Share

Kabanata 11

Halos magbalat na ang sarili kong mga daliri dahil sa kanina ko pang pagkukurot dito. Kanina pa ako titig na titig kay Ate Calli na lakad nang lakad at ang ibang mga katrabaho kong isa-isang nag-aalis ng make-up sa mukha nila. Ala-singko na sila naka-uwi at mabuti na lang ay nakatulog na ako at nakapag-alarm na rin.

"Nasisiraan ka na ba Ada? Ayokong isugal kita roon dahil hindi kita masubaybayan kapag naroon ka na. Ayokong sisihin mo ako o ng mama mo kapag may nangyaring masama sa iyo," seryosong saad ni Ate sa akin na ikinasandal ko na lang.

Desisyon ko naman iyon, e. Sure na talaga ako, wala na rin naman akong malalapitan at walang-wala na talaga.

Bahagya akong tumango at ngumiti. "Gusto ko po talaga ate, kailangan ko na kasi, e," seryosong sabi ko saka siya tuluyang naupo.

Kitang-kita ko ang pagbuntonghininga ni ate, para bang ayaw niya akong ipasok dahil nga kasi bago pa ako at baka may mapahamak pa. Pero uunahin ko pa ba iyon? Kailangan k
Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status