“Send me the details of our new project. Gusto ko mayroon na akong kopya niyon bago pa ang dumating ang meeting ko sa team na may hawak ng proyektong iyon. Understand?” maawtoridad na utos ni Alvaro kay Baron habang naglalakad sila patungo sa kanyang opisina.
Kababalik niya lamang sa pag-aaring kompanya ng kanilang pamilya--- ang Savalleno Real Estate Company. Dating pinamamahalaan iyon ng kanyang ama ngunit nang pumanaw ito pitong taon na ang nakararaan ay siya na ang humawak ng pinakamataas na posisyon niyon.
His parents died together in a car accident. Alvaro was just twenty-four years old that time, while his sister, Sabrina, was nineteen. Nagsisimula pa lang sana siyang pag-aralan ang pamamalakad ng kanilang kompanya ngunit dahil sa nangyari ay biglaan niyang sinalo ang responsibilidad sa kanilang negosyo.
He wasn’t alone that time anyway. There was their Uncle Philip. Kapatid ito ng kanyang ama at ito ang naging sandigan nila ni Sabrina nang mawala ang kanilang mga magulang. Then, years later after the passing of their parents, his sister also passed away. Mas malaking dagok iyon sa buhay niya dahil mas nahirapan siyang tanggapin ang uri ng pagkamatay ng nakababata niyang kapatid.
Alvaro was at the lowest part of his life that time but he needed to keep going for their company. Maraming empleyado rin ang umaasa sa kanilang kompanya kaya kahit nagluluksa pa rin ay nagpatuloy ang buhay niya. Nariyan naman ang Uncle Philip niya na katulong niya sa pamamahala ng SREC. And of course, there’s Jewel. Despite everything that happened, she still gave him reason to have a life.
Tuloy-tuloy na nga silang naglakad ni Baron patungo sa kanyang opisina. Galing siya sa labas para bisitahin ang isa sa mga patapos na nilang proyekto. He checked the site, then went back to his office after.
“Ipahahanda ko po sa nakatalagang team, Sir Alvaro,” tugon ni Baron sa mga sinabi niya kanina. Nasa likuran niya ito at nakasunod lamang sa kanyang paglalakad.
“And another thing, please check the---”
Ano mang sasabihin ni Alvaro ay hindi na niya natapos pa nang mamataan na niya si Jewel sa labas ng kanyang opisina. Pabalik-balik ito sa paglalakad habang halata na ang pagkainip sa mukha. Nahinto lang ito sa ginagawa nang makita na rin ang pagdating niya at ng kanyang sekretarya.
At hindi pa maiwasan ang pagdikit ng mga kilay ni Alvaro nang mapansin ang dala-dala ng kanyang kasintahan. On her right hand were flowers... hindi lang basta mga bulaklak. Base sa ayos ng mga bulaklak, iyon ay para sa... patay? Bakit may dalang ganoong uri ng mga bulaklak ang kasintahan niya? May pupuntahan ba itong burol?
Pinagpatuloy ni Alvaro ang paglalakad hanggang sa tuluyan siyang makalapit sa dalaga. “Hon, what are you---”
Sa muli ay hindi natapos sa pagsasalita si Alvaro nang basta na lamang ibato sa kanya ni Jewel ang hawak-hawak nitong mga bulaklak. Dahil sa ginawa nito ay bumagsak ang mga iyon sa sahig at nasira sa pagkakaayos.
“What the hell are those, Alvaro?!” galit nitong saad sa kanya.
“What?” naguguluhan niyang sambit.
“You sent flowers to me,” nangangalaiti pa nitong sabi na wari bang hindi niya alam ang tungkol sa bagay na iyon.
“Yes, I did,” aniya, naguguluhan pa rin sa ikinikilos nito. “I just want to make it up to you.”
“Is this your way of making it up to me?” she said with irritation on her voice. Kasabay niyon ay sinipa pa nito ang ilang bulaklak na nagkakalas-kalas na sa pagkakaayos. “How dare you to send me these kind of flowers? Ano ang akala mo sa akin? Patay?”
Sukat sa mga sinabi nito ay agad na napalingon si Alvaro kay Baron na nanlaki ang mga mata pagkarinig din sa mga sinabi ng kanyang kasintahan. Baron turned to look at him as well and his face also mirrored puzzlement. Mistula bang hindi rin nito alam kung bakit iyon nangyayari.
