Compartilhar

O1

Autor: Binibini
last update Data de publicação: 2026-09-19 16:03:00

Chapter O1_Aubrey Eloise

​“Sampung milyon. Kapalit ng mama mo.”

​Natawa si Jacob sa naging biro ko. Napangiti ako habang pinisil ang tungki ng kaniyang ilong bago siya ginawaran ng isang mabilis na halik sa pisngi.

​“Ang cute-cute talaga ng baby ko!”

​Hindi ako nakuntento. Dahan-dahan ko siyang inangat mula sa kaniyang crib at pinalibutan ng aking mga bisig.

​“Hoy, Aubrey! Gabi na. Huwag mo nang masyadong patawanin 'yang bata at baka mahirapan nang makatulog,” saway sa akin ni Mommita habang hawak ang botelya ng gatas ni Jacob.

​“Mik... Mommy... mik...” giit ni Jacob habang nagmamalot sa aking kandungan. Mapapangiti ka na lang talaga dahil hindi pa siya masyadong nakakapagsalita nang maayos.

Linga-linga siya sa paligid habang nakatingin sa gatas, kaya agad ko na siyang inabot kay Mommita.

​“Mummum?..” huling sambit ng maliit niyang boses bago siya inihiga ni Mommita at pinadede.

​“Tita, kumusta po kayo rito? Hindi naman po ba masyadong nagpapasaway itong si Jacob sa inyo?” tanong ko. Sa sobrang abala ko sa trabaho sa bar at sa paghahanap ng panggamot kay Mama, tuwing umaga lang ako nakakadaan nang maayos sa kanila.

​“Ayos lang naman, Aubrey. Huwag mo kaming alalahanin. Napakabait na bata nitong si Jacob... mana sa 'yo,” nakangiting sagot ni Tita na agad nagpagaan sa mabigat kong dibdib.

​“Jacob, baby...” Hinimas ko ang kaniyang malambot na buhok habang abala siya sa pagdede. Bahagya siyang tumingala sa akin at nagpa-cute.

​Lumalaki na talaga ang anak ko. Mas nagiging makulit siya kaya sana lang ay hindi niya masyadong pinapahirapan si Tita.

​“Siya nga pala, Aubrey...” tila may naalalang sabi ni Tita.

“Kailangan na pala natin ng bagong stock para kay Jacob. Palapit na kasing maubos ang gatas at diapers niya. Mayroon pa namang tatlong stock ng wipes, pati na rin 'yong vitamins niya.”

​“Sige po, Tita.”

​Humugot ako ng pera sa aking wallet. Pagkabukas ko niyon, tumambad sa akin ang limang libong buo at tatlong tig-fifive hundred. May kaunting barya rin ako na pampasahe sa jeep pabalik-balik.

​Kinuha ko ang isang libo at inabot iyon kay Tita. Kaagad namang gumuhit ang ngiti sa kaniyang mukha.

​“Kapag may kailangan pa po kayo, tawagan niyo lang ako agad, Tita, ha?”

​“Salamat, Aubrey. Alam kong may pupuntahan ka pa kaya sige na... puntahan mo na ang mama mo sa ospital.”

​“Babye, baby ko!” Humalik ako sa kaniyang noo bago ngumiting nagpaalam kay Tita.

~

“Ma!”

​Hindi ko mapigilang masaktan habang nakatingin kay Mama. Namamayat siya at nahihirapan man lang iangat ang kaniyang katawan para batiin ako. May balabal na nakatakip sa kaniyang ulo dahil wala na roong buhok, at may nakakabit na dextrose sa kaniyang kamay.

​Kaagad akong lumapit sa lamesa at inabot kay Tita Marie ang pinamili kong prutas, biscuits, at isang litrong tubig para sa kanilang dalawa.

​“Oh, Aubrey! Kumusta ka?” bati sa akin ni Tita Marie habang sumasalo sa mga bitbit ko. Hinayaan ko na siyang mag-ayos niyon.

​Pinilit kong ngumiti kahit nadudurog ang puso ko sa tuwing nakikita si Mama sa ganitong estado—sobrang tamlay at halatang nahihirapan.

​“A... Ayos lang naman po ako, Tita. Si Mama po? Kumusta naman po ang mga chemotherapy session niya?”

​Isa-isang in ihanay ni Tita ang mga prutas sa tray at napalingon sa akin nang magtanong ako tungkol sa lagay ni Mama.

