Share

CHAPTER 1

last update Huling Na-update: 2025-08-25 17:48:12

“How could you make me wait for hours, Alvaro? Ang tagal kong naghintay sa iyo kagabi.”

Agad na napakamot ng kanyang sentido si Alvaro nang marinig niya ang litanya ng kasintahan niyang si Jewel. Hindi niya man ito kaharap pero halos nakikinita-kita niya na ang inis na nakalarawan sa mukha nito nang mga oras na iyon.

He was currently talking to her over his phone. Kasalukuyan na siyang nasa kanilang kompanya. Nakatayo siya at nakaharap sa salaming dingding ng kanyang opisina. Dahil sa nasa ikalabing-dalawang palapag ng kanyang opisina ay kitang-kita niya mula sa kinatatayuan ang ibang nagtataasang gusali at ang mga sasakyang nagsisiunahan sa kalsada. Alvaro was staring at them but his attention was fully on his fiancée.

“Something emergency came up, hon,” paliwanag niya rito.

“Emergency,” pag-uulit nito. May halong panunuya ang tinig nito nang banggitin ang naturang salita. “Anong klaseng emergency iyan, Alvaro, at kahit ang tawagan ako at sabihing hindi ka na matutuloy sa date natin ay hindi mo na nagawa? Don’t you have any decency to even send me a message and tell me that you’re not coming anymore?”

Alvaro sighed heavily as he stood up straight. Hindi siya agad nakasagot sa mga sinabi ni Jewel dahil agad na nanumbalik sa isipan niya ang mga nangyari kagabi.

Supposedly, he had an early dinner date with her last night. Mas napaaga siya ng dating sa restaurant kung saan sana sila magkikita. Before he could enter the establishment, Alvaro saw Trace De la Serna. May kausap ito sa cell phone at bakas ang pag-aalala sa mukha.

He hated the man. Hanggang sa mga sandaling iyon ay hindi niya pa rin nakakalimutan ang ginawa nito kay Sabrina. Buo pa rin ang paniniwala niyang ito ang magtulak sa kanyang kapatid para kitilin nito ang sariling buhay. Matapos pagsamantalahan nang paulit-ulit at mabuntis ay basta na lamang nito initsapuwera si Sabrina dahilan para maisipan na lamang nitong magpakamatay.

Labis niyang kinamumuhian si Trace pero sa hindi malamang dahilan ay walang pagdadalawang-isip siyang nagpasyang sumama rito para iligtas ang kasintahan nitong si Chrissa at panganay na anak na si Matthew. Si Matthew ay ilang beses na niyang nakita. Dahil nga sa malapit naman ang mga Savalleno at De la Serna ay nakilala na niya ang bata. Alam niyang anak ito ni Trace sa namatay nitong kasintahan.

Habang si Chrissa ay hindi niya kilala. Katunayan ay hindi niya na inakalang muling magkakaroon ng seryosong relasyon si Trace. Agad pa siyang napatiim-bagang dahil sa kaisipan na iyon. Hayun si Trace at muli nang nakahanap ng bagong babae sa buhay nito samantalang si Sabrina na matapos nitong paglaruan at iwanan ay isang taon nang nakalibing sa ilalim ng lupa.

At halos gusto niya pang kamuhian ang kanyang sarili dahil sa pagtulong na ginawa niya kay Trace. He hated the man so much yet, he still helped him to rescue his son and fiancée. Dinukot sina Chrissa at Matthew ang grupong kalaban ng organisasyong kinabibilangan noon ng mga De la Serna.

Alam niya kung anong klaseng organisasyon iyon. It was an illegal organization... a mafia one. Alam niya dahil miyembro din niyon ang kanyang Uncle Philip. Katunayan, muntikan na rin sana siyang mapabilang sa naturang grupo na sadyang tinalikuran niya lang dahil kay Sabrina. He loved his sister so much and he didn’t want for her to know that he’s doing illegal things.