Akmang magtatanong pa lamang sana siya sa kanyang sekretarya nang muli nang magwika si Jewel. Nasa tinig pa rin nito ang galit sanhi para muli siya ritong mapalingon.
“I am so tired understanding you, Alvaro. I am so tired adjusting for you. Laging ako na lang ang umiintindi sa relasyon nating ito. And you’re not even exerting so much effort for me. Ganitong bulaklak, huh? Seriously?”
“Jewel, listen to me---”
“No, you listen to me,” putol nito sa kanya. “This is too much, Alvaro, so let’s call off the wedding.”
“What?!” bulalas niya na hindi na sinagot ng dalaga. Hinubad na nito ang singsing sa daliri saka halos i*****k sa dibdib niya. Nahulog pa iyon sa sahig dahil hindi niya man lang iyon kinuha mula rito. “Jewel...”
“Let’s call it an end, Alvaro,” tiim ang mukhang saad nito. Ni hindi rin nakaligtas sa kanya ang panunubig ng mga mata ng dalaga. “I am breaking up with you.”
She didn’t even wait for him to answer. Agad na itong tumalikod at sa mabibilis na hakbang ay tinahak ang kinaroroonan ng elevator.
Stunned of what happened, Alvaro wasn’t able to walk after her. Napako na lamang siya sa kanyang kinatatayuan hanggang sa tuluyang nakaalis ang dalaga. Maya-maya pa ay naikuyom niya nang mariin ang kanyang mga kamao saka marahas na lumingon sa kanyang sekretarya. Ni hindi niya itinago ang pagdilim ng kanyang mukha nang bigla niya itong kuwelyuhan kasabay ng malakas na paghila.
“What the hell have you done, Baron?!” bulyaw niya rito. “Ang sabi ko ay bilhan mo ng bulaklak si Jewel, pero hindi ganitong uri ng bulaklak!”
“S-Sir, hindi po ganyang uri ng bulaklak ang binili ko para kay Miss Jewel. R-Red roses po ang pinili ko,” nahihintakutan nitong paliwanag sa kanya.
Pabalya niya itong binitiwan sabay sipa sa kalas-kalas nang mga bulaklak. “Then, what is the meaning of this?!” galit niyang tanong dito. Halos um-echo pa ang tinig niya sa palapag na kanilang kinaroroonan dahil sa kanyang pagsigaw.
“H-Hindi ko ho alam kung ano ang nangyari pero nasisiguro ko pong hindi ganyang bulaklak ang binili ko,” magalang nitong katuwiran sabay ayos sa kuwelyo ng suot nito. “B-Baka ho nagkamali ng naipadala ang flower shop.”
Alvaro stared at him momentarily. Kilala niya rin naman si Baron. Sa tagal na nitong nagtatrabaho sa kanya, kailanman ay hindi pa ito pumalpak. He was an efficient employee. Maaasahan ito sa kahit ano mang ipagawa niya. Baka nga hindi rito ang pagkukulang, baka sa flower shop na pinagbilhan nito.
And thinking about it, he couldn’t help the tightening of his jaws. “I want you to find out who’s that stupid florist who sent that bullshit flowers to Jewel. Gusto kong malaman bukas na bukas din, Baron.”
“Y-Yes... yes, Sir,” nauutal pa nitong sagot nang makita ang galit sa kanyang mukha.
Wala na siyang ibang sinabi at tinalikuran na ito. Itinuloy na niya ang paghakbang patungo sa kanyang opisina na sadyang naawat lang nang muli siyang tawagin ni Baron.
“S-Sir...” he said that made Alvaro looked at him again. Hawak na nito ang singsing na ibinalik sa kanya ni Jewel kanina. “A-Ang singsing po...”
Alvaro stared at him intently before he spoke. “Kapag hindi mo nalaman kung sino ang nagpadala ng bulaklak na iyan kay Jewel, you’ll end up eating that ring,” aniya sa mababang tinig ngunit puno ng diin.
Agad na napalunok si Baron pagkarinig sa mga sinabi niya. Hindi na niya ito hinintay na makapagsalita pa at tuluyan na siyang tumalikod. Pumasok na siya sa kanyang opisina at halos pabagsak pang isinara ang pinto niyon. Kahit ang pagkaabalahang kunin ang singsing na ibinigay niya kay Jewel ay hindi na niya ginawa pa.
*****
“EH, BAKIT kasi hindi ka na lang maghanap ng ibang matitirhan? May trabaho ka naman sa flower shop. Puwedeng-puwede kang maghanap ng marerentahang bahay o hindi kaya iyong bedspacer lang,” mahabang pahayag ni Patty kay Anie. May palahad-lahad pa ito ng mga kamay habang nagsasalita.
