LOGINJehan's Point of View “She won't think of you that way.” Gusto ko sanang sabihin na, “Ano naman ang alam mo sa iisipin ni Aurora sa akin o hindi?” Gusto kong idaan ang awkwardness sa pagitan namin sa pamamagitan ng pagbibiro, pero talagang seryoso siya at mukhang hindi marunong tumanggap ng biro. “Biro lang.” I said slowly. Babawiin ko na lang pala agad dahil parang naoffend siya doon sa sinabi ko. Kahit na nagbibiro lang naman ako. “Aurora’s not like that. She would rather give you anything you want…” Aniya sa mabagal na tono. Kinagat ko ang ibabang labi. Iniisip niya siguro na masama ang tingin ko sa ugali ni Aurora. I could really feel that she's kind and I don’t think she'll be rude to me. Hindi ko naman hinuhusgahan ang asawa ng pinsan niya. Hindi man lang makaramdam na nagbibiro lang ako. “Sorry, I didn't mean to offend you or what…” I said as I tried to look away. Naramdaman kong umusod siya palapit sa akin, pero ayaw ko siyang lingunin. Nga lang ramdam kong n
Jehan's Point of View “Sigurado akong hindi pa kayo nagtatanghalian. Sakto, tapos na akong magluto.” Ngiting saad ni Aurora nang bigla kaming natahimik. “Hali kayo, ipapahanda ko na ang pagkain.” Inimbitahan niya kami sa hapagkainan. Nakangiti siya at palipat-lipat ang tingin sa aming dalawa ni Nexon na para bang manghang-mangha siya sa aing dalawa kahit na wala naman kaming ginagawa. Panis ang naisukli kong ngiti, medyo nahihiya pa ako pagkatapos ng sinabi ko kanina. Hindi ko rin maintindihan kung bakit sa sobrang mangha ko sa mga anak niya ay naisip kong magkaroon rin ng kambal na anak kagaya ng sa kaniya. Sobrang cute kasi ng mga anak niya… sobrang gaganda. Parang mga manika.Sino'ng hindi gugustuhin ang magkaroon ng ganoon? “Dito ka na maupo, Jehan.” Mahinang saad ni Nexon nang igiya ako sa hapagkainan. Naupo rin sila Aurora pagkatapos niyang tulungan na makaupo ang dalawang anak. Nasa tapat siya ng napiling upuan ni Nexon, at sa tapat ko naman si Snow at si Winter.
Jehan's Point of View Hindi ko na matingnan si Nexon habang nagmamaneho siya papunta sa bahay ng pinsan niyang si Alted. Kapwa kami tahimik sa loob ng sasakyan. The silence is weird. Kahit na pareho kaming tahimik ay hindi naman ganoon ka-uncomfortbale ang katahimikan naming dalawa. Sa ibang bagay ako hindi nagiging komportable— sa sarili kong nararamdaman. Ilang minuto ang lumipas nang matanaw ko ang mataas at malaking itim na gate. Naalala ko bigla ang malaking gate ng mansion nila Nexon. Ganito iyon. Bumusina siya ng isang beses at agad naman na nagtungo ang guard sa gate at binuksan iyon. Bumagal ang takbo ng sasakyan. “Magandang tanghali po, Señorito.” Bati ng guwardiya. Nakababa ang salamin ng bintana ni Nexon kaya nakikita kami sa loob ng guwardiya. Tumango lang si Nexon at dumiretso na sa loob. Iniisip kong mayaman ang pinsan ni Alted dahil may ubasan nga at mukhang successful businessman din kagaya ni Nexon, pero hindi ako makapaniwala na may sariling mansion at sob
Jehan’s Point of View Minsan, namamangha pa nga ako kapag sumasagot siya ng walang kahirap-hirap sa mga opisyal. “The farm continues to consider integrated pest management and sustainable fertilization practices to minimize environmental impact.” Paliwanag ni Nexon. Sinusulyapan ko siya tuwing nagsasalita siya, hinuhuli kung ano’ng ekspresyon niya habang nagsasalita, pero palagi lamang siyang seryoso at malaki ang kyumpansa sa sarili. Natutuwa naman ang nag-iinspeksyon dahil mabilis na nagbibigay ng detalye at impormasyon si Nexon. Samantalang tahimik naman ako sa tabi niya at saka lang nagsasalita kapag binabalingan ng tingin ng mga opisyal. Kalaunan, natapos din ang pag-iinspeksyon. Naging maganda ang resulta at pinuri pa ang farm dahil sa pagiging maingat nito sa kapaligiran. Wala naman raw problema, kaya’t nagtungo ulit kami sa burol. Saka ko lang napansin na may mga pagkain nang nakalatag sa mahabang mesa malapit sa cottage. “Siguradong napagod kayo. Nagpahanda ako ng pagk
