Share

CHAPTER 3

last update Last Updated: 2025-09-01 19:48:15

Sunod-sunod ang naging paglunok ni Anie nang dahan-dahang humakbang palapit sa kanila ang lalaking nagsalita. She didn’t notice him at all, that’s why she couldn’t hide her shock when the man started to talk a while ago.

Hindi pa nga maiwasan ni Anie ang mapatitig dito nang mataman. The man has a serious expression on his face as his dark eyes were intently staring at her. His stares seemed to command attention that anyone wouldn’t dare not to notice.

The man was undeniably handsome. He has a facial feature that seemed sculpted by a skilled artist--- a strong jawline, dark eyes paired with dark eyebrows, pointed nose and lips that though not smiling, still radiated charisma. His tousled hair even added a perfection to his rugged allure.

Nakadagdag pa sa maawtoridad na awra ng binata ang kasuotan nito. He was wearing a tailored suit just like those men whom she only saw on TV and magazines. And that added to the intimidation that anyone would feel once he’s around. Habang nakatitig dito ay hindi pa nakaligtas sa kanya ang pag-igting ng mga panga nito, palatandaan ng galit na nadarama ng binata. He hasn’t said a single word yet uneasiness already crept into her.

The man stopped walking just a few steps away from them, sapat lamang para lubos niya pang matitigan ang mukha nito. Sa hinuha niya ay nasa trenta anyos na ito, mas matanda sa kanya ng mahigit sampung taon. Ngunit sa taglay nitong gandang lalaki ay hindi mahahalata ang totoo nitong edad.

“Don’t waste my time by just staring at me, woman,” mabalasik na saad ng lalaki na agad nagpatayo nang tuwid kay Anie.

Disimulado niyang hinamig ang kanyang sarili saka iniiwas ang kanyang paningin sa binata. Binalingan na niya si Emmy na hanggang nang mga sandaling iyon ay bakas ang pagkabahala sa mukha. “E-Emmy, hindi ko alam---”

“Red roses ang dapat para kay Miss Jewel Fortaleza, Anie. Iyon ang binigay ko sa iyong instruction,” pabulong na saad sa kanya ni Emmy. Laan lamang sana para sa kanya ang mga sinabi nito pero alam ni Anie na abot pa rin iyon sa pandinig ng mga kaharap nila.

“I want to talk to the owner of this shop,” wika pa ng lalaki sa maawtoridad na tinig. Pinaglipat-lipat pa nito ang tingin sa kanilang tatlo nina Emmy at Patty.

“S-Sir, wala po kasi ngayon si Miss Chic. Bumiyahe po siya kahapon patungong Palawan para sa ilang araw na bakasyon,” paliwanag dito ni Emmy. “Pero bilang namamahala nitong shop sa tuwing wala siya, ako na ho ang lubos na humihingi ng pasensiya. W-We are willing to refund your payment. Handa rin ho kaming gumawa ng panibagong bouquet para sa inyong kasintahan. For free na ho, Sir.”

“I don’t need it,” paasik na saad ng lalaki na agad ikinatahimik ni Emmy. Pagkatapos, siya na ang binalingan nito. His piercing gaze seemed to penetrate through her. “So, ikaw ang narito nang ipadala ang mga bulaklak sa kasintahan ko?”

“Y-Yes, Sir,” aniya. Kung may lumabas mang tinig mula sa kanya ay hindi niya sigurado. Wari kasing may biglang bumara sa kanyang lalamunan dahil sa matamang paninitig ng lalaki.

“Alam mo bang dahil sa katangahan mo ay hiniwalayan ako ng kasintahan ko?” saad nito sa seryosong tinig. “How could this shop hire an incompetent employee like you?”

Agad ang panlalaki ng mga mata ni Anie dahil sa tuwirang pang-iinsulto ng binata. Hindi niya itatangging bahagya siyang nasaktan dahil sa maaanghang na salitang binitiwan nito.

“Inaamin ko ang pagkakamali ko, Sir, pero wala naman ho yata kayong karapatang pagsalitaan ako ng ganyan.”

The man smirked in a mocking way. Waring hindi naman ito natinag sa pagsagot niya at tuluyan pa siyang nilapitan. Malakas na lamang na napasinghap si Anie nang basta na lang nitong hinawakan nang mariin ang kanyang baba at pilit na pinagtagpo ang kanilang mga paningin.

“S-Sir...” Emmy said. Bakas sa tinig ng kaibigan niya ang pag-aalala at takot dahil sa pag-aakalang sasaktan siya ng lalaki.

