Nag-aagaw ang dilim at liwanag sa kalangitan at may isang batang babae na habol ang kanyang hininga at paika-ika na tumatakbo sa tahimik na kalsada. Panay ang tingin nito sa kanyang likuran na animo may kinakatakuan roon na nilalang na humahabol sa kanya.
Bawat bahay na kanyang mararaan kinakalabog nito ang gate upang makahingi ng tulong. Ngunit sa kasamaang palad ni isa roon walang nagbukas ng pinto sa kanya. Napanghinaan na siya ng loob pero hindi parin siya sumuko.Malakas na sunod-sunod na kalabog mula sa bakal na gate ang gumulat sa tatlong magkapatid na lalaki na masayang nagkukwentuhan. Noong una binalewala nila iyon sa pag-aakalang pinagtitripan lang ng mga batang dumaraan ang gate nila. Ngunit nang sumunod na sandali, sa muling paglagabog may tinig ng isang babae na itong kasama at tila ito ay nangangailangan ng tulong."Tao po!"Nanginginig bakas ng kanyang pag-iyak na sambit ng babae sabay p****k ulit sa bakal na gate. Nanghihina na siya. Kung tatakbo pa siya at maghahanap ng bahay na maaring makatulong sa kanya baka babagsak na siya sa daan."May bisita ba kayong inaasahan? " kunot-noo na tanong ni Don Emmanuel sa kanyang mga anak. Sabay na umiling ang tatlo at sabay ring tumayo upang tingnan kung sino ang tao sa labas ng kanilang bahay.Nabuhayan ng loob ang batang babae nang lumagitgit ang gate at unti-unti iyong bumukas. Tulala siyang napatingala sa tatlong gwapong lalaki na nasa kanyang harapan. Pakiramdam niya mga anghel ito na bumaba sa kalangitan upang siya ay iligtas sa kapahamakan."Ano ang kailangan mo, hija? At bakit ganyan ang hitsura mo? " usisa ni Don Emmanuel nang makita ang buong kalagayan ng babae.Doon lang siya natinag at ibinaling sa kaliwa ang tingin kung saan naroon si Don Emmanuel.Mariing napalunok ang batang babae bago nagsalita. "Maari ho ba akong mamasukan bilang katulong rito sa bahay niyo? ""Paumanhin ngunit hindi kami naghahanap ng katulong, " kaswal na sagot ni Javier ang panganay na anak ni Don Emmanuel habang sinisiyasat ang kabuuan ng babae.Napayuko ang batang babae sa sinagot sa kanya ni Javier. Iyon palang ang salitang narinig niya nawalan na siya ng pag-asa."Hindi kami tumatanggap ng katulong, hija. " usal ni Don Emmanuel. "Lalo na sa isang tulad mo na sa tingin ko ay isa kang minor de edad.""We don't need a maid. But we can help you right now, " mahinahon na wika ni Ethan naaawa sa batang babae."Maari ba naming malaman kung ano ang nangyari sayo? " ulit na tanong ni Don Emmanuel. "Bakit parang takot na takot ka at nanghihina? Marumi rin ang kasuutan mo at basa ka pa ng pawis. "Namumuo ang mga luha sa mata na muling umangat ng mukha ang babae. "L-lumayas ako sa amin.. Natatakot ako sa tatay ko kaya... " napasinghap sa gulat ang mag-ama nang lumuhod ang babae, luhaan ang mga mata na tumingala sa kanila. "Nakikiusap ho ako... Sinasaktan ako ng tatay ko gusto ko ng makalaya sa amin, " umiiyak na pagmamakaawa ng batang babae. "K-kanina pa ako kumakatok sa mga kabahayan rito nagbabakasali na pagbuksan nila ako at tulungan, " dismayado na umiling ang babae "pero isa sa kanila walang nagbukas... Kaya nagmamakaawa ako sa inyo-",Mabilis na lumapit si Enrico sa kanya at inalalayan na tumayo. " Hindi mo