Home / Romance / His Obsession, My Ruin / Chapter 9 – The Apology

Share

Chapter 9 – The Apology

Author: Makathalaya
last update Last Updated: 2025-10-31 11:41:57

Hindi ako nakatulog buong gabi.

Paulit-ulit lang sa isip ko ‘yung nangyari sa party — ‘yung sayaw, ‘yung mga tingin niya, at higit sa lahat… ‘yung mga salitang binitiwan niya sa veranda.

> “I’m trying not to want you. But I’m failing.”

Bakit kailangang sabihin niya ‘yon?

At bakit parang mas lalo lang akong nalito pagkatapos?

Habang nakahiga ako sa kama, nakatitig lang sa kisame, iniisip ko kung dapat ko bang iwasan siya — o kung kaya ko bang gawin ‘yon.

---

Kinabukasan, maaga akong pumasok sa office.

Mas maaga pa sa dati.

Gusto kong matapos lahat ng gawain bago siya dumating.

Pagbukas ko ng pinto, tahimik pa.

Binuksan ko ang laptop, sinimulan ang report.

Pero kahit anong pilit kong mag-focus, hindi ko maalis sa isip ko ang mukha ni Luther — ‘yung paraan ng pagtitig niya, parang ako lang ang nasa mundo niya.

“Celene?”

Napaangat ako ng tingin.

Nakatayo siya sa harap ng glass door ng office ko, nakasandal, hawak ang tasa ng kape.

Naka-itim na coat ulit, at sa ilalim ng malambot na liwanag ng umaga, parang masyado siyang perpekto para sa mundo.

“Sir,” sabi ko, mabilis na tumayo. “Good morning.”

“Luther,” paalala niya, mahinahon. “I told you, when it’s just us.”

Napakagat-labi ako. “Good morning, Luther.”

Ngumiti siya ng bahagya. “Good. Sit.”

---

Tahimik siya nang sandali.

Pinanood lang ako habang nag-aayos ako ng mga papel sa mesa.

Ramdam ko ‘yung mga mata niya sa bawat galaw ko, pero hindi siya nagsasalita.

Hanggang sa sa wakas, bumuntong-hininga siya.

“About last night.”

Napatigil ako. Ayan na.

“What about it?” tanong ko, kahit alam ko namang alam niya ang tinutukoy ko.

He leaned on the table, hands in his pockets.

“I shouldn’t have said those things,” sabi niya.

“Which part?”

He looked at me. “All of it.”

Napayuko ako, ngumiti ng pilit. “Okay. Noted.”

“Celene,” aniya, medyo may diin. “I’m serious.”

“So am I.”

“Don’t do that.”

“Do what?”

“Act like it didn’t affect you.”

Napatingin ako sa kanya. “Anong gusto mong sabihin ko, Luther? Na oo, naapektuhan ako? Na hindi ko rin alam kung ano ‘to? Kasi totoo ‘yon. Nalilito ako.”

Tahimik siya, tapos dahan-dahan lumapit.

“Then we’re both confused,” sabi niya. “But that doesn’t mean it’s wrong.”

---

“Hindi mo naiintindihan,” sabi ko, halos bulong. “Ikaw si Luther Montefalco. May mundo kang ginagalawan na hindi ko kayang salihan.”

“Then I’ll bring you into mine,” sagot niya agad.

“Hindi ‘yan ganon kadali!”

“Who said it was easy?”

Bumaba ang boses niya. Mababa. Mabigat.

“Celene, I’m not good at this. I don’t know how to say things gently. But last night, when I said I didn’t want to want you—”

He paused, parang nilulunok ang mga salita.

“I meant every word. And I hate that I did.”

Napatitig ako sa kanya.

“Bakit mo ako dinadala dito, Luther?” tanong ko. “Gusto mo akong lapitan, pero ayaw mo rin. You tell me to stay, then you pull away.”

Tumingin siya sa akin, matagal.

“Because you make me feel things I’ve spent years avoiding.”

---

Tahimik.