But the man didn’t even pay attention to Emmy. Nanatiling sa kanya nakatuon ang mga mata nito habang nakalarawan pa rin sa mukha ang hindi maitagong galit.

“Ang tapang mong sumagot na para bang hindi ikaw ang nakagawa ng mali,” patutsada pa nito saka napatiim-bagang. “Be thankful that I have an important meeting to attend to today. I’ll let it pass for now, lady. Pero sa susunod na magkita tayo, sisiguraduhin kong pagbabayaran mo ang ginawa mo.”

Pabalang nitong binitiwan ang baba niya sanhi para bahagya siyang mapaatras. Dahil doon ay agad pa siyang nilapitan ni Patty at hinawakan ang kanyang kanang kamay para damayan.

Hindi na nakapagsalita si Anie. Ang totoo ay umahon ang sindak sa kanyang dibdib dahil sa nakikitang galit sa mukha ng binata. May kakaiba rin sa pagkatao nito na sadyang nagbibigay sa kanya ng takot.

Ilang saglit pa siyang matamang pinagmasdan nito bago walang paalam nang tumalikod para umalis. Agad nang sumunod dito ang dalawang lalaki na kung pagmamasdan ay mistulang bodyguard ng lalaking nauna. Hindi mahirap hulaang may maalwan na buhay ang lalaking nakaharap niya. Kasuotan pa lang nito ay nagsusumigaw na ng karangyaan, idagdag pa ang kotseng nilapitan ng mga ito at sinakyan para makaalis.

“Ayos ka lang ba, Anie?” narinig niyang tanong ni Patty na bakas sa tinig ang pag-aalala para sa kanya.

Wala sa sariling napatango na lamang siya rito. Iyon ang naging sagot niya pero ang totoo ay waring may malaking epekto sa kanya ang paghaharap nilang iyon ng lalaki.

Was she scared of him? Maybe, yes... though, deep inside, she knew there’s something else that made her uneasy on that moment. Kung ano man iyon ay hindi niya masabi.

*****

MATULING lumipas ang mga araw matapos ng insidenteng iyon. Nakarating kay Miss Chic ang mga nangyari at hindi nakaligtas si Anie sa panenermon nito. Sa nagawa niya raw kasi ay posible silang mareklamo at mawalan ng mga customer.

At nauunawaan ni Anie ang kanyang pagkakamali. Tinanggap niya ang sermon sa kanya ni Miss Chic at nagpasalamat pa rin dahil hindi siya nito inalis sa trabaho. Ngayon pa na kailangang-kailangan niya ng pagkakakitaan dahil nagpaplano siyang sundin ang payo ni Patty--- ang maghanap ng ibang matitirhan at umalis na sa poder ng kanyang Tiya Mirasol. Kailangan niya na lang makaipon para sa kanyang pagsisimula.

Laking pasasalamat din ni Anie na hindi na nasundan pa ang paghaharap nila ng lalaking nagreklamo sa flower shop. Ayon kay Emmy ay gumawa ng hakbang si Miss Chic para personal na humingi ng tawad sa binata. Kung ano man ang resulta ng ginawa nito ay hindi na niya nalaman pa.

Pati sa pamilya Geronimo na siyang dapat talagang nakatanggap ng mga bulaklak para sa patay ay kinausap ni Miss Chic. Ang alam niya, nagbigay na lamang ng konting halaga para sa abuloy ang kanilang boss kapalit ng pagkakamaling nagawa niya.

Tinapos na niya ang pagpupusod ng kanyang buhok saka sinipat ang kanyang sarili sa harap ng salamin. Nang makontento na sa kanyang hitsura ay lumabas na siya ng silid na kanyang kinaroroonan. Kasalukuyang nasa Grace and Love Foundation si Anie--- ang bahay-ampunang kinalakihan ng kanyang inang si Aurora.

Anie was already fifteen when Aurora first brought her on that place. Doon niya nakilala ang ilang madre na kinalakihan ng kanyang ina, maging si Mrs. Grace Collins, ang mismong founder ng naturang foundation.

Nang nabubuhay pa si Aurora ay madalas silang mamalagi sa lugar na iyon. Ayon sa kanyang ina ay malaki ang utang na loob nito sa lugar na iyon dahil na rin sa pagpapalaki rito. Kalaunan ay naging malapit na rin siya sa mga tao roon. Kahit nang mawala na ang kanyang ina ay bumabalik pa rin siya sa foundation at iyon ay dahil sa iisang rason--- doon niya raw makikilala ang kanyang totoong ama.