kailangan magmakaawa, "aniya at kinuha ang bag pack na bitbit nito. "Dad.. " nakikiusap ang boses na tawag niya sa kanyang ama."Halika sa loob, " ani Don Emmanuel. "Sa tingin ko ikaw ay gutom na at nauuhaw, " nakangiti na wika nito at sininyasan ang mga anak na alalayan ang batang babae na pumasok sa kanilang tahanan.Bago tuluyang pumasok sa loob ng tahanan ang batang babae, lumingon siya sa kanyang pinanggalingan at nakita niya ang isang matandang lalaki na nakatayo sa ilalim ng sinag ng ilaw na nagmumula sa poste ng kuryente. At ang matandang lalaki na iyon ay ang kanyang... Ama.Nang makapasok sila s loob ng mansyon, ipinaghain siya ng tatlong magkapatid ng hapunan. Akala niya siya lang mag-isa na kakain ng mga iyon ngunit nagulat siya ng dulumog rin sa hapag ang mga ito at si Don Emmanuel upang siya ay samahan na maghapunan.Nahihiya siya. Hindi siya makakilos ng maayos upang subuan ang sarili sa samo't saring emosyon na naramdaman. Ngunit nangingibabaw ang tuwa dahil sa wakas may mabuting tao rin na siya ay pinatuloy sa kanilang tahanan.Habang kumakain kinakausap siya ng buong pamilya at nagtatanong na rin tungkol sa kanyang pagkatao na sinagot niya rin ito ng walang pag-alinlangan."Ang pangalan ko po ay Nenita Quiniones. Ah, seventeen ho ang edad ko, " magalang na sagot niya rito."Kung hindi mo masamain, pwede ba namin malaman kung bakit sinasaktan ka ng tatay mo at kung bakit humantong ka sa paglalayas sa bahay niyo? " maingat na tanong ni Ethan sa kanya.Mariing napalunok si Nenita bago sumagot. "A-araw-araw niya ako sinasaktan sa tuwing uuwi ako galing eskwela... Ayaw niyang nag-aaral ako dahil dagdag raw sa gastosin namin. At saka kapag naka inom siya ng alak nakakatakot siya. Kaya ako lumayas sa amin dahil baka sa sunod na malasing siya mapatay niya ako. "Naawa si Don Emmanuel kay Nenita. Bilang isang ama masakit para sa kanya na marinig sa isang musmos na bata na sinasaktan ito ng kanyang magulang. He maybe a ruthless husband before ngunit kahit isang dapo ng palad niya sa puwet ng kanyang mga anak para paluin ang mga ito never niyang nagawa."Kung iyan ang dinaranas mo sa bahay niyo araw-araw maigi nga ay dumito ka, " ani Don Emmanuel na ikinatigil ni Nenita. "Wag kang mag-alala dahil sa pamamahay na ito ay ligtas ka. Walang mananakit sayo dito. Walang may gagawa ng masama sayo rito.""You can leave here anytime you want, " kibit-balikat na saad rin ni Enrico at patay malisya na nagpatuloy sa pagkain."Yeah. Since matagal na rin na walang babae sa pamamahay na ito much better kung dumito ka nga, " sabat ni Ethan."Kailangan mo ng bahay na masilungan, you're welcome here. Hindi lang masilungan ang ibibigay namin sayo kundi tiyakin rin namin ang kaligtasan mo lalo na sa iyong ama, " wika ni Javier at masuyo siya nitong nginitian."S-salamat ho sa pagtanggap niyo sa akin, " lumuluha sa tuwa na usal ni Nenita. "Pangako, hindi ako maging pabigat at sakit sa ulo. Gagawa rin ako ng trabaho kahit itong buong mansyon niyo pa ang lilinisin ko buong araw. "Nakangiti na marahang umiling si Don Emmanuel. "Malaya ka kung ano ang gawin mo dito sa bahay namin. Welcome to Montefalco family, Nenita.""Maraming salamat ho. "Buong puso na nagpapasalamat si Nenita na mayroon pang mabuting tao na kagaya nila na walang atubiling tinanggap siya at tinulungan. Kung nagkataon na walang bahay na nagbukas sa kanya hindi niya alam kung ano ang kahinatnan niya ngayon.Sa ngayon, nais niyang ipakita sa pamilyang ito ang totoong kalagayan niya. Na hindi lang siya nagpapaawa o gumagawa ng kwento. Maging mabuti upang pagkatiwalaan siya ng mga ito at hindi siya paalisin sa kanilang pamamahay.