Share

Chapter 1

last update Dernière mise à jour: 2024-09-08 17:32:10

"Payb hanred? Ito lang?"

Kasisikat pa lamang ng haring araw ngunit bunganga na agad ni Aling Nida ang maririnig sa Kalye Narra. Ang kalye ng mga taong sugal ang almusal.

"Aba naman Mari! Paano ko 'to pagkakasyahin, aber? May utang pa 'ko kay Tiyang Olga mo," umagang-umaga ay mainit agad ang ulo ng Ale na walang inatupag kundi ang sugal at bisyo.

"Ma, pagtiisan nyo na lang muna. Babaonin pa kasi ni Tristan yung natira na sahod ko," malumanay ang boses ni Marissa na nakikipag-usap sa ina. Pinipilit nyang maging kalmado kahit na napipikon na ito sa kaloob-looban.

"At uunahin mo pa iyang anak mong walang ama," singhal ng matandang babae.

"Ma naman. Wala rin naman akong ama ha," sumbat ni Marissa.

"Kumakatwiran pa ang gaga," inis na sabi ni Aling Nida. "Bahala ka na nga dyan sa buhay mo. Kung di mo lang sana binukaka iyang p*ke mo sa kung sinu-sinong lalaki, hindi sana magiging gan'to ang buhay mo!" pahabol pa ng matandang kampon ni Satanas.

"Ma! Pakiusap naman. Baka marinig kayo ni Tristan," saway ni Marissa.

"Eh di marinig nya! Pake ko ba?" mas nilakasan pa nga ng matanda ang bunganga nya tsaka umalis na may kasamang dabog.

Napaupo na lamang si Marissa at napabuntong hininga. Araw-araw na lamang ay ganun ang bubungad sa kanya. Ang ina nyang wala ng ibang inatupag kundi ang magsugal at pigain sya.

Pagod na pagod na ang katawan at pati na rin ang kaluluwa ni Marissa sa pagtatrabaho. Ngunit kulang pa ang lahat upang makaahon sila sa hirap. Hindi kasya ang salapi na kanyang kinikita dahil agad din naman iyong sinisimot ng kanyang inang walang inatupag kundi maningil ng maningil. Nakaka-walang ganang mabuhay, ngunit pinipilit nyang maging malakas dahil alam niyang sa kanya umaasa ang kanyang anak.

Habang hinihilot ang kanyang sintido ay bigla nyang narinig ang pagbukas ng pinto ng kanilang kwarto. Napatayo sya agad nang makita ang kanyang supling. Bakas ang pag-aalala sa mukha ng bata.

"Mama ayos ka lang ba?" masuyong tanong ng bata sa kanyang ina.

Ngumiti na lamang si Marissa habang papalapit ang anak. Lumuhod siya upang magpantay sila ng kanyang anak. Ibinuka nya ang kanyang mga braso at mahigpit na inakap ang kanyang anak.

Kahit gaano pang kapagod ang kanyang katawan, hindi nya iyon pinapakita sa kanyang anak. Ang nais nyang makita ng bata ay ang masiyahin at masigla Marissa. Kahit gaano pa man kamiserable ang kanyang buhay ay ayaw niyang maranasan iyon ng anak.

"Good morning my little sunshine," masiglang bati nya sa bata. "Maligo ka na at gagawa lang ako ng almusal mo," utos nya sa kanyang anak.

"Mama, araw-araw na lang bang ganun si Lola?" tanong ng bata.

Limang taon na si Tristan, ngunit parang napakalawak na ng pang-unawa ng bata. Alam niya ang pagod na nararanasan ng ina, kahit pa palagi nyang nakikita na nakangiti sya.

"Pagod lang ang Lola mo. Unawain na lang natin ha," may paklang ngiti na sagot nya sa anak.

"Pero kahapon nakita ko sya na naglalaro kila Tiyang Olga. Tapos bigla siyang nagalit nung sumigaw ang isa nyang kalaro ng 'PUSOY'," sabi ng bata.

