Share

O2

Penulis: Binibini
last update Tanggal publikasi: 2026-09-19 16:03:50

Chapter O2_Messed Up

“Ano ba?!” sigaw ko sa lasing na lalaking nasa tabi ko. Sa sobrang kalasingan ay kung ano-anong kahalayan na ang ginagawa. “Sir, konting respeto naman po!”

​Kahit ayaw makinig ng sira-ulong 'to, pinilit ko pa ring magsalita. “'Yang babae niyo na lang sa kabila ang hawakan niyo at 'wag ako! Hindi kasama sa trabaho ko 'yang ginagawa niyo!”

​Mabilis akong tumayo para umalis sa mesa nila, kaso nagawa pa talaga akong higitin ng kumag sa baywang! Pwersa akong napaupo sa kandungan niya.

​“Hoy, babae! Anong respetong pinagsasabi mo, ha?!”

​Napangiwi na lang ako at napatakip ng ilong sa sobrang baho ng hininga ng bwisit. Lasing na lasing na talaga at wala nang ginagawang matino sa sarili!

​“B-Bitawan niyo ako!” Sinubukan kong baklasin ang kamay niyang nakapulupot sa baywang ko, kaso lalo niya lang itong hinigpitan. Kainis!

​“Miss, pagbigyan mo na! Hindi ka na lugi diyan, malaki magbayad 'yan,” sulsol pa ng kasama niyang lalaki sa mesa. Kunsintidor pa ang p*tangina! Mukha ba akong pera sa paningin ng mga 'to?!

​“Sir, bitaw sinasabi!”

​Ayaw niya pa rin akong bitawan, kaya wala na akong choice. Iniyuko ko ang ulo ko at buong lakas na kinagat ang mga ngipin ko sa braso niyang nakahawak sa akin!

​“Aray! Ano ba?!” galit na usal ng lalaki nang mabitawan niya ako sa wakas. “Napaka-OA mo! Feeling mo naman malinis ka! Bayaran ka lang din naman dito!”

​Inis na inis kong naikuyom ang aking mga kamao. Dinampot ko ang nakatayo pang bote ng cold beer sa mesa at walang alinlangan kong ibinuhos ang buong nilalaman niyon sa mukha niya!

​“The fuck?!”

​“Magpalamig ka muna, Sir... Masyado ka kasing saksakan ng yabang,” malamig kong hirit.

​Nang makuntento ay mabilis akong tumalikod, pero agad ding pumatak ang kaba sa dibdib ko nang harangan ako ng dalawa niyang kasama. Shit!

​“Sa tingin mo ba makakaalis ka nang ganun-ganun lang, ha?!” asik ng lalaking may tattoo sa leeg. Feeling ko pa nga ay nakadroga ang mga 'to—kahit paiba-iba ang kulay ng ilaw sa bar, halatang-halata na halos lumuwa ang mga mata nila na kasi nga high na high ang mga kumag.

Lumapit iyong isa at walang pasabi akong marahas na tinulak sa dibdib.

​“Ah!”

​Mabilis akong napadaing nang marahas nila akong itulak dahilan para matumba at mahiga ako sa malambot na sofa.

​“Hawakan niyo 'yan!” utos nung lalaking nabasa ko ng beer.

​Mabilis akong nagpumiglas nang hawakan ng dalawa ang magkabilang braso at kamay ko. Nagsimula nang humahaginit ang pintig ng dibdib ko sa matinding takot.

Mga h*******k! Paano ako makakahingi ng tulong dito kung ilegal ang bar na 'to? Ang mga tao sa paligid, iniiwas lang ang tingin sa amin—walang sinoman ang may paki kahit anong mangyari sa akin dito!

​“Sige! Subukan mo lang lumapit sa akin at sisiguraduhin kong hindi mo na magagamit 'yang betlog mo!” banta ko nang maglakad siya pabalik sa akin habang nagtatanggal ng sinturon.

​Pinagtawanan lang ako ng tatlo at kinutya pa. P*ta!

