Share

Chapter 23

PAGKABABA ng bus ay agad na pumara ng tricycle si Anastacia. Kasama niya si Carla para alalayan ang kaniyang ama. Nag-absent ito sa trabaho para lamang maihatid sila sa probinsya kaya sobra-sobra ang pasasalamat niya sa kaibigan dahil malaking tulong ang ginawa nito.

"Saan, miss?" Tanong driver ng tricycle na pinara niya.

"Sa dulo ng Ezperanza ho."

Tiningnan siya ng driver ng matagal bago muling nagsalita. "Ikaw lang, miss? Isang daan pag ikaw lang. Malayo ang dulo ng Ezperanza at malubak ang daan."

Biglang lumapit si Carla kasunod ang ama ni Anastacia. Mataray na namaywang si Carla. "Tatlo kami manong."

Tumango ang driver. "Pwede nang trenta ang isa."

Agad na sumakay sa loob si Anastacia matapos ang kaniyang ama. Sa likod ng driver sumakay si Carla na hanggang ngayon ay nakataas pa rin ang kilay.

Habang binabaybay ang daan papunta sa lugar na kinalakihan ni Anastacia, hindi maiwasan ng dalaga na alalahanin ang dahilan kung bakit siya umalis sa lugar na ito. Sinupalpal niya pa sa mga
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status