LOGINDumaan ako sa may likod ng bar dahil nakita ko na puno na naman ang loob at may mga costumers pang hindi nakakapasok dahil siksikan na sa loob.
Walang nakakakilala sa akin dahil sa nakasuot ako ng wig at nakasuot pa ng mask sa bibig at tanging ang mga mata ko na may suot na eyeglass ang makikita sa aking mukha. Nakasuot rin ako ng itim na jacket. Pagpasok ko sa loob ay deretso na ako sa dressing room. Naabutan ko na nga sa loob si Erin na siyang inupahan ko para mag ayos ng make up ko. "Alina, sa wakas nandito ka na." salubong niya sa akin ng makita ako. "Magandang gabi." alanganin pa akong ngumiti at nakaramdam ng pagkabalisa dahil sa tinawag niya ang pangalan ko. Baka may iba pang makarinig na nakakakilala sa akin. "Sinabi ko naman sayo na tawagin mo akong Aria kapag nandito tayo sa bar." pagpapaalala ko pa sa kanya at nagpatuloy sa paglapit sa kanya kung saan naghihintay na ito sa harap ng make up stand kung saan nga niya ako mi-make-up'an. "Ai, sorry naman," humagikgik pa siya na hinawakan na ako sa balikat at giniya ng paupo sa harap ng make-up stand." "Passensya ka na, kailangan pa kitang maabala ngayong araw." paghingi ko pa ng pasensya sa kanya dahil inabala ko nga ito kahit na marami itong ginagawa sa sariling shop nito. "Aria! Aria, I told you, it's my honor to do your makeup. Aba, ikaw ang gustong gusto kong minimake-up'an dahil ang ganda ganda mo. Hindi nakaksawa." sabi naman niya sa akin kaya napangiti na lang ako sa kanyang pambobola. Erin is gay. Magandang gay nga dahil napagaling nitong maglagay ng make upsa sarili. Daig pa nito ang maraming babae sa taglay nitong ganda at kasexihan. "Sige, sisimulan na natin." aniya ng buksan na ang kanyang make-up kit. "Erin, gusto ko sana na makapal ngayon ang make up ko." sabi ko sa kanya. Kailangan kong kapalan ang make up ko ngayon para maitago ang tunay kong hitsura at hindi makilala ng iba lalo na ay may balak ako ngayong gabi na hindi lang pagkanta ang gagawin ko. "As you wish, darli'n." pakikay pa na sagot nito sa akin at sinimulan na nga akong make-up'an. Ilang minuto ang matuling lumipas ay tapos na siya. "Dry ngayon ang labi mo. Maglalagay ako ng kaunting lipsbalm at lip tint sa labi mo." "Okay, ikaw na ang bahala." Pumikit pa ako at humarap sa kanya. "Eh," Sa naging reaksyon niya ay nagmulat ako ng mga mata. Kinikilig siyang pinagmasdan ako. "Damn it, Aria. Ang ganda mo. Kung hindi lang ako mas maganda sayo, naku liligawan kita." pagbibiro pa nito sa akin. "Haha," hindi ko mapigilan ang matawa sa sinabi niya. "Tapusin mo na lang ng mabilis dahil kailangan ko pang tapusin ang pagkanta ko." utos ko na lang sa kanya at hindi na pinansin ang kakikayan nito. "Sure, ehem," sagot niya na sinabayan ng pagtikhim. Muli niyang ipinagpatuloy ang paglalagay sa akin ng lip balm at lip tint. "Done and perfect." bulalas ni Erin na pinaikot pa ang inuupuan ko paharap sa salamin. Pinagmasdan ko ang sarili ko sa salamin. Hindi ko makita si Alina sa harap ko, kundi si Aria ang pangalang nagtatago sa tunay kong katauhan. "Aria, narinig ko na sumali ka sa auction ngayon dito sa club? Totoo ba?" ilang sandali pa ng pananahimik ko ay tanong sa akin ni Erin. "Alam ko na kailangang kailangan mo ng malaking halaga ngayon, pero sigurado ka ba na