——————Graving will always hits you. Later on, you're okay; you're accepting that someone will never be with you anymore. But, on the other side you miss them, and hope that they are still with you, celebrating the small wins in your life.“Ikakasal na ako," saad ni Nenita habang hinahaplos ang lapida ng ina. “Sorry ngayon lang ako nakadalaw. Ngayon lang lumakas ang loob ko. Nito ko lang natanggap ng buo ang lahat ng nangyari. Thank you, “ she started to cry. " Thank you sa lahat ng mga sinakripisyo mo, sa pagmamahal mo.”She's getting emosyonal again. Pero maayos na siya. Tanggap na niya. Naiiyak lang siya dahil isa sa mahalagang tao sa buhay niya ang wala sa araw ng kasal niya. “Sa susunod na pagbalik ko, kasama ko na ang lalaking mahal ko. Ipakilala ko siya sayo." PINAG-ISIPAN, pinagplanuhan niya ito ng maigi. Nang maka uwi sa kanilang bahay kinausap ni Nenita ang mga magulang.“Hihingi sana ako ng tulong sa inyo, ‘tay." Aniya at sinabi sa mga ito kung ano ang dahilan bakit siya humin
Hindi pa nila napag-usapan dalawa kung kailan ang kanilang kasal. Sinusulit pa nilang dalawa ang pagiging mag-fiance nila. Sinusulit pa nila ang mga araw na wala pa silang ibang responsibilidad kundi ang bawat isa. They always go on date. Mamasyal kung saan nila gusto. At ang paborito nilang gawin, is to travel. So, King decided to transform his car into a camping house car to tour around the beautiful places here in Philippines—that's their goal. And soon, when King can walk again, iikutin nila ang buong mundo kasama ang kanilang mga anak. Salitan silang dalawa ni Nenita sa pagmaneho. They were both happy and enjoy. King planned where to propose Nenita again. He wanted to make it something special and memorable for both of them. “Parte pa ba ito ng Sagada?" Tanong niya kay King dahil ngayon lang siya napadpad sa lugar na ito. Paakyat sila sa matarik sa lugar. Ang daan ay napalibutan ng mga nagtataasang pine trees at iba't ibang uri ng mga kahoy. Hindi naman mukhang nakakatakot
“Ang dami mong call sign sa’kin. Tangina mo ka!" Naiiyak na pinalo ni Nenita ang balikat ni King.Paano pa siya iiwas at pagtakpan ang tunay niyang naramdaman kung may pagbabanta ng sinabi si King sa kanya? Wala parin siyang kawala kung lalayo siya at magtago. Tama rin ang mga sinabi ni King, kung patuloy siyang magpadala sa takot at pagdududa siya lang rin ang masasaktan at mahihirapan. Parehas silang dalawa ng nararamdaman, nang gustong mangyari, at wala na ring hadlang, ngayon pa ba nila sukuan ang bawat isa?King chuckled ang gigglingly hugged Nenita. “Ano ang bumabagabag sayo bakit hindi mo masabi sa akin na mahal mo ako?" King asked in sweetie's way.Kusa siyang binitawan ni King. Hindi na pumalag ai Nenita nang ipagsiklop ni King ang kanilang mga palad. Habang tinitingnan niya si King, kung paano ito magmaka-awa sa kanya, paano ito umiyak sa harap niya at ipakita ang tunay na siya, napagtanto ni Nenita na ang swerte niya dahil may King sa buhay niyang mahal na mahal siya.H
