"GIAN!"
Nanginginig ang katawan na napabaling si Gwen sa sumigaw na ginang, nasa bukana ito ng pinto at halos hindi maipinta ang hitsura. "Ano bang katarantaduhan ang ginagawa mo kay Gwen?" pasigaw muli nitong sabi. Tuluyan na itong lumapit sa kinaroroonan niya. Inalalayan siya nitong makatayo. "Are you okay, iha?" "O-opo," mahinang tugon niya. Kahit papaano ay nabawasan ang panginginig ng katawan niya. Bumaling ang ginang sa binatang tila hindi nabawasan ang galit sa kaniya. "Kailan ka pa natutong manakit ng babae, Gian? Hindi kita pinalaking walang galang sa babae!" sigaw nito na halos ikalabas na ng litid sa leeg nito. "Mom, ginalaw niya ang mga gamit ko!" ganting hiyaw ng binata. "Why? Is that gold? Or crystal na puwedeng nakawin?" Pinanlakihan nito ng mata ang binata. "Mom, you know naman na ayaw kong pinakikialaman ang gamit ko, hindi ba?" "Then, dapat ipinaintindi mo sa kaniya, hindi yung nananakit ka kaagad!" Umiwas ng tingin ang binata. Ibinalik nito ang picture frame sa mesa. "Tsk. Bakit kasi nandito ang babaing iyan?" "Anak..." Lumambot ang tinig ng ginang at hagya pang lumapit dito. "Napag-usapan na natin ito, hindi ba? I know, mahirap tanggapin ito para sa iyo, but this is the right thing. Makakalimutan mo rin si Zabrina." Nakita niya ang pagkuyom ng palad ng binata at mula roon ay nakonsensiya siya. She knows kung gaano kamahal ni Gian ang kaibigan niya. Kaya ngayo'y binabagabag siya ng konsensiya. Nagbaba siya ng paningin nang magawi sa kaniya ang mata nanlilisik na mata ng binata. Naramdaman niya ang paglapit ng ginang kaya't napaangat ang mukha niya. Ngumiti ito sa kaniya. "Gusto mong magmeryenda, iha? Halika muna sa labas." Hinila nito ang kamay niya palabas. May kung anong nag-udyok sa kaniya upang lingunin ang binata. Ngunit tulad kanina, matalim pa rin ang titig nito. Sadya yatang hindi na mawawala ang galit nito sa kaniya. Kagat-labi niyang binawi ang tingin sa binata. Habang naglalakad pababa sa hagda'y kinausap siya ng masinsinan ni Sylvia. "Pagpasensiyahan mo na, iha, ang aking anak. Alam mo naman siguro ang dahilan, hindi ba?" Marahan siyang tumango, "Oho. Naiintindihan ko. Ma'am Slyvia--" "Mommy, iha." Huminto ito't humarap sa kaniya. "Call me mommy. Magagalit ako sa iyo." Napilitan siyang tumango at ngumiti. Nagpatuloy sila sa paglalakad patungo sa dining room. May naabutan na silang pagkain roon at habang kumakain ay nagkukuwentuhan sila ng ginang. Ang sakit na natamo niya dahil sa ginawa ni Gian ay naglaho nang magkausap sila ng ginang. Masarap itong kausap na kung minsa'y napapahagikgik pa siya ng tawa. Lumipas ang araw. Sa ibang silid na muna siya pinatuloy ni Sylvia, iyon ay hiling niya. Nakasanayan na niya ang buhay roon. Sa umaga ay tumutulong siya sa gawaing bahay kahit ayaw ng ginang. Minsan din ay siya ang nagdidilig ng mga bulaklak. Nalaman niyang mahilig sa bulaklak ang ginang na ikinatuwa niya, mahilig din kasi siya sa bulaklak tulad ng ina niya. Halos hindi na niya namalayan ang paglipas ng araw. Nabagabag lang siyang muli nang banggitin ng ginang ang nalalapit na kasal nila ni Gian. Daig pa niya ang sinisilihan sa puwet nang dumating ang designer ng