Napabuntong hininga na lamang si Marissa. "Wag mo na lang alalahanin iyon. Ipangako mo sa akin na hindi mo gagawin kung ano man ang nakita mo na ginagawa ng Lola mo," bilin ni Marissa.

Tumango lamang si Tristan.

"Pangako?" paninigurado pa ni Marissa.

"Pangako," itinaas ni Tristan ang kanyang mga palad na senyales ng nangangako.

Napangiti na lamang si Marissa at yinakap ulit ang anak. Sa pagkakataong iyon ay nananalangin na siya na sana ay hindi lumaking kagaya ng kanyang ina si Tristan. Sana ay mailayo nya ang anak sa bisyo at sugal.

"Oh, sige na maligo ka na. Maghahanda na ako ng almusal mo," nakangiting utos nya.

Agad din namang sumunod sa utos ang kanyang anak. Nang makapasok na sa banyo ang bata ay agad na kumilos si Marissa.

Lumabas siya ng bahay at nagmadaling tinahak ang pinakamalapit na tindahan. Tatlong bahay din ang kaylangan nyang lakarin upang makarating sa sari-sari store ni Aling Tess.

"Aling Tess, pabili nga ho ng dal'wang itlog at isang delata ng meat loaf," masuyong sabi ni Marissa sa matandang babae.

"Oh ikaw pala iyan Marissa. Iyon lang ba ang bibilhin mo?" tanong ni Aling Tess habang kinukuha ang mga sinabi ni Marissa.

"Uhmm, padagdag na rin po ng powdered juice na pineapple flavor," sagot ni Marissa.

"Hintay lang iha," sabi ni Aling Tess. "Bago ko makalimutan. Iyang nanay mo, nandito kahapon. Pinipilit ba naman ako pautangin sya. Tapos sabi nya ikaw daw ang magbabayad," napansin na lamang ni Marissa na binabagalan ng matandang babae ang pagkilos para matsismisan sya.

"Wag mo sana akong kamuhian iha ah, pero nakipagsagotan ako sa nanay mo. Sabi ko sa kanya ay bakit ikaw ang magbabayad eh utang naman nya. Naaawa na ako sa iyo iha. Gabi-gabi kang puyat. Araw-araw kang pagod. At iyang magaling mong ina ang inatupag iyang sugal at oanay ang utang. Eh hindi pa niya nababayaran ang utang nya sa akin noong nakaraang linggo," dagdag pa ni Aling Tess.

"Naku Aling Tess, magkano ho ba iyon? Babayaran ko na lang ho," dumudukot na ng pera si Marissa nang biglang magsalita ulit ang matanda.

"Marissa, iha, hindi mo obligasyon na bayaran ang utang ng nanay mo. At tsaka di naman kita sinisingil. Iyang ipambabayad at ipinambabayad mo sa mga utang ng nanay mo, mas magandang iponin mo nang ganoon ay makabukod na kayo ng anak mo. Kawawa ang bata sa ganyang bunganga ng nanay mo," payo ni Aling Tess sa kanya.

"At tsaka wala ka bang balak umibig ulit? Malay mo maka-jackpot ka ng mayaman," dagdag pa nya.

Napangiti na lamang ng pilit si Marissa. "Aling Tess naman. Sa tingin nyo ho ba may magkakagusto pa sa akin? May anak na ho ako," iyon na lang ang tanging nasabi ni Marissa.

"Eh bakit? Maganda ka naman ha. Buti na lang di ka nagmana sa nanay mong gurang at bruha. Tsaka iyang si Tristan, mabait na bata. Sigurado akong matatanggap din iyan ng tamang lalaki," sabi ni Aling Tess.

"Kung meron pa hong tamang lalaki," ika naman ni Marissa.

Agad na kinuha ni Marissa ang mga binili nya na inabot ni Aling Tess, tsaka binayaran iyon.

"Oh siya, sige na. Mukhang ilulutoan mo pa si Tristan ng almusal. Nadaldal pa kita," paalam ni Aling Tess.

"Sige na ho. Salamat ho," ngumiti na lang si Marissa tsaka umalis sa tindahan ng matanda.