Nailigtas nila sina Chrissa at Matthew kagabi. And to be honest, Alvaro was sincerely happy with it. Kahit kinamumuhian niya si Trace ay bukal sa loob niyang tulungan ito, lalo pa’t napag-alamanan niyang nagdadalang-tao si Chrissa. She was saved as well as the baby on her womb. While Sabrina... she died while pregnant and he wasn’t able to do something to save her.

“I’ll just make it up to you, hon. I’m really sorry,” maya-maya ay saad na niya kay Jewel na agad lang nitong ikinabuntong-hininga.

“Ganito na lang ba talaga tayo lagi, Alvaro? Should I be the one to always understand you?” magkasunod nitong tanong sa tinig na puno ng hinanakit.

“I promise to make it up to you,” mahinahon niya pa ring wika. “Tatapusin ko lang ang ilang trabaho dito sa kompanya. Then, I’ll see you. I promise.”

“Fine,” malamig nitong tugon, ni hindi itinago ang tampo sa tinig.

Ni hindi na nga siya nito hinintay pang makasagot at basta na lamang pinutol ang tawag. Alvaro couldn’t help but sighed again. Alam niyang mahihirapan siyang suyuin ito sa pagkakataong iyon.

Naglakad na siya palapit sa kanyang executive desk saka inilapag doon ang kanyang cell phone. Binalingan na niya ang intercom at pinindot iyon saka nagwika. “Baron, will you please come here,” utos niya sa kanyang sekretarya.

Hindi siya naghintay nang matagal. Agad na pumasok sa kanyang opisina si Baron at naghintay ng kanyang iuutos.

Baron has been working for him for more than ten years. Mas pinili niyang lalaki ang maging sekretarya dahil maging sa labas ng trabaho sa kompanya ay kasa-kasama niya ito sa kanyang mga lakad. He’s more than just a secretary, actually. He’s also like a bodyguard to him. Kanang-kamay na rin kumbaga.

“Tumawag ka sa isang flower shop at bumili ng bulaklak para kay Jewel. She’s currently having a photoshoot at Makati Shangri-La. Doon mo na ipadala ang mga bulaklak.”

Marahang tumango si Baron. “Anything else, Sir?”

Alvaro shrugged his shoulders. “Put some... sweet message on it.”

“A-Anong... message po?”

“Anything,” aniya, napakunot-noo pa. “Ikaw na ang bahalang mag-isip,” dagdag niya pa sa waring iritableng tono.

At kuha na ni Baron kapag ganoon na ang tonong ginamit niya. Alam nitong wala siyang maisasagot sa tanong nito. O mas tamang sabihing wala siyang ganang maglaan pa ng oras para sa bagay na iyon.

“Okay, Sir,” magalang na nitong saad saka nagpaalam na sa kanya. Agad na itong lumabas ng kanyang opisina at naiwan na si Alvaro na hindi pa maiwasang maihilamos ang kanyang palad sa kanyang mukha. Okupado na ng maraming bagay ang kanyang isipan at heto pa ngayon ang kanyang kasintahan na kailangan niyang suyuin.

*****

AGAD ang pagkunot ng noo ni Anie nang makita niyang wala nang laman ang wallet niyang nakatago sa kanyang aparador. Papasok na sana siya sa kanyang trabaho at pagkatapos magbihis ay sinilip niya ang kanyang ipon na pinakatago-tago niya pa sa kanyang damitan.

Only to be disappointed. Wala nang kahit piso man lang ang wallet na pinaglalagyan niya ng mga itinatabi niya sa tuwing sasahud siya sa flower shop na kanyang pinatatrabahuan. Sa huling pagsilip niya roon ay halos nasa mahigit tatlong libo na iyon.

Dali-dali siyang lumabas ng kanyang silid at dumiretso sa kusina kung saan naroon ang kanyang tiyahin at tiyuhin na abala nang nagkakape. Kapwa pa napalingon ang mga ito sa kanya nang bigla na lang siyang lumapit sa mga ito.