Napalingon siya rito saka napabuntong-hininga pa. “Gasino naman ang kita sa flower shop, Pat. Kung mamumuhay akong mag-isa ay kulang din naman.”
“Eh, ano ang kaibahan ngayong nariyan ka sa bahay nina Tiya Mirasol?” sansala nito sa mga sinabi niya. “Hindi ka nga nagbabayad ng renta pero halos sagutin mo na lahat ng gastusin sa bahay nila. Aba, hindi na nagbanat ng buto iyong Tiyo Nando mo. Umasa na lang sa iyo.”
Anie sighed heavily. Itinuon niya ang kanyang mga mata sa daan habang iniisip ang mga sinabi ng kaibigan niya. Kasalukuyan na silang naglalakad papasok sa flower shop na kanilang pinagtatrabahuan. Siya ay talagang naglalakad lang papasok sa trabaho dahil nanghihinayang pa siya sa pamasahe. Bahagya namang malapit lang ang bahay ng kanyang Tiya Mirasol kaya hindi na siya sumasakay.
Habang si Patty ay nasa jeep na kanina nang makita siya sa daan. Kahit wala pa sa flower shop ay bumaba na ito at sinabayan na lamang siya sa paglalakad.
Nang hindi siya umimik ay nagpatuloy pa sa pagsasalita ang kaibigan niya. “O bakit hindi mo na lang sundin iyong isa kong advice sa iyo, Anie?”
“Anong advice?” usisa niya sabay lingon pa ulit dito.
“Magpakilala ka sa pamilya ng iyong ama,” tuwiran nitong sabi. “Ikaw na rin ang nagkuwento, nasabi sa iyo ng nanay mo ang tungkol sa totoo mong ama. Bakit hindi mo puntahan at sabihing anak ka ni Aurora Mance?” dagdag pa nito sa eksaheradang tinig.
“Hindi iyon ganoon kadali, Patty,” aniya sa mahinang tinig.
Well, it’s true. Kaydaling sabihin pero mahirap gawin. Kung siya lang talaga ang tatanungin ay gusto niya naman talagang magpakilala sa kanyang ama... sa pamilya nito. Pero sa tuwing iniisip na niyang gawin ay pinangungunahan na siya ng pag-aalangan. Paano kung hindi naman siya tanggapin ng mga ito? Paano kung hindi naman siya pakisamahan nang maayos?
Ayon sa kanyang ina ay alam ng totoo niyang ama ang tungkol sa kanya. Labis niya pang ipinagtaka dahil alam naman pala nito pero bakit hindi man lang ito nagpakita o nagpakaama sa kanya?
And her mother didn’t hesitate to tell her the truth--- pamilyado ang totoo niyang ama. Sa madaling sabi, naging kabit lang nito ang kanyang ina. At iyon ang isang bagay na labis na pumipigil sa kanya na magpakilala rito. Anak lang siya sa labas. Paano kung kamuhian siya ng pamilya nito? Kahit pa sinabi ng nanay niya na ibinigay ng ama niya ang pangalan nito sa kanya, at iyon ay ang pagiging De la Serna, hindi pa rin niyon mabubura ang katotoohanang bunga siya ng pagkakasala ng mga ito.
Kaya paano pa niya magagawang magpakilala sa mga De la Serna? Ang pagiging kabit pa lang ng kanyang ina ay labis nang nagbibigay sa kanya ng alinlangan.
“Wala namang masama kung susubukan mo,” maya-maya ay saad pa ni Patty.
“Hindi ko pa alam kung gagawin ko iyan---”
Anie wasn’t able to finish her sentence when her eyes darted on the flower shop where they’re working at. Malapit na sila roon at tanaw niya na nga si Emmy na may kausap na dalawang lalaking hindi pamilyar sa kanya.
“Anong meron?” Patty asked. Tuluyan na silang lumapit sa shop at nang makita sila ni Emmy ay agad siya nitong binalingan.
“Anie, buti naman narito ka na,” wika ni Emmy. Nasa may entrada lang ito at ang dalawang lalaki at doon nag-uusap.
“A-Anong nangyayari?” she asked in puzzlement.
“Iyong bulaklak na pinadala mo kahapon,” anito, nababalisa pa. “Iyong para sa patay, sa maling recipient mo napadala.”