Ang mga salita niya, parang hangin na hindi ko alam kung gusto kong langhapin o takasan.

“Luther,” sabi ko, mahinahon, “I’m your employee.”

“I know.”

“You’re my boss.”

“I know that too.”

“Then why are you saying all this?”

“Because I can’t keep pretending anymore.”

---

Lumapit siya, halos isang hakbang na lang ang pagitan namin.

Tumingin siya sa akin — hindi sa paraan na mapanganib lang, kundi parang may halong sakit, parang may laban siyang hindi niya alam kung gusto pa niyang ipagpatuloy.

“I came here to apologize,” sabi niya.

“Then say it.”

He took a deep breath. “I’m sorry. For what I said. For how I acted. For making things confusing.”

Tumango ako. “Apology accepted.”

“Really?”

“Yes.”

Pero kita sa mukha niya na hindi siya kumbinsido.

“Then why do you look like you’re about to cry?”

“Because you don’t get it,” sagot ko, bigla kong naramdaman ‘yung bigat sa dibdib ko. “You make me feel something I shouldn’t. And every time you look at me like that, I lose a piece of myself trying to remember this isn’t real.”

---

Sandali siyang natigilan.

Then slowly, he reached out his hand.

Pero bago pa niya ako tuluyang mahawakan, umurong ako.

“Don’t,” sabi ko, mahina. “Please don’t make it harder.”

“Celene.”

“Luther, please.”

Tahimik. Walang gumagalaw.

Pero sa pagitan namin, may hangin na punô ng mga salitang hindi masabi.

“Do you want me to stop?” tanong niya, halos bulong.

“Yes,” sagot ko agad.

Pero sa sumunod na hininga, mahina kong idinugtong, “No.”

---

Ngumiti siya, mahina lang.

“That’s exactly how I feel.”

Napatitig ako sa kanya, at sa unang pagkakataon, hindi ko na kayang umiwas.

Ang mga mata niya, parang naglalaban — ang isip niyang sinasabing wag at ang puso niyang sinasabing gusto.

Lumapit siya. Mabagal. Deliberate.

Hanggang sa maramdaman ko na ‘yung init ng kamay niya sa braso ko.

“Luther—”

“Tell me to stop,” sabi niya ulit.

Pero hindi ko nasabi.

Kasi sa totoo lang, ayokong tumigil siya.

Ayokong matapos ‘yung sandaling ‘yon.

---

Hanggang sa marinig naming bumukas ang pinto.

“Sir, sorry to interrupt—”

Pareho kaming napatayo agad.

Si Anna, nakasilip, halatang nagulat.

“Ah… sorry po! Akala ko po—”

“It’s fine,” sabi ni Luther, kalmado pero halatang nagpipigil ng inis. “What is it?”

“Meeting po sa 10th floor, in five minutes.”

“Got it. I’ll be there.”

Pag-alis ni Anna, napahinga kami pareho.

“See?” sabi ko, mahina. “This is exactly what I’m trying to avoid.”

“Celene…”

“Wala na po. Let’s just forget it, okay?”

Tumingin siya sa akin, pero wala na akong lakas ng loob tumingin pabalik.

Kaya umalis na lang ako, tahimik, dala ang lahat ng hindi ko kayang sabihin.

---

Buong araw, hindi kami nagkibuan.

Meeting pagkatapos ng meeting, pero sa bawat pagkakataong magtatama ang mga mata namin, mabilis akong umiwas.

Alam kong ramdam niya ‘yon — ‘yung pag-iwas ko, ‘yung pagtakbo ko.

Pero kailangan kong gawin ‘yon.

Kasi kung hindi, baka tuluyan na akong mahulog.

---

Pag-uwi ko ng gabi, may email ako mula sa kanya.

Subject: “For what it’s worth.”

Binuksan ko.

> I meant my apology.

But I also meant what I said last night.

I’m not proud of how I’m handling this, Celene.

I’ve never been the kind of man who asks for anything.

But if there’s one thing I’m sure of, it’s this —

I don’t want you to walk away.

Not yet.

