nag-uusap pa kami ni Nicole at ni Jehan.” Tumigil sa dulo ng mahabang lamesa si Nexon. Ang tingin niya ay sa akin pa rin kahit na nagsasalita na si Tita Lian. Ako ang unang nagbawi ng tingin, parang hindi ko kayang tagalan ang madilim niyang mga mata. “Nasabi ng kasambahay na dumating ka nga, pero hindi ko maiwan ang mga bisita.” Napa
Sobrang hiya ko na ganoon ang nangyari sa akin sa harap nila, kaya naghinay-hinay na ako para hindi na mabulunan kung sakaling may sabihin na naman si Tita Lian na nakakabigla. “How about your eldest sister, Jehan, is she already married?” Magaan na tanong ni Tita Lian. Sabi ko, maghihinay-hinay na ako para hindi na ako mabulunan, pero inabot ko pa rin ang tubig dahil parang may nagbabara na naman sa lalamunan ko. Napabaling ng tingin sa akin si Nicole at kuryusong tumingin. Pinilit kong ngumiti. “Am… Ate Lisanda’s not married yet.” Mahina kong sagot. Kumunot ang noo ni Nicole. “Wala pang nagpapakasal sa inyo?” Marahan akong umiling, mas lalong kinakabahan na sa akin na ngayon ibinabato ang mga tanong. “Wala pa.” Paos kong bulong. Tumango si Nicole, ganoon din si Tita Lian, at mukhang naniwala naman sila kaya ibinalik ko ang tingin sa pagkain. Nga lang, parang nawalan na ako ng gana. Pero hindi ko iyon pwedeng ipahalata. Mula sa bulwagan ng dining table, pumasok ang isang






