 Masuk
MasukMag-aalas dose na ng gabi pero gising pa rin ako.
Kakatingin ko lang sa email ni Luther kanina — > “I don’t want you to walk away. Not yet.” Paulit-ulit kong binabasa, pero bawat ulit, mas lalo lang akong nalilito. Bakit not yet? Bakit hindi na lang don’t walk away at all? Ano bang gusto niyang mangyari? Pinikit ko ang mata ko, pilit pinapakalma ang puso. Pero kahit pilitin kong matulog, siya pa rin ang naiisip ko. Hanggang sa unti-unting naging malabo ang paligid, at doon nagsimula ang panaginip. --- Nasa opisina ulit ako. Tahimik. Madilim. Tanging ilaw lang sa bintana ang nagbibigay ng anino sa paligid. “Celene.” Napalingon ako. Si Luther, nakatayo sa harap ng mesa niya, walang suot na coat, naka-unbutton ang polo, at ‘yung mga mata niya — hindi na ‘yung malamig na tingin na kilala ko. May apoy. May pagnanasa. May sakit. “Bakit mo ‘ko iniiwasan?” tanong niya, mababa ang tono. “Hindi ko kayo iniiwasan,” sagot ko, pero alam kong kasinungalingan ‘yon. Lumapit siya. Mabagal. Hanggang sa maramdaman ko ang init ng hininga niya sa balat ko. “You’re lying,” bulong niya. “Luther…” “Say my name again.” “Luther.” Hinawakan niya ang mukha ko, marahan, parang natatakot. “You have no idea what you’re doing to me.” “Then stop,” sabi ko, halos bulong. “Kung alam mong mali, tigilan mo.” “I can’t,” sagot niya. “I don’t want to.” --- Ang mga kamay niya, umakyat sa pisngi ko, pababa sa leeg, pero hindi nakakasakit. Mainit, marahan — parang bawat galaw ay paghingi ng pahintulot. “Tell me to stop,” sabi niya ulit. Pero gaya ng dati… hindi ko magawa. “Please,” bulong ko, pero hindi ko na alam kung please stop ba o please don’t stop. Hanggang sa maglapat ang labi namin. Mabagal sa una. Tapos mas malalim, mas sabik, parang taon kaming naghintay para dito. Hindi ito halik na biro lang. Ito ‘yung halik na may pag-amin. Na kahit pareho kaming natatakot, pareho kaming nabubuwang sa pagitan ng tama at mali. --- Pero bago pa ako tuluyang lamunin ng pakiramdam, biglang lumiwanag ang paligid. Narinig ko ang tunog ng alarm clock. Beep. Beep. Beep. Napabalikwas ako ng bangon. Humihingal. Basang-basa ng pawis. “Panaginip lang…” bulong ko, hawak ang dibdib. Pero bakit parang totoo? Bakit parang naramdaman ko talaga siya? ‘Yung halik, ‘yung kamay niya, ‘yung boses niya… Napahawak ako sa labi ko. Totoo ba ‘tong nararamdaman ko, o niloloko lang ako ng sarili kong puso? --- Pagdating ko sa office kinabukasan, hindi ko siya nakita agad. Akala ko may meeting siya sa labas. Pero ilang oras lang, dumating siya — naka-itim, seryoso ang mukha, parang walang nangyari. “Good morning, Luther,” bati ko, pilit kalmado. “Morning,” sagot niya, hindi tumingin. Pero nang makalapit siya sa desk ko, huminto siya. Tumingin nang diretso sa akin. “At least you’re talking to me again,” sabi niya, mahina pero malinaw. Ngumiti ako ng mahina. “I’m just doing my job.” “Is that what we’re calling it now?” Napakunot-noo ako. “What do you mean?” “Nothing,” sagot niya, sabay lakad papunta sa opisina niya. Pero bago siya pumasok, tumingin siya ulit sa akin. “Did you sleep well?” Napatigil ako. “Ha?” He smirked. “You look like you didn’t.” --- Buong umaga, wala akong nagawa kundi isipin ‘yung panaginip. Hanggang sa napansin ko siyang nakatingin sa akin mula sa glass wall ng opisina niya. ‘Yung mga mata niya, matalim pero kalmado. Parang… alam niya. Hindi. Imposible. Hindi naman niya alam kung ano’ng napanaginipan ko. Pero bakit parang ganun ‘yung tingin niya — parang alam niyang siya ‘yung dahilan ng walang tulog kong gabi? --- Nang mag-break kami ng tanghali, nag-text siya. > Luther: My office. 