Hindi ko alam kung iiyak ba ako o matatawa.

Pero habang binabasa ko ‘yung email niya paulit-ulit, alam ko sa sarili ko —

kahit anong iwas ko, kahit ilang sorry pa ang sabihin niya…

this is only the beginning.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • His Obsession, My Ruin   Chapter 22 – The Unfinished Thread

    Baguio’s mornings never fail to calm me down. Madalas pa rin akong gumising nang maaga—hindi dahil may kailangan akong habulin, kundi dahil gusto ko lang maramdaman kung paano sumikat ang araw habang unti-unting binabasa ng hamog ang mga dahon. Tahimik. Mapayapa. Parang ang lungsod mismo ay humihinga kasama ko. Lumipas na halos tatlong buwan mula nang dumating ako rito. Akala ko sandaling pahinga lang, pero ngayon, parang dito ko na rin natagpuan ang sarili kong hindi ko kilala noon. May bagong ritmo ang buhay ko—simple, mabagal, pero totoo. Sa café, mas kabisado ko na ang mga regular na customer. Si Ate Mila na laging nag-o-order ng cappuccino tuwing 9AM. Si Kuya Ben na mahilig magbasa ng dyaryo sa sulok. At ‘yung mga estudyanteng dumadaan lang para sa mabilis na kape bago magklase. Lahat sila, parte na ng araw ko. At sa bawat “good morning” na binibigay nila, nararamdaman kong unti-unti kong nabubuo ulit. Pero kahit gano’n, may mga sandaling napapatigil pa rin ako. Kapa

  • His Obsession, My Ruin   Chapter 21 – The Return

    Ilang buwan na mula nang iwan ko ang Maynila, pero minsan parang kahapon lang ang lahat. Ang mga alaala, hindi naman talaga nawawala — humihina lang, tapos biglang babalik kapag tahimik na ulit ang gabi. Dito sa Baguio, nasanay na ako sa simpleng takbo ng araw. Gumigising ako bago sumikat ang araw, nagtitimpla ng kape, at tinitingnan kung paano nagiging ginto ang langit habang unti-unting bumababa ang hamog sa mga puno. Kung dati, bawat umaga ay umpisa ng panibagong stress, ngayon isa na lang itong mahinahong paghinga. Pero kahit anong gawin ko, may mga oras pa rin na nadidinig ko ang boses niya sa isip ko — kalmado, mababa, at pamilyar. “Focus, Celene.” “Relax.” “Look at me.” Napapailing ako tuwing naaalala ko ‘yon. Kasi kahit gusto ko na siyang burahin sa utak ko, parang kabisado na ng katawan ko kung paano siya pakinggan. “Celene!” tawag ni Tita Nora mula sa ibaba. “May delivery, baka gusto mong ikaw na mag-asikaso.” “Okay po, pababa na!” Bago ako bumaba, sinilip ko m

  • His Obsession, My Ruin   Chapter 20 – Unspoken Letters

    Baguio mornings always start with a chill that seeps through the skin. Kapag binubuksan ko ang bintana sa umaga, bumabati sa’kin ang hamog at amoy ng pine trees — malamig pero mapayapa. Sinasabi ng mga tao, ang lamig daw ay nakaka-linis ng isip. Pero sa totoo lang, kahit ilang araw na akong nandito, mainit pa rin sa loob ng dibdib ko. Kasi doon nakatira lahat ng alaala niya. Tatlong linggo na akong malayo sa Maynila. Sa una, masaya akong umalis. Ang sabi ko sa sarili ko, kaya ko ‘to. Magpapahinga lang, hihinga lang sandali. Pero habang tumatagal, nare-realize kong hindi pala madaling takasan ang mga bagay na hindi naman nakikita — tulad ng boses niya, o ng paraan niyang tumingin na parang siya lang ang nakakaintindi sa’kin. “Celene, kain ka na,” tawag ni Tita Nora mula sa kusina. “Susunod po,” sagot ko habang nagsusuklay sa harap ng salamin. Pagbaba ko, may mainit na sinangag, longganisa, at kape. Simple lang, pero sapat para mapangiti ako. “Ang tahimik mo pa rin ah,” sabi ni T

