Elizabeth’s Point of View Hindi ko kailanman naisip na darating ang panahon na kailangan kong tumira kasama si Primo sa iisang bubong. That would be considered as my worst nightmare. Pero habang inililibot ang tingin sa bahay na pinagdalhan niya sa akin, ramdam kong hindi na ito panaginip lang o bangungot. Mas malala pa ito, dahil ito na ang reyalidad. “Gusto mo bang umakyat sa taas, señorita?” Nilingon ko ang batang kasambahay pagkatapos na matulala ng ilang minuto. Nahihiya siyang ngumiti nang magtama ang tingin namin. Hindi siya pamilyar sa akin, pero daligata pa lang siya at mukhang bago pa lang na nagtratrabaho sa mga Gazalin. Kanina ay namumutla siya, ngayon ay bumalik na ang kulay niya. Pero sa tuwing nagtatama ang tingin namin ay halatang nahihiya siya't nag-aalangan. “May dalawang kuwarto ho sa taas. Isang kuwarto naman po rito sa baba para sa mga katulong.” Imporma niya. Mabuti na lamang at isinama siya ni Primo, dahil kung hindi, ang lalaking iyon ang magpapaliwana
Elizabeth's Point of View I should have listened to her. Sana sineryoso ko ang lahat ng tagubilin nila tungkol kay Primo. Sana hindi ko hinayaan na umasa ang puso ko na magbabago siya o na seseryusuhin niya kung anuman ang meron kami noon.I could have saved myself. "Kailan mo gustong ganapin ang engagement, hija?" Masuyong tanong ni Madame Sole. Ibinaba ko ang hawak na inumin at nag-angat ng tingin sa direksyon niya. Nakaupo siya sa tapat ni Mama, sa kaliwang bahagi ng kabisera. Ngumiti siya ng magtama ang tingin namin. She looks classy in her evening dress. She wears another expensive dark red dress. Pinatungan iyon ng manipis na klase ng tela na madalas na dumadausdos sa balikat niya, ngunit hinahayaan niya lamang iyon dahil tila sanay na siya. Ang lahat ng mga mata ay napatingin sa akin. Si Papa na nasa kabisera ay tumigil sa paghiwa ng kaniyang steak para lamang ibigay sa akin ang buong atensyon. Si Mama at Kuya Nexon sa tabi ko ay napatingin din sa akin.Si Tita Wendell at
Elizabeth's Point of ViewAkala ko tatanggi siya kay Papa.Akala ko mahihiya siyang sumabay, pero tumango siya at sinabing, "Salamat po, Tito. Sasabay na lang po ako, wala rin kasi akong dalang sasakyan."Para akong kinidlatan. Narinig ko ng malinaw ang sinabi niya, pero nagduda pa ako kung tama nga ang narinig ko.Ngunit nang bumukas ang pinto sa tabi ko at sumungaw ang kaniyang ulo, napalayo agad ako hanggang sa kabilang dugo. Totoo nga, sasabay siya.Bigla siyang ngumisi at itinulak na nga ang kaniyang sarili papasok ng sasakyan namin. Napaiwas ako ng tingin at nagtiim-bagang.Hindi ko nakita ang sasakyan niya sa parking lot, baka totoo nga na wala siyang dalang sasakyan? Pero pwede naman siguro siyang magtricycle na lang?O baka hindi siya sanay na sumasakay ng ganoon?Pagkatapos makipag-usap ni Papa sa iba pa naming kasama, nagpaalam na siya at sumakay na rin. Nilingon niya kami saglit."Are you comfortable there?" Hindi ko alam kung kanino niya iyon itinatanong. Kung sa akin, o
Elizabeth's Point of View Hindi ko kailanman naisip na pwede kaming mapalapit sa isa't isa ni Primo. Dahil kung ako lang, hangga't maaari ay gusto kong lumayo sa kaniya at iwasan siya. Ngunit mapaglaro nga yata ang Tadhana. Dahil sa pag-aasikaso namin sa laboratory room mas napadalas ang pagkikita namin. Sila ng mga kaibigan niya ang madalas na magbuhat ng mga mabibigat na kagamitan at aparato galing sa lumang laboratoryo papunta rito sa bago. Siya rin ang madalas na utusan ng lab teacher sa tuwing may kailangan ayusin sa wiring o kaya may kailangan buhatin na mabigat na mesa papunta sa sulok. Hindi naman siya nagrereklamo sa mabibigat na gawain kaya hindi na lang din ako nagrereklamo lalo pa't malaki naman ang naitutulong niya sa pag-aayos ng laboratoryo. Pero minsan hindi ko maiwasan na hindi matigilan sa tuwing bigla na lamang siyang sumusulpot sa kung saan. Kapag bigla siyang dumadaan sa harap ako, halos mapatalon ako sa gulat minsan. Kapag naman nasa malapit siya nakapwest
Elizabeth's Point of View In the Past. Hindi ko kailanman sineryoso ang nararamdaman ko kay Primo. Para sa akin, lilipas din iyon at maglalaho din. It's not a big deal. Kaya sa tuwing nakakasabay namin sila sa gym kapag P.E class namin ay pinipigilan ko palagi ang sarili na mapasulyap sa direksyon kung nasaan sila nagkaklase.I always tried to ignore him. And my feelings. "Crush mo yata, e!" Sigawan nila Juliet habang itinatakbo sa court ang cellphone na nakuha mula sa kaklase namin. Mabilis ang pagtakbo ni Juliet habang nakasunod naman sa kaniya si Florian. "Akin na, ibalik mo!" Nagtawanan ang mga kaklase namin. Si Jasmine na nasa tabi ko ay sumigaw pa para lang gatungan ang pang-aasar nila kay Florian. "Ikaw?" Baling niya sa akin pagkatapos. Nasa bleacher kami sa gilid ng court at naghihintay sa pagdating ng PE teacher namin na mukhang na-late na naman dahil nasa canteen pa. "Ano'ng ako?" Kunot-noo kong tanong sa kaniya. Nasa mas mababa siyang bench kaya nakatingala siy
Elizabeth's Point of View Parang may kidlat na tumama sa ulo ko. Napatayo ako sa gulat. Sinundan ako ng tingin ni Mama, matigas na ngayon ang ekspresyon ng mukha niya. "Ano'ng sinasabi niyo, Ma?" Marahan siyang umiling. Ramdam ko ang pag-aalala niya, ang tensyon, ang pagpipigil, ngunit mas nangibabaw ang pagmamatigas niya. Ang pagkukunwari na matapang at naninindigan. "You heard me right, Liza. I already agreed to your engagement." Laglag ang panga ko. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin. Nagbibiro lamang siya! Ngunit hindi na niya iyon dinugtungna pa kaya mas lalo akong nakumbinsi na seryoso siya sa sinabi niya. Kumalabog ang dibdib ko at parang unti-unti akong kinakapos ng hininga. "I won't be engaged with Primo! Walang engagement na magaganap—" "Meron!" she cut me off again. "Mamaya ay pupunta rito ang pamilya ni Primo para pormal na mamanhikan sa atin. Pumayag na kami ng Papa mo para na rin matigil na ang bulong-bulungan sa bayan na walang plano ang mga Gazalin na i