1 PM. Don’t be late. Walang context. Pero gaya ng dati, sinunod ko. Pagpasok ko, nakatayo siya sa may bintana, nakatalikod. Tahimik. Ang araw, sumisilip sa blinds, tinatamaan ang gilid ng mukha niya. “You wanted to see me?” tanong ko, pilit casual. “Close the door,” sabi niya, hindi lumilingon. Ginawa ko. At nang lumingon siya, diretso sa mata ko. --- “Did you dream about me?” tanong niya bigla. Para akong tinamaan ng kidlat. “Ano po?” “You heard me.” “Bakit niyo po tinatanong ‘yan?” “Because I dreamt about you.” Napatitig ako sa kanya. “Luther…” He walked closer, mabagal, deliberate. “Do you believe dreams mean something?” “Hindi ko alam.” “I do,” sabi niya. “And mine felt real.” “Luther, please. Don’t—” “Tell me,” putol niya, halos pabulong. “Was it the same?” Hindi ko na alam kung paano huminga. Parang alam niya talaga. Parang may koneksyon na hindi ko maipaliwanag. --- Tahimik siya sandali, tapos ngumiti ng kaunti — pero hindi ‘yung ngiti ng pag-aasar. Ngiti ‘yung puno ng pagkalito. “At least now I know I’m not the only one losing sleep.” “Hindi mo alam anong sinasabi mo,” sabi ko, pero mahina lang. “Then tell me I’m wrong.” Hindi ko masabi. Kasi paano kung hindi siya mali? --- Lumapit siya hanggang halos magdikit ang mga hininga namin. “Celene,” bulong niya. “If dreams are supposed to show what we hide, then I’m done hiding.” “Luther—” “I meant what I said before. I don’t want to want you.” He paused, eyes darkening. “But I do. Every second I see you, every time you look away.” Tahimik. Ramdam kong bumilis ang tibok ng puso ko. “Then what happens now?” tanong ko, mahina. He smiled faintly. “We wake up.” --- At parang literal ‘yung ibig niyang sabihin, kasi bigla siyang umurong, parang binasag ‘yung tensyon sa pagitan namin. “Meeting in ten,” sabi niya. “You’re coming with me.” Napahinga ako nang malalim. Kung akala kong makakatulog na ‘ko ulit nang maayos… nagkamali ako. --- Pag-uwi ko, nakatulala lang ako sa bintana ng bus. Ang mga ilaw ng siyudad, nagsasayaw sa labas. Pero sa isip ko, ang boses pa rin niya ang naririnig ko. > “Did you dream about me?” “Because I dreamt about you.” Bakit parang bawat salitang sinasabi niya, nagiging marka sa puso ko? At habang tumitingin ako sa langit, mahina kong bulong sa sarili ko: “Kung panaginip lang lahat ng ‘to… sana huwag na akong magising.”
Baguio’s mornings never fail to calm me down. Madalas pa rin akong gumising nang maaga—hindi dahil may kailangan akong habulin, kundi dahil gusto ko lang maramdaman kung paano sumikat ang araw habang unti-unting binabasa ng hamog ang mga dahon. Tahimik. Mapayapa. Parang ang lungsod mismo ay humihinga kasama ko. Lumipas na halos tatlong buwan mula nang dumating ako rito. Akala ko sandaling pahinga lang, pero ngayon, parang dito ko na rin natagpuan ang sarili kong hindi ko kilala noon. May bagong ritmo ang buhay ko—simple, mabagal, pero totoo. Sa café, mas kabisado ko na ang mga regular na customer. Si Ate Mila na laging nag-o-order ng cappuccino tuwing 9AM. Si Kuya Ben na mahilig magbasa ng dyaryo sa sulok. At ‘yung mga estudyanteng dumadaan lang para sa mabilis na kape bago magklase. Lahat sila, parte na ng araw ko. At sa bawat “good morning” na binibigay nila, nararamdaman kong unti-unti kong nabubuo ulit. Pero kahit gano’n, may mga sandaling napapatigil pa rin ako. Kapa
Ilang buwan na mula nang iwan ko ang Maynila, pero minsan parang kahapon lang ang lahat. Ang mga alaala, hindi naman talaga nawawala — humihina lang, tapos biglang babalik kapag tahimik na ulit ang gabi. Dito sa Baguio, nasanay na ako sa simpleng takbo ng araw. Gumigising ako bago sumikat ang araw, nagtitimpla ng kape, at tinitingnan kung paano nagiging ginto ang langit habang unti-unting bumababa ang hamog sa mga puno. Kung dati, bawat umaga ay umpisa ng panibagong stress, ngayon isa na lang itong mahinahong paghinga. Pero kahit anong gawin ko, may mga oras pa rin na nadidinig ko ang boses niya sa isip ko — kalmado, mababa, at pamilyar. “Focus, Celene.” “Relax.” “Look at me.” Napapailing ako tuwing naaalala ko ‘yon. Kasi kahit gusto ko na siyang burahin sa utak ko, parang kabisado na ng katawan ko kung paano siya pakinggan. “Celene!” tawag ni Tita Nora mula sa ibaba. “May delivery, baka gusto mong ikaw na mag-asikaso.” “Okay po, pababa na!” Bago ako bumaba, sinilip ko m