“Tiya, nasaan na ho ang pera kong nasa aparador? Kinuha niyo ho ba?” magkasunod niyang tanong. Bakas pa sa tinig niya ang hindi maitagong yamot.

“Wala akong kinukuhang pera sa iyo, Anie,” saad ni Marisol. Kung tutuusin ay hindi niya talaga ito kadugo. Laking ampunan ang kanyang ina at matalik lamang nitong kaibigan si Mirasol.

Her mother died almost one year ago. Mula noon, doon na siya sa kanyang Tiya Mirasol nakitira dahil wala siyang maituturing na kamag-anak kundi ito lamang. Hindi niya man gustong makipisan sa mga ito ay wala na siyang napagpilian pa.

“Ako ang kumuha ng pera mo,” walang kaabog-abog na sabi ni Nando, ang kinakasama ng Tiya Mirasol niya.

“Bakit niyo naman ho pinakialaman ang ipon ko?” nanlulumo niyang wika rito.

“Ipinangbayad ko sa kuryente,” mariin nitong wika na para bang siya pa ang hindi makaintindi rito.

“Ipinangbayad sa kuryente? Eh, nagbigay ho ako para roon nang sahod ko ah.”

“Natalo sa sugal, Anie,” katuwiran nito. “Eh, kaysa naman maputulan tayo ng kuryente. Kaya kinuha ko na muna iyang tago-tago mo.”

“Hindi pa ba sapat iyong ibinigay ko?”

Dahil sa mga sinabi niya ay nagdilim ang mukha ni Nando. “Nanunumbat ka ba? Baka nakakalimutan mo, ikaw itong nakikitira lang dito sa amin. Dapat lang naman na magbigay ka bilang kabayaran sa paninirahan mo dito.”

“Nagbibigay ako, Tiyo,” mariin niyang katuwiran. “Kaya sana naman, huwag niyo nang pakialaman iyong ipon ko.”

“Aba---”

“Tama na iyan,” pananaway na ni Mirasol dahilan para mahinto na sa pagsasalita ang asawa nito. Marahas itong tumayo mula sa kinauupuan at naglakad na palapit sa lababo upang ilagay doon ang tasang pinagkapehan. Matapos niyon ay muli itong humarap sa kanya at nagwika. “May pasok ka pa sa trabaho, hindi ba? Mag-aalas otso na, Anie.”

Anie knew that it was Mirasol’s way of dismissal. Disimulado na siya nitong pinapaalis para iiwas sa asawa nito. Alam niyang ayaw lang nitong magpang-abot sila ng Tiyo Nando niya. Kaya naman, sa maraming pagkakataon ay dama niyang nais nitong siya na lang ang umintindi para wala nang gulo. Dahil doon ay namimihasa tuloy ang batugan nitong asawa.

Gusto niya mang umalma pa ngunit binigyan na siya ni Mirasol ng isang nagpapaintinding tingin. Wala na tuloy siyang nagawa kundi ang tumalikod na habang puno ng hinanakit ang dibdib. Hanggang sa makarating siya sa kanyang pinagtatrabahuan ay bitbit niya ang ganoong damdamin na agad na napansin ng mga kasamahan niya sa trabaho.

“Busangot na naman iyang mukha mo. Huhulaan ko, ang Tiyo Nando mo na naman, ‘no?” saad ni Emmy. May sinusulat ito sa logbook ng flower shop ngunit nang makita siyang paparating ay agad na napalingon sa kanya. Hindi pa nga nakaligtas dito ang simangot niyang mukha na sanhi ng ginawa ng kanyang Tiyo Nando.

“Wala namang ibang kontrabida sa buhay ni Anie kundi iyang tiyuhin niya,” eksaherada namang sabi ni Patty, isa niya pang kasamahan sa flower shop na iyon. He’s actually Patrick, pero dahil pusong babae ito ay mas nais nitong matawag sa pangalang Patty.

