LOGINAurora's Point of View
"Candice Entrata-Dela Fuente." Bulong ko sa sarili nang makita ang pangalan na iyon sa isang envelope. Entrata ang apelyido niya? Sandoval naman ang sa akin. Ano bang kaugnayan namin sa isa't isa? Naghalungkat pa ako sa mga kabinet at tanging iyon lamang ang nakita ko at ang marriage contract na rin nila ni Alted na nakaipit sa pinakailalim ng papeles. May mga album din dito kaya nakatulong iyon sa akin. Mas marami ang solo na litrato ni Candice at may iilan na buo sila nila Alted. Napansin ko rin doon ang dalawang batang babae, iyong nakita ko noong kumakain ako. Siguro anak nila, hindi lang ako sigurado. Base sa nakikita ko sa litrato talagang sanay sa marangyang buhay si Candice, liberated kumbaga at ang pananamit ay bulgar at nakalimutan na ang salitang "konserbatibo", mahilig din siyang maglagay ng makeup sa mukha, isang tingin lang sa larawan niya halatang mapagmataas at parang hindi hahayaang pabagsakin siya ng kahit na sino. She's intimidating and sophisticated. Paanong magiging ako ito? Napag-isip-isip ko na rin, siguro mas gusto ko na lang na sandaling maging ako siya. Titira ako sa malaking mansyon at titiisin ang pagpapahirap ni Alted kapalit ng ganitong buhay. Kumpara sa buhay na meron ako kayna Auntie Pacita, mas gusto kong dito maghirap, ano nga bang pinagkaiba? Doon sa Damarenas buhay-katulong din ako, tinitipid ang pagkain ko, wala akong kalayaan sa mga bagay na gusto kong gawin at minsan sinasaktan din nila ako. Dito magtatrabaho lang ako ayon sa utos ni Alted, pinapakain nila ako ng masasarap, nakatira ako sa magandang bahay, may mga librong mababasa, kahit hindi ako masyadong malaya nararamdaman ko naman na hindi ganoon kahigpit ang pagkakasakal sa akin. Parang lumaki lang at naging sosyal ang hawla ko. Kaya kung papipiliin ako, sige, dito na lang ang gusto ko. Dito na lang muna ako, hihintayin ko na lang na bumalik si Candice at kapag mangyari iyon doon ako aalis dahil paniguradong palalayasin din naman ako ni Alted. "Candice." "Ay palakang dumapa!" Nabitiwan ko ang album dahil sa pagkabigla at agad humarap sa nagsalita. Si Alted. Nakakunot na naman ang noo niya, nakasuot siya ng long sleeve na itim at maayos ang hitsura niya. Siguro aalis siya. "B-bakit?" Hindi talaga nagmimintis ang kabang agad na gumagapang sa dibdib ko kapag nariyan siya. "Maghugas ka ng mga plato sa kusina. Siguraduhin mong walang mababasag." Tumango naman ako. "Iyon lang?" Naningkit ang mga mata niya, mapanuri niya akong tiningnan at kalaunan nawalan ng ekspresyon ang kaniyang mukha. "Tell me, may gusto ka bang ipabili?" Sa pagkakataong ito parang ako naman ang nabigla sa sinabi niya. Ano raw? Parang ngayon niya lang ako tinanong ng ganiyan. Umiling agad ako, wala naman akong ipapabili sa kaniya. Ano ba? "Sigurado ka?" Ulit niya pa. Biglang pumasok sa isip ko ang damit. Tama, damit. Ayaw ko nang magsuot ng mga damit ni Candice, masyado iyong daring. "P-pwede bang ibili mo ko ng damit?" Umangat bigla ang sulok ng kaniyang labi at tumalim na naman ang mga mata niya. "T-shirt ang gusto ko. Iyong may sleeve sana at shorts naman lang. K-kasi wala na akong naisusuot." Dagdag ko. Kumupas ang kaniyang ngisi at kumunot na naman ang kaniyang noo. Nagtagis ang kaniyang bagang at biglang umalis. Ganiyan na ganiyan siya kapag nag-uusap kami at hindi nagugustuhan ang sinasagot ko, bigla-bigla na lang umaalis. Ibinalik ko sa lalagyan ang album at ang ilang gamit na nasa labas ng kabinet. Dumiretso ako sa kusina at nakita doon ang dalawang katulong. "Ito na lahat ang hugasin?" Baling ko sa kanila nang makita ang mga hugasin. Tumango ang isa. "I-iyan na po." Kaya nagsimula akong maghugas, wala silang imik habang nasa gilid at tinitingnan ang ginagawa ko. Siguro binabantayan nila ako dahil baka makabasag ako, pero naging maingat naman ako kaya maayos kong natapos ang trabaho. Ako na rin ang nagpunas at nagbalik sa lagayan. "Snow!" Tila nagimbal ang lahat nang marinig ang pagkabasag ng kung ano kasunod ng