wedding gowm niya. Hindi niya maipaliwanag ang kaniyang nararamdaman. Oo't masaya dahil makapagsusuot na siya ng wedding gown na inaasam ng kababaihan, pero sa sitwasyon niya, hindi dapat siya magsaya. Tiyak niyang hindi magiging maayos ang pagsasama nila ni Gian. Tulad nang araw na iyon. May pinuntahan si Sylvia at mukhang ilang araw na mawawala, ayon sa ginang ay papunta ito sa Batangas dahil kaarawan ng pamangkin nito. Gusto sana nitong isama siya ngunit ayaw pumayag ni Gian, ayon dito ay may pupuntahan din silang party na kaibigan naman nito, ipapakilala raw siya nito bilang mapapangasawa nito. Hindi pala iyon totoo. Ang totoo pala ay aalilain lamang siya. Maghapon na siyang nakababad sa araw dahil sa pinalilinisan nito ang bakanteng lote na nasa likuran ng mansiyon. Gustuhin man siyang tulungan ng kasambahay ay ayaw pumayag ng binata. Tinakot pa nitong tatanggalin ito sa trabaho sa oras na magsumbong sa ginang. Pawis na pawis na siya, gutom at uhaw na rin. Ayon sa binata ay hindi siya makakakain o kahit makaiinom ng tubig hangga't hindi siya natatapos sa ginagawa. Nagkalat doon ang tuyong dahon na madali niyang natapos. Nagbunot din siya ng mga damo. Ang nililinisan na niya ngayon ay ang bakal na gate. Inisa-isa niyang kuskusin ang bawat himaymay ng kalawanging gate. Kailangan niyang pakintabin iyon dahil kung hindi ay ipapaulit iyon sa kaniya. Nanlalata na siya sa sobrang gutom at uhaw, idagdag pa ang init ng araw. Kalahati pa lamang ang kaniyang nalilinisan sa bakal na gate, maging ang semento na pinagkakabitan niyon ay kailangan din niyang kuskusin. Maghahating-gabi na nang matapos siya. Hinang-hina ang kaniyang katawan habang pumapasok sa mansiyon. Agad siyang sinalubong ng Tina at inalalayang makaupo. Nasa kusina na sila at handa na siya nitong ipaghanda ng pagkain. "Bakit hindi ka pa natutulog?" Sabay silang napapitlag nang maulinigan ang himig galit na boses ni Gian. "Katatapos lang ni Gwen--" "I know, Tina. At hindi siya ang tinatanong ko kundi ikaw!" "E, kasi ho, ipaghahanda ko siya ng makakain." Nagsalubong ang kilay nito. "Ano ba ang sabi ko sa iyo, Tina? Hindi ba't bilin ko ay huwag mo siyang pagsisilbihan dahil hindi siya ang amo mo. Now, go to your room or else tatanggalin kita!" ma-awtoridad nitong sabi. Tumingin muna sa kaniya si Tina na nginitian niya. "Okay lang. Pumasok ka na at magpahinga." Nang makaalis na ang katulong ay mabilis siyang tumayo ng tuwid. Daig pa niya ang estatwa habang naghihintay sa sasabihin ng binata. "Puwede ka nang kumain," sabi nito kasunod ang pagtalikod na ikinahinga niya ng maluwag. Bigla itong humarap muli na nagpatigil sa paghinga niya. "Bukas ng umaga, mamalengke ka, may darating akong mga bisita." Tumango na lamang siya at hinintay itong makalayo. Mabilis siyang uminom ng tubig, halos nakadalawang baso siya at pagkatapos ay kumain na rin. Kaunti lamang ang kinain niya, sapat na ang tubig sa kaniya . NAPAHINGA ng malalim si Gwen habang nakatunghay sa malaking salamin sa loob ng silid niya. Iyon na ang araw na itatali siya lalaking tila bato ang puso pagdating sa kaniya. Hindi pa man niya ito asawa ay marami nang naganap sa pagitan nila. Kapag