Share

The Kiss

Hindi maiwasan na magtampo ni Jarred kay Jasmine dahil pakiramdam niya ipinamimigay siya ni Jasmine. Diba dapat nagseselos ito na ihahatid niya si Genesaret sa kanila? Oo, nandoon na sa malaki ang tiwala nito sa kaniya pero mali din ang sobrang pagtitiwala dahil parang ang nangyayari wala ka ng pakielam sa kaniya si Jasmine. Malalim siyang napabuntong-hininga.

"Ang lalim nun ah. May problema ba?" tanong ni Genesaret sa kaniya. Napalingon siya rito, at muling itinuon ang paningin sa daan.

"Wala, may naisip lang ako." aniya. Tumango-tango naman ito.

"Okay. Pwede magtanong?" tanong nito.

"Ano yun?"

"Gaano mo kamahal si Jasmine?" tanong nito na ikinabaling niya rito. Hindi niya naiwasang mapakunot-noo dahil sa tanong nito. Kailangan ba nitong tanungin ang bagay na iyon?

"Bakit mo naman natanong?" tanong niya.

"Wala lang. Curious lang ako." sagot nito.

"Mahal na mahal ko si Jasmine. Sobra. Siya ang buhay ko. Hindi ko na kayang mawala pa siya sa buhay ko." aniya. Tumango-tango si Genesaret.
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status