Share

Chapter 6

CALLIE IVIANNA

Nai-discharged na rin ako sa hospital. Ngayon naman ay pauwi na ako ng mansion kasama si Caelan. Nagpresenta siyang ihatid ako pauwi dahil ayaw niya raw akong hayaang mag-isa. Hinayaan ko na lang din siya dahil masyado siyang nagpupumilit.

Wala akong imik sa buong biyahe. Kung minsan ay tinatanong ako ni Caelan kung ayos lang ako, at isang tipid na tango lamang ang binibigay kong sagot. Alam kong nakakasama sa kalagayan ko at sa batang nasa sinapupunan ko ang sobrang pag-iyak ngunit hindi ko ito mapigilan. May parte sa akin na pinagsisisihan ko ang nangyari, may parte rin sa akin na masaya ako dahil hindi ko lubos akalain na magiging ina na ako.

"Andito na tayo," ani Caelan saka niya inihinto ang kanyang sasakyan sa tapat ng aming mansion. Umusbong na naman ang kaba sa aking d****b kaya naman tinapik niya ang balikat ko. "Don't be afraid. Sigurado akong magbabago pa ang isip nila Tito. Hindi ka nila hahayaang paalisin sa mansion."

Sana nga. But knowing my parents, they are true to their words. Hindi sila iyong tipo ng magulang na hindi marunong tumupad sa kanilang sinasabi. I deeply sighed, and I slowly got out of Caelan's car. I was playing with my fingers while taking a small steps to get inside of our house.

As I walked through the door, I saw Nanay Lucy crying while holding my luggage. Mas lalong bumuhos ang mga luha sa aking mga mata nang makita ko siya na nasasaktan sa nangyayari ngayon. Nanay Lucy, I treated her as my second mom. And I disappointed her because of my impulsive actions.

Sinalubong niya ako ng isang mahigpit na yakap. Yakap na hindi ko alam kung mararamdaman ko pa sa mga susunod na araw, o buwan o taon. "Anak ko," she whimped. "Sinubukan kong kausapin ang mga magulang mo pero ayaw nilang maniwala sa akin."

I broke the hug and I cupped Nanay Lucy's face. I wiped her tears away using my thumb. "I-I'm so sorry, Nanay." Iyon na lamang ang nasabi ko sa kanya habang patuloy na umaagos ang mga luha ko.

"Hindi ko alam na mangyayari sa'yo ito, Callie. Pakiramdam ko'y nagkulang na rin ako sa pagpapalaki ko sa iyo," umiiyak na sambit niya. "Dito ka na lang, anak. H-Hindi ko kayang hayaan ka lang habang may bata sa loob ng sinapupunan mo na kailangan mo'ng alagaan."

I hugged her tight again. "S-sorry, 'nay," I sobbed. "Sorry, I disappointed you so much. H-hindi ko po sinasadya ang nangyari, 'nay---"

"Why are you still here?"

Napalingon kaming dalawa ni Nanay Lucy nang magsalita si Mommy. She was standing on the stairs, at dahan-dahang naglakad palapit sa amin. She maintained her serious face as she looked at me. "You are not welcome here anymore."

I tried to hug her but she just pushed me away. Agad naman akong nasalo ni Nanay Lucy at napasigaw rin ito dahil sa nangyari. Mom's hatred towards me is so painful to experience. Pero hindi ko sila masisisi. I became a disgrace to our family. Ako lang ang inaasahan nilang magiging tagapagmana ng lahat ng pinaghirapan nila. Ako lang ang makakatulong sa kanila, pero ganito ang isinukli ko sa lahat ng kanilang paghihirap.

"M-Mom, please," I begged. I knelt down and cried but my mother just looked away, holding back her tears. "Mommy, please... p-please, forgive me po." I reached for her hand pero agad naman niyang itinago ito sa kanyang likuran.

"Leave," tipid niyang tugon sa akin. "Hindi ka na nahiya. Your dad almost had a heart attack because of your recklessness! Ang kapal ng mukha mo na magpakita pa rito!" She looked at Nanay Lucy and commanded her to take out all of my stuff outside of the house. Muli niyang ibinaling ang kanyang mga tingin sa akin. "Leave, and never come back."

Tinalikuran na niya ako ngunit hindi pa rin ako nakatayo mula sa pagkakaluhod. Hindi ko na rin namalayang pumasok sa loob ng bahay si Caelan at tinulungan niya akong makatayo.

"Cal!" he suddenly exclaimed while assisting me to get up. "Cal... hindi mo kailangang gawin iyan," dagdag na sabi niya.

I looked up to him and hugged him. I cried on his shoulder. "C-Caelan... Caelan, ang sakit sakit. T-they don't want to see me anymore. They already disowned me."