Tuloy-tuloy na naglakad si Anie palapit sa counter saka inilapag doon ang kanyang sling bag. Dahil sa hindi niya pagsagot sa mga ito ay agad na napalapit sa kanya si Patty at nang-usisa pa.

“So, ano ang nangyari ngayon? Ano ang ginawa ng tiyuhin mo?”

“Kinuha niya ang ipon ko,” aniya sa nanlulumong tinig. “Ipon ko iyon para sa pagbabalik ko sa pag-aaral.”

“Ano pa ba ang bago riyan sa tiyuhin mong sugarol?” litanya ni Emmy sabay hakbang patungo sa kinaroroonan ng dalawang uri ng bouquet na malamang ay order sa kanilang shop--- isa ay bouquet of red roses, ang isa naman ay mga bulaklak na laan para sa patay. Sa shop kasing pinagtatrabahuan nila ay tumatanggap sila ng iba’t ibang uri ng orders ng mga bulaklak. Sinipat ni Emmy ang mga bulaklak nang muli pang nagwika. “Malamang na ginamit niya na iyon sa pagsusugal niya.”

“Bakit ba kasi nagtitiis ka pa riyan sa pamilya ng Tiya Mirasol mo? Kung tutuusin ay hindi mo naman sila kaanu-ano,” hirit naman ni Patty. “Bakit hindi ka na lang gumawa ng hakbang para makilala ang totoo mong ama? Hindi ba’t naibigay naman ng nanay mo ang impormasyon tungkol sa iyong ama bago siya namatay?”

“Na para bang ganoon lang kadali ang lahat,” wika niya, napapabuntong-hininga pa. “Paano? Basta na lang ako lalapit sa kanila at magpakilala na anak ako ni Aurora Mance at isa rin akong De la Serna?”

“Hindi mo alam kung ano ang mangyayari kung hindi mo susubukan,” makahulugang saad ni Patty saka tumayo na nang tuwid. “Anyway, narito ka na rin naman ay aalis na muna ako. Nagpaalam na ako kay Ma’am Chic,” tukoy nito sa may-ari ng flower shop.

“Saan ka naman pupunta?” usisa niya, saglit na nakalimutan ang tungkol sa Tiyo Nando niya.

“Susunduin ko si Afam sa airport. Mamaya ang dating niya.” May halong kilig pa ang tinig nito nang magsalita.

And Anie couldn’t help but smiled. Alam niya ang tungkol sa kasintahan nitong foreigner at sa totoo lang ay masaya siya para sa relasyon ng mga ito.

Dali-dali na ngang nagpaalam sa kanila si Patty. Nang sila na lamang dalawa ni Emmy ay agad na siya nitong binalingan.

“Masyadong excited na makita ang jowa,” natatawa nitong wika sabay lapit ulit sa kanya. “Magbabanyo lang ako, Anie. May dalawa tayong for delivery ngayon. Baka papunta na rin ang mga magde-deliver, ikaw na lang muna ang mag-release ng item, please.”

“Sure,” mabilis niyang tugon.

Agad na ngang inabot ni Emmy sa kanya ang dalawang papel na kinasusulatan ng address ng mga padadalhan. “Red roses for Miss Jewel Fortaleza, sa pamilya Geronimo naman ang mga bulaklak para sa patay.”

Tumango na siya at agad na ngang tumalikod si Emmy para magtungo sa banyo. Hindi pa ito natatagalang nakaalis nang dumating na ang isa sa mga nagde-deliver ng mga nabiling bulaklak sa kanila. Ang kinaganda sa flower shop na iyon ni Miss Chic, may sarili na itong mga rider na nagde-deliver ng mga items nila.

“Hi, Anie, unang deliver ngayon?” Ito na mismo ang nagkusang kumuha ng isang papel na iniabot sa kanya ni Emmy. “Jewel Fortaleza, Makati Shangri-La,” basa pa nito sa nakasulat doon. “Alin sa mga ito ang para kay Jewel Fortaleza?”