  • His Obsession, My Ruin   Chapter 19 – The Distance Grows

    Pagising ko kinabukasan, parang ang bigat-bigat ng hangin. Parang bawat paghinga ko may kasamang tanong na walang sagot. Kagabi, sinabi niyang “Go home, Celene”, at kahit ilang ulit ko nang binabalikan ‘yung boses na ‘yon, hindi ko pa rin alam kung paalam ba o pakiusap. Nag-shower ako, nagsuot ng damit na pinakapormal ko, pero kahit anong ayos, halata pa rin ‘yung lungkot. Pagharap ko sa salamin, hindi ko na makita ‘yung babaeng nakangiti habang nagta-trabaho sa ilalim ng isang demanding na boss. Ngayon, babae na akong natutong magmahal sa maling oras. Sa opisina. Tahimik. Lahat abala sa kani-kanilang report. Pagdating ko, ilang segundo lang, narinig ko ang tunog ng elevator. Si Luther. Nakasuot ng navy suit, seryoso, pero maputla. Parang hindi rin nakatulog. Hindi siya tumingin sa akin, at ako naman, pinilit kong huwag mag-react. Parang dalawa kaming estranghero na nagkakilala lang sa panaginip. “Celene, prepare the draft for the board,” sabi niya. “Noted, sir.” Porma

  • His Obsession, My Ruin   Chapter 18 – The Breaking Point

    The next morning, pagmulat ng mata ko, bigla kong na-realize kung gaano kabigat ‘yung gabi kahapon. Ang hangin sa paligid ko parang puno ng mga salitang hindi namin nasabi. Kahapon, halos magtagpo na ulit ‘yung mga labi namin, pero pareho kaming umatras — takot, pagod, at marahil ay parehong sugatan. Pag-alis ko sa condo, dala ko pa rin ‘yung bigat ng gabi. Yung lamig ng boses niya, yung titig na halos sabay humihingi ng tawad at nagpapaalam. Bakit ba kasi gano’n? Kapag malapit na, saka siya lumalayo. At kapag gusto kong lumayo, saka siya lumalapit. Pagpasok ko sa opisina, parang normal ang lahat. Mga empleyado abala sa kanya-kanyang trabaho, may tumatawa, may nagkakape. Ako lang ‘yung tahimik, pilit na normal, pero ang totoo—hindi na ako ‘yung dati. Pag-upo ko sa desk ko, nakita kong sarado pa ang blinds ng office ni Luther. Alam kong andun siya. Ramdam ko. Pero wala na ‘yung dati niyang presensiya—‘yung lakas ng aura niya na dati kong kinakatakutan pero ngayon ay hinaha

  • His Obsession, My Ruin   Chapter 17 – The Distance Between Us

    The morning after felt colder than the night we shared. Parang biglang tumigil ang oras sa pagitan naming dalawa. Kagabi, mainit, totoo, puno ng mga salitang hindi namin kayang sabihin. Pero ngayong umaga, puro katahimikan na lang. Pagpasok ko sa office, tahimik ang buong floor. Nandoon siya—Luther, the man who made my heart forget reason. Suot niya ang paborito niyang itim na suit. Walang bakas ng emosyon, walang ngiti. Parang ibang tao siya. “Good morning, sir,” sabi ko, halos pabulong. “Morning.” Dalawang pantig lang, pero parang libong tunog ng basag na salamin sa loob ko. Naupo ako at binuksan ang laptop. Pinilit kong magpaka-busy, kahit ang totoo, bawat tunog ng keyboard ay paalala ng boses niya kagabi. ‘You’re mine tonight.’ Ngayon, parang hindi na ako umiiral sa mundo niya. “Celene, my office,” sabi ng intercom. Kumalabog agad ang dibdib ko. Pagpasok ko, nakatalikod siya, nakatingin sa city view. “Sir?” “Sit,” utos niya. Tahimik. Ilang segundo ng katahimikan bago s

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status