"Ssshh," aniya habang hinahaplos ang aking likuran upang makalma ako sa pagkakaiyak. "L-let's get you out of here, okay? Baka kung ano pa ang mangyari sa'yo. This is also not good for the baby."

Hanggang sa paglabas ng mansion ay inalalayan ako ni Caelan sa paglalakad. Nanghihina ako. Naubusan na ako ng lakas. Bago pa man ako tuluyang pumasok sa loob ng sasakyan, ay muli kong sinulyapan ang kabuuan ng mansion. Gusto kong makita sa huling pagkakataon ang mga magulang ko, ngunit bigo ako.

"Cal..." mahinang pagtawag sa akin ni Caelan. "Halika na."

Inalalayan niya ako hanggang sa pagpasok ng kotse. Dumungaw ako sa bintana ng kotse ni Caelan and once again, I took a glance of our home for the last time. If I could hug them again for the last time, I would. Hinding hindi rin ako magsasawang humingi ng tawad sa kanila, hanggang sa tuluyan na nila akong matanggap ulit.

Buong biyahe ay naging tahimik lang ako hanggang sa hindi ko na rin namalayan na nakatulog na pala ako. Dahan dahan akong pinukaw ni Caelan nang marating namin ang condo ni Kyra. I told him ahead of time kung saan nakatira ang kaibigan ko, mabuti at agad niya itong natunton.

"We're here," sambit niya saka binigyan ako ng isang tipid na ngiti.

I unbuckled the seatbelt and got out of the car. Caelan was taking out all of my stuff in his car when my friend, Kyra, ran towards me and gave me her most comforting hug that I needed the most. We both cried in each other's arms.

"C-Cal..." Kyra uttered. "I am so sorry. Sorry dahil ganito ang nangyari sa'yo. K-Kasalanan din namin ito, eh. Kami ang kasama mo noon pero hindi man lang kami sumubok na hanapin ka."

I broke the hug. "N-No, Ky. It was never your fault. Ako ang may kasalanan ng lahat ng ito, and I need to face the consequences for all the bad things that I've done to my mom and dad."

Sinulyapan ni Kyra ang mga gamit ko bago siya napatingin kay Caelan. "Thank you, Alcantara."

"No need to thank me," bulalas ni Caelan. "Alam kong kailangan ni Cal ng tulong at hinding hindi ako magdadalawang isip na ibigay iyon sa kanya."

He is such a good person and a gentleman. Kahit na hindi naman na niya dapat ginagawa ang mga bagay na ito ay patuloy pa rin siya sa pagtulong. Maswerte ang babaeng magugustuhan niya. Kahit na hindi matutuloy ang arranged marriage na plinano ng mga magulang namin sa aming dalawa, heto pa rin siya at hindi tumitigil na tulungan ako ng walang hinihinging kapalit.

Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa isip ko at bigla kong niyakap si Caelan. Marahil ay sobra lamang akong nagpapasalamat sa lahat ng ginawa niya para sa akin. "Thank you, Caelan."

"Anything for you, Cal," sagot naman niya. He broke the hug at tinignan ako ng diretso sa mga mata ko. "If you need anything, please don't hesitate to call me."

Agad naman akong tumanggi sa kanya. "Hindi na kailangan," bulalas ko. "Caelan, alam kong alam mo na rin ang binabalak ng mga magulang natin pero dahil sa nangyari ito sa akin, alam ko ring hindi na matutuloy iyon. Kaya huwag na, sapat na ang naitulong mo sa akin."

"Just please let me help you," sambit naman niya. "I don't care about that. Nandito ako, handang tumulong sa'yo dahil kaibigan kita."

Kaibigan? Hindi ko alam na kahit na hindi kami halos magkibuan noong nasa kolehiyo pa lang kami ay kaibigan na pala ang kanyang turing sa akin. Hindi na lang ako umimik. Napatingin na lamang ako sa ibaba habang pinaglalaruan ang mga daliri ko.

"S-Salamat kung gano'n," iyon na lamang ang mga salitang lumabas sa mga labi ko.

I decided to stay at Kyra's condo hanggang sa makahanap ako ng mauupahan na bahay o kahit na apartment na lang. Tumulong muna si Caelan kay Kyra na maipasok ang lahat ng mga gamit ko sa loob ng condo bago siya umuwi. Iniwan niya rin ang cellphone number niya para matawagan siya in case of emergency, that's what he said.

Hinayaan na lang muna ako ni Kyra na makapagpahinga sa isang kwarto ng condo niya. It has been a long, tiring day today. Nakakapagod ang araw na ito ngunit kailangan ko pa ring lumaban at magpakatatag.

Comments (1)
goodnovel comment avatar
131subin
This story is great! ...️
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status