​“Napapagaan naman ng mga session ang pakiramdam niya, Aubrey. Kaso sa tuwing ginagawa 'yon sa mama mo... alam mo na? Panibagong sakit na naman sa katawan ang iindahin niya.”

​Parang may tinutusok na karayom sa dibdib ko nang maramdaman ko ang mainit at panginginig na pagdampi ng palad ni Mama sa kamay ko. Tiningnan ko siya. Pilit niyang hinuli ang mga mata ko at kahit nahihirapan ay nag-angat siya ng boses.

​“W... 'Wag... 'wag mo 'kong a... alalahanin, anak.”

​“Pagaling ka, Ma, ha? 'Di ba sabi mo gusto mo pa akong makitang ikakasal? Hm?”

​Gusto ko mang magpakatatapang, hindi pinalampas ng mga luha ko ang sakit. Mas nadudurog ako dahil mas inaalala pa ni Mama ang nararamdaman ko kaysa sa sarili niyang sakit.

​Bakit ba kasi si Mama pa ang nagka-cancer? Sana sa Papa na lang ibinigay 'to—wala naman 'yong ibang dulot sa amin kundi puro sakit sa ulo! Bwisit!

​“Ahm... Aubrey,” tawag ni Tita. Tapos na pala siyang mag-ayos at may inabot sa aking puting papel.

​Kaagad ko itong kinuha. Masaklap man, pinilit kong huwag ipahalata sa kanila na kulang na kulang ang perang dala ko para rito. Ayos lang, Aubrey. Hahanapan natin 'to ng paraan.

​“Kailan po ang huling araw ng pagbabayad nito, Tita?”

​“Sa katapusan pa naman, Aubrey. Sabi kasi ng doktor, panibagong chemotherapy session na naman ang kailangan dahil patuloy pa rin ang pagdami at pagkalat ng cancer cells sa dugo ng Mama mo.”

​Laban lang, Aubrey. 'Wag kang panghihinaan ng loob kahit pakiramdam mo ay walang nangyayari. Dapat masaya ka kasi lumalaban si Mama.

​Nagpilit ako ng ngiti saka sinagot si Tita. “Sige po, Tita. May trabaho naman po ako kaya mababayaran ko 'to. Saka ito nga pala...”

​Hinugot ko ang pitaka ko at kinuha ang dalawang libong piso para sa pang-araw-araw na gastos ni Tita Marie sa ospital. “Ito muna po, Tita, ha? Sa susunod na lang po ako magdadagdag kapag mas malaki-laki na ang sahod ko.”

​Nahihiya ako dahil ipinangako kong sasawelduhan ko siya, kaso agad na nahahati ang kita ko—may Jacob pa ako at may mga kapatid pa sa probinsya na pinapaaral.

​“Salamat dito, Aubrey. 'Wag mo nang alalahanin ang ibang bagay, malaking tulong na 'to. Alalahanin mo naman 'yang sarili mo, namamayat ka na.”

​Puna ni Tita Marie sa akin. Nginitian ko lang siya. Hindi ko man lang napansin na namamayat na pala ako sa limitadong pagkain araw-araw dahil sa sobrang pagod sa trabaho.

​“Dobleng kayod pa, Aubrey!” paalala ng utak ko bago ako nagpaalam na uuwi muna para magpahinga.

​“Tita, sabihan niyo na lang po ako agad sa susunod na chemo ni Mama, ha?” dagdag ko pa.

​Tumango lang si Tita habang abala na sa pagpupunas ng basang bimpo sa nangingimay na katawan ni Mama.

​Pagkalabas ko ng ospital, kaagad akong nagpara ng jeep para makauwi na. Punuan, kaya kailangan ko pang makisiksik sa loob ng sasakyan. At siyempre, hindi nakaligtas sa paningin ko ang isang lalaki sa tapat ko na kung makatitig sa katawan ko, animo’y walang katabing asawa.

​Wala sa sariling napairap na lang ako. Mga lalaki nga naman! Wala talagang pinipiling lugar!

​“Kuya, paabot po ng pasahe.”

​Naiinis akong nagbawi kaagad ng kamay nang talagang sinadya pa ng p*tanginang 'to na haplusin ang mga daliri ko! Bwisit! Kung hindi lang talaga ako nasasayangan sa ibinayad kong pamasahe, bababa na agad ako rito!