Jehan’s Point of View Pareho kaming tahimik sa sasakyan. Nakapokus ang tingin ni Nexon sa kalsada, samantalang nililibang ko naman ang sarili sa mga tanawin na nadadaanan namin. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin sa kaniya, pakiramdam ko’y wala rin siya sa mood makipag-usap kaya hindi ko na lang din sinubukan. Matagal kami sa kotse, nagpapakiramdaman lang, hanggang sa hindi ko na talaga matiis at nilingon ko na siya. I was about to say something nang maunahan niya ako. “Baka hapon na tayo makabalik sa San Gabriel. Sa bahay na muna tayo nila Alted.” Imporma niya. Oh, thank goodness nagsalita na siya. Para na akong mabibingi sa katahimikan naming dalawa. Akala ko’y hindi na niya ako kikibuin. “Sa pinsan mo?” Marahan kong tanong. Tumango siya at saglit lang na sumulyap ng tingin sa akin. “Pero makakaabot ka pa rin naman sa party ni Nicole… but I doubt that you could join Nicolas’ party.” Nagkibit ako ng balikat. Wala namang kaso sa akin kung hindi na nga makahabol sa party n
Jehan's Point of View Sa kusina ay sinubukan kong tumulong kahit paano, pero pinagbawalan ako ng mayordoma at sinabing kagagalitan sila ni Madamé Sole kung malaman na tumutulong ako sa kanila. Pero wala rin naman akong ginagawa kaya nag-boluntaryo akong tumulong. “Huwag na, Miss Jehan.” “Huwag niyong patulungin si Miss Jehan.” “Magagalit si Madamé.” Palaging ganoon ang sinasabi nila sa isa’t isa kaya naman hindi ko na lang din ipinilit. Kahit iyong pagbubuhat ng mga babasaging plato ay hindi pa sa akin maipagkatiwala, kaya iniwan ko na lang din sila. Sa dining table kakain ang mga bisita, sasabayan sila ni Madamé Sole, at dahil tapos naman na akong kumain ay hindi na ako sasali sa kanila. Paakyat na ako sa hagdan nang makitang wala nang tao sa sala. Wala na roon sila Nicolas at Nexon, mukhang tapos na nilang pag-usapan kung anuman ang sadya ng huli. Ano kaya ang sadya niya? Hindi ko namalayan na naglalakad na pala ako papunta sa bulwagan at palabas ng mansion. Sa may marmol n
Aurora's Point of View Kapag magluluto ng lunch at dinner, narito rin si Nay Consing at ang isa pang katulong tumutulong sa amin pero kapag ganitong mga oras kami lang ni Sonya. Lagi siyang narito at tila may iniiwasan sa labas. "W-wala rin naman po magbabago, 'tyaka mababaw lang po ang problema
Aurora's Point of ViewTIME flew fast, mabilis na tila ba hinahabol ako ng oras sa bawat minutong lumilipas. Maayos ang lahat ngunit nakakatakot, ang lahat ay nakaayon sa gusto ko... maayos na buhay kasama sila. Pero hindi lagi na sa akin ang swerte, hindi laging ako ang kakampihan ng tadhana. Hin
Aurora's Point of View "What's wrong, Baby?" Humakbang ako palapit para sana aluin siya pero mas lalong tumindi ang takot sa mga mata niya at napaatras. Dumagundong ang kaba sa dibdib ko nang makita ang ginawa niya. Namumula na naman ang mga mata niya at nang magsitulo ang mga luha galing doon ay
Aurora's Point of View MAYA'T maya ako kung bumalik sa kwarto nila Snow at Winter. Nakalock pa rin iyon at tahimik na sila sa loob. Ayaw pa rin nilang lumabas at magsabi kung ano ang problema. Hindi pa rin ako mapakali sa mga nangyayari. Sobrang sakit na marinig ang pag-iyak nila, hindi ko alam