ibebenta mo ang katawan mo para lang magkapera?" puno ng malasakit ang tinig niya. Nagpakawala ako ng isang malalim na paghinga na tumingin dito sa salamin. "Wala akong mapagpipilian." maikli kong sagot dito. Kuyom ko pa ang kamao ko na nakatago sa ilalim ng make up stand. "Hindi ako pwedeng manatili dito. Kailangan ko ang makukuha kong malaking halaga ngayong gabi, para sa pagpapagamot ng aking ama." Si Erin naman ang nagpakawala ng isang malalim na paghinga. Umakbay pa siya sa akin. "Sana hindi mo pagsisihan ang pagpapasya mong ito, Aria." "Alam ko, hindi ko kailanman ito pagsisisihan." Buo na ang pasya ko. Ilang araw ko ring pinag iisipan ang gagawin ko ngayon. At ito na ang huling gabi ko dito sa CHAOS CLUB. ..... Madilim ang loob ng club. Tanging ang malamlam na ilaw ang nagsisilbing liwanag sa mga tulad kong costumers habang nakatutok sa babaeng nasa entablado ang spot light. "Ang susunod na kakanta ay ang pinakamaganda, pinakasexy, at pinakamagaling kumanta dito sa CHAOS CLUB, Aria!" Pagkarinig ng mga costumers ang sinabi ng host ay pumailanlan ang malakas na palakpakan ng mga costumers. At walang humpay na pagatawag sa pangalan niya. Nairita na ang tainga ko sa lakas ng sigaw nila. Halos kadarating ko lang din, at sabi ng kaibigan ko na mag magandang maidudulot ang minsang kong paglabas at pagpunta sa ganitong lugar, pero pag apak pa lang ng mga paa ko kanina sa pinto ng club ay nagsisisi na ako kung bakit ba ako pumunta sa ganitong lugar. Bukod sa siksikan ay ang ingay ingay pa. Nagpakawala ako ng isang malalim na paghinga sa ko minsanang itinungga ang alak sa baso sa harap ko. Saka ako naglabas ng cash at tumayo. Hindi ko matagalan ang ingay. Tumalikod na ako at humakbang na palabas. "She looks mediocre," sa loob loob ko. "Shh, please, quiet down, everyone." Narinig kong sabi ng babae sa entablado na sa isang salita lang nito ay natahimik ang lahat. Doon ako natigil sa paghakbang palabas. "Hindi ako kakanta ng mga rock music ngayon." ang boses ng babae. Saan ko ba iyon narinig. At dahil sa nausisa ako ay muli akong lumingon at pinagmasdan ang babae. Ngunit hindi ko matandaan kung kanino ba ang boses na iyon. Kunot ang noo ko na nanatili na ako sa kinatatayuan ko ng magsimula na itong kumanta. "Moon in the sky, spills over my heart. Under the moon, you look different from the past. Too many scars to convey." Mas lalong nagsalubong ang kilay ko ng marinig ang malamyos niyang tinig. Hindi ako pwedeng magkamali. Narinig ko na ang boses nito kung saan. Pero hindi ko maalala kung saan?“Kian, iyong sinabi mo kahapon…”“Shut up! Ang akala mo ba na ang lintik na card ito ay mababayaran ang kasalanan mo sa akin?”“Pero… iyan na lang ang tanging paraan na alam kong makabawi ako sayo kung ano man ang naging kasalanan ko sayo. Ano ba ang gusto mong gawin ko para makalimutan mo ang kasalan ko. Gagawin ko ang lahat kahit ano!”Napatitig siya sa akin. Tila inaarok kung gaano ba katotoo ang mga sinasabi ko.“Kung ayaw mo akong paalisin, hindi ako aalis. At magtatrabaho ako sayo hanggang sa gusto mo. At ang sasahurin ko ay ibibigay ko lahat sayo,”“Sa tingin mo ba ay kinakapos ako sa pera?” sabi pa niya sa akin. “At sa tingin mo ay anong mabibili ng perang binibigay mo sa akin?” tanong pa niya sa akin na hindi maitago ang pagmamaliit sa perang naiipon ko ng paunti unti.Napapaisip na lang talaga kung ano ang gusto niya.Kung ayaw niyang tanggapin ang pera ko at ayaw naman niya akong umalis sa trabaho ko ano pa ang gagawin ko ng mapatawad lamang niya ako at mawala ang galit niy