She stared at the two bouquets that were ready for delivery. Dahil sa okupado ng maraming bagay ang kanyang isipan, hindi masyadong naproseso ng isipan niya ang mga sinabi ni Emmy kanina. Ang mga bulaklak na para sa patay ang naituro niya sa lalaki!

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

  • His Heart Series 3: His Ruthless Heart   CHAPTER 68

    Hindi na mabilang ni Alvaro kung ilang beses na siyang umusal ng panalangin habang pabalik-balik ng lakad sa tapat ng emergency room ng ospital na pinagdalhan nila kay Anie. Hindi niya maipaliwanag ang takot na nasa kanyang dibdib nang mga sandaling iyon. Iyon, sa totoo lang, ang unang pagkakataong nakadama siya ng ganoong uri ng takot.Dali-dali nga nilang dinala sa ospital si Anie matapos nitong magtamo ng tama ng baril. Maging si Archer ay siniguro rin nilang matitingnan ng doktor dahil sa mga pasang nakuha rin nito. Gusto niya ring patingnan sa eksperto ang kanyang anak para maiwasan na ring magdulot ng trauma rito ang mga nangyari.Siya at si Trace na ang nagdala sa kanyang mag-ina sa ospital. Si Lemuel naman ang sumama sa mga awtoridad para masigurong pagbabayaran nina Jewel ang ginawa nitong pagpapadukot kay Archer. Halos magmakaawa pa sa kanya ang dating kasintahan na tulungan niya itong maabsuwelto... na nagawa lamang daw ‘di umano nito ang bagay na iyon dahil sa labis na pag

  • His Heart Series 3: His Ruthless Heart   CHAPTER 67

    Dama na ni Anie ang sakit na dulot ng ginawa ng lalaki sa kanya. Ngunit sa halip na indahin niya pa iyon ay mas pinili niyang lapitan si Archer na nang mga sandaling iyon ay patuloy pa rin sa pag-iyak. Alam niyang labis nang natatakot ang kanyang anak at hindi maiwasang mabahala ni Anie na baka magdulot iyon ng trauma rito.“Stop crying, baby. Mama is here,” pagpapakalma niya rito kahit pa ang totoo, maging siya ay puno na ng kaba ang dibdib.Archer hugged her tight. Pinilit niyang tumayo at akma sanang bubuhatin ang kanyang anak nang mabilis na siyang hinablot ng lalaki. Marahas ang ginawa nitong paghila sa kanya dahilan para mabitiwan niya si Archer na mas tumindi pa ang pag-iyak. Nasisiguro niyang nasaktan ito nang hindi sinasadyang mabitiwan niya.“Ang lakas din ng loob mong manlaban kay Ma’am. Baka nakalilimutan mong nasa alanganin ka nang sitwasyon, Miss,” saad ng lalaki sa kanya.“Bitiwan mo ako,” mariin niyang sabi kasabay ng pagpupumiglas. Ngunit sa halip na pakawalan nito an

  • His Heart Series 3: His Ruthless Heart   CHAPTER 66

    Halos maikuyom ni Anie ang kanyang mga kamay na nakahawak sa laylayan ng suot niyang t-shirt habang naglalakad siya papasok ng isang malawak na bakuran. Palinga-linga pa siya sa paligid at hindi maiwasang mapakunot-noo dahil sa nakikita sa naturang lugar.It was the address that the caller gave her. May kalayuan na iyon sa apartment na kanilang tinitirhan ngunit hindi iyon alintana ni Anie makita niya lang ulit ang kanyang anak.The place was like an abandoned warehouse. Malawak ang bakuran na walang halos nakikita kundi mga pira-pirasong bakal na ang iba ay mga kalawangin na, sanhi marahil ng tagal nang nakaimbak doon. Nagkalat din ang mga tuyong dahoon na nagmula sa matatandang punong-kahoy na nasa loob ng bakuran. Duda pa siya kung may nagmamantini pa ng lugar. Para kasing hindi nalilinisan iyon.Mula sa paggala ng kanyang paningin sa kinaroroonan niya ay biglang natigilan si Anie. Isang malakas na lagitnit ang kanyang narinig mula sa may entrada ng warehouse. Gawa sa bakal ang sli