Hindi ko na lang pinansin ang bwisit na lalaking 'yon at itinuon na lang ang pansin sa aking selpon. Inabala ko ang sarili sa pag-i-scroll sa F******k. Maraming memes at nakatutuwang videos ang dumadaan sa feed ko kaya kahit papano ay napapangiti ako sa mga nababasa ko.

​Hanggang sa hindi nakaligtas sa feed ko ang isang video ad ng pinakasikat na kumpanya ngayon—ang H&V Enterprises. Napakalaking kumpanya nito na may-ari rin ng iba't ibang sikat na mall sa bansa.

​Pangarap ko pa naman ang maging secretary balang-araw sa isang ganito katanyag na kumpanya. Pero dahil sa matinding hamon ng buhay... mukhang napalayo ako sa direksyong 'yon. Haysss!,“Buhay nga naman ng isang ate,” wala sa sariling naisip ko.

​Tumingin ako sa labas ng bintana ng jeep nang makitang malapit na ako sa tinutuluyan kong boarding house. Inayos ko ang bitbit kong bag... nang biglang may asungot na naman na nagpapansin sa akin!

​“Hi, Miss Ganda!” hirit nito sa akin nung lalaking nakasabit lang sa estribo.

​Bwisit! Ano ba’ng tingin nila sa mga babae rito? Display? Mga papansin, akala mo naman saksakan ng kagwapuhan! Makababa na nga lang!

​“Kuya, para po!”

​Mabuti na lang at kaagad na huminto si Manong Drayber. Naiinis akong bumaba ng jeep, pero hindi pa rin nakaligtas sa paningin ko ang pagsipol ng kumag habang muling umaandar ang sasakyan.

​“Bwisit!”

​“Kahit kailan talaga, paborito ako ng mga manyak na pangit! Kakadiri!” bulong ko sa sarili habang mabilis na naglalakad.

​Medyo malayo-layo pa ang binabaan ko mula sa tinitirhan kong boarding house, kaya kailangan ko pang maglakad sa eskinita para makarating doon. Hindi rin nakaligtas ang mga paa ko sa maputik na daan at lubak-lubak na semento, kaya mas lalo lang akong nairita.

​Mabuti na lang talaga at hindi ako naka-jeans ngayon! Sigurado akong putikan na naman iyon dahil sa pesteng road project ng barangay na ito—na ang ending, wala rin namang pinagbago! Mga magnanakaw talaga.

​“Hoy! Aubrey!”

​My god! Panibagong sermon na naman mula kay Aling Tendai!

​“Magandang araw po, Aling Tendai.”

​“Anong maganda sa araw, ha?! 'Yung tatlong buwan mong upa—akin na!” Galit na galit siyang nakatitig sa akin. Kulang na lang ay sabunutan niya ako rito sa tapat ng gate. Mabuti na lang at may kaunti pa siyang kahihiyan sa taba niya at boses lang ang kayang ipagmalaki sa akin.

​Nahihiya kong inilabas ang wallet ko. Gusto pa ngang sumilip nitong si Aling Tendai sa loob niyon, pero mabilis ko itong inilayo sa kaniya. Kaya kung ano-ano na naman ang lumabas sa mabaho niyang bibig.

​“Ang ganda ng suot mo ngayon, ah?! Ano? Bigay na naman 'yan ng mga sugar daddy mo sa bar?! Hanep na ganda 'yan! Saan ba nabibili 'yan para lapitin din ako ng mga lalaki, Aubrey?”

​Wala sa sariling nalukot ko ang natitirang ebidensya ng pera sa wallet ko nang sunod-sunod na binitiwan ni Aling Tendai ang mga salitang 'yon. Ang bunganga talaga nito kahit kailan... sarap pikutin! Kung ano-ano ang sinasabi!

​“Ito po para sa tatlong buwan kong upa, Aling Tendai,” malamig kong sambit habang iniaabot ang pera.

​Kaagad namang ikinangisi iyon ng matanda. “Ipapakilala mo naman ako sa mga sugar daddy mo, Aubrey! Mamigay ka naman ng blessings!”

​Ayaw talaga akong tantanan ng bwisit na tambokikoy na 'to!

​“Ayyy... Naku, Aling Tendai! Mahihirapan po akong bigyan ka,” iling ko.

​Kumunot ang noo niya habang sinusukat ako sa mata.

“Hala!? Ba... Bakit naman, Aubrey? May mga asawa na ba?”