“A-Ano?” gulantang niyang sabi.
“Naipadala iyon sa kasintahan ng aming boss,” singit sa isa sa mga lalaking kaharap ni Emmy. “It caused so much damage, Miss. Instead of red roses, Miss Jewel received the flowers for the dead.”
“Kay Miss Jewel Fortaleza!” bulalas niya.
“Yes,” ani ng baritonong tinig. “Jewel Fortaleza, my ex right now because she broke up with me because of your stupidity.”
Agad na napalingon si Anie sa isang sulok ng flower shop pagkarinig sa tinig na iyon. Doon ay nakita niya ang lalaking matamang nakatitig sa kanya. Hindi niya ito napansin pagkarating kanina dahil ang atensyon niya ay nasa dalawang lalaki lang na kaharap ni Emmy.
The man was looking intently at her. His eyes were dark and lethal. Pakiramdam niya, sa titig pa lang nito ay nililitis na siya. And damn, bakit hindi siya nakahuma sa kanyang kinatatayuan nang magtagpo ang kanilang mga paningin?
“Send me the details of our new project. Gusto ko mayroon na akong kopya niyon bago pa ang dumating ang meeting ko sa team na may hawak ng proyektong iyon. Understand?” maawtoridad na utos ni Alvaro kay Baron habang naglalakad sila patungo sa kanyang opisina.Kababalik niya lamang sa pag-aaring kompanya ng kanilang pamilya--- ang Savalleno Real Estate Company. Dating pinamamahalaan iyon ng kanyang ama ngunit nang pumanaw ito pitong taon na ang nakararaan ay siya na ang humawak ng pinakamataas na posisyon niyon.His parents died together in a car accident. Alvaro was just twenty-four years old that time, while his sister, Sabrina, was nineteen. Nagsisimula pa lang sana siyang pag-aralan ang pamamalakad ng kanilang kompanya ngunit dahil sa nangyari ay biglaan niyang sinalo ang responsibilidad sa kanilang negosyo.He wasn’t alone that time anyway. There was their Uncle Philip. Kapatid ito ng kanyang ama at ito ang naging sandigan nila ni Sabrina nang mawala ang kanilang mga magulang. The
“How could you make me wait for hours, Alvaro? Ang tagal kong naghintay sa iyo kagabi.”Agad na napakamot ng kanyang sentido si Alvaro nang marinig niya ang litanya ng kasintahan niyang si Jewel. Hindi niya man ito kaharap pero halos nakikinita-kita niya na ang inis na nakalarawan sa mukha nito nang mga oras na iyon.He was currently talking to her over his phone. Kasalukuyan na siyang nasa kanilang kompanya. Nakatayo siya at nakaharap sa salaming dingding ng kanyang opisina. Dahil sa nasa ikalabing-dalawang palapag ng kanyang opisina ay kitang-kita niya mula sa kinatatayuan ang ibang nagtataasang gusali at ang mga sasakyang nagsisiunahan sa kalsada. Alvaro was staring at them but his attention was fully on his fiancée.“Something emergency came up, hon,” paliwanag niya rito.“Emergency,” pag-uulit nito. May halong panunuya ang tinig nito nang banggitin ang naturang salita. “Anong klaseng emergency iyan, Alvaro, at kahit ang tawagan ako at sabihing hindi ka na matutuloy sa date natin
Several months ago...Matamang pinagmamasdan ni Alvaro ang nakakuwadradong larawan ng kanyang kapatid na si Sabrina. She was wearing her school uniform on the picture and her face looked so vibrant. Napakaaliwalas ng mukha nito sa larawan habang may matamis pang ngiti sa mga labi. She looked so lively... so alive, kaibang-kaiba sa kung ano na ito ngayon.Alvaro’s face hardened. Kailanman ay hindi na niya makikita pa ang ngiting iyon sa kanyang kapatid. Kailanman ay hindi na niya makikita ang mukha nitong laging kinababakasan ng saya sa tuwing kaharap niya. At iyon ay dahil sa iisang rason--- she died few months ago.Nagpakawala siya ng isang malalim na buntong-hininga kasabay ng paglapag niyang muli ng picture frame sa ibabaw ng bureau na nasa kanyang harapan. Hindi na niya hawak ang larawan ng kanyang kapatid ngunit doon pa rin nakatuon ang kanyang mga mata. Ilang buwan na mula nang mamatay ito ngunit hanggang sa mga sandaling iyon ay hindi niya pa rin matanggap na wala na ito. Kahit