Baguio mornings always start with a chill that seeps through the skin. Kapag binubuksan ko ang bintana sa umaga, bumabati sa’kin ang hamog at amoy ng pine trees — malamig pero mapayapa. Sinasabi ng mga tao, ang lamig daw ay nakaka-linis ng isip. Pero sa totoo lang, kahit ilang araw na akong nandito, mainit pa rin sa loob ng dibdib ko. Kasi doon nakatira lahat ng alaala niya. Tatlong linggo na akong malayo sa Maynila. Sa una, masaya akong umalis. Ang sabi ko sa sarili ko, kaya ko ‘to. Magpapahinga lang, hihinga lang sandali. Pero habang tumatagal, nare-realize kong hindi pala madaling takasan ang mga bagay na hindi naman nakikita — tulad ng boses niya, o ng paraan niyang tumingin na parang siya lang ang nakakaintindi sa’kin. “Celene, kain ka na,” tawag ni Tita Nora mula sa kusina. “Susunod po,” sagot ko habang nagsusuklay sa harap ng salamin. Pagbaba ko, may mainit na sinangag, longganisa, at kape. Simple lang, pero sapat para mapangiti ako. “Ang tahimik mo pa rin ah,” sabi ni T
Pagising ko kinabukasan, parang ang bigat-bigat ng hangin. Parang bawat paghinga ko may kasamang tanong na walang sagot. Kagabi, sinabi niyang “Go home, Celene”, at kahit ilang ulit ko nang binabalikan ‘yung boses na ‘yon, hindi ko pa rin alam kung paalam ba o pakiusap. Nag-shower ako, nagsuot ng damit na pinakapormal ko, pero kahit anong ayos, halata pa rin ‘yung lungkot. Pagharap ko sa salamin, hindi ko na makita ‘yung babaeng nakangiti habang nagta-trabaho sa ilalim ng isang demanding na boss. Ngayon, babae na akong natutong magmahal sa maling oras. Sa opisina. Tahimik. Lahat abala sa kani-kanilang report. Pagdating ko, ilang segundo lang, narinig ko ang tunog ng elevator. Si Luther. Nakasuot ng navy suit, seryoso, pero maputla. Parang hindi rin nakatulog. Hindi siya tumingin sa akin, at ako naman, pinilit kong huwag mag-react. Parang dalawa kaming estranghero na nagkakilala lang sa panaginip. “Celene, prepare the draft for the board,” sabi niya. “Noted, sir.” Porma
The next morning, pagmulat ng mata ko, bigla kong na-realize kung gaano kabigat ‘yung gabi kahapon. Ang hangin sa paligid ko parang puno ng mga salitang hindi namin nasabi. Kahapon, halos magtagpo na ulit ‘yung mga labi namin, pero pareho kaming umatras — takot, pagod, at marahil ay parehong sugatan. Pag-alis ko sa condo, dala ko pa rin ‘yung bigat ng gabi. Yung lamig ng boses niya, yung titig na halos sabay humihingi ng tawad at nagpapaalam. Bakit ba kasi gano’n? Kapag malapit na, saka siya lumalayo. At kapag gusto kong lumayo, saka siya lumalapit. Pagpasok ko sa opisina, parang normal ang lahat. Mga empleyado abala sa kanya-kanyang trabaho, may tumatawa, may nagkakape. Ako lang ‘yung tahimik, pilit na normal, pero ang totoo—hindi na ako ‘yung dati. Pag-upo ko sa desk ko, nakita kong sarado pa ang blinds ng office ni Luther. Alam kong andun siya. Ramdam ko. Pero wala na ‘yung dati niyang presensiya—‘yung lakas ng aura niya na dati kong kinakatakutan pero ngayon ay hinaha
The morning after felt colder than the night we shared. Parang biglang tumigil ang oras sa pagitan naming dalawa. Kagabi, mainit, totoo, puno ng mga salitang hindi namin kayang sabihin. Pero ngayong umaga, puro katahimikan na lang. Pagpasok ko sa office, tahimik ang buong floor. Nandoon siya—Luther, the man who made my heart forget reason. Suot niya ang paborito niyang itim na suit. Walang bakas ng emosyon, walang ngiti. Parang ibang tao siya. “Good morning, sir,” sabi ko, halos pabulong. “Morning.” Dalawang pantig lang, pero parang libong tunog ng basag na salamin sa loob ko. Naupo ako at binuksan ang laptop. Pinilit kong magpaka-busy, kahit ang totoo, bawat tunog ng keyboard ay paalala ng boses niya kagabi. ‘You’re mine tonight.’ Ngayon, parang hindi na ako umiiral sa mundo niya. “Celene, my office,” sabi ng intercom. Kumalabog agad ang dibdib ko. Pagpasok ko, nakatalikod siya, nakatingin sa city view. “Sir?” “Sit,” utos niya. Tahimik. Ilang segundo ng katahimikan bago s