Malinaw ang sinabi niya kay King na wala silang relasyon dalawa, tapos na ang ugnayang mayroon sila noon kaya wala siyang ibang maisip na dahilan bakit panay ang pag punta ni King dito sa bahay nila kundi ang tungkol sa ama niya.She's prepared for this. Pero ngayon na nandito na siya sa sitwasyon bigla siyang naduwag, bigla siyang natakot sa maaring kahinatnan ng kanyang ama. But, how about King? What about the fear, trauma and being person with disability for the rest of his life kung hindi niya makuha ang hustisya sa sarili at pagbayarin ang taong sumira ng buhay niya?It's not fair. Hindi makatarungan kung hahayaan na lang iyon at kalimutan.Huwag lang marinig ni Nenita na dahil sa pagmamahalan ni King sa kanya kaya nagbago ang kanyang desisyon. Dahil ayaw niyang gawin na dahilan ang sarili para lang maudlot ang katarungang dapat makuha ni King.Sa bakuran niya natagpuan si King. Ka aalis lang ng mga magulang niya at kapatid, siguro upang mabigyan sila ni King ng oras na makausap
“Nak, mag iisang oras ka na diyan hindi ka pa ba tapos maligo?" Wika ni Fatima habang kinakatok ang pintuan ng kwarto ni Nenita. “Papasok ako ha." Naka upo sa gilid ng kama, tulala si Nenita sa kawalan habang tuwalya lang ang tanging sapin sa katawan. Mukhang kanina pa ito tapos maligo dahil tuyo na ibang parte ng buhok nito.Fatima crossed her arm. Sumandal siya sa nakasaradong pinto, nakataas ang isnag kilay at nanunuri ang tingin kay Nenita. “Nagdadalawang-isip ka ba na magpakita sa kanya o kung hindi ka makapili ng damit na susuotin mo?" Pabagsak na humiga sa kama si Nenita. Wala siyang pakialam kung lumihis man ang tuwalya niya sa hita at makita ng nanay niya ang hindi dapat makita. “Wala sa choices, Nay." Ngunit ang totoo, nahihiya siyang magpakita kay King nang maalala ang mga nangyari noong isang araw. Ang mga pagyakap niyang daig pa ang linta kung lumingkis.“Okay, sabi mo e. Kaya pala ako nandito dahil aalis kami ng tatay mo." Umangat ang ulo ni Nenita upang silipin ang
Bumitaw ng yakap ang mag-asawa nang makita si Nenita na tumatakbo palapit sa kanila na walang sapin sa paa. Umiiyak ito.“Anak, bakit—”Naputol ang dapat na sasabihin ni Hernan nang salubungin siya ng mahigpit na yakap ni Nenita at doon humagulgol sa bisig nito. Malungkot, naaawa kay Nenita na nagkatinginan ang mag-asawa ngunit kalaunan parehas nila itong niyakap.Tanging iyak lang ang nagawa ni Nenita. Nawalan siya ng sasabihin sa nabasa niyang sulat galing sa ina. Ngayon, malinaw na sa kanya ang lahat. Nasagot na ang tanong na dapat niyang marinig. Wala ng kulang. Wala ng espasyo at puwag sa puso niya. Finally, sa mahabang panahon na puno siya ng pagkukulang, naging buo na rin ang pagkatao niya.“Tay…” umaatungal niyang tawag sa ama. Panay naman ang pagpapatahan ni Hernan habang nasa tuktok ng ulo ni Nenita ang labi at yakap ito ng mahigpit—yakap ng isang ama na ramdam mong ligtas ka." Tay, nasagot na ang lahat ng mga tanong ko,” puno ng luha ang mata na tiningala niya ang ama.