wala ang ina nito'y madalas siyang sigaw-sigawan at pinagta-trabaho rin siya nito sa loob ng bahay kahit may katulong naman. Ngayon nga ang araw na kanilang pag-iisang dibdib. Napalingon siya nang marinig ang katok. Pumasok doon si Sylvia at Rosa na ina niya. Sabay na napangiti ang dalawang ginang nang makita ang ayos niya. Simple lang naman ang gown niya. Isa iyong off shoulder na abot hanggang sahig ang laylayan, may burda yari sa sequence ang bahaging dibdib niyon. Simple rin ang ayos niya. Light lang ang lipstick, pink blush on and eye liner lang ang nakalagay lang sa mukha niya. Ang buhok niya'y tinirintas at ginawang pabilog na animo'y nakapatong sa ulo niya. Nakasuksok doon ang belo na itatabing sa mukha niya, iyon ay kagustuhan ni Slyvia. "Ang ganda-ganda naman ng manugang ko!" puri ng ginang. "Hindi ba, balae?" "Mana kasi sa ina." Kapwa napahalakhak ang dalawang ginang sa harap niya na bahagya niyang ikinangiti. Kung nagkataon na bukal sa loob ang kasalang iyo'y tiyak na siya na yata ang pinakamasayang babae sa buong mundo, pero hindi. At kailangan niyang tanggapin ang consequences bilang asawa ng isang Gian M Collins. Hindi niya mapigilan ang pagbalong ng luha. Lihim niyang nakagat ang pang-ibabang labi, nagbabakasakaling mawapa iyon. "Let's go, iha." Tila ayaw niyang ihakbang ang mga paa patungo ng altar. Tanging siya lamang yata ang babaing ikakasal ng hindi masaya. Tanging siya lamang ang babaing ikakasal na may takot sa dibdib. Napasulyao siya sa paligid. Napakaganda ng pagkakaayos ng mga bulaklak sa paligid. Ang mga taong nakapalibot sa kaniya, isama pa ang kaniyang magulang ay nasa labi ang ngiti. Ngunit siya, kabaliktaran. Ang lalaking mapapangsawa niya, hayun sa harap ng altar, naghihintay sa pagdating niya ngunit alam niyang hindi rin ito masaya. Kung siya pa si Zabrina, baka abot-tainga ang ngiti nito. Titig pa lang nito sa kaniya'y para nang nasa hukay ang kaluluwa niya. Hanggang sa marating niya sentro ng simbahan ay hindi siya ngumingiti, ganoon din si Gian. Maging nang nangangaral ang pari. Hindi rin niya maintindihan ang sinasabi nito. Lumilipad ang utak niya. Nasa isipan niya na tumakbo palabas ng simbahan ngunit ayaw makisama ng paa niya. Natapos na lamang ang sermon ng pari na wla roon ang isipan niya. "You may now kiss the bride." Napakislot siya nang bigla siyang iharap ni Gian. Nangilabot siya sa paraan ng ngisi nito. Ipinaaalam niyon na dapat na siyang humanda. Itinaas nito ang belong tumatabing sa mukha niya. Napatitig ito sa kaniya na biglang nagpatahip ng dibdib niya. Unti-unti na nitong inilalapit ang mukha nito. Halos trumiple ang pagtahip ng dibdib niya. Hindi na halos siya makahinga. Pakiwari rin niya'y sila lang ang taong nandoon at wala siyang ibang naririnig kundi ang nagkukumawalang pintig ng kaniyang dibdib. Buong akala niya'y hahagkan siya nito sa labi tulad ng ibang ikinakasal kaya nang magtapat ang kanilang mga mukha ay napapikit siya. Ngunit mali pala ang nasa isipan niya. Idinait lang nito kabilang pisngi sa pisngi niya. "Welcome to hell paradise!" bulong pa nito, ngunit may kakaibang hatid iyon sa kaniya. Bigla siyang napamulat. Takot ang