Share

Chapter 47

Bumaba agad ako sa taxi na sinasakyan ko nang makarating ako sa bahay nina Lucian. Awtomatikong bumukas ang malaking gate na nagsisilbing harang at binati ako ng mga bantay.

Nagpatuloy lang ako sa paglalakad kahit pa galit at halos sumikip ang dibdib ko.

Bago ko pa mabuksan ang pintuan ng bahay ay bumukas na 'yon at tumambad sa akin si Terrence at Cheska.

"Maxine! Akala ko ba—"

Napatigil si Cheska sa pagsasalita nang bahagya ko siyang itulak para makapasok ako sa loob ng bahay. Dali-dali akong umakyat pero bago ko pa maabot ang ikalawang palapag ng bahay ay nahawakan ni Terrence ang kamay ko.

"Maxine, anong problema mo?" Nakita ko sa mata niya ang pag-aalala, ngunit hindi ko 'yon pinagtuunan ng pansin.

"Anong problema ko?" ulit ko sa tanong niya. "Kayo ang problema ko!" Sinubukan kong kumalma pero masyadong mahirap para sa akin ang sitwasyon ko ngayon.

I saw how confused they were when I said that. Hindi sila makapagsalita dahil alam nilang hindi ako ayos — alam may mali.

"All of you
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status