Pagkabalik ni Marissa sa kanilang bahay ay agad nyang niluto ang pang-almusal ng bata. Iniayos na rin nya ang mga gamit sa eskwela ng bata. Saktong nakabihis na ang bata nang makaluto na rin siya.

"Anak halika na. Mag-almusal ka na," alok nya sa kanyang anak.

Sa hindi inaasahang pangyayari, nagulat na lamang silang mag-ina nang may sumigaw sa labas ng bahay nila.

"GOOD MORNING EACH AND EVERY SINGLE ONE!" pasigaw na bati ng babae sa labas ng pintoan nila.

"Ano ba naman! Diana ang aga-aga ang ingay mo!" sita ni Marissa nang mapagtantong ang kanyang kaibigan pala ang nasa labas.

"Ninang Diana!" kumaripas ng takbo ang bata sa babae at nagpabuhat pa.

"Thank goodness, someone missed me," inirapan ng dalaga si Marissa habang papasok siya sa silid na buhat-buhat si Tristan.

"Ninang tignan mo oh. Suot ko po yung sapatos na regalo nyo galing abroad," tinuro ni Tristan ang sapatos sa kanyang Ninang Diana.

"Oh wow. It fits perfectly," masayang sabi ni Diana.

"Pag-almusalin mo muna kaya ang bata," biglang sumingit si Marissa sa usapan ng dalawa.

"Okay," dahan-dahan namang ibinaba ni Diana si Tristan.

"Ikaw ba? Nag-almusal ka na?" tanong ni Marissa sa kaibigan.

Pasalampak na umupo si Diana sa maliit na sofa nila Marissa.

"Yeah. Don't worry about me. Worry about yourself," tinuro ni Diana ang kaibigan. Napansin nya ang pangangayayat ni Marissa. Alam nyang dahil iyon sa pagod at puyat.

"Do you still think you're healthy? My goodness. Look at yourself, Marissa," sabi ni Diana.

"Eh wala naman akong magagawa. Kailangan kong magtrabaho para sa aking anak," napalingon si Marissa sa anak nyang abala sa pag-aalmusal.

Lumapit sya sa kaibigan at tumabi sa pag-upo. Si Diana ang kaibigan nyang hindi siya iniwan kahit pa ngayong naghihirap na siya. Ang dati niyang mga kaibigan ay hinayaan na lamang siyang magdusa.

"Haven't I gave you a job at our company?" lumingon si Diana kay Marissa. Naningkit ang mga mata nya dahil sa naalala, " And you rejected it. Haven't you?"

"Eh kasi naman. Nahihiya ako sa mga magulang mo. Di ba kaibigan nila yung mga umampon sa akin. Tsaka sila ang pinaka number one na investor nyo. Baka pagnalaman nila na doon ako nagtatrabaho bigla nilang tanggalin lahat ng investments nila sa kompanya nyo," paliwanag ni Marissa. "In the end, kasalanan ko pa."

"You always think about others before yourself."

Natahimik na lamang silang dalawa. Napatunganga sila dahil sa lalim ng iniisip.

Tatlong buwan din na hindi nagkita ang magkaibigan. Nagkaroon kasi ng business trip si Diana sa Singapore. Si Marissa sana ang kasama nya noon, dahil inalok nya na maging personal assistant ang dalaga, ngunit tumanggi ito.

"Bakit di ka bumalik sa kanya?" walang kung anu-ano ay biglang nagsalita si Diana.

"Huh?"

"The man who got you pregnant," seryosong saad nya.

Napabuntong hininga na lamang si Marissa. "Para saan pa? Baka sabihin niyang hindi nya anak si Tristan, o kaya naman, pera lamang habol ko sa kanya," rason nya.

"Not his son? I mean the kid looks exactly like him," napalingon silang dalawa sa gawi ni Tristan.

Ngumiti lamang si Tristan sa kanila. Ngumiti na lang din sila para hindi mapaghalataan ng bata kung ano ang pinag-uusapan nila. Pabulong na kasi silang nag-uusap.