“Narinig niyo 'yon?!” Parang baliw na tumawa ang kumag habang nakatitig sa akin. “Parang kung sinong makapagsalita! Akala mo naman kung sinong nagmamalinis, 'no?!”

​“Hayaan mo, Boss! Tatahimik din 'yan mamaya at magmamakaawa sa 'yo kapag nakatikim na!” sulsol pa ng lalaking nakahawak sa kaliwang braso ko.

​Lumingon siya sa akin at halatang-halata sa mga mata niyang gusto rin niyang makisali. Potangina niyo! Ang bababoy niyo!

Sinubukan kong mag pumiglas kaso walang effect! Kaya sumigaw na ako.

​“Tulong! Tulungan niyo ako!” sigaw ko nang subukan na akong hipuin ng bwisit na 'to.

​Gumapang ang kamay niya papunta sa mga hita ko at nasisiyahang hinihimas-himas at inaamoy iyon.

​“Ugh! Fuck... Ang bango at ang kinis!”

​“Tangina! Ang sarap niyan, Boss!” parang mga baliw na pinag pye-pyestahan ako ng mga ito.

​“Ahhhh! Tulong!” Nandidiri akong nagsisigaw pero walang may gustong tumulong sa akin.

​Mas bumilis ang kabog ng dibdib ko nang umakyat na ang kamay niya sa may tiyan ko. Handa na niyang iangat ang suot kong damit nang bigla na lang nanlaki ang mga mata ko—bumagsak ang lalaki sa ibabaw ko!

​“Fuck?! Boss?!”

​Mabilis akong nabitawan ng dalawa niyang kasama, kaya nagkaroon ako ng pagkakataong itulak ang lalaking nawalan ng malay sa ibabaw ko. Gumulong siya papunta sa sahig at nauntog pa nga ang ulo, pero wala na akong paki! Sarap pa ngang sabunutan, kaso kailangan kong tulungan ang lalaking sumagip sa akin! Gago! Nagka rambolan na nga sa loob ng bar.

​“Halika na!” Hinawakan ko ang pulso ng lalaki para hilahin siya... pero napatigil ako nang tumambad sa akin ang kaniyang mukha.

​“A-Alex?!”

​“Watch out!”

​Napapikit ako nang walang pasabi niya akong hinila palapit sa kaniya at niyakap nang mahigpit.

​CRASH!

​Ang kasunod ko na lang na narinig ay ang pagkabasag ng bote ng beer. Bigla akong natakot kaya agad ako nag-angat ng tingin sa kaniya.

​“Are you fine, hm?” ​Malambot at halos ibulong na lang niya iyon sa akin. Dumapo ang pag-aalala sa malalamig niyang mga mata. Hindi ko halos mawari kung ano ang tunay niyang nararamdaman habang nakayakap sa akin sa gitna ng gulo, sa gitna ng ingay, parang kami lang dalawa ang naroroon.

​Napakapit ako sa basang polo niya. Amoy na amoy ko ang halo ng mamahaling pabango at ang amoy ng alak na tumapon sa kaniya dahil sa pagprotekta sa akin.

​Bakit kailangan niya pang gawin 'to? Bakit kailangan niya pa akong iligtas kung gagamitin at bibilhin niya rin naman ang buhay ko?

Tangina! Hindi ko siya maintindihan.

.

​Naiinis akong napakagat-labi. Nang mapagtanto ang sitwasyon naming dalawa. Siya pa talaga ang nasapol ng bote na dapat pala ay sa akin tatama! Bwisit!

​“Stop protecting that whore! Pipirahan ka lang niyan!” sigaw nung isang kasama. Two man down na pala nagawa nitong Alex at ngayon mag isa nalang na galit na galit sa amin iyong may tattoo sa leeg.

​Naramdaman ko ang mabilis na pagtaas-baba ng dibdib ni Alex at ang agad niyang pagbitaw sa akin. Sumama sa hangin ang amoy ng kaniyang mamahaling pabango bago niya ako biglang tinalikuran.

​“That’s none of your fucking business!”

​Napasinghap na lang ako nang direktang patamaan ni Alex ng suntok ang ilong ng lalaki, na agad napadaing habang dumanak ang dugo sa ilong nito.

