Share

Chapter 15.1

Warning!!

Kinagabihan, walang Masson ang nagpapakita sa bahay. Mabuti naman at ganoon dahil tahimik ang buhay ko. Nanonood ako ng palabas ng biglang bumukas ang pintuan. Nang lingunin ko kung sino ay nakita ko si Masson.

Tumayo ako para salubungin siya pero napahinto ng makita ang itsura niya. Mapula ang mukha at mapungay ang mga mata.

“Lasing ka?” tanong ko.

“Lasing? Nope.” Aniya at panay ang ngiti.

“No. Lasing ka e.” Pinagsingkitan ko siya ng mata at bahagyang lumapit sa kinaroroonan niya para amuyin siya.

Nalukot ang mukha ko ng maamoy ang alak sa kaniya.

Agad na nalukot ang mukha ko. Lalayo na sana ako ng bigla niyang hapitin ang bewang ko papalapit sa kaniya.

“Ang arte mo,” aniya at ngumiti pa. Sinubukan kong tanggalin ang kamay niya sa bewang ko pero mas hinigpitan niya ang pagkakayakap sa ‘kin.

“Bitaw Masson!” Sumimangot siya at umiling.

“Ayaw ko,” aniya. Sinamaan ko siya nang tingin. Tumingin ako sa mga mata niya. Pero napatigil nang makitang bumaba ang paningin niya
MeteorComets

To be continue....

| Like
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP
Comments (2)
goodnovel comment avatar
Lilia B. Montecillo
unlock please
goodnovel comment avatar
Lilia B. Montecillo
nakakakilig Ang istoria
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status