Para akong naipako sa kinatatayuan ko.Kahit wala na sa harap ko si Kian ay parang nakikinita ko pa rin ang galit na galit niyang ekspresyon na nakatingin sa akin.Nagpakawala ako ng malalim na paghinga. Saka ako napasulyap sa puntod ng kanyang mga magulang na hindi naman kalayuan sa kinatatayuan ko.Parang may sariling isip ang mga paa ko at humakbang iyon palapit sa puntod.Kusa akong napaluhod sa harap ng puntod ng nasa harap na ako at tuluyang tumulo ang aking mga luha.“Tito, tita. Nabigo ako sa pangako ko, patawarin niyo ako.” garalgal na bose kong napaiyak sa harap ng mga puntod ng mga magulang ni Kian.Walang ibang lumabas sa bibig ko maliban sa salitang paghingi ng tawad sa kanila.Nanatili ako sa harap ng puntod ng mga magulang ni Kian na nakaluhod hanggang sa kumalma ang kalooban ko.Ilang minuto bago ako nagpasyong tumayo at lumabas na ng sementeryo.…..Kuyom ang mga kamao ko na nakatingin kay Alina ngayon na nakaluhod sa harap ng puntod ng mga magulang ko.Hindi ko man m
"Magandang umaga." agad kung pagbati sa mga katrabaho ko paglabas ko pa lang ng elevator dahil agad silang napatingin sa akin na para bang hinihintay talaga nila ako.Napayuko pa ako dahil parang mayroong dumi sa mukha ko dahil sa pagkakatitig nila sa akin.Nagtuloy ako sa paghakbang palapit sa kanila.Doon nagsalita si Nathy. Isa sa laging nang bubully sa akin dahil sa pananamit ko."Congrats, Alina. I'll be in your hand in the future." sabi nito pero halatang nanunuya naman ang kanyang boses.Tinapik pa niya ang balikat ko."Anong ibig mong sabihin?" tanong ko dito dahil hindi ko naman makuha ang ibig nitong sabihin.“Sa loob ng isang taon ay magiging secretary ka ni Mr. Collins.”“Ano? And when did this happen? Bakit wala akong alam tungkol dito?”Ngunit hindi ko na hinintay na makasagot ito dahil nagmamadali na akong pumasok sa opisina ni Kian.Agad kung tinungo ang working table ko at binuksan ang email ko.Mayroon nga akong natanggap na notice sa inbox. Agad ko iyong binasa. At
Ilang sandali rin akong napatingala sa kalangitan matapos kong magkwento sa kanya ng pahapyaw.Nagulat na lang ako ng maramdaman ko ang marahan niyang pagtapik sa likod ko."Don't just stand there."Napasulyap ako sa kanya ng marinig ko ang sinabi niyang iyon. At mas lalo akong nagulat ng bigla niyang hawakan ang kamay ko.Napatitig ako sa kamay niyang nakahawak na sa akin."Halika. I will treat you some delicious food." sabi niya sa akin sabay hila na paalis sa lugar na iyon.Napasunod na lang ako sa kanya at hindi na binawi ang kamay ko mula sa kanyang pagkakahawak.Bahagya akong napangiti. Hindi na rin masama na ikwento ko sa kanya iyon dahil kapalit ng paghawak niya sa kamay ko.Naglakad kami palabas ng Falcon.Ang akala ko ay sasakay na kami ngunit nagpatuloy lang kami sa paglalakad kung saan matatagpuan ang maraming nagtitinda ng street foods."Ang raming mga tao." hindi ko mapigilang sabihin dahil marami ngang estudyante ang nakakalat para bumili ng mga iba't ibang mga pagkain.