matinis na sigaw. Mukhang galing iyon sa salas kaya tumakbo ako palabas kasunod ang dalawang katulong na kasama ko sa kusina. Naabutan namin doon ang dalawang batang babae, ang isa ay umiiyak habang hawak ang kamay at ang isa naman ay umiiyak dahil umiiyak ang kakambal niya. Dali-dali akong tumakbo papunta sa kanila para tingnan ang nangyayari. Dumudugo ang kamay ng isang batang babae dahil sa pagkabasag ng vase. Siguro hinawakan niya iyon. "M-mommy, h-huwag, huwag po. H-hindi ko po sinasadya, M-mommy." Takot na takot niyang saad nang hawakan ko ang dumudugo niyang kamay. "Mommy huwag niyong sasaktan si Snow. M-mommy, huwag." Segunda pa ng isa. Binuhat ko ang tinatawag niyang si Snow, magkamukhang-magkamukha kasi sila kaya nalilito ako sa kanila. Dinala ko siya sa kusina at hinugasan ang dumudugo niyang kamay. Iyak pa rin siya ng iyak. "Pakikuha ng first aid kit." Utos ko sa isang katulong. Sumunod naman siya. Pinaupo ko si Snow sa island counter at sinuri ang kamay niya, hindi gaanong malalim ang sugat pero maraming dugo ang lumalabas. Nang makarating ang katulong maingat kong nilinis ng cotton na may alcohol ang sugat niya, hindi na siya gaanong umiiyak at mataman na lang na nakatingin sa sugat niyang nililinis ko. "Snow!" Malakas na sigaw iyon kaya napatigil ako at tiningnan si Alted na galit na galit na lumapit sa amin at itinulak ako ng bahagya para makuha si Snow. "What did you do to my daughter?!" Malakas niyang sigaw. Nabigla ako sa ginawa niya kaya hindi ko na nagawang makapagsalita. Wala naman akong ginawa, wala naman akong kasalanan. Bakit sa akin siya nagagalit? "Dad. Don't shout at mommy." Pigil ni Snow kay Alted. "Yung kamay niya, dapat lagyan ng band aid." Hindi ko na pinansin ang galit na tingin ni Alted, ang mahalaga ngayon si Snow. Kaso hindi na ako pinakinggan ni Alted, naglakad siya palayo dala si Snow na nilingon pa ako. Tanging buntong-hininga na lamang ang nagawa ko nang maiwan ako kasama ang mga katulong at si Manang Osmet na nakatitig sa akin. Mali bang lapitan sila Snow? Mali bang mag-alala ako sa mga bata?Jehan’s Point of View Para akong binuhusan ng malamig na tubig dahil sa sinabi niya. Nexon is to be engaged with my sister… alam ni Nicole ang bagay na iyon. Hindi ko alam kung saan niya iyon nalaman pero mukhang may alam nga siya. Hindi ako nakapagsalita. Hindi ko alam ang sasabihin. Kaya’t nag-iwas na lamang ko ng tingin. “You know that Tita Lian and Tito Aiden are entitled to have an opinion on their son’s marriage, right? Bilang mga magulang may karapatan sila na magbigay ng opinyon o maghanap ng babaeng karapat-dapat sa anak nila…” Lumiko ang sasakyan kaya napatigil siya saglit. Nasa bayan na kami mismo kaya't may ilan kaming nakakasabay na mga sasakyan, pero karamihan doon ay mga tricycle at pickup. “Pero na kay Kuya Nexon naman kung sino ang pipiliin niya. Well, unlike in our family na parang kailangan sumunod sa tradition ng arranged marriage, sa mga Dela Fuente naman ay may kalayaan pa rin sila na humanap ng taong gusto nilang pakasalan kahit na may napili na para
Jehan’s Point of View “Jehan?” Agad akong napalingon sa direksyon ng boses at nakita si Nicole. Palapit na siya sa amin, dala-dala na niya ang kahon ng cookies na i-binake ni Tita Lian para sa pamilya ni Clad. “Ang layo naman ng pagpark mo?” Nagtataka niyang tanong. Kinabahan ako, lalo’t narito pa si Nexon. Nasa loob pa rin siya ng sasakyan. Umatras ako at nilingon ang lalaki. Pababa na siya ngayon sa sasakyan. Tumayo siya ng matuwid at nilingon ang direksyon ni Nicole. “Kuya Nex?” Napakunot ang noo ni Nicole nang makita si Nexon. Tumikhim ako, inaayos ang boses, dahil parang manginginig iyon sa oras na magsalita ako. “Uh… tinulungan ako ni Nexon na iikot ang sasakyan sa rotunda. I don’t really know how to drive.” Nakalapit sa amin si Nicole. Nanatili ang nakakunot niyang noo at ang pagtataka sa mga mata. Umayos ako ng tayo at pilit na hindi pinahalatang kinakabahan, pero hindi ko maitago. Si Nexon naman, namulsa at parang relax na relax pa siya. “Akala ko nasa