Aurora told her everything about her father. Hindi itinago ng kanyang ina na nagkaroon ito ng bawal na relasyon sa kanyang amang pamilyado na. Madalas raw sa foundation na iyon ang totoo niyang ama dahil isa ito sa malalaking sponsor ng naturang lugar--- si Marcelo De la Serna.

And today, the foundation was celebrating its anniversary. Sinadya talaga ni Anie na pumaroon dahil na rin sa pagbabakasaling makilala na niya ang kanyang ama. Nagpresinta siyang tumulong sa pagdiriwang, bagay na pinayagan naman ni Mrs. Collins.

She got busy because of the celebration. Kalagitnaan na ng programa nang magkaroon siya ng pagkakataong tumigil sa ginagawa at sumilip sa mga taong nasa bulwagan kung saan ginaganap ang kasiyahan. Iisang tao lang ang hinanap ng kanyang mga mata--- si Trace De la Serna, ang kapatid niya sa ama.

Nalaman niyang hindi dumalo ang totoo niyang ama sa pagdiriwang na iyon. Sa halip, ang kapatid niya ang pumunta.

“Kanina ka pa nakatitig diyan...”

Agad na napalingon si Anie nang marinig niya ang tinig ni Cathy. Talagang nagtatrabaho ito sa foundation na iyon at alam nito ang tungkol sa kuwento niya. Tulad kina Emmy at Patty, naikuwento niya sa dalaga ang tungkol sa kanyang ama pero sa tatlo, si Cathy lamang ay nakakikilala sa mga De la Serna. Iyon ay dahil na rin sa madalas nitong makita sa foundation na iyon ang kanyang ama.

Anie sighed heavily and stared at Trace once again. Yakap niya pa ang tray na pinaglagyan niya ng mga pagkaing dinala sa mesang naroon nang magsalita siya. “Hindi ko alam kung makakaya kong magpakilala sa kanya, Cathy. Paano kung hindi naman nila ako matanggap bilang kapamilya?”

“Wala namang masama kung susubukan mo, Anie. Maaari mo namang gamitin katibayan ang birth certificate mo kung saan nakalagay ng pangalan ni Mr. Marcelo.”

Anie smiled at Cathy bitterly. Walang alam ang mga tao sa foundation na iyon tungkol sa kaugnayan niya sa mga De la Serna. Tanging si Cathy lamang. Nang mamatay kasi ang kanyang ina ay ito ang napaglabasan niya ng lahat ng bigat na kanyang nadarama.

Hanggang sa bumalik sila sa kusina ni Cathy ay ang mga De la Serna ang laman ng kanilang usapan. Hindi niya pa maiwasang magpahayag dito ng panghihinayang dahil sa hindi pagdalo ng kanyang ama sa naturang pagdiriwang.

“Ang narinig ko mula kay Mrs. Collins, nasa Davao raw si Mr. Marcelo De la Serna kaya hindi nakadalo ngayon. Aba, sa ilang taon na laging pumupunta iyon ay ngayon lang talaga siya wala,” imporma sa kanya ni Cathy habang nasa may entrada sila ng kusina.

“Alam mo naman ang mayayaman. Baka may kinailangang asikasuhing trabaho,” wika niya.

“Paano iyan ngayon? Buo na ba ang loob mong kausapin ang anak ni Sir Marcelo, Anie?” magkasunod pang tanong ni Cathy.

Napabuntong-hininga muna si Anie bago nagwika. “Hindi ko alam, Cathy. Bago pumunta rito ay desidido akong makausap sila. Pero ngayong nakita ko na si Trace De la Serna, parang umuurong ang dila ko.”

Pagkawika niyon ay agad na napatayo nang tuwid si Anie nang makarinig ng mga papalapit na yabag. From the restroom, she saw the woman whom, if she wasn’t mistaken, Trace’s girlfriend. Katabi ito ni Trace kanina at base sa kilos ng dalawa ay halata ang romantikong relasyon. And the woman was also pregnant.

“Y-You know my boyfriend? Bakit mo gustong makausap si Trace?” magkasunod nitong tanong sa kanya.

Hindi agad nakasagot si Anie. Nang hindi siya nakaimik ay muling nang-usisa ang babae.

“M-May problema ba? May kailangan ka ba sa kasintahan ko?”

