Share

Chapter 5

Lucian and I started eating. The steak in here is excellent. Bukod sa ibang restaurant na nakainan ko, isa 'to sa mga nagustuhan ko. Plus, the view makes it even better.

"Any thoughts?" he asked while eating.

"It's great. Dumagdag pa 'tong magandang view." tugon ko.

He nodded and continued eating. "I've eaten other Salisbury Steak before but this one? Kakaiba 'to for me." I said complimenting the food.

Ngumiti ito at tinapos ang huling pagkain na isinubo niya. "I loved that when I was a kid. Iyan ang madalas na niluluto ng mommy ko sa akin noon." aniya.

"No wonder it's in the menu.." I said.

We finished our food immediately para makasakay pa kami ng kabayo. I wanted to do that so bad.

Paalis na sana kami nang may maalala ako.. Paano ako sasakay sa kabayo kung skirt ang suot ko?

I looked at Lucian who's talking to someone.. "Lucian, skirt ang suot ko.."

"Silly, of course we'll change. You can use Sunniva's clothes here." paliwanag nito sabay pakita sa akin ng susi.

My face lightened. Agh, that was close. He comes ready, huh?

He held my hand. Sabay kaming naglakad sa isang pathway. Maya-maya pa ay nakarating kami sa harap ng isang pintuan.

He opened it with the key. Bumungad sa akin ang laki ng room. Amoy na amoy ko rin kung gaano kabango ang loob nito.

"Come in." he invited.

Pumasok ako roon at tinignan ang paligid. It was surreal!

"There.. That's Sunniva's room." turo niya sa pangalawang pintuan. "Choose anything, akong bahala." aniya pa.

I happily entered the room. Bumungad sa akin ang isang mahabang clothes rack at shoe rack. Different kinds of attires were in there.

Agad akong namili ng susuotin ko.. I picked the gray and black polo. Sa sapatos naman ay kinuha ko 'yung gray na boots para maghalo 'yon sa kulay ng leggings ko.

Maayos kong iniwan ang damit ko sa kama. I made sure na hindi 'yon nalukot pagkatapos kong magpalit.

Nang lumabas ako ay nakita ko agad si Lucian. He's wearing a white polo along with his light brown pants and boots.

He looked at me from head to toe..

Agad akong lumapit sa kanya. "Let's go?" aya ko rito.

"Tara.." he said.

Lumabas na agad kami sa room. He locked the door and made sure he has the key. Naglakad na kami papalayo hanggang sa makita ko ang malawak na paddock sa dulo pati na rin ang mga tao na may kasamang kabayo na nandoon.

I gasped in amusement. "They're big.."

I may sound childish but I didn't care. Hindi ko kaya naranasang masamahan ng papa ko na mangabayo.

Nang makalapit kami ay binati ng mga nandoon si Lucian. They left us there. Kami nalang ang tao doon at ang nag-iisang kabayo na sa tingin ko ay ang sasakyan namin.

It was bigger than I thought.. Tama nga ba 'tong pinasok ko?

"Mauna kang sumakay.." he said. "All you have to do is put your foot here in the stirrup then just jump in. Parang aangkas ka lang sa motor." paliwanag niya.

The horse was high but I didn't let that scare me.

Tulad ng sinabi niya ay inilagay ko sa stirrup ang paa ko at tuluyan na sumakay sa kabayo. Inalalayan niya naman ako and that's what made it easier.

Agad akong nalula sa taas tapos kong makasakay.. "Lucian, I'm scared. Gusto ko nang bumaba." sabi ko habang nakakapit nang mahigpit sa kamay niya.

"Maxine, chill out. I'll be joining you, no need to be scared."

I was too busy minding my business. Binalot ako ng takot nang gumalaw nang kaunti ang kabayo. Bwiset!

But then, I felt him behind me. I felt hands surrounding my waist. I felt him holding the rope attached to the horse.

Agad akong tumalikod para tignan si Lucian.. His face was inches away from mine. "Akong bahala." saad nito.

Binalik ko ang tingin ko sa harap. Sakto namang pinalakad ni Lucian ang kabayo na sinasakyan namin. Ang kaninang takot ko ay lumisan. It was all because of him.