​Hindi pa naproproseso ng utak ko ang mga nangyayari nang mabilis na uli niyang hawakan ang pulso ko para ilayo sa lugar na 'yon.

​“Let’s go.”

​Wala sa sariling nagpatianod ako sa kaniya habang gulong-gulo ang isip ko. Basa ang suot niyang itim na polo at bakat na bakat ang matipuno niyang katawan. Hindi ko mapigilang madapo ang tingin sa mahigpit niyang hawak sa kamay ko

.

​Hindi rin mapigilang maglakbay ng utak ko sa kung ano-anong bagay... lalo na kapag nakikita ko kung gaano kalaki at kaugat ang mga kamay niya.

​Fuck... Ang hahaba ng mga daliri. Sarap namang gawing ano...

“What do you think you’re doing?!”

​Nanlalaki ang mga mata kong tinitigan siya sa mukha nang naiinis niya akong singhalan. Bakit ba siya nagagalit?!

​“Bakit ka ba nagagalit, ha?!”

​Marahas niyang hinaplos ang kaniyang mukha at humugot ng malalim na hininga bago ako muling hinarap.

​“That bar you're working at is fucking dangerous!” inis niyang itinuro ang pintuan ng bar lobby. Nasa labas na kami at para kaming magkasintahang nag-aaway sa gitna ng parking space.

​“Well, that's my job! Ano namang paki mo kung delikado roon?!” Ano bang problema ng lalaking 'to? Pati ba naman trabaho ko, pakikialaman niya?!

​“Damn it! You almost got raped! Hindi mo pa rin ba nage-gets?!”

​“Eh bakit ka ba kasi nangingialam?! Buhay ko 'to! At hindi lang 'to ang unang beses na nangyari 'yon sa akin, kaya sanay na ako! Kaya kong iligtas ang sarili ko roon, kaya bakit kailangan mo pang makisali?!” siguradong sermon na naman kay Boss Vic ang abot ko nito bukas!

“Hindi naman pala first time nangyari?! Bakit kapa nag tatrabaho diyan?!” singhal nito sa akin.

​Galit ako napatingin sa mga mata niya. Galit na galit ako kasi tama siya. Galit ako sa kaniya kasi napaka pakialamero niya!

​“You can find a decent job! Why always go after the money, huh?!”

​Parang may tumusok na karayom sa dibdib ko nang bitawan niya ang mga salitang 'yon. Hindi lang pala siya pakialamero. Madali rin palang mang husga!

​“Fuck you!”

​“Now you’re cursing me because I’m right,” malamig niyang panggagatong. Nagsimulang manubig ang mga mata ko sa matinding inis. “Is it true? Pera lang talaga ang habol mo sa mga lalaki sa loob ng bar na 'yan?!”

​“Wala ka na roon! Wala akong paki kung ano man ang gusto mong isipin at sabihin tungkol sa akin kasi buhay ko 'to! You’re just a dimwitted stranger who keeps infesting my damn life!”

​Mabilis ko siyang tinalikuran. Ayaw ko nang makarinig pa ng kahit anong lalabas sa bibig niya. Sumosobra na siya.

Tangina!

​“Let me go! Ano ba?!” sigaw ko nang bigla niyang hawakan ang pulso ko.

​Sinubukan niyang hulihin ang tingin ko. Tinitigan niya ako sa mga mata at pilit kong iniiwas ang tingin sa mga mata niyang parang nagmamakaawa sa harapan ko.

​“Work with me, Aubrey. Name your price and I'll fucking triple the salary you're getting in that bar,” parang nagsusumamo siyang 'wag kong tanggihan ang alok niya.

P*tanginang buhay 'to! Bakit ba ayaw akong tantanan ng h*******k na 'to?!

​Buong lakas kong binaklas ang kamay niya. Taglay ang buong poot sa dibdib, dumiin ang bawat salitang ibinato ko sa kaniya.

​“Eat your goddamned money!” mas lumakas ang kalabog ng dibdib ko, “I.Said.I.Dont.Want.To.Work.With.You!!!”