"Hayaan mo na nga. Kaya ko pa namang kumayod para sa anak ko. Hindi ko kailangan ng tulong," matapang na sabi ni Marissa.

Tumayo na siya kaagad ng matapos kumain ang kanyang anak. Napalingon siya sa wall clock nila at nakitang malapit na mag-alas otso.

"Bakit di mo kaya kami ihatid? Male-late na inaanak mo oh," pag-iiba ni Marissa sa usapan.

Tumayo rin agad si Diana at inirapan ang kaibigan. Kinapa nya ang susi nya sa kanyang bulsa tsaka nauna sa labas.

"You're so demanding!" reklamo nya kay Marissa.

Pumasok na sila sa kotse ni Diana. Ilang minuto lang ay nasa eskwelahan na sila ng bata.

Continuez à lire ce livre gratuitement
Scanner le code pour télécharger l'application

Latest chapter

  • His Heir, My Son   Chapter 34

    Tristan was getting ready to reunite with his bed. It was six in the morning and he hadn't slept yet. He was tired of understanding and reading all the papers that were given to him. Maya-maya lamang ay kailangan nya ng pumasok sa kanyang klase. Kaya mabilis niyang iniligpit ang kanyang mga gamit at tumungo sa kanyang sasakyan. Kahapon pa lamang siya doon sa kanyang opisina. Magmula nang pumasok sya doon ay hindi na siya lumabas. Wala ring tulog ang binatabkaya nagmadali na siyang umuwi. Pagkarating niya sa kanyang apartment, dali-dali siyang dumeretso sa kanyang kama. Wala nang ligo-ligo. Humiga siya agad sa kanyang kama at ipinikit ang kanyang mga mata. Ilang saglit lamang, ang binatang kanina pa nananabik sa tulog ay humihilik na. At exactly 9:30 A.M., Cornelia was already in the parking lot of their university. She was waiting for Tristan. Last week, their Professor gave them homework. Each pair has a different topic for their lesson. Unfortunately, Cornelia was assigned wit

  • His Heir, My Son   Chapter 33

    Years went by, and almost eighteen years have passed. The Karlsons and Sandovas were still searching for Brandon and Marissa. The last time they saw them was the day after Tristan's birthday.Walang ibang masisi si Mrs. Sandova sa pagkawala ng kanyang anak kundi ang sarili nya. After kasi ng party ni Tristan, she made Marissa signed a marriage contract by the help of Diana. Yeah, the paper that Marissa signed was not about business.Sa kagustohan nyang maikasal si Marissa kay Brandon sya na mismo ang gumawa ng paraan. The Karlson was also involved. They knew about her plan.Ngayon ay nagsisisi na sya sa kanyang ginawa. Ang kanyang teyorya sa pagkawala ni Marissa ay dahil napagtanto ng dalaga kung ano ang laman ng papel. Siguro ay nagtatago na siya sa kanyang ina. Nangako pa naman si Mrs. Sandova na hindi nya gagawin iyon dahil ayaw niyang mawala ulit ang kanyang anak.Ngunit kung iyon man ang rason, hindi iiwan ni Marissa ang kanyang anak. Isasama nya si Tristan kahit saan man sila ma

  • His Heir, My Son   Chapter 32

    Maagang nagising si Brandon dahil susunduin nya si Tristan mula sa mansion ng mga Sandova. He was about to enter the private driveway of Sandova when he noticed a truck parked outside Sandova's property. He couldn't see the people inside of the truck. The glass windows were tinted.Nagsimulang magtaka si Brandon dahil wala namang nakakapasok na sasakyan sa property ng mga Sandova. Maliban lamang kung meron silang bisita.At dahil hindi siya mapakali doon, huminto sya sa tapat ng gate ng mansion. Bumaba siya sa kanyang kotse at linapitan ang truck sa gilid. Kumatok sya sa pinto ng driver.Ilang saglit pa ay dahan-dahang bumaba ang bintana ng driver. It revealed an unfamiliar bearded man that looks older than him. Besides him were two men who looks younger than him. Mahahalata mo agad na hindi sila taga doon dahil hindi sila mukhang Pilipino. Mestiso at asul ang kulay ng mga mata nila.Hindi sigurado si Brandon kung nakakaintindi sila ng tagalog ngunit sinubukan niyang tanongin ang mga