Sa halip na sumagot ay bumaba ang paningin niya sa halata na nitong tiyan. Agad pa siyang nakaramdam ng panibugho. Hindi pa man ipinapanganak pero kinilala na bilang De la Serna ang dinadala nito. Samantalang siya, sa edad niyang iyon ay hindi pa man lang kilala ng mga ito.

“Miss---”

Agad nang natigil sa sasabihin sana nito ang babae nang biglang sumulpot si Trace. “What is taking you so long, baby?” anito sa babaeng kausap nila.

Hindi niya pa maiwasang titigan si Trace. Heto na ang kapatid niya’t napakalapit na sa kanya pero hindi niya magawang magpakilala.

“Baby,” untag pa ni Trace sa kasintahan nito. “Is there something wrong?”

“T-Trace, I---”

The woman wasn’t able to finish her sentence when the kitchen staff called her and Cathy. “Anie... Cathy, ilabas na raw ninyo ang iba pang pagkaing narito.”

Agad niyang kinuhang pagkakataon iyon para mabilis na talikuran ang mga ito. Dali-dali siyang pumasok sa kusina at halos habulin pa ang kanyang paghinga nang makaiwas sa kanyang kapatid.

Hayun na ang pagkakataon... pero bakit hindi niya magawang ipakilala niya ang kanyang sarili? Bakit ba parang ang hirap pumasok sa mundo ng mga De la Serna?

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • His Heart Series 3: His Ruthless Heart   CHAPTER 68

    Hindi na mabilang ni Alvaro kung ilang beses na siyang umusal ng panalangin habang pabalik-balik ng lakad sa tapat ng emergency room ng ospital na pinagdalhan nila kay Anie. Hindi niya maipaliwanag ang takot na nasa kanyang dibdib nang mga sandaling iyon. Iyon, sa totoo lang, ang unang pagkakataong nakadama siya ng ganoong uri ng takot.Dali-dali nga nilang dinala sa ospital si Anie matapos nitong magtamo ng tama ng baril. Maging si Archer ay siniguro rin nilang matitingnan ng doktor dahil sa mga pasang nakuha rin nito. Gusto niya ring patingnan sa eksperto ang kanyang anak para maiwasan na ring magdulot ng trauma rito ang mga nangyari.Siya at si Trace na ang nagdala sa kanyang mag-ina sa ospital. Si Lemuel naman ang sumama sa mga awtoridad para masigurong pagbabayaran nina Jewel ang ginawa nitong pagpapadukot kay Archer. Halos magmakaawa pa sa kanya ang dating kasintahan na tulungan niya itong maabsuwelto... na nagawa lamang daw ‘di umano nito ang bagay na iyon dahil sa labis na pag

  • His Heart Series 3: His Ruthless Heart   CHAPTER 67

    Dama na ni Anie ang sakit na dulot ng ginawa ng lalaki sa kanya. Ngunit sa halip na indahin niya pa iyon ay mas pinili niyang lapitan si Archer na nang mga sandaling iyon ay patuloy pa rin sa pag-iyak. Alam niyang labis nang natatakot ang kanyang anak at hindi maiwasang mabahala ni Anie na baka magdulot iyon ng trauma rito.“Stop crying, baby. Mama is here,” pagpapakalma niya rito kahit pa ang totoo, maging siya ay puno na ng kaba ang dibdib.Archer hugged her tight. Pinilit niyang tumayo at akma sanang bubuhatin ang kanyang anak nang mabilis na siyang hinablot ng lalaki. Marahas ang ginawa nitong paghila sa kanya dahilan para mabitiwan niya si Archer na mas tumindi pa ang pag-iyak. Nasisiguro niyang nasaktan ito nang hindi sinasadyang mabitiwan niya.“Ang lakas din ng loob mong manlaban kay Ma’am. Baka nakalilimutan mong nasa alanganin ka nang sitwasyon, Miss,” saad ng lalaki sa kanya.“Bitiwan mo ako,” mariin niyang sabi kasabay ng pagpupumiglas. Ngunit sa halip na pakawalan nito an