​Naikuyom ko sa matinding inis ang mga kamao ko bago siya pinalo ng tingin. “Hindi po... Kasi hindi po bet ng mga sugar daddy ko ang mukhang perang mataba at pangit!”

​“Bwisit kang babae ka!!! Saan ka pupunta?! Bumaba ka rito!”

​Parang baboy na kinakatay sa inis si Aling Tendai nang bigla ko siyang talikuran at nagmamadaling pumasok sa loob ng gusali. Rinig ko pa ang mga mura at sigaw niya mula sa ibaba, pero siyempre, wala na akong paki! Alam ko namang hindi makakatakbo 'yon para habulin ako dahil sa sobrang taba niya—nahihirapan na nga siyang maglakad, how much more ang tumakbo pa?

Tahimik kong binuksan ang lock ng pintuan ng boarding house ko. Alas-otso na pala ng umaga at ngayon pa lang ako makakatulog, tapos sasabak na naman ulit sa trabaho mamayang alas-singko.

Nang mabuksan ko ang p***o, agad akong dumeretso sa banyo para maglinis ng paa. Mabilis ang lakad na tinungo ko ang higaan kong hindi ko na nagagawang ayusin—tulog at kain lang naman kasi ang ginagawa ko rito. Marami akong ibang pinagkakaabalahan sa buhay kaya wala na akong paki kung medyo magulo itong kwarto ko. Boarding house lang naman 'to.

​Bumuga ako ng malalim na hangin at akmang hahayaang malunod ang sarili sa antok nang biglang mag-ingay ang phone ko.

​Ringgggggg...

​Naiinis kong dinampot iyon at tiningnan ang caller I. Isang unknown number. Dahil sa galit at pagod, mabilis ko itong sinagot.

​“Bwisit! Sino ka ba, ha?!” agad kong bulyaw sa kabilang linya. Magpapahinga na nga lang ang tao, may mga asungot pa talagang mangingialam! At saan na naman kaya ang lalaking 'to nakuha ang numero ko?

​Narinig ko muna ang mahinang paghigop ng kape mula sa tasa bago siya nagsalita.

​“About the deal... Have you thought of accepting it, Aubrey?”

​Isang malutong na mura ang kumawala sa isip ko nang mapagtanto ang malamig na boses ng lalaking kausap ko ngayon. Si Alexander Fernandez.

​“Hindi mo ba talaga ako tatantanan, ha?! 'Di ba sinabi ko na sa 'yong ayaw ko?! Bakit ba ang pilit mo?!”

​“I can lay down more offers if you want. You name it. Ano ba'ng pwede kong ibigay sa 'yo para hindi mo tanggihan ang offer ko? Tell me.”

​Bakit ba ang pilit niya?! Marami namang ibang babae diyan, bakit ako pa? Bakit ayaw na ayaw akong tantanan ng lalaking 'to?

​“Kaya mo bang ibalik ang pangarap na nawala sa akin?”

​Parang may kung anong bumara sa lalamunan ko nang sambitin ko 'yon. Mayaman lang siya, pero kailanman ay hindi niya mabibili ang dignidad ko. Ito na nga lang ang natitira sa akin, tapos sisirain pa niya?! Ang kapal din talaga ng mukha ng bwisit na 'to!

​Nang hindi ko siya narinig na sumagot, ipinagpatuloy ko ang galit sa dibdib ko.

​“May pera ka lang, pero buhay ko 'to! Wala kang karapatang bilhin ako kung hindi mo kayang respetuhin ang buhay na araw-araw kong binubuo! Siguro nga mayaman ka at walang problemang kinakaharap araw-araw... pwes, ibahin mo ako! Maghanap ka na lang ng ibang babaeng kayang isakripisyo ang natitirang pagmamahal sa sarili para lang sa pera mo!”

​Hindi ko na siya hinayaang makapagsalita pa. Agad kong pinatay ang tawag at mabilis na pinalitaw ang option para i-block ang numero niya.

~

Meanwhile, in a high-rise penthouse overlooking the skyline...The world that Aubrey Eloise had long dreamed of.

.

​A cold silence stretched across the dimly lit study.

​Alexander Fernandez slowly pulled the phone away from his ear, listening to the flat, repetitive tone of a dropped call. He stared at the screen until it went completely black.

​She hung up on him. Again. This wasn't the first time she left him hanging, but the second. Pero ngayon...desidido na si Alex na kunin at angkinin si Aubrey.