dulot niyon na lalong nagpakabog ng dibdib niya. Muli itong ngumisi nang humiwalay na sa kaniya. Halos pagpawisan na siya ng malapot sa sobrang kaba. Ninais na lang niyang mawala siya na parang bula upang makaalis sa sitwasyong iyon. Pero kahit anong hiling pa niya sa nasa Itaas, wala na siyang magagawa. Kasal na siya kay Gian at wala nang makapagpapabago nun."GOOD evening ladies and gentlemen. Hindi naman lingid sa inyo ang nangyaring insidente sa amin twenty-two years na ang lumipas. Isang trahedya kung bakit hindi namin nakasama ang aming panganay na si Andrei." Mangiyak-ngiyak na pinagmamasdan ni Gwen ang nagsasalitang asawa. Marami ang taong nakapalibot sa kanila, ang ilan doon ay mga employees, nandoon din ang board member at ilan sa matataas na namamahala sa kompanya nito kabilang na si Adrix, kasama nito ang asawang si Celly. Si Francis at ang mag-ina nito. Maging si Lance at Eunice, at lahat ng kaibigan nito. "Ipinagluksa namin at nadamay pa ang nag-aalaga dito. But unfortunately, dinala ang paa naming mag-asawa patungo sa katotohanan. Katotohanang buhay pa ang aming anak. Hindi ipinagkaloob ng Maykapal na mawala ang aming anak. May mabuting puso na nagligtas dito. And now, I am proud to introduce to all of you our long lost son Gian Andrei McCollins!" Umalingawngaw ang boses ni Gian sa malawak na bakuran ng mansyon, kasab
"SWEETHEART..." May pag-aalinlangan si Gwen, dapat ba niyang sasabihin sa asawa ang tungkol sa lalaki? "Yes, baby?" Patalikod siyang niyakap ng asawa. "Anong gumugulo sa isipan mo?" Paano nito nalamang may gumugulo sa isipan niya? Hindi agad siya sumagot, bagkus ay muling pinag-isipan kung ipaalam pa ba sa asawa. Dumampi sa pisngi niya ang labi nito, bumaba sa leeg. Kagat-labing pumikit siya. Nagtagal doon ang labi nito, paulit-ulit na h******n hanggang sa humantong sa balikat. 'Yon naman ang pinaglaruan nito. Kahit may edad na sila, active pa rin silang mag-asawa sa s*x. Walang palya si Gian at masaya siyang naibibigay dito ang pangangailangan bilang lalaki. "Teka..." Maagap niyang pinigilan ang pumapaloob nitong palad, pilit hinahalukay ang underwear niya. "Hindi pa ako nakakainom ng p*lls." Mula sa nanlalabong kamalayan ay naalala niya ang gabi-gabing ginagawa. Huminto ito sa ginagawa. Kapwa namumungay ang mata nang iharap siya nito. "Okay lang, baby. Hindi mo na kailanga
HINDI mawala-wala sa isipan ni Gwen ang lalaking nakabunggo sa kanila habang papunta sa comfort room. Ang imahe ng lalaki ay nakatatak na sa kaniyang isipan at para bang may hinahalukay sa kailaliman ng kaniyang puso. Bakit parang pamilyar ito sa kaniya? Kaya nama'y pilit niyang inaalala kung nakita na ba ito noon, pero wala siyang matandaan, isa pa'y ngayon lang sila nagawi sa lugar na 'yon. Sa tuwing pumupunta sila sa puntod ni Andrei ay bumabalik kaagad sila. Parang may nag-uudyok sa kaniya na alamin ang buhay ng lalaking 'yon. Ayon sa kasama niyang bata ay kuya nito 'yon, pero hindi tunay na kapatid. "Are you okay, baby?" Bumalik ang isipan niya sa reyalidad nang maramdaman ang init ng palad ng asawa. Kinurap niya ang mata at tumitig dito. May gusto siyang sabihin. Alam niyang kapag humingi siya ng tulong dito'y madali lang niyang malalaman ang tungkol sa lalaking 'yon, pero nagdadalawang-isip isip siya. "S-sweetheart--" Nabitin sa ere ang balak sanang sabihin. Bakit nga b