At Falcon University.Hindi na ako mapakali at nakaramdam ako ng pagkabalisa. Halatang kakaiba ang kinikilos ni Kian simula pa kaninang umapak kami sa malaking gate pa lang ng Falcon.Nag-aalala tuloy ako na baka may hinala na siya na si Aria at Alina ay iisa.Tahimik lang akong nakasunog sa kanya. Wala na akong balak pang magsalita baka tuluyan na akong mabuking. Ngunit sa pagkabalisa ko ay hindi ko na napansin ang pagtigil niya, kaya nabangga lang ako sa likod niya."Bakit ayaw mong sumabay sa akin?" tanong niya, saka niya ako nilingon.Napahawak pa ako sa ilong ko na bumangga sa malapad niyang likod."H-hindi naman." mahina kong sagot.Kaya para hindi na siya magtanong pa at baka lalo siyang maghinala ay pinilit kong kinalma ang sarili ko at umagapay sa kanya sa paglalakad.Nagpatuloy siya sa paglalakad hanggang sa madaanan namin ang basketball court kung saan ko siya lagi nakikita sa hapon na naglalaro bago umuwi."This is the basketball court, palagi ako noon naglalaro dito araw-
Naalimpungatan ko sa huni ng mga ibon sa labas.Nagmulat ako ng mga mata. Awtomatikong napatingin ako sa labas ng bintana kung saan tanaw ko ang mga sanga ng puno ng manga at mga ibon na nakadapo sa mga sanga."Ugh!" Sumidhi ang kirot ng ulo. Hinilot ang sintido ko. "Nalasing na naman ba ako kagabi?" tanong ko pa sa sarili ko.Mariin akong pumikit. Pagdilat ko, nasulyapan ko si Aria na tulog sa gilid ng kama ko. Nakaupo siya sa sahig, nakayuko at mahimbing nga sa pagkakatulog.Nasulyapan ko rin ang gamot sa gilid, sa ibabaw ng bedside table. Tiningnan iyon kaya napagtanto kong gamot iyon sa hangover. Binantayan ba niya ako magdamag?"Anong nangyari kagabi?" muli kong tanong.Wala akong maalala kahit isa sa mga nangyari kagabi at kung paano kami nakauwi ngayon dito sa bahay.Bahagya kong pinilig ang ulo ko. Hinintay kong mawala ang naramdaman kong pagkahilo bago ako bumaba ng kama. At nagpasya akong ilipat si Aria sa kama.Maingat kong kinarga si Aria at pinahiga sa kama.Gumalaw siya.
"Puwede bang magpalit na muna ako?" tanong ko kay Kian, na niyuko pa ang sarili ko dahil suot ko pa rin ang damit niyang pinahiram niya sa akin. At tulad kanina ay nilagyan ko ng belt iyon para maging bistida."No need. I told you earlier, you look adorable in that."Muli na lang akong napayuko.Su
"CEO Kian, hindi ka na ba interesado sa project tungkol sa lupang kinukuha mo sa akin?" tanong sa akin ni CEO Valdez nang maharangan ng mga tauhan ko ang mga tauhan nitong humahabol sa amin.Sasagot na sana ako nang maramdaman ko ang pagbigat ng katawan ni Aria na nasa bisig ko."Shit, I almost for
"No!"Sigaw na lang ang tanging nagawa ko dahil wala nang lakas ang katawan ko. Nilamon na kung ano mang inihalo sa inimun ko ang katinuan ng isip ko.Mariin na lang akong pumikit, marahil ay ito na talaga ang magiging kapalaran ko. Ang pagpasa-pasaan ng iba't ibang lalaki. Simula nang binenta ko a
"Eh! CEO, how may I help you?" tanong ko sa kanya nang humarap ako at mabilis na tinago ko sa likod ko ang tinapay na kinakain ko.Seryoso siyang nakatingin sa akin na napatingin sa kamay kong nasa likod ko."What are you doing?" tanong niya sa akin nang hindi inalis ang tingin sa may likod ko.Hind