​A low, dangerous chuckle rumbled in his chest as he swirled the dark amber liquid in his crystal glass. No woman had ever walked away from his money, let alone dared to raise her voice and lecture him about dignity.

​“Kaya mo bang ibalik ang pangarap na nawala sa akin?”

​Her words echoed in the quiet room, cutting through his usual composure. A thin, menacing smirk curved on his lips.

​He set his glass down on the mahogany desk, picked up his secondary phone, and dialed a familiar contact.

​“Sir?” his secretary answered on the first ring.

​“Get me everything on Aubrey Eloise,” Alexander commanded, his voice dropping into a razor-sharp whisper. “Her hospital debts, her bar schedules, her family... everything. I want her backed into a corner where her dignity is the only thing left to sacrifice.”

​He leaned back in his leather chair, his dark eyes glinting with a dangerous obsession.

​“Let’s see how long you can keep saying no to me, Aubrey.”

Continue a ler este livro gratuitamente
Escaneie o código para baixar o App

Último capítulo

  • His Obsession, Her Lihim    Chapter 12_Passionate Moments

    Chapter 12_Passionate Moments “Ugh! Ugh! Ugh! Sige pa, Alex! B-Bilisan mo pa, ohhhh...” ​Ang mga ungol ko ay patuloy na humahalo sa gabi habang walang humpay ang bawat malalim at mabilis na paggalaw sa akin. Pareho kaming lulunod sa matinding sarap, completely lost in the rhythm we created together inside the quiet car. ​Dahan-dahan niyang iniyukayok ang kaniyang mukha sa aking dibdib—his warm, teasing lips driving me insane as he playfully tasted my left nipple while his other hand massaged and claimed every inch of my aroused right nipple. ​Napahigpit ang kapit ko sa kaniyang malapad na likod. Sa bawat baon at paggalaw niya, idinidikit ko ang aking mga kuko sa kaniyang balat—marking him, leaving deep scratches that matched the raw intensity between us. ​Our bodies were pressed flush against each other, parehong naglalagablab sa matinding init at pagnanasa habang nagkakaisa ang mabilis at abot-abot naming mga hininga. ​“Ughhh! I-I'm coming, Alex!... Ugh! Ugh! Ughhh... Bil

  • His Obsession, Her Lihim   Chapter 11_SPG-18

    “Let's have sex, Alex. Tell me exactly how they do it... Let's fucking do it, too!” ​“Yeah... let's do it, Aubrey.” ​Alex captured my lips once more in a fierce, intoxicating kiss. This time, I wasn't resisting. I kissed him back with equal hunger, wrapping my arms tightly around his neck and pulling him closer. ​He was completely over me, heavy and solid in the tight space of the car. Ramdam na ramdam ko ang init ng nagbabaga niyang mga palad habang dahan-dahang gumagapang iyon mula sa aking mga hita, pumapailalim sa manipis at malamig na tela ng aking bestida. ​​“Every touch felt like wildfire against my bare skin.” Napanatag ang dibdib ko sa pagitan ng aming mga hingal, totally giving in to the darkness of the night.​Napakapit ako nang mahigpit sa buhok ni Alex nang maramdaman ko ang pagapang ng kaniyang palad paatras. In a single swift, desperate movement, he tore away the delicate lace beneath my dress, leaving me completely vulnerable under the thin layer of my nightwea

  • His Obsession, Her Lihim    Chapter 1O_The Gala

    Chapter 1O_Forbidden ​“Ugh! Ugh! Ugh!” ​Malalakas at walang pakundangang ungol ang umuuga sa loob ng itim na UV car. Maging ang mismong sasakyan ay umiindayog sa bawat galaw na ginagawa nila sa loob. ​“Ugh! Sweetheart! Ang sarap-sarap mo talaga... Hmmm...” kasunod nitong panibagong ungol na mas lalong nagpayanig sa sasakyan. ​Isang mapait at mamamatay-taong ngiti ang iginawad ni Alex sa kaniyang mga labi bago naiiling na nagtipa sa selpon—halos mabasag ang screen sa di-makataong diin ng kaniyang mga daliri. Dala ng matinding galit at pagkamuhi sa tahasang pagtataksil na ginagawa ng sarili niyang asawa... kasama ang sarili nitong stepbrother. ​Nag-ring ang kabilang linya, at sa pangatlong beses ay may sumagot din. ​“Alex? B-Bakit?” Boses iyon ni Aubrey. Ang babaeng binayaran mismo ni Alex para guluhin ang sarili niyang buhay. ​~ ​Gagi! Ang lamig! ​Mabilis na tumatagos sa suot kong spaghetti-strap dress ang malamig na simoy ng hangin sa gabi habang naglalakad ako patungo sa isa