  • His Heart Series 3: His Ruthless Heart   CHAPTER 66

    Halos maikuyom ni Anie ang kanyang mga kamay na nakahawak sa laylayan ng suot niyang t-shirt habang naglalakad siya papasok ng isang malawak na bakuran. Palinga-linga pa siya sa paligid at hindi maiwasang mapakunot-noo dahil sa nakikita sa naturang lugar.It was the address that the caller gave her. May kalayuan na iyon sa apartment na kanilang tinitirhan ngunit hindi iyon alintana ni Anie makita niya lang ulit ang kanyang anak.The place was like an abandoned warehouse. Malawak ang bakuran na walang halos nakikita kundi mga pira-pirasong bakal na ang iba ay mga kalawangin na, sanhi marahil ng tagal nang nakaimbak doon. Nagkalat din ang mga tuyong dahoon na nagmula sa matatandang punong-kahoy na nasa loob ng bakuran. Duda pa siya kung may nagmamantini pa ng lugar. Para kasing hindi nalilinisan iyon.Mula sa paggala ng kanyang paningin sa kinaroroonan niya ay biglang natigilan si Anie. Isang malakas na lagitnit ang kanyang narinig mula sa may entrada ng warehouse. Gawa sa bakal ang sli

  • His Heart Series 3: His Ruthless Heart   CHAPTER 65

    Mula sa hindi na mabilang na pagpapabalik-balik ng lakad sa may sala ng kanilang apartment ay agad na natigilan si Anie nang makita ang pagdating ng ilang kapulisan. It was Alvaro who called the authorities and reported what happened to their son a while ago.Halos ilang oras pa nga ang inilaan nila sa parke sa pag-asam na mahanap si Archer. Naikot na nila ang buong lugar. Maging ang mga kalapit na establisyemento ay pinuntahan din nila sa pagbabaka-sakaling pumunta roon ang kanyang anak.Ngunit ilang oras na ang lumipas at nakailang beses na silang nagpabalik-balik sa paghahanap pero hindi nila nakita si Archer. And it was something that really brought worries to Anie. Kilala niya ang kanyang mga anak. Likas na may kakulitan ang mga ito, lalo na si Ava, pero hindi ugali ng dalawa na gumawa ng bagay na alam ng mga itong ikagagalit niya.And Anie knew very well that Archer won’t go anywhere. Alam nitong hindi niya gustong nagpupunta ang mga ito kung saan-saan lang. Their safety was her

  • His Heart Series 3: His Ruthless Heart   CHAPTER 64

    “Sa tingin niya ba ay ganoon lang talaga kadali iyon? Na dahil sinabi niyang ikaw ang gusto niya ay magiging maayos na ang lahat sa inyong dalawa?” magkasunod na tanong sa kanya ni Patty. Puno pa ng inis ang tinig nito nang magsalita sa kanya.Anie heaved out a deep sigh and darted her gaze to her kids. Hindi nga siya nakasagot sa mga sinabi ni Patty at napatitig na lamang sa kanyang mga anak. Nasa hindi kalayuan nila sina Ava at Archer at abalang naglalaro kasama si Betsy.Nasa isang park sila malapit lamang sa PJ Studio. It was weekend, at kapag ganoong wala silang pasok sa trabaho ay naglalaan talaga siya ng oras para sa kambal. At sinabi niya sa kanyang kaibigan ang lakad nilang mag-iina. Nang malaman nito iyon ay agad itong nagpaabiso na darating para magkausap silang dalawa. Nabanggit niya rin kasi rito sa pamamagitan ng isang text message ang tungkol sa naging huling pag-uusap nila ni Alvaro. Patty was so curious about it. Ngayon nga ay halos ikorner siya nito para matanong ng

  • His Heart Series 3: His Ruthless Heart   CHAPTER 63

    Matuling lumipas ang isang linggo mula nang mamatay ang kanilang ama. Nailibing na si Marcelo sa mausoleum ng mga De la Serna at ang libing nito ay dinaluhan ng malalapit na kamag-anak at kaibigan ng kanilang pamilya. Maging ang mga empleyado ng DLS Corporation at ng shop ng kanyang Kuya Lemuel ay nakiramay din sa kanila.Isang linggo na ang dumaan ngunit hindi pa rin makapaniwala si Anie na wala na ang kanilang ama. Hindi man siya lumaking kasama ito, hindi niya pa rin maiwasang makadama ng pagdadalamhati.Pero katulad nga ng sabi ng nakararami, ‘life must go on’. At kasama sa pagpapatuloy niya ng buhay ay ang tuluyang pagtanggap sa posisyong inaalok sa kanya ng mga De la Serna sa kompanya ng mga ito. Hindi niya alam kung paano sisimulan pero hindi na niya matanggihan pa ang kanyang mga kapatid. She couldn’t even help but felt guilty for not doing it while their father was still alive. Kung sana ay ginawa niya na iyon nang nabubuhay pa ang kanilang ama ay nasisiguro niyang ikagagalak

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status