Bago ko man siya tuluyang talikuran ay dinalda ko ang laway ko at dinuraan siya mismo sa mukha. “At i*****k mo sa baga mong hindi mo ako kayang bilhin!”

​Ramdam ko ang matatalim niyang titig na parang sumasaksak sa likod ko habang mabilis akong naglalakad palayo. Kahit nahihirapan akong huminga sa bigat at sikip ng dibdib, pinilit kong humakbang palayo sa kaniya.

​Kinamumuhian ko siya! Kailangan niya ba talagang laging ipamukha sa akin na mukha akong pera?! Na kaya ko pinagtitiisan ang trabahong 'yon ay dahil malaki ang sahod?! Bwisit siya! Hindi ko naman hinihingi ang opinyon niya!

~

​“Sir?”

​Kababalik lang ng kaniyang assistant mula sa loob ng bar. Inabot nito ang kaniyang tablet na naglalaman ng mga kuhang larawan ng asawa ni Alex na may kasamang ibang lalaki sa VIP section.

​Alexander's eyes darkened as he stared at the screen. Mabilis na nagngitngit ang kaniyang bagang nang makitang nakakandong ang kaniyang asawa sa ibang lalaki. Nalaman niyang dito madalas pumunta ang babae, kaya sinundan niya ito nang magpaalam itong may kikitain daw na mahalagang kliyente.

​Susundan niya sana ang asawa sa VIP room, pero may biglang kumuha ng kaniyang atensyon—si Aubrey, hawak-hawak ng dalawang lalaki sa magkabilang braso habang may nakadagim-dagim na lalaki sa ibabaw nito.

​Ayaw niyang maghanap ng gulo, pero hindi nakaligtas sa kaniya ang panginginig ng boses ng dalaga habang nagmamakaawa at humihingi ng tulong. Kaya bago pa man niya mapigilan ang sarili, dumampot siya ng bakanteng bote ng beer at walang alinlangan itong ibinato sa ulo ng lalaking akmang huhubaran si Aubrey. Mabilis na nawalan ng malay ang gago at bumagsak sa ibabaw ng dalaga.

​Napaaway pa siya nang dahil doon... Tapos ang makukuha niya lang mula sa dalaga ay galit, mura, at pambabastos sa halip na pasasalamat sa pagliligtas niya rito.

​“Sir? M-May sugat po kayo sa ulo...” kabadong wika ng assistant nang makitang may dugong pumatak mula sa noo ni Alex.

​Alexander wiped the blood away with his thumb and stared at it. Imbes na mainis o matakot, isang mababang tawa ang kumawala sa kaniyang dibdib habang nakatingin sa sariling dugo.

​“Nasty...” mahihiwagang sambit niya habang bakat ang matinding pagnanasa sa kaniyang mga mata. “You just keep making me want you more, Aubrey.”

​Inayos niya ang kaniyang damit at huling itinapon ang tingin sa eskinita kung saan tuluyang nawala si Aubrey, bago dahan-dahang pumasok sa loob ng kaniyang sasakyan.

Mabilis na pumasok ang assistant sa driver's seat at inihanda ang sasakyan.

​“Spread those pictures all over the internet by tomorrow morning. Make sure it looks anonymously taken. Let's see what happens next,” malamig na utos ni Alex habang nakatingin sa labas ng bintana.

​“Masusunod po, Sir.”

​Pinaandar ng assistant ang kotse. Bago pa man isandal ni Alex ang kaniyang ulo sa headrest ng upuan, may huli pa siyang ibinilin patungkol kay Aubrey.

​“How old did you say her son is?”

​“Two years old po, Sir,” mabilis na sagot ng assistant.

​Two years old...

​Dumilim ang paningin ni Alex habang gumagapang ang isang importanteng alaala sa kaniyang isip. “Have you found my son’s whereabouts yet?”

​Nabalitaan niyang may nakapulot sa kaniyang anak noong nawala ito dalawang taon na ang nakararaan. Sinubukan niyang matunton ang taong nakakita sa bata, pero mabilis na naputol ang bakas nito.

