Share

Fury

Nang mapagtanto ni Jarred na kumalma na siya. Tumayo siya at niyaya si Sean na sabay ng umalis. Nagpaalam din siya kay Ms. Iya, na i-cancel ang lahat ng meeting niya ngayong hapon dahil pupunta siya sa bahay ng kaniyang soon to be mother-in-law at father-in-law.

Nagpaalam na siya kay Sean nang makarating siya sa parking area. Kaagad siyang pumasok sa kaniyang sasakyan at pinasibad iyon patungo sa mansiyon ng Saderra family. Habang daan ay iniisip niya ang mga bagay na dapat itanong. Ayaw niyang magkaroon sila ng hindi pagkakaintindihan ng kaniyang magiging biyenan na baka maging dahilan ng pagtatalo nila ni Jasmine.

Huminga siya ng malalim ng makarating sa kaniyang destinasyon. Ipinarada niya ang kaniyang sasakyan sa gilid ng gate. Lumabas siya ng kaniyang sasakyan at hinarap ang gwardiya na naroon.

"Sir, pasok na po kayo. Pwede niyo naman pong ipasok ang inyong Ferrari sa loob." anito at binuksan na ang gate at niluwangan iyon para makapasok siya. Iwinagayway niya ang kaniyang kamay
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status