NAKANGITI si Gwen habang pinagmamasdan ang kaniyang kambal na masayang naglalaro. Dumaan pa sila sa bayan ng Valencia, ang nakakasakop sa lugar na pinangyarihan ng trahedya. Fiesta pala sa lugar na 'yon. Marami ang nakahilirang iba't ibang uri ng pagkain at mga damit, may kung anu-ano pang mga tinda na nasa gilid ng kalsada. Nasa palaruan sila. Gusto raw maranasan ng kambal na maglaro kasama ang mga batang kalye. "Taya!" sigaw ng isang batang babae nang mahuli nito si Gale. Tawang-tawa naman ang kaniyang anak. Inihanda nito ang sarili sa paghabol sa mga bata kasama na rin si Giselle. "Andiyan na ako!" Nagsipatakbo ang mga bata at kambal nito. Kasing-bilis ng hangin sa pagtakbo ang mga bata. Naiwan pa ng mga ito si Giselle, ngunit kahit ganoon ay makikita ang kasiyahan sa mukha nito. Ito ang pinunterya ni Gale. "They're both happy." Nilingon niya ang nagsalita. Lumapat sa baywang niya ang braso nito, maging ang labi ay naramdaman din niya. Isinandig niya ang ulo sa dibd
TWENTY-TWO YEARS LATER Nakamasid si Gwen sa kubo, walang dingding 'yon. Naliligiran ng iba't ibang klase ng rose at african daisy, ang lupa ay nalalatagan ng bermuda grass. May bakod na alambre at ang labas ay nagtataasang puno ang makikita sa labas. Nanginginig siyang pumasok. Ang lugar na kinaroroonan niya ngayon ay ang lugar na pinangyarihan ng insidente. Ang lugar na pinagkublihan nila nang hinahabol sila ni Larry. Ang lugar na kung saan ay kumitil sa walang muwang na buhay ng kaniyang anak na si Andrei. 'Till now, msakit pa rin sa kaniya ang sinapit ng kaniyang anak, hindi pa rin niya matanggap na maaga itong kinuha sa kanila ng Maykapal. Marahan siyang umupo, hinaplos ang lapida na kung saan ay nakasulat ang pangalan ng panganay niyang anak. Ngayon ang ika-twenty-two years na pagkawala ni Andrei. Sa tuwing sumasapit ang araw ng kamatayan ni Andrei ay nagtutungo sila sa lugar na 'yon. Binili rin ni Gian ang parteng 'yon para walang ibang makakapasok. Ilang taon na ang lumipas
"NO!" hiyaw ni Gwen. Nalaman niyang wala na nga ang kaniyang anak. Kasama itong sumabog sa kubo at si Nimfa. Nakaagapay sa kaniya ang asawa at maging ito ay luhaan din. Paulit-ulit din niyang naririnig ang paghingi nito ng tawad. "Baby... asawa ko. Patawarin mo ako." "No, Gian! Ibalik mo sa akin ang anak ko. Hindi ko kayang mawala siya. Please, ibalik mo siya," hagulgol niyang pakiusap sa asawa. Hagyang humiwalay ang katawan nito, sinapo ang magkabila niyang pisngi. "Kaya mo 'yan, kaya natin. Para sa isa pang nabubuhay sa 'yong sinapupunan, mahal ko. Magpakatatag ka, please." Unti-unti siyang nahimasmasan, napahinto sa pagwawala pero hindi pa rin maampat-ampat ang pagdaloy ng luha. May isa pa nga palang nabubuhay sa sinapupunan niya. Nahaplos niya ang wala pang umbok na puson. Pero, paano si Andrei? Ang kaniyang anak na hindi mawaglit-waglit sa isipan niya. "Anak ko..." palahaw niya. Muli siyang niyakap ng asawa. "Alam mo, mas nanaisin ko pang ang nawala ay ang ating anak