​Malungkot na sumulyap sa rearview mirror ang assistant bago dahan-dahang sumagot.

​“Sir, we still haven't found any solid clues about your son's whereabouts...” Agad ding nagdagdag ang lalaki nang makitang gumuhit ang pait sa mukha ng kaniyang amo.

“Pero tuloy-tuloy pa rin po ang paghahanap ng ating mga tauhan, kaya 'wag po kayong mag-alala, Sir.”

​Pumikit si Alex at isinandal ang ulo. Ang dalawang taong gulang na anak ni Aubrey at ang nawawala niyang sariling anak...

​Coincidence? I don't fucking think so.

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • His Obsession, Her Lihim    15

    Chapter 15_Win or Lose? ​“Enough!” Alex's voice roared. Galit na galit na ito. ​Pero ang mas masakit... ay iyong ikaw ang akala mong kakampi, pero sa iba siya nakatayo at nakatabi. ​“Alex... my hair...” umiiyak na sumbong ni Cassandra. ​Mas lalong nanlaki ang mga mata kong napatingin kay Cassandra nang may dugong biglang lumabas mula sa ilong niya. ​“Fuck?! Hon! Your nose is bleeding!” ​Hon? Again?! ​“Alex... I... I—” Hindi na natuloy ni Cassandra ang kaniyang sasabihin nang bigla itong mawalan ng malay, pero kaagad ding nasalo ni Alex ang walang-laban nitong katawan. ​“Anong nangyayari?” ​“Step back, Aubrey!” galit na usal ni Alex sa akin. ​May matinding galit sa kaniyang mga mata at tingin, at sa hindi maipaliwanag na dahilan... bakit biglang sumisikip nang ganito ang dibdib ko?! ​“I... I didn't mean to put her in that situ—” ​“Stop, Aubrey. I didn't ask you to explain!” marahas na putol kaagad sa akin ni Alex. ​Bakit parang ako pa yata ang sinisisi ni Alex

  • His Obsession, Her Lihim    14

    Chapter 14_Riot“Alex!”​“Alex!!”​“Alexander!!!”​Boses iyon ng magaling niyang asawa mula sa ibaba. Matinis, maingay, at purong kaartehan. Nakakapanggigil.​“You,” turo sa akin ni Alex, his voice instantly dropping to a stern, serious tone. “Wait here.”​Hindi na niya ako hinintay na makasagot at mabilis nang lumabas ng pintuan, leaving me alone in the vast master bedroom.​“Guess what, Aubrey?! The legal wife is officially here!” sarkastiko kong bulong sa sarili. I forced my body to move and get out of bed. Kasi siyempre, hindi tayo papahuli sa balita, 'no!​Dahan-dahan akong bumaba mula sa kama. Kahit mahapdi at sumasakit pa ang pagitan ng mga hita ko—ayos lang! Mas importante ang makasagap ng tsismis at panoorin ang gulo kaysa magmukmok lang dito sa loob!​“What are you doing here, Cassandra?!” rinig kong malamig ngunit mariing sigaw ni Alex mula sa ibaba.​Nanatili akong nakasilip sa bahagyang awang ng pinto ng kuwarto, talagang itinapat pa ang tainga para marinig ang bawat deta

  • His Obsession, Her Lihim    13

    Chapter 13_Casandra “Allegations that Mrs. Fernandez was caught cheating on her husband, Alexander Fernandez?!” ​Nanginginig na binasa ni Cassandra ang mga headlines na patuloy na nagme-mention at nagta-tag sa kaniyang social media accounts. ​Every photo and video was crystal-clear evidence. Ang mismong mamahaling SUV na ginamit nila ni Luis... ang kapansin-pansing pag-uga ng sasakyan... at maging ang mga walang-habas nilang gawain sa loob ay perpektong nahagip ng camera! ​“This is insane!!! Sinong kumuha nito?! No! No... Alex must not see this!” iyon agad ang pumasok sa utak niya. ​Hinding-hindi na niya napansin ang tahimik na pag-iyak ni Sam sa kaniyang harapan dahil siya mismo ay tuluyan nang nawawala sa kaniyang sarili. She was practically spiraling into utter panic, hindi alam kung ano ang dapat unahin. Hindi pa rin umuuwi si Alex at wala siyang kaplano-plano kung paano ito haharapin kapag nalaman nito ang balita. ​“Mommy...” ​Cassandra knelt down, marahas na hinawak