Jehan's Point of View Bumundol ang kaba sa dibdib ko. Nalilito kong tiningnan ang susi ng sasakyan na ngayon ay nasa kamay ko na. Nakakahiya kung wala akong gagawin, lalo’t iniasa sa akin ni Nicole ang sasakyan, pero ano’ng gagawin ko kung hindi rin naman ako marunong magmaneho? Wala ako sa sarili nang maglakad palabas ng bahay para magtungo sa sasakyan na nakaparada sa may rotunda. Mamamatay ako kung susubukan kong pakialaman ang sasakyan niya, kaya maghihintay na lang siguro ako rito hanggang sa makabalik siya. At least I’ll be honest with her. Tumabi ako sa sasakyan at tumayo ng matuwid. Ngayon ko naisip kung gaano kahalaga na matuto ako na magmaneho kahit na iyong pagpapaandar lang ng sasakyan hanggang sa makaikot. Pero paano ako matututo? Natatakot akong magdrive. “What are you doing here?” Halos mapatalon ako nang marinig ang boses galing sa likod ko. Mabilis ko iyong nilingon at nakita si Nexon. Nakapamulsa ang isang kamay habang hawak ang cellphone sa isa. Ibin
Jehan's Point of View Natapos kaming kumain ni Nicole pero hindi pa rin bumalik si Tita Lian. Iginiya niya ako papunta sa sala habang nagliligpit ang mga katulong. We talked about random things and I realized she’s a very random person. Minsan, kahit hindi naman kasali sa usapan namin ay bigla na lamang siyang magtatanong ng ibang bagay. Noong una, nagugulat ako, pero kalaunan hindi na ako nagtataka kung bigla-bigla na lamang siyang nagtatanong. Maybe she wasn't that organized even in a conversation. And maybe that's her way to continue the conversation between us. Lumipas pa ang isang oras bago bumalik si Tita Lian. Hindi niya kasama si Nexon. “I’m sorry ladies.” Aniya. “Kamusta? Nahanap niyo ba, Tita?” “Yes, yes, nasa ilalim pala ng drawer kaya hindi namin mahanap.” Naupo sa tapat namin si Tita Lian. Bumuntong-hininga siya at napailing, para bang napagod sa paghahanap. “Aalis din ba agad si Kuya Nexon?” Si Nicole ulit sa mababang tono. “Hindi ko alam, may tinitin
Jehan’s Point of View There’s something wrong with me again. Alam ko naman na narito siya, dahil narinig ko ang sinabi ng kasambahay kanina, pero bakit nagugulat pa rin ako sa presensya niya? Unti-unti akong nag-angat ng tingin sa direksyon niya at nakitang palapit na siya sa amin— sa mesa. “Kuya Nex.” Bati ni Nicole. Tumango si Nexon, ngunit saglit lamang ang naging sulyap kay Nicole dahil napatingin siya agad sa akin. Nagtama ang tingin namin at para akong sinipa sa dibdib nang makitang madilim na naman ang anyo niya. Galit na naman ba siya? O default expression niya ang pagiging malagim at malupit? “Kumain ka na ba, hijo? Join us. Nag-uusap pa kami ni Nicole at ni Jehan.” Tumigil sa dulo ng mahabang lamesa si Nexon. Ang tingin niya ay sa akin pa rin kahit na nagsasalita na si Tita Lian. Ako ang unang nagbawi ng tingin, parang hindi ko kayang tagalan ang madilim niyang mga mata. “Nasabi ng kasambahay na dumating ka nga, pero hindi ko maiwan ang mga bisita.” Napa
Sobrang hiya ko na ganoon ang nangyari sa akin sa harap nila, kaya naghinay-hinay na ako para hindi na mabulunan kung sakaling may sabihin na naman si Tita Lian na nakakabigla. “How about your eldest sister, Jehan, is she already married?” Magaan na tanong ni Tita Lian. Sabi ko, maghihinay-hinay na ako para hindi na ako mabulunan, pero inabot ko pa rin ang tubig dahil parang may nagbabara na naman sa lalamunan ko. Napabaling ng tingin sa akin si Nicole at kuryusong tumingin. Pinilit kong ngumiti. “Am… Ate Lisanda’s not married yet.” Mahina kong sagot. Kumunot ang noo ni Nicole. “Wala pang nagpapakasal sa inyo?” Marahan akong umiling, mas lalong kinakabahan na sa akin na ngayon ibinabato ang mga tanong. “Wala pa.” Paos kong bulong. Tumango si Nicole, ganoon din si Tita Lian, at mukhang naniwala naman sila kaya ibinalik ko ang tingin sa pagkain. Nga lang, parang nawalan na ako ng gana. Pero hindi ko iyon pwedeng ipahalata. Mula sa bulwagan ng dining table, pumasok ang isang