Isinandal niya ang ulo niya sa balikat ko. I was stunned, yet I didn't speak.

"Ang ganda.." aniya habang kontrolado niya ang kabayo.

Tumingin ako sa paligid ko.. "Indeed." I said.

Agad niya ring tinggal ang pagkakasandal ng ulo niya sa akin.. Inikot namin ang buong paddock. It was fun lalo na't alam kong hindi niya 'ko pababayaan.

Bigla kong naalala ang oras. I looked at my wrist watch to see what time it is.

"Shit.." I cursed. "Lucian, kailangan na nating bumalik. It's 12:38.." nagmamadaling sabi ko.

Agad niyang pinabilis ang takbo ng kabayo na sinasakyan namin. There's no time for me to be scared dahil mas nakakatakot na mapagalitan ni Mr. Agoncillo.

When he got off of the horse, inalalayan niya 'ko. Agad kaming tumakbo patungo sa room na pinasukan namin kanina.

Hindi na kami umimik pa at mabilis na pumasok sa magkaibang kawarto matapos niyang buksan ang pintuan sa labas.

Mabilisan akong nagpalit ng damit. Iniwan ko nang maayos ang mga nagamit ko sa kama at lumabas ng kwarto. I found Lucian reaching for his car's key.

Walang pag-aalinlangang tumakbo kami palabas sa room. Once we reached the lobby, Dency, the restaurant handler was in the lobby. Agad na iniabot ni Lucian kay Dency ang susi ng kwarto without saying anything while we ran inside the car.

Pinaandar niya agad ang kotse. I checked the time again.. 12:49, almost one in the afternoon.

Hindi na kami aabot.

Nagkatinginan pa kami sa lagay na 'to.. The both of us laughed. What an experience! Pakiramdam ko ay isa akong college student na late na sa klase.

"Pano na 'yan? Hindi na 'ko aabot nito for sure. Lagot na 'ko sa kapatid mo." natatawang sabi ko.

I don't have a choice. Mapapagalitan ako pagbalik sa opisina.

"It's fine. Ako nalang magpapaliwanag sa kanya." sambitla nito habang nagmamaneho.

Tumango ako bilang sagot. Mabuti nalang at hindi gaanong traffic sa ibang dinaanan namin pero syempre kahit ganoon ay hindi pa rin ako aabot.

"It will take half an hour bago tayo makarating sa opisina. Get some rest." aniya.

I nodded at him.

It's my first day being a secretary pero late agad ako after lunch..

I recalled what happend earlier. Hindi ako makapaniwalang nakasakay ako sa kabayo. Kung para sa iba ay madalas nilang magawa 'yon, iba sa akin. This is my first time.. Thankfully, it was Lucian who rode with me.

Biglang tumunog ang cellphone ko. Agad kong tinignan 'yon dahil baka si Mr. Agoncillo na iyon.

Pero, hindi. It's my dad..

Fr: Daddy

Kamusta na? Kakauwi lang namin galing sa tour. Alas-onse na ng gabi rito.

I sighed after reading it. Nakuha pa niya 'kong kamustahin.

Fr: Me

Ok lang po, goodnight.

I wasn't in the mood to talk to him. I wanted to end the conversation that fast. I don't have time for this.

"Stress ka na naman?" tanong ni Lucian na nakapokus sa daan.

"Hindi. Pagod lang." sagot ko.

That's always my excuse. Kapag hindi ako ayos, parati kong sinasabi na pagod ako.

Hindi na muling nagsalita si Lucian. That's where our conversation ended.

Matapos ang ilang minuto na byahe ay nakarating na ulit kami sa kumpanya. After he parked his car, inalalayan niya 'kong bumaba sa kotse.

Sabay kaming pumasok sa loob pati na rin sa elevator. I checked the time.. 1:47 in the afternoon. I am so late.

We reached the office floor.. Kabadong lumabas ako sa elevator kasama si Lucian.

"Stay here at your desk. Ako nalang ang papasok." saad nito at pumasok sa opisina ng kapatid niya.

Pumunta agad ako sa desk ko at umupo. I sat there while looking at Mr. Agoncillo's finished works. Nandito na rin ang mga files na ibinigay ko kanina.