  • His Obsession, Her Lihim    Chapter 12_Passionate Moments

    Chapter 12_Passionate Moments “Ugh! Ugh! Ugh! Sige pa, Alex! B-Bilisan mo pa, ohhhh...” ​Ang mga ungol ko ay patuloy na humahalo sa gabi habang walang humpay ang bawat malalim at mabilis na paggalaw sa akin. Pareho kaming lulunod sa matinding sarap, completely lost in the rhythm we created together inside the quiet car. ​Dahan-dahan niyang iniyukayok ang kaniyang mukha sa aking dibdib—his warm, teasing lips driving me insane as he playfully tasted my left nipple while his other hand massaged and claimed every inch of my aroused right nipple. ​Napahigpit ang kapit ko sa kaniyang malapad na likod. Sa bawat baon at paggalaw niya, idinidikit ko ang aking mga kuko sa kaniyang balat—marking him, leaving deep scratches that matched the raw intensity between us. ​Our bodies were pressed flush against each other, parehong naglalagablab sa matinding init at pagnanasa habang nagkakaisa ang mabilis at abot-abot naming mga hininga. ​“Ughhh! I-I'm coming, Alex!... Ugh! Ugh! Ughhh... Bil

  • His Obsession, Her Lihim    Chapter 11_SPG-18

    “Let's have sex, Alex. Tell me exactly how they do it... Let's fucking do it, too!” ​“Yeah... let's do it, Aubrey.” ​Alex captured my lips once more in a fierce, intoxicating kiss. This time, I wasn't resisting. I kissed him back with equal hunger, wrapping my arms tightly around his neck and pulling him closer. ​He was completely over me, heavy and solid in the tight space of the car. Ramdam na ramdam ko ang init ng nagbabaga niyang mga palad habang dahan-dahang gumagapang iyon mula sa aking mga hita, pumapailalim sa manipis at malamig na tela ng aking bestida. ​​“Every touch felt like wildfire against my bare skin.” Napanatag ang dibdib ko sa pagitan ng aming mga hingal, totally giving in to the darkness of the night. ​Napakapit ako nang mahigpit sa buhok ni Alex nang maramdaman ko ang pagapang ng kaniyang palad paatras. In a single swift, desperate movement, he tore away the delicate lace beneath my dress, leaving me completely vulnerable under the thin layer of my nightwea

  • His Obsession, Her Lihim    Chapter 1O_The Gala

    Chapter 1O_Forbidden ​“Ugh! Ugh! Ugh!” ​Malalakas at walang pakundangang ungol ang umuuga sa loob ng itim na UV car. Maging ang mismong sasakyan ay umiindayog sa bawat galaw na ginagawa nila sa loob. ​“Ugh! Sweetheart! Ang sarap-sarap mo talaga... Hmmm...” kasunod nitong panibagong ungol na mas lalong nagpayanig sa sasakyan. ​Isang mapait at mamamatay-taong ngiti ang iginawad ni Alex sa kaniyang mga labi bago naiiling na nagtipa sa selpon—halos mabasag ang screen sa di-makataong diin ng kaniyang mga daliri. Dala ng matinding galit at pagkamuhi sa tahasang pagtataksil na ginagawa ng sarili niyang asawa... kasama ang sarili nitong stepbrother. ​Nag-ring ang kabilang linya, at sa pangatlong beses ay may sumagot din. ​“Alex? B-Bakit?” Boses iyon ni Aubrey. Ang babaeng binayaran mismo ni Alex para guluhin ang sarili niyang buhay. ​~ ​Gagi! Ang lamig! ​Mabilis na tumatagos sa suot kong spaghetti-strap dress ang malamig na simoy ng hangin sa gabi habang naglalakad ako patungo sa isa

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status