  • His Obsession, Her Lihim    O9

    Chapter O9_Casandra Marquez “A-Alex?” ​“A-Aubrey?!” gulat na sambit ni Alex. ​Nanlaki ang mga mata ni Cassandra habang salit-salitang nakatitig sa aming dalawa. ​“Y-You...” Itinuro niya ako bago mabilis na binalingan si Alex. “You know each other?!!” singhal nito. Halos mamatay pa siya sa gulat habang nagtatanong. O.A. Bwisit! ​Sabi na nga ba’t masama ang kutob ko sa buwisit na amoy ng pabango sa hallway. Pero hindi ko inasahang mapapaaga ang meet-and-greet namin ng legal wife ni Alex. ​So, she's the woman I just insulted at the lobby a while ago? Well, may taste rin pala 'tong si Alex in terms of physical appearance. Pero siyempre, physical lang... bagsak na bagsak kasi siya sa behavior. ​“A-Anong ginagawa mo rito?” nagtatakang tanong ni Alex. ​Wow?! Kung makatanong 'to, akala mo parang sinusundan ko siya! Che! ​I rolled my eyes, saka binalingan ang asawa niyang mukhang gustong-gusto na akong sabunutan. “You've got good taste, Alex...” nakakaloko kong wika, na agad

  • His Obsession, Her Lihim    O8

    Chapter O8_Jacob“A-Ano po?! B-Bakit? Ano pong nangyari kay Jacob?!” ​Hindi ko na alam kung anong gagawin ko. Nanginginig ang buo kong katawan habang natataranta at nagmamadaling pumara ng tricycle. ​“Kuya, sa Santos Hospital po! Pakibilisan po!” kaagad kong hirit sa driver habang sumasakay. ​Mabuti na lang at medyo malapit lang ang ospital mula rito, pero hindi pa rin halos magkasya ang hangin sa mga baga ko dahil sa matinding kaba. Nalaman ko mula sa tawag ni Tita Mommita na mataas daw ang lagnat ni Jacob. Halos manginig at kombulsyon-in na raw sa sobrang init! Mabuti nga at nadala raw kaagad sa hospital. Diyos ko, 'wag naman po... ang baby ko, pakiusap lang! ​Hindi ko na nga magagawang mag-text nang mag-text kay Tita para magtanong sa kalagayan ng anak ko dahil sa sobrang pag-aalala. Tangina naman! Bakit ba sobrang bilis bumawi ng mundo sa akin?! Ayaw na ayaw talaga akong nakikitang masaya, e, 'no?! Napaka basher talaga ng mundo sa akin! Pota! ​Nakahinga lang ako nang kau

  • His Obsession, Her Lihim    O7

    Chapter O7_Son​The glowing screen flipped open on the table between us, revealing a wallpaper he was never, ever supposed to see. ​And that is the cute, chubby face of Jacob—grinning widely at the camera, with his striking, familiar ocean-blue eyes staring right back at us. ​Mabilis kong binaligtad ang phone ko sa mesa nang dumiretso ang tingin doon ni Alex. Well, hindi naman sa ayaw kong makita niya ang anak ko—'cause why would I, right? Ayaw ko lang talagang makialam pa si Alex sa personal kong buhay. Sapat nang alam niya kung saan ako nagtatrabaho at kung anong klaseng buhay ang mayroon ako. ​“Who...” Alex’s voice dropped into a raspy, dangerous whisper. Ramdam na ramdam ko ang biglang pagbilis ng tibok ng pulso ko sa ilalim ng kaniyang ibuho. “Who the fuck is that kid, Aubrey?” ​Bakit ba bigla-bigla na lang 'tong nananakit?! Bwisit! Ang sakit na ng pagkakahawak niya sa pulso ko! ​“None of your fucking business, Fernandez!” Marahas kong hinila ang kamay ko mula sa kaniya

Mais capítulos
Explore e leia bons romances gratuitamente
Acesso gratuito a um vasto número de bons romances no app GoodNovel. Baixe os livros que você gosta e leia em qualquer lugar e a qualquer hora.
Leia livros gratuitamente no app
ESCANEIE O CÓDIGO PARA LER NO APP
DMCA.com Protection Status