  • His Heir, My Son   Chapter 31

    Nakabihis na at handa ng pumasok sa kanyang trabaho si Marissa. May hang over pa siya ngunit kailangan nyang pumasok. Bibili na lang siya ng gamot para sa hang over nya mamaya. Hindi naman ganoon karami ang kanyang nainom na alak kagabi ngunit grabe ang hang over na nararamdaman nya ngayon. Nahihilo at sumasakit ang kanyang ulo. Hindi na sana siya babangon kanina dahil doon, ngunit naramdaman nyang naduduwal siya. Dahan-dahan syang bumaba sa hagdan. Balak nya sanang mag-almusal muna ngunit hindi na kaya ng oras nya. Male-late na siya sa kanyang trabaho. Ang pinakaayaw ni Marissa sa lahat ay ang nahuhuli siya sa kanyang trabaho. Kaltas na nga sa sahod mapapagalitan pa ng manager. Pagkababa nya mula sa kanyang kwarto ay sinalubong siya ng kanyang ina. Nag-aalala si Mrs. Sandova sa itsura ni Marissa. Pagiwang-gewang kung maglakad ang dalaga at hindi pa nya maidilat ng maayos ang kanyang ng mata. "Marissa, my dear. What are you doing? Why are you walking like that? What happened?" n

  • His Heir, My Son   Chapter 30

    Malapit nang maghating gabi. Nasa bar pa lang sila Marissa. Nakakaramdam na siya ng pagkahilo dahil sa kalasingan.Bago siya pumunta sa bar nangako sya sa sarili nya na hindi siya maglalasing. Ngunit sadyang makulit ang kanang kaibigan.Malakas uminom si Diana. Iyon ang noon pa'y hindi na kayang sabayan ni Marissa.Dahil sa nakakaramdam na ng pagkahilo si Marissa, napagpasyahan nyang umupo na lamang sa gilid. Habang nakaupo doon ay pinapanood nya naman na sumayaw si Diana sa dance floor.Matagal na silang costumer ng bar na pinuntahan nila, kaya alam niyang safe sila doon. Maraming mga bouncer na nakapalibot sa paligid. Ayaw din ng may-ari sa mga taong adik, kaya hindi basta-basta nakakapasok ang mga party drugs sa loob.Ilang saglit pa lang ay napansin na ni Diana na wala na sa tabi niya ang kanyang kaibigan. Hinanap ng kanyang paningin si Marissa. And not that long she saw her friend sitting on their table.Marissa's eyes were barely opened, which was a sign of dizziness. Her head w

  • His Heir, My Son   Chapter 29

    Tristan could only feel happiness. His eyes twinkled from the moment he saw the room full of decorations. He won't drop his smile anymore. All of Marissa's plans were successful. It turned out perfect. She was so proud of herself. She just made her son happy on his birthday. Tristan's friends were there to witness his 6th Birthday celebration. His teachers and even their neighbors from Kalye Narra attended too. They brought gifts and cards for the birthday boy. It was Tristan's happiest birthday. Hindi niya inasahang magkakaroon siya ng ganoong kaing-grandeng birthday. Ayos na sa bata ang simpleng handaan. Ang importante lang sa kanya ay andoon ang pamilya niya. He didn't expect a room full of decorations and a huge cake that can feed all the people inside the venue. Habang naglalakad papunta sa upuan na nakahanda para sa kanya, isa-isa niyang nilapitan ang kanyang mga kaibigan. Nakangiti sila habang inaawitan ng "Happy Birthday" si Tristan. Ang iba ay nag-abot ng regalo at card

Plus de chapitres
Découvrez et lisez de bons romans gratuitement
Accédez gratuitement à un grand nombre de bons romans sur GoodNovel. Téléchargez les livres que vous aimez et lisez où et quand vous voulez.
Lisez des livres gratuitement sur l'APP
Scanner le code pour lire sur l'application
DMCA.com Protection Status