  • His Heart Series 3: His Ruthless Heart   CHAPTER 65

    Mula sa hindi na mabilang na pagpapabalik-balik ng lakad sa may sala ng kanilang apartment ay agad na natigilan si Anie nang makita ang pagdating ng ilang kapulisan. It was Alvaro who called the authorities and reported what happened to their son a while ago.Halos ilang oras pa nga ang inilaan nila sa parke sa pag-asam na mahanap si Archer. Naikot na nila ang buong lugar. Maging ang mga kalapit na establisyemento ay pinuntahan din nila sa pagbabaka-sakaling pumunta roon ang kanyang anak.Ngunit ilang oras na ang lumipas at nakailang beses na silang nagpabalik-balik sa paghahanap pero hindi nila nakita si Archer. And it was something that really brought worries to Anie. Kilala niya ang kanyang mga anak. Likas na may kakulitan ang mga ito, lalo na si Ava, pero hindi ugali ng dalawa na gumawa ng bagay na alam ng mga itong ikagagalit niya.And Anie knew very well that Archer won’t go anywhere. Alam nitong hindi niya gustong nagpupunta ang mga ito kung saan-saan lang. Their safety was her

  • His Heart Series 3: His Ruthless Heart   CHAPTER 64

    “Sa tingin niya ba ay ganoon lang talaga kadali iyon? Na dahil sinabi niyang ikaw ang gusto niya ay magiging maayos na ang lahat sa inyong dalawa?” magkasunod na tanong sa kanya ni Patty. Puno pa ng inis ang tinig nito nang magsalita sa kanya.Anie heaved out a deep sigh and darted her gaze to her kids. Hindi nga siya nakasagot sa mga sinabi ni Patty at napatitig na lamang sa kanyang mga anak. Nasa hindi kalayuan nila sina Ava at Archer at abalang naglalaro kasama si Betsy.Nasa isang park sila malapit lamang sa PJ Studio. It was weekend, at kapag ganoong wala silang pasok sa trabaho ay naglalaan talaga siya ng oras para sa kambal. At sinabi niya sa kanyang kaibigan ang lakad nilang mag-iina. Nang malaman nito iyon ay agad itong nagpaabiso na darating para magkausap silang dalawa. Nabanggit niya rin kasi rito sa pamamagitan ng isang text message ang tungkol sa naging huling pag-uusap nila ni Alvaro. Patty was so curious about it. Ngayon nga ay halos ikorner siya nito para matanong ng

  • His Heart Series 3: His Ruthless Heart   CHAPTER 63

    Matuling lumipas ang isang linggo mula nang mamatay ang kanilang ama. Nailibing na si Marcelo sa mausoleum ng mga De la Serna at ang libing nito ay dinaluhan ng malalapit na kamag-anak at kaibigan ng kanilang pamilya. Maging ang mga empleyado ng DLS Corporation at ng shop ng kanyang Kuya Lemuel ay nakiramay din sa kanila.Isang linggo na ang dumaan ngunit hindi pa rin makapaniwala si Anie na wala na ang kanilang ama. Hindi man siya lumaking kasama ito, hindi niya pa rin maiwasang makadama ng pagdadalamhati.Pero katulad nga ng sabi ng nakararami, ‘life must go on’. At kasama sa pagpapatuloy niya ng buhay ay ang tuluyang pagtanggap sa posisyong inaalok sa kanya ng mga De la Serna sa kompanya ng mga ito. Hindi niya alam kung paano sisimulan pero hindi na niya matanggihan pa ang kanyang mga kapatid. She couldn’t even help but felt guilty for not doing it while their father was still alive. Kung sana ay ginawa niya na iyon nang nabubuhay pa ang kanilang ama ay nasisiguro niyang ikagagalak

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status