Bumukas ang pintuan ng opisina ni Mr. Agoncillo at tumambad sa akin si Lucian.

"Wala si Cloud.." aniya.

Agad 'kong tinawagan si Mr. Agoncillo. What if something happend to him? What if he got sick?

Sumagot rin agad siya.. "Mr. Agoncillo, I just found out you're not inside your office. Nasaan ka po?" nag-aalalang tanong ko rito.

"I went home since wala namang importanteng ginagawa sa opisina. Pwede ka na ring umuwi, wala naman na ako diyan. Sabihin mo nalang kay Lucian na bumalik na sa opisina niya. Have a good day, Ms. Maxine." paliwanag niya.

Agad akong nakahinga nang malalim. Hindi niya alam na late ako.. Thank God!

"Lucian, nasa bahay na raw ang kapatid mo. Pwede ka na rin daw bumalik sa opisina mo." I said.

Tumango ito at pumasok ulit sa opisina ng kapatid niya.

Tinignan ko kung kumpleto ba at napirmahan ni Mr. Agoncillo ang lahat ng files. I saw two files na walang pirma. There, that's the reason why I always check things.

Ihiniwalay ko ang dalawang 'yon.. Pumasok ako sa opisina ni Mr. Agoncillo kung saan nakita ko si Lucian na nagpapahinga sa sofa na nandoon.

Nilapag ko ang dalawang files na hawak ko sa desk ni Mr. Agoncillo at akamang aalis na nang pigilan ako ni Lucian. Hawak ko na 'yung door lever pero mabilis niya 'kong napigilan.

I hesitated to look in his eyes but still, I did. Once our eyes locked, he pinned me on the door and he started to kiss me roughly.

I started kissing him back, making him want more. It was aggressive but fun. He's out of control and so am I..

I heard him curse softly while I catch my breath.

"Lucian, I need to work.." I said avoiding his gaze.

Dahan-dahan niyang inangat ang tingin ko.. "But do you want to work?" he asked.

His eyes were shining like stars along with his long eyelashes.

"May makakakita sa atin.."

Inabot niya ang bead chain ng blinds at binaba 'yon, dahilan para dumilim ang loob ng opisina at matakpan ang bintana.. He even locked the door behind me.

"Any worries, love?" he asked near my ear.

Lucian's Point Of View

I woke up feeling her head on my chest. She was sleeping peacefully almost on top of me para lang magkasya kami sa sofa.

Papatayin ako ng kapatid ko kapag nalaman niyang dito pa namin ito ginawa. He'll be pissed.

I looked at her sleeping face.. She's beautiful, gorgeous rather.

When I'm talking to her, it feels like heaven. It's like an angel talking to me.

Alam kong masyado pang maaga, but I have decided. She's the one I want to spend my life with. Last night when I saw her, I couldn't take my eyes off of her. Pero nangangamba ako dahil walang kasiguraduhan kung nararamdaman rin ba niya ang nararamdaman ko para sa kanya.

I tasted her lips once again and she woke up. She gave me a sweet smile. A smile that I would want to remember whenever I'm away from her.

"Ayos ka lang ba?" tanong ko sa kanya.

I know that it's my responsibility to take care of her. Lalo na't kung ako ang unang nakasama siya sa ganitong bagay.

"Hmm.." she softly murmured.

"I should take you home, Maxine. Mas mabuti rin kung magpapahinga ka na muna." I offered.

I wanted her to feel how much I care for her. I wanted her to know that I'm not here just for her itself.

"Puwede ba na ganito muna tayo?" she asked. "Kahit saglit lang.." she added.

I smiled at her. She wants me near her and I'm happy to stay like this with her.

Hinimas ko ang buhok nito. Sinigurado kong komprtable siya sa puwesto niya. If this is love, then I want it.

Gustuhin ko mang iwasan siya dahil sa magiging kalagayan niya kapag kasama ako, mas nananaig pa rin ang nararamdaman ko. Mas nananaig pa rin ang pagnanais ko na makatabi siya.

I know she's not perfect, but she was more than enough for me. She's now the reason why I want to live.

Alam kong masyadong mabilis pero alam kong iba siya. Alam ko rin na masyado siyang inosente